You are on page 1of 4

Noon pa ma’y nakasanayan na ng ating mga ninuno ang gawing batayan ang mga

pamahiin upang maging gabay at magsilbing tulong sa kanilang buhay sa pang araw-araw,

maging ang pagkapit sa kanila ng suwerte at pag-iwas sa kamalasan ay sa pamahiin pa rin nila

binabatay. Ngunit ano nga ba talaga ang pamahiin? Bakit may mga pamahiin? Ang karamihan

sa mga pamahiin natin, sa kabuuan, ay udyok ng, o nakabatay sa, paghahangad ng isang

maunlad at mapayapang pamumuhay.

Ang mga pamahiin o paniniwala ay isang uri ng panitikan na pasalitang isinalin ng mga

matatanda noong unang panahon sa mga sumusunod na henerasyon. Nagpapabago ito ng

sistema ng pagpapahalaga ng mga tao at maging ng kanilang kultura. Karaniwang sinasalamin

nito ang mga kaugalian, tradisyon, at gawi ng isang pangkat, na kung saan maaaring ibatay sa

relihiyosong paniniwala, opinyon, luma man o popular na mga gawi. Nagsasaad din ito kung

papaano ang tao ay maaaring tumingin sa mga di-pangkaraniwang nilalang. Masasabing ang

iba’t ibang pamahiin ay kakambal na ng pagiging isang Pilipino na hindi maihihiwalay ang

mga paniniwalang ito na nagpapakita ng mga gawain, kultura at mga kasanayan na maaaring

maglarawan sa isang Pilipino. Ayon kay Kohler, ang pamahiin ay isang hindi makatwiran o

di-maka-siyentipikong paniniwala tungkol sa papel na ginagampanan ng phenomena sa mundo

at ang paniniwala na ito ay nabuo batay sa imitasyon o sinasamahan ng (kadalasan) na

masamang pagnanasa. Ang pamahiin ay isang paniniwala o pag-iisip na walang pang-agham

na suporta at ito ay tungkol sa isang bagay, sitwasyon, kaganapan o espesyal na batas na

nagbabanta.

Sa sobrang tanda na ng kultura ng pamahiin, hindi na matutunton pa ang pinagmulan ng

katagang madalas na marinig: “Wala namang mawawala.” Ang mga pamahiin ay ang mga

paniniwalang walang batayan hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang kinalaman sa isa’t
isa ngunit mayroon itong malaking epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sinasabi ni Dr.

Florentino Hornedo, na isinipi nina Gonda at Malacapo, (2012) na ang pamahiin ay isa lamang

paraan ng mga tao noon upang bigyang paliwanag ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid,

sapagkat noon ay wala pang sapat na kaalaman ang mga tao sa lipunan sa mga bagay na may

kinalaman sa agham. Sinasabi nito, na ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala at

ito ay naging panunturan ng pang araw-araw na buhay ng ibang tao pati na rin ang pagiging

babala nito sa bawat gawain, plano o hangarin sa buhay.

Ang mga Pilipino ay naturingan bilang mga mapamahiing tao. Noon pa man, nakasanayan

na ng mga Pilipino ang gawing batayan ang mga pamahiin upang maging gabay sa kanilang

pamumuhay sa araw-araw. Ang mga katutubong paniniwala ay bahagi na ng ating

pagkakakilanlan at kultura bilang Pilipino. Ayon kay Oblena, (2008) ang pamahiin ay isang

gabay o batayan, na sa tamang paggamit ay maaaring magbigay ng magandang kapalaran,

lakas ng loob o dagdag na paniniwala sa iyong sarili. Likas sa mga Pilipino ang may malaking

paniniwala sa mga pamahiin. Ito ay isang malaking bahagi na ng kultura na

nakakaimpluwensya sa mga pananaw at iba’t ibang pangyayari sa ating buhay.

Ang mga pamahiin ay isang malaking bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa layo nang

narating ng sibilisasyon ay nagkaroon ang bawat isa ng iba pang paniniwala na minsang

nagpapalayo sa mga kinagisnang pamahiin. Dahil sa modernisasyon at patuloy na pagbabago

ng mundo, naiimpluwensyahan ng maraming bagay ang isipan ng nakararami at hindi

nabibigyang pansin ang mga sinaunang paniniwala o pamahiin. May mga bagay na hindi natin

mabigyan ng isang kumpleto at detalyadong eksplanasyon, ngunit ito pa rin ay ating

tinatanggap at sinusunod. Sabi nga nila walang masama kung hindi natin susundin. Isa na itong

bahagi ng ating pagka-Pilipino at naging parte na rin ng ating kultura kaya marapat lamang na
ating pahalagahan. Sa kabila ng pagbabago sa ating mundo, lahat ay may nakalaan na

paliwanag, lahat ay may siyentipikong eksplanasyon, subalit ang bagay na ito ang tanging

sumasalamin sa yaman ng ating kultura. Wala mang basehan at kung ang lahat ng ito ay may

katotohanan o nagkakataon lamang sa buhay ng tao. Hindi man kapani-paniwala ang mga

kasabihan na ito ay walang masama o mawawala kung susundin ito.

Ang konsepto sa sarili ay tumutukoy sa paraan ng mga tao na makita ang kanilang sarili

at iniisip ang kanilang sarili. Mula sa isang perspektibo sa pag-unlad ang konsepto ng sarili ay

nagbabago sa isang konteksto sa lipunan kung saan ang mga iba ay nagbibigay ng feedback

tungkol sa mga pagkilos. Ang konsepto sa sarili ay nagsasangkot sa pagkakaroon ng sarili, na

siyang pagsasakatuparan ng pagiging isang hiwalay na nilalang, at ang katawang sarili, na

kung saan ay ang kakayahan na ilagay ang sarili sa mga kategorya, tulad ng edad, kasarian,

kasanayan o sukat.

Ang sarili ay ang humanistic term para sa kung sino talaga tayo bilang isang tao. Ang

sarili ay ang aming panloob na pagkatao, at maaaring idugtong sa kaluluwa. Ang sarili ay

naiimpluwensyahan ng mga karanasan ng isang tao sa kanilang buhay, at ang mga

interpretasyon ng mga karanasang iyon. Ang dalawang pangunahing pinagmumulan na

nakakaimpluwensya sa konsepto sa sarili ay mga karanasan sa pagkabata at pagsusuri ng iba.

Ang konsepto sa sarili ay ang imahen o paglalarawan sa sarili. Paniniwala ng

indibidwal tungkol sa kanyang sarili, kabilang ang mga katangian ng tao at kung sino at ano

ang sarili. (Baumeister, 1999). Ito rin ay maaaring tumutukoy bilang isang malawak na

kamalayan na mayroon ka sa iyong sarili sa nakaraan; ang kamalayan na mayroon ka sa iyong

sarili sa kasalukuyan, at ang mga inaasahan mo sa iyong sarili sa isang hinaharap na oras.

Nabubuo ito sa pamamagitan ng sariling pananaw batay sa mga kaalaman at mga


impormasyong nalikom. Paraan kung saan nakikita ng isang indibidwal ang kanyang sarili. Isa

rin itong paraan ng pagsisimula na maunawaan ang sosyal na mundo na may kaugnayan sa

kanilang sarili. Ang bawat paniniwala ay nakabatay sa isang tao o kung paano niya ito

naiintindihan mula sa kanyang mga karanasan, kaisipan at sariling pananaw. Karaniwang

tinutukoy ang konsepto ng sarili bilang pangkalahatang kolektibong pananaw ng isang tao sa

kanilang sarili sa maraming multidimensional na hanay ng mga tiyak na persepsyon ng domain,

batay sa kaalaman sa sarili at pagsusuri ng halaga o halaga ng sariling mga kakayahan na nabuo

sa pamamagitan ng mga karanasan at interpretasyon ng kapaligiran. (Byrnes, 2003; Eccles,

2005; Snow et al., 1996).

You might also like