You are on page 1of 83

UNIBERSIDAD NG MAPUA

Pag-aaral patungkol sa Paniniwala sa mga Pamahiin at


Pagtuklas sa Epekto nito sa Paggawa ng mga Desisyon ayon sa
Pananaw ng mga Mag-aaral sa Unibersidad ng Mapúa Senior
High School T.P 2020-2021

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Uri ng Teksto Tungo sa


Pananaliksik
(FIL02)
Taong Aralan 2020-2021

Mga Mananaliksik:
Arcilla, Sheena
Garcia, Marcel Andre S.
Gonzales, Nygel Alexiz S.
Manuel, Nordel Joseph A.
Neri, Lauren F.
Ong, Gilbert T.
Tan, Chlarisse Gabrielle S.

Accountancy, Business,and Management


IA101

Iniharap kay:
Bb. Angie Mae H. Rivera
Mayo, 2021

1
1

UNIBERSIDAD NG MAPUA

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang bahagi ng kahingian sa asignaturang FIL02, ang

pananaliksik na pinamagatang, " Pag-aaral patungkol sa

Paniniwala sa mga Pamahiin at Pagtuklas sa Epekto nito sa

Paggawa ng mga Desisyon ayon sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa

Unibersidad ng Mapúa Senior High School T.P 2020-2021 " ay

inihanda ng Pangkat 3 na binubuo nina Sheena Arcilla, Marcel

Andrei S. Garcia, Nygel Alexiz S. Gonzales, Nordel Joseph A.

Manuel, Lauren F. Neri, Gilbert T. Ong, at Chlarisse Gabrielle

S. Tan mula sa seksyong IA101 ng Mapúa University Senior High

School. Ang papel na ito ay iprinisenta at binuo sa taong-

aralang 2020 - 2021.

Ito ay pinatutunayan at tinatanggap ni:

________________________

Bb. Angie Mae H. Rivera

Guro sa Pananaliksik

2
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Pasasalamat

Taos pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa

pagkakaroon ng pagkakataon na maisagawa ang pananaliksik na

ito na pumapatungkol sa paniniwala sa mga pamahiin maging ang

mga epekto nito sa pagbuo ng desisyon sa mga mag-aaral na

nasa ika-11 na baitang ng Unibersidad ng Mapúa. Sa matagumpay

na pagwawakas ng pananaliksik na ito, ninanais ng mga

mananaliksik na gamitin ang pagkakataong ito upang

magpasalamat sa mga sumusunod:

Unang-una para sa kanilang minamahal na magulang at

kamag-anak, na walang humpay na sumusuporta, gumagabay, at

nananalangin upang maisagawa lamang ang pananaliksik na ito;

Pangalawa, para sa kanilang mga kaibigan na palaging

nariyan upang sila ay pakinggan, patnubayan, bigyan ng payo,

mga iilang ideya at lakas ng loob upang maisagawa ang

pananaliksik na ito;

Pangatlo ay para sa kanilang propesor na si Bb. Angie

Mae H. Rivera na isa ring guro sa FIL02 – ang pagbasa at

pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Laking

pasasalamat ng mga mananaliksik sa kanilang guro gawa ng

nabigyan sila ng pagkakataon upang maisagawa at maipagpatuloy

ang ganitong paksa ng pananaliksik. Ngunit higit sa lahat ay

3
UNIBERSIDAD NG MAPUA

para sa kanyang pagbigay ng suporta, gabay, at tiwala sa mga

mananaliksik na maisasagawa ito ng matagumpay;

Pang-apat, para sa mga respondents mula ika-11 na

baitang ng Unibersidad ng Mapúa na naglaan ng oras upang

masagutan ang sarbey, lubos ang pasasalamat ng mga

mananaliksik sa mga taong iyon dahil sa kanilang

partisipasyon dahil ginawang basehan ng mga mananaliksik ang

kanilang mga kasagutan upang mas labis na mapalawak ang

kanilang nakakalap na impormasyon ukol sa napiling paksa;

At ang panghuli, para sa mga mananaliksik sa pag-aaral

na ito dahil sa karagdagang kontribusyon ng pananaliksik na

maaari gawing gabay at ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga

susunod na henerasyong mananaliksik.

Muli, Lubos na nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa

inyong lahat.

4
UNIBERSIDAD NG MAPUA

TALAAN NG MGA NILALAMAN


Pamagating Pahina……………………………………………………………………………………………… 1
Dahon ng Pagpapatibay…………………………………………………………………………………… 2-4
Talaan ng mga Nilalaman……………………………………………………………………………… 5-6

Kabanata 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN


Panimula …………………………………………………………………………………………………………………… 7-8
Layunin sa paghahain ng naturang Pananaliksik …………………………… 9-10
Kaligirang Kasaysayan ………………………………………………………………………………… 10-12
Batayang Teoretikal ……………………………………………………………………………………… 12-14
Batayang Konseptwal ……………………………………………………………………………………… 15-16
Paglalahad ng Suliranin …………………………………………………………………………… 16-17
Haypotesis ……………………………………………………………………………………………………………… 17-18
Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………………………………………………… 18-19
Saklaw at Limitasyon …………………………………………………………………………………… 20
Katuturan ng Salitang Ginamit …………………………………………………………… 20-22

Kabanata 2: KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura …………………………………… 23-32

Kabanata 3: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


Pamamaraan ……………………………………………………………………………………………………………… 33
Populasyon at Deskripsyon ng mga kalahok ……………………………… 33-34
Paraan ng Pagpili ng Kalahok ……………………………………………………………… 34
Instrumentong Ginamit ………………………………………………………………………………… 34-35
Paraan ng Pangangalap ng Datos ………………………………………………………… 35
Uri ng Estadistikang Ginamit ……………………………………………………………… 36

Kabanata 4: RESULTA AT DISKUSYON …………………………………………………… 37


Talahanayan at Pigura 1.1 ……………………………………………………………………… 38
Talahanayan at Pigura 1.2 ……………………………………………………………………… 39-40
Talahanayan at Pigura 1.3 ……………………………………………………………………… 40-41
Talahanayan at Pigura 1.4 ……………………………………………………………………… 42
Talahanayan at Pigura 1.5 ……………………………………………………………………… 43-44
Talahanayan at Pigura 2.1 ……………………………………………………………………… 44-45
Talahanayan at Pigura 2.2 ……………………………………………………………………… 46-47
Talahanayan at Pigura 2.3 ……………………………………………………………………… 47-48
Talahanayan at Pigura 2.4 ……………………………………………………………………… 49-50

5
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Talahanayan at Pigura 2.5 ……………………………………………………………………… 50-51


Talahanayan at Pigura 3.1 ……………………………………………………………………… 51-54
Talahanayan at Pigura 3.2 ……………………………………………………………………… 55-56
Talahanayan at Pigura 3.3 ……………………………………………………………………… 57-58
Talahanayan at Pigura 3.4 ……………………………………………………………………… 59
Talahanayan at Pigura 3.5 ……………………………………………………………………… 60

Kabanata 5: LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON


Lagom …………………………………………………………………………………………………………………………… 61-65
Konklusyon ……………………………………………………………………………………………………………… 65-68
Rekomendasyon ……………………………………………………………………………………………………… 68-70

SANGGUNIAN ……………………………………………………………………………………………………………… 71-74

MGA APENDIKS
Liham para sa Sarbey …………………………………………………………………………………… 75-76
Talatanungan ………………………………………………………………………………………………………… 77-82

6
UNIBERSIDAD NG MAPUA

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

PANIMULA

Ang kultura ay sumasalamin sa mga gawain, paraan ng

pananalita, pag-iisip, at damdamin ng isang indibidwal na

nagtataglay ng iniingatang kultura, ngunit sa paglipas ng panahon

unti-unting nawawala ang mga kaugalian. Ang pamahiin ay matagal

nang parte ng kultura at tradisyon na pinaniniwalaan ng mga

Pilipino. Nagsimula ito noong sinaunang panahon pa lamang, dahil

ginamit ito ng mga ninuno upang mag-silbing gabay sa kanilang pang

araw-araw na pamumuhay. Nabuo ang konsepto ng pamahiin noon

dahil wala pang sapat na kaalaman ang mga Pilipino sa mga bagay na

hindi nila mabigyan ng eksaktong paliwanag kaya’t nilalagyan na

lamang nila ito ng sariling interpretasyon. Dahil sa mga paniniwala

at interpretasyong ipinamana ng mga ninuno, ito ay nagbunga ng

maraming pamahiin at naipasa ito sa mga sumunod na henerasyon.

Dagdag nito ay nagkaroon ito ng malaking impluwensiya sa parte ng

buhay ng tao kaya’t patuloy na pinaniniwalaan ito ng mga Pilipino

maging sa kasalukuyan.

Karaniwang sinasalamin nito ang mga kaugalian, tradisyon, at

kultura ng bawat pangkat, kung saan ibinabatay ito ng iba sa

7
UNIBERSIDAD NG MAPUA

relihiyosong paniniwala, opinyon, at karanasan. Nakagawian na ng

mga Pilipino ang maniwala sa mga pamahiin luma man o bago, at dahil

sa mga pasalin-dila ay nagkaroon na rin ito ng koneksyon at naging

kaakibat na ng mga kultura at tradisyon kaya’t nagkaroon ito ng

epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Nagkaroon din ng malaking

impluwensiya at gampanin ang pamahiin sa pagdedesisyon ng mga

Pilipino sa kanilang mga buhay.

Hindi maikakaila na nag-iba na ang panahon ngayon at nagbago

na rin ang mundo na ginagalawan ng nakararami. May mga kultura at

tradisyon na hindi na gaano pinaniniwalaan o isinasagawa dahil

kalakip ng pagbabago ng mundo ay nagbabago na rin ang

mga henerasyon at kanilang paniniwala. Sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito ay susukatin ng mga mananaliksik kung may

malaking ginagampanan pa ba ang mga pamahiin sa pinaniniwalaan ng

mga kabataan ngayon at kung paano nito naapektuhan ang pagbuo ng

maliliit o malalaking desisyon sa kanilang buhay.

8
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Layunin sa paghahain ng naturang Pananaliksik:

Ang ilan sa mga magiging batayan ng pananaliksik na ito

ay kaugnay sa napiling paksa na “Pag-aaral patungkol sa

Paniniwala sa mga Pamahiin at Pagtuklas sa Epekto nito sa

Paggawa ng mga Desisyon ayon sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa

Unibersidad ng Mapa Senior High School T.P 2020-2021” ay ang

mga susumunod:

1. Nais matukoy ng mga mananaliksik ang iba’t ibang aspekto

ng paniniwala sa pamahiin ng kasalukuyang henerasyon

bilang parte ng pang araw-araw na pamumuhay maging sa

pagpasok nila sa eskwela.

2. Ninanais ng pananaliksik na ito na mabatid kung may

kinalaman pa ba sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Mapùa,

partikular sa mga Gr.11 Senior High School ang mga

nakaugaliang pamahiin ng mga ninuno noon.

3. Naglalayong malaman kung nais pa ba ng mga mag-aaral ng

Unibersidad ng Mapùa na ipagpatuloy ang nakagawian na

paniniwala o dapat ba itong wakasan na.

9
UNIBERSIDAD NG MAPUA

4. Nais na suriin at mailahad ang mga datos at impormasyon

na nakalap sa pananaliksik na ito bilang parte ng pag-

aaral nang makapagbigay linaw at dagdag kaalaman sa

makabagong henerasyon.

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kultura ng mga

Pilipino ang pagkakaroon ng paniniwala sa mga pamahiin, dahil

dito ay unti-unting pinag-aaralan ang pag-usbong at relasyon

ng mga paniniwala sa mga konsepto na binubuhay ng ilang

mananaliksik. Ang pamahiin ay isa sa mga mahalagang kulturang

binigyang-pansin upang maipakita ang pagpapahalaga sa

pagiging isang Pilipino. Sa haba ng panahon na pananakop ng

iilang bansa sa Pilipinas ay nagkaroon ng pag-usbong sa

pinaghalo-halo o iba’t ibang paniniwala. Naimpluwensiyahan ng

paniniwala na ito ang maraming bagay maging ang kaisipan ng

nakararami na tila ba hindi na nabigyang-pansin ang

katutubong paniniwala.

Sinasabi ni Dr. Florentino Hornedo, na isinipi nina

Gonda at Malacapo, (2012) na ang pamahiin ay isa lamang paraan

ng mga tao noon upang bigyang paliwanag ang mga bagay-bagay

10
UNIBERSIDAD NG MAPUA

sa kanilang kapaligiran. Ito ay sinasabi na isang paniniwala

o palaisipan na walang basehan at naging panunturan ng pang

araw-araw na buhay ng ibang tao maging ang pagiging babala

nito sa bawat gawain, plano o hangarin sa buhay. Ngunit ayon

kay Kohler (2017), ang kanyang pagpapakahulugan sa pamahiin

ay isang hindi makatwiran o di-makasiyentipikong paniniwala

tungkol sa papel na ginagampanan ng phenomena sa mundo at ang

paniniwala na ito ay nabuo batay sa imitasyon o sinasamahan

ng masamang pagnanasa. Ito ay walang pang-agham na suporta

at tumatalakay sa isang bagay, sitwasyon, kaganapan o

espesyal na batas na nagbabanta. Buntod ng siyentipikong pag-

aaral ang naging isa sa mga dahilan ng unti-unting pagkawala

ng paniniwala sa mga pamahiin.

Dagdag pa nito, sa haba ng panahon ng pananakop ng ilang

bansa sa Pilipinas na tila naghudyat ng malaking pagbabago

at nagkaroon ng pag-usbong sa pinaghalo-halo o iba’t ibang

paniniwala. Nagkaroon ng malaking impluwensiya ang mga

mananakop sa bansa, makikita na mula sa mga ninuno ang

epektong dulot nito sa araw-araw nilang pamumuhay mula noon

hanggang sa kasalukuyan. Bagamat dala ng malaking pagbabago

sa panahon ngayon, ang naging daan ng mga mananaliksik upang

11
UNIBERSIDAD NG MAPUA

piliin ang paksa na ito sa kadahilanan na tila ba

nakakalimutan na ang mga pamahiin na kung saan nagkaroon ng

malaking pagbabago sa parte ng kulturang Pilipino na

nakagisnan ng karamihan at masasabi na ang mga kabataan ngayon

ay nag-iba na ang paniniwala kumpara sa mga nakaraang

henerasyon. Ang mga mananaliksik ay may layon na bigyang-tuon

ang pag-aaral na ito upang mabatid kung mayroon pa bang

malaking ginagampanan ang paniniwala sa pamahiin sa

kasalukuyang henerasyon at kung ito ba ay mayroon pa ring

malaking bahagi sa pagbuo ng kanilang mga desisyon sa buhay.

BATAYANG TEORETIKAL

Nagkaroon ng malaking gampanin ang mga nabuong haka-

hakang palaisipan ng mga ninuno. Nagdulot ito ng mabusising

pag-aaral ng mga mananaliksik upang mabatid kung ang mga

paniniwalang ito ay totoong may koneksyon sa realidad o naging

parte na ba ito ng kulturang Pilipino. Ang pagbabagong

nagaganap sa kasalukuyan ay sinasabing nakabatay sa kung

paano makisalamuha ang isang taong hindi kasama sa partikular

na grupo. Sa puntong ito, akmang gamitin ang teoryang

“socialization”. Ayon kay Lavenda at Schultz (2007), ang

12
UNIBERSIDAD NG MAPUA

proseso ng pagkatuto sa lipunan ay bilang pagsang-ayon sa mga

paniniwala, maging ang pamantayan ng pamayanan o grupo,

pakikibahagi sa sangkatauhan, pagkamit ng katayuan, at

pagsasagawa ng nakatalagang mga gawain ng kultura ng lipunan

na iyon.

Dagdag pa dito ang teorya ni Erikson (1958,1963) na may

pamagat na “Erikson’s Psychological Stages”, inilahad dito na

ang proseso ng pagkatuto ay nakabatay sa edad at nabanggit

din na ang mga tao ay nakararanas ng isang pyschosocial crisis

na maaaring magkaroon ng negatibo o positibong kalalabasan sa

proseso ng pag-unlad ng personalidad ng isang indibidwal. Sa

pahayag na ito, masasabing impluwensiya ng mga taong

nakapaligid sa isang indibidwal ang naghuhubog sa mga

paniniwala nito. Kaugnay sa isinagawang pag-aaral na ito,

nakasalalay sa lugar na kinatatayuan ng kabataan ang patuloy

na paniniwala nila sa mga pamahiin na minsan nilang marinig

o malaman sa buong buhay nila.

Ayon sa teorya ni BF Skinner (1948) na “Operant

Conditioning”, batid ng isang tao ang kanyang ginagawa dahil

alam nila ang kanilang kahihitnatnan ng kanilang aksyon. Ang

pamahiin ay sinasabing may kinalaman sa mga malas at suwerte

13
UNIBERSIDAD NG MAPUA

na bagay sa buhay kung saan kapag hindi sinunod ang pamahiin,

inaasahan na ang indibidwal na ito ay maaaring magtamo ng

kamalasan sa buhay. Sa madaling pagpapaliwanag, hindi kaaaya-

aya sa mga taong ito na matamasa ang kamalasan bilang parusa

dahil sa hindi pagsunod sa isang bagay kaya sila ay sumusunod

sa mga paniniwalang ito.

Ang nasabing tatlong teorya ay malayang tumatalakay sa

sanhi at pag-usbong ng pamahiin bilang parte ng kulturang

Pilipino at sa pagsasagawa ng desisyon ng isang indibidwal.

Ang pamahiin ay isang kaugalian o kaisipang na ginagamit na

batayan sa pagbuo ng isang desisyon upang matiyak ang

kahihitnatnan ng isang partikular na bagay. Ang pagsunod sa

mga ito ay inaasahang magbibigay ng magagandang resulta

(suwerte) at ang sumuway sa mga ito ay may kaakibat na hindi

magandang karanasan (kamalasan). Maaaring umayon ang

kapalaran at ang pag-asam sa mas matatag na paniniwala sa mga

pamahiin at maaari rin na magpatuloy ang pagkabigo sakabila

ng pagsunod dito.

14
UNIBERSIDAD NG MAPUA

BATAYANG KONSEPTWAL

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay

ginamitan ng input-process-output na modelo. Inilalahad ng

input ang mga hakbang na pangunahing kailangan para sa pag-

aaral na ito, una ay ang pagpili ng paksa kung saan

napagkasunduan ng mga mananaliksik na gawing paksa ang

pagtuklas sa epekto ng pamahiin sa paggawa ng desisyon ng mga

estudyante na nasa ika-11 na baitang ng Unibersidad ng Mapùa

Intramuros at Makati SHS. Pangalawa ay ang pagkalap ng mga

kaugnay na literatura upang mapagtibay ang pananaliksik na

ito, at pangatlo ay ang pagpili ng instrumentong gagamitin at

uri ng kompyutasyong estadistika. Ang proseso ay tumutukoy sa

mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa paggawa ng

talatanungan, pagpapasagot ng sarbey, paglapat ng

kompyutasyong estadistika, at pag interpreta sa mga nakalap

na resulta. Ang awtput ay sumasaklaw sa pagbubuod sa mga

15
UNIBERSIDAD NG MAPUA

nakalap na datos at implikasyon ng pangkabuoang pag-aaral na

isinagawa.

Input Proseso Awtput


•Pagpili ng paksa •Paggawa ng •Pagbubuod sa
•Pagsulat ng talatanungan mga nakalap na
mga kaugnay •Pagpapasagot datos
na literatura at ng sarbey sa 50 •Paggawa ng
pag-aaral na estudyante pangkabuoang
•Pagpili ng ng Mapua SHS konklusyon sa
instrumentong (Google forms) pag-aaral na
gagamitin at uri •Paglapat ng ginawa
ng kompyutasyong
kompyutasyong estadistika at
estadistika pag interpreta
ng nakalap na
datos

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pag-aaral

Patungkol sa Paniniwala sa mga Pamahiin at Pagtuklas sa Epekto

nito sa Pag Gawa ng mga Desisyon ayon sa Pananaw ng mga Mag-

aaral sa Unibersidad ng Mapúa Senior High School T.P 2020-

2021” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na natukoy na

suliranin :

16
UNIBERSIDAD NG MAPUA

1. Marami pa ba sa mga estudyante sa kasulukuyan ang

naiimpluwensiyahan ng kanilang mga ninuno sa kanilang

paniniwala sa mga pamahiin noong sinaunang panahon ?

2. Dapat bang ibatay sa paniniwala o pamahiin ang pagbuo ng

desisyon ng ilang indibidwal sa araw-araw nilang

pamumuhay?

3. Ano na nga ba ang aspeto ng paniniwala sa mga pamahiin

ng mga iilang estudyante ng Unibersidad ng Mapúa Senior

High School sa mga sumusunod;

▪ Pampasuwerteng Bagay (o Lucky Charm)

▪ Mga Kasabihan (o Popular Sayings)

▪ Kapalaran at Palatandaan (o Fate and Signs)

▪ Mahiwagang Pag-iisip o iyong mga tinatawag na haka

hakang pag-iisip (o Magical Thinking)

4. Ano ang sariling pananaw ng mga iilang mag-aaral ng

Unibersidad ng Mapùa ukol sa mga pamahiing ito sa gitna

ng malaking pagbabago sa kasalukuyang panahon?

17
UNIBERSIDAD NG MAPUA

HAYPOTESIS

Ang inaasahang kalalabasan ng mga mananaliksik sa pag-

aaral na ito ay nakagisnan na ng mga mag-aaral ang mga

pamahiin ngunit sa pag-usbong ng modernisasyon sa

kasalukuyang panahon, hindi na malaki ang impluwensya nito sa

paggawa ng desisyon. Hindi ibig-sabihin nito na ang pamahiin

ay tuluyan nang naglalaho, bagkus ito ay nagsisilbing gabay

para sa tao at hindi na ito istriktong sinusunod ng makabagong

henerasyon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, nais ilahad

ng mga mananaliksik ang mga kahalagahan ng pag-aaral na ito

nang maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod;

Sa mga mananaliksik. Upang mabatid kung isinasabuhay pa ba o

ganap na unti-unting naglalaho ang nakagawian na paniniwala

sa mga pamahiin. Upang magkaroon din ng isang pag-aaral na

maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon kung paano

nakaaapekto ang paniniwala sa pamahiin na maaaring maging

kakaibang tatak sa puso at isipan ng mga mambabasa.

18
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Sa mga mag-aaral. Ang tungkulin nito ay hubugin ang kanilang

mga isipan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay

naglalayong makatulong at magkaroon ng karagdagang

impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral hinggil sa mga

pamahiin. Dagdag pa nito ay upang maimulat ang kaisipan ng

mga estudyante na ang pamahiin ay isang gabay lamang sa

kanilang pagdedesisyon na kung saan dapat ito ay pinagiisipan

nang mabuti dahil sa bandang huli nakasalalay sa paraan ng

kaisipan ng isang tao ang pagbuo ng kanilang pinal na

desisyon.

Sa mga guro. Malaki ang dalang impluwensiya ng mga kaguruan

sa mga indibidwal na nagnananais na matuto. Naglalayon ang

mga mananaliksik na maipaabot sa mga kaguruan ang pag-aaaral

na ito upang maisawalat ang ideya na makatutulong upang

mapalawak ang kaalaman ukol sa pananaw at saloobin ng mga

mag-aaral kung saan ang bawat isa ay mayroong iba’t ibang

paniniwala. Sa pamamagitan din ng pananaliksik na ito, maaari

nilang maturuan ang mga kabataan tungkol sa paksang ito at

nang mabigyang-linaw na ang mga paniniwalang ito ay

nakadepende sa nakasanayan ng tao.

19
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Sa pamantasan. Upang magkaroon at makapag-ambag sa pagyabong

ng hanay ng mga pananaliksik sa institusyon na maaaring

maiugnay sa kanilang isasagawang pag-aaral.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay

may layon na mabigyan ng karagdagang kaalaman at mahahalagang

salik ng datos ang mga susunod na henerasyon upang makatulong

at maiugnay sa kanilang isasagawang pag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral na ito ay nakatuon

lamang sa mga pamahiin at paniniwala ng limampung (50) mag-

aaral mula sa iba’t ibang strand sa ika-11 na baitang ng

Unibersidad ng Mapúa Intramuros at Makati Senior High School

T.P 2020-2021 at naglalayong malaman kung may epekto ba ito

sa kanilang pagbuo ng desisyon.

20
UNIBERSIDAD NG MAPUA

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Aboriginal - pagiging una o pinakamaagang kilalang uri ito na

naroroon sa isang rehiyon

Animismo- paniniwala sa kaluluwa o espiritu, na hiwalay sa

material na bagay

Fate - ang kapalaran ay tumutukoy sa hindi maiiwasang takbo

ng mga pangyayari

Kasabihan - pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng

katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at

madaling maintindihan

Kultura - ang kabuoan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao

sa kanilang lipunan na nakapaloob ang koleksyon ng mga

kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa.

Lucky charms -isang bagay o tao na iniisip na magdala ng

mabuting kapalaran.

Magical Thinking - ang paniniwala na nais nilang ipataw ang

sarili nilang kaayusan sa materyal na mundo—ay isang uri ng

pangunahing kaisipan

21
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Modernisasyon- isang proseso kung saan ipinakilala ang

modernong kaalamang pang-agham sa lipunan na may panghuli na

hangarin na makamit ang isang mas mahusay at mas kasiya-

siyang buhay sa pinakamalawak na kahulugan ng term na

tinanggap ng kinauukulang lipunan.

Pamahiin - pamahiin ay isang paniniwala o pag-iisip na

walanpagkuhanan ng mga impormasyon ng mga susunod ng

henerasyon ng mga mananaliksik.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay may

layon na mabigyan ng karagdagang kaalaman at mahahalagang salik ng

datos ang mga susunod na henerasyon upang makatulong pang-agham

na suporta at ito ay tungkol sa isang bagay, sitwasyon,

kaganapan o espesyal na batas na nagbabanta

Phenomena - isang bagay o aspeto na kilala sa pamamagitan ng

pandama kaysa sa pamamagitan ng pag-iisip o intuwisyon

Psychosocial crisis - ang tao ay nakakaranas ng isang krisis

na maaaring magkaroon ng isang positibo o negatibong resulta

para sa personalidad pag-unlad

22
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Signs - ang isang bagay, kalidad, o kaganapan na ang presensya

o kaganapan ay nagpapahiwatig ng posibilidad na presensya o

kaganapan ng iba pang bagay

Talatanungan - ay isang disenyo o metodo sa isang pananaliksik

na ginagamit ng mananaliksik kung saan sinusulat ang mga

tanong at pinapasagutan sa mga respondente nito. Ito ang

pinakamadaling paraan ng pangangalap ng datos.

Tradisyon - ay ang mga impormasyon, doktrina, o kaugalian na

nagpasalin-salin mula sa mga magulang tungo sa mga anak o

naging kinagawiang paraan ng pag-iisip o pagkilos.

23
UNIBERSIDAD NG MAPUA

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

BANYAGANG LITERATURA

Ang artikulo na isinulat ni Colino (2016) ay tumatalakay

sa kung paano naapektuhan ng pamahiin ang kilos ng isang tao.

Ayon dito, ang pagiging mapamahiin ay maaaring makaapekto sa

pag-uugali at estado ng pag-iisip, na naiimpluwensyahan ang

paghahanda at pagganap sa isang partikular na kilos o galaw

na maaring magdulot ng maling pagdedesisyon. Sa isang serye

ng mga pag-aaral noong Marso 2015 ng Personality & Social

Psychology Bulletin, nalaman ng mga mananaliksik na habang

lumalaki ang kawalang-katiyakan ng mga tao na makamit ang

kanilang mga layunin ay mas tumataas ang kanilang paniniwala

sa mga pamahiin, at sa kondisyon na ito kapag gumamit sila ng

masuwerteng bagay (lucky charms) ang kanilang kumpiyansa

tungkol sa pagkamit ng kanilang mga layunin ay tataas. Dagdag

pa rito, ang mga pamahiin ay nabibilang sa dalawang kategorya:

ang mga pinaniniwalaang magdadala ng swerte at ang isa naman

ay ang mga maaaring magdala ng malas tulad na lamang kapag

24
UNIBERSIDAD NG MAPUA

nakakita ka ng isang itim na pusa sa kalye. Sinasabi rin na

kapag masyadng sineryoso ng isang tao ang pamahiin maaari na

itong makaapekto sa pisikal, emosyonal, at sikolohikal na

pangkalusugan ng isang tao. Ang mga pamahiin ay nagiging

problema kapag naging dahilan ito upang gawin ang mga bagay

na hindi kapaki-pakinabang o maging dahilan ito na hindi mo

gawin ang mga bagay na maaaring makatulong sa tao.

Sa artikulo na ginawa ng Australian Times (2016)

ipinaliwanag na ang mga tao sa Australia ay naniniwala rin sa

mga pamahiin katulad ng ibang tao sa buong mundo. Tulad na

lang ng numero walo (8) na nagbibigay ng simbolo ng kaunlaran

at kayamanan, pito (7) na sumisimbolo ng kasamaaan, at ang

numero dalawa (2) na sumisimbolo naman sa mabubuting bagay na

darating sa magkakapares o magkasintahan. Sa isang pag-aaral,

natuklasan na ang kahulugan sa likod ng mga numero sa isang

roulette wheel. Gayunpaman, sa pananaliksik na kanilang

isinagawa, sinasabi na ang pamahiin sa bansang Australia ay

higit na pinaniniwalaan ng mga aboriginal o katutubong tao na

unang naninirahan sa Australia. Gaya ng bansang Pilipinas,

pawang matatanda o ang mga ninuno na lamang ang natitirang

naniniwala sa mga ganitong paniniwala. Isang pamahiin ang

25
UNIBERSIDAD NG MAPUA

naghatid sa mga grupong katutubo na maniwala na ang ilang

espiritung hayop ay maaaring maging sanhi ng pinsala sa mga

tao. Halimbawa, ang mga ibon ay pinaniniwalaan na maging

dahilan ng mga bagyo at karahasan na maaaring pumatay sa mga

tao. Pagdating sa mga pamahiin, ang mga Australyano ay mas

pamilyar sa mga pamahiin ng mga taga Tsina, Thailand, at

Pilipinas kung kaya’t kapag may nangyaring masama sa isang

tao ay agad itong isinisisi sa pamahiin. Sa artikulong ito,

nakasaad na hindi lahat ng mga Australyano ay naniniwala sa

pamahiin ngunit mayroong iilan na naniniwala lalo na pag

dating sa pag susugal at paglalaro ng isports.

LOKAL NA LITERATURA

Ang paniniwala sa mga pamahiin ay nagkaroon ng malaking

parte sa iba’t ibang kultura ng mga Pilipino. Ayon sa artikulo

na isinulat ni Santos (2008), ipinahayag niya ang ilan sa mga

aral, at pananaw ng isang indibidwal o grupo tungkol sa

pagkakaroon ng pamahiin maging ang epekto ng mga paniniwalang

ito sa araw-araw na pamumuhay. Sa ginawang pangangalap ng

datos ng manunulat, nakakalap siya ng iba’t ibang pananaw

ukol sa paksaing ito kung saan ginawa niya itong basehan sa

pagbuo ng artikulo na kanyang pinamagatang Mensahe ng

26
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Pamahiin. Sa likod ng paniniwala, sinasabi ni Dr. Hornedo na

ang pamahiin lamang ay ginagamit na paraan upang makapaglahad

o makapagpaliwanag ang isang indibidwal ukol sa mga bagay

bagay na nangyayari sa kanyang kapaligiran. Ani naman ni Eros

Atalia, wika ang dahilan ng pagkakabuo ng mga paniniwalang

ito kung saan sinasabi na ang wika ay may tungkulin na

maipaliwanag ang realidad. Wika ang siyang humuhubog sa

kaisipan at kaugnayan ng mamamayan sa daigdig kung saan

kontrol ng wika ang limitasyon ng ating mga paniniwala. Dagdag

muli ni Dr. Hornedo, malaki talaga ang epekto ng kultura sa

mga paniniwalang ito kung saan sinabi niya na ang pagkakaroon

ng iba’t ibang kultura ang dahilan ng pagkabuo ng mga

pamahiing ito. Bagamat maraming nabuo na panibagong kultura

nagiging parte na lamang ang mga lumang kultura sa paniniwala

sa mga pamahiin. Gayunpaman, dagdag na halimbawa nito ay ang

animismo o pagsamba sa kalikasan at anito ang mga relihiyon

sa bansa at ito ay bago pa man dumating ang mga kastila.

Ang artikulo ni Caliwag (2014) ay tungkol sa pamahiin.

Ayon sa kanya ay dapat hindi pinaniniwalaan ang mga pamahiin

dahil ang pananampalataya ay naglalaho sa tuwing naniniwala

ang isang tao sa pamahiin. Ipinapahayag rin sa artikulong ito

27
UNIBERSIDAD NG MAPUA

na hindi dahil naniniwala o sinusunod ng isang indibidwal ang

isang pamahiin ay mamalasin na o kaya kapag sinunod nito ang

mga sinasabing paniniwala ay suswertihin na, pinapakita dito

na ang pagsisikap ng isang tao ang siyang nagbubunga ng

magandang resulta na masasabi nating suwerte, aniya “Ang

suwerte at malas ay nasa tao at sa kaniyang matibay na

pananampalataya”.

BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon sa isinagawang pag-aaral nina Block at Kramer

(2009), binigyang pansin dito ang ilan sa mga epekto ng

paniniwala sa mga pamamaraan ng pamumuhay ng isang indibidwal

partikular sa gawaing pamimili. Sinisiyasat ng mga

mananaliksik ang mga paniniwala bilang batayan ng mga

inaasahan sa performance ng produkto at ang epekto nito sa

paunang posibilidad ng pagbili at pagkakontento ng mga

mamimili. Sa pangagalap ng datos, ipinapakita nila ang mga

pagkakataon kung saan ang mga pamahiin ay siyang posibilidad

na sanhi ng mga mamimili na iayon ang kanilang mga desisyon

sa pagbili na kontra sa katuwiran sa ekonomiya. Sa unang hanay

ng kanilang pag-aaral nabatid ng mga mananaliksik na mula sa

Taiwan ang may mataas na bilang na panauhin ang bumibili ng

28
UNIBERSIDAD NG MAPUA

mga produkto na may kinalaman sa mga pamahiin na posibleng

batay sa “masuwerteng kulay” na ito, sapagkat mas maraming

tao ang handang bumili at magbayad ng malaking pera para sa

isang produkto na may mas maliit ngunit masuwerteng

naidudulot. Sa kabilang dako, ang mga mamimili na hindi

nagtataglay ng ganoong paniniwala sa mga pamahiin ay

sumusunod sa mas makatuwirang paraan ng pamimili.

Sa isinagawang pag-aaral ni Bell (2018) ukol sa

pagkakaiba ng kultura, ideya, swerte, at pamahiin sa buong

mundo. Isinilaysay sa pag-aaral na ito ang iba’t ibang pananaw

ng bawat bansa sa mundo ukol sa mga babanggiting paniniwala.

Inilarawan dito ang iba’t ibang kahulugan sa paniniwala sa

“Friday the 13th" kung saan sinasabi na ito ay magdadala ng

swerte o kamalasan. Mula sa mga nakalap na impormasyon sa

iba’t ibang artikulo, kapag tumapat ang petsa sa ika-13 ng

Biyernes sinasabi na ang ilan ay kabado o hindi makapali dahil

sa paniniwala ng iilan na ang araw na iyon ay may dalang

kamalasan. Sinabi pa ng propesor ng USC na si Tok Thompson,

na nagkakaroon na ng psychological disorder dahil sa takot sa

numero na labing tatlo (13). Natukoy din sa Gitnang Silangan

na laganap rin ang hindi paggamit sa numerong ito lalo na sa

29
UNIBERSIDAD NG MAPUA

mga gusali na may elevator. Sa mga Tsino naman, hindi sila

natatakot sa numero na labing tatlo (13) bagkus sa numero

apat (4) ang kinakatakutan nila, dahil ito ay malas at

sumisimbolo ng kamatayan. Sa kabaling dako naman, nabanggit

ng isang propesor na si Ivette Gomez na sa South America ay

“Tuesday the 13th" ang petsa na may dalang kamalasan. Sa mga

iilan na isinagawa na pananaliksik, ang numero 13 ay parating

hinahantulad sa Medieval Europe na kung saan ang petsa na ito

ay kapareho sa biblia na Last Supper. Katulad din ng

karamihan, lahat ay naniniwala pa rin sa iba’t ibang klase ng

paniniwala sa mga pamahiin saan mang sulok ng mundo. Bagamat

nakadepende lamang sa tao kung sila ba ay maniniwala o hindi

sa pamahiing ito at nakabatay sa sariling pananaw ng

indibidwal kung may dala ba itong swerte o kamalasan.

LOKAL NA PAG-AARAL

Dala ng malaking pagbabago bunga ng modernisasyon, unti-

unting nagkaroon ng pagbabago sa paniniwala sa iba’t ibang

pamahiin. Sa isinagawang pag-aaral nina Abanilla at Galvez

(2018), pinagtuonan nila ng pansin ang pagtangan ng mga

pamahiin at mga konseptong pansarili ng mga kabataang

30
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Cabuyeño. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey upang

maitukoy ang kaakibat ng pagbabago sa konseptong pansarili ng

mga kabataang Cabuyeño. Bagamat sa kanilang pagwawakas ay

nabanggit nila na ang bawat indibidwal ay may kakayahang

mamili o magdesisyon para sa kanilang sariling kaunlaran.

Parte na ng katangian ng mga Pilipino ang maniwala sa mga

pamahiin upang gamiting batayan o gabay sa pagbuo ng desisyon.

Sinasabi rin nila na ang pamahiin ay bahagi ng kulturang

Pilipino na may pinagsama-samang karanasan at palaisipan ng

mga sinaunang tao. Gayunpaman, ang paniniwala sa mga pamahiin

ay nagkaroon ng malaking epekto sa bawat indibidwal na

maaaring magdulot ng negatibo o positibong kahihitnatnan.

Mula naman sa pag-aaral at sarbey na isinagawa ng mga

mananaliksik na sina Cadayona et.al (2015) ukol sa kanilang

napag-alaman nila na ang mga respondente ay hindi lahat

pinaniniwalaan ang mga pamahiing ito, bagamat ito ay

kalimitang nakabase sa mga negatibo palaisipan lamang, tulad

na lamang ng pamahiin tungkol sa mga patay, ito ay tinuturing

na magdadala ng kamalasan at masasamang pamahiin. Ngunit,

tungkol sa mga pamahiin at paniniwala ng mga Romanong Katoliko

ay napagalaman ng mga mananaliksik na iilan sa kanila ang

31
UNIBERSIDAD NG MAPUA

sumagot na kanilang pinaniniwalaang na pamahiin ay nagsisilbi

lamang na gabay para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

At walang implikasyon ito sa kanila dahil hindi nila ibinatay

ang kanilang pagdedesisyon sa mga pamahiing kanilang

nalalaman o pinaniniwalaan.

SINTESIS NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang tao ay may kakayahang mamili o magdesisyon kung sila

ba ay maniniwala o hindi para sa kanilang ikauunlad. May likas

na kakayahang gumawa ng mga bagay-bagay na maaaring magdulot

ng kabutihan o kapahamakan. Ang paniniwala sa mga pamahiin ay

nagkaroon ng malaking epekto sa bawat indibidwal na maaaring

magdulot ng negatibo o positibong kahihinatnan. Mula sa

nakalap na mga impormasyon patungkol sa lokal at banyaga na

pag-aaral o literatura, nalaman ng mga mananaliksik na ang

pamahiin ay nagkaroon ng malaking bahagi sa kulturang

Pilipino. Simula sa paniniwala sa mga bagay na magbibigay

swerte, sa mga numero na nagsisimbolo ng kaunlaran, sa pagpili

o pagbuo ng desisyon ay nakaapekto rin sa paghubog sa

personalidad ng isang indibidwal at sa pagpapalawak rin ng

isipan ukol sa mga bagay-bagay. Ngunit sinasabi na kalakip ng

32
UNIBERSIDAD NG MAPUA

hindi pagsunod o paniniwala sa mga kasabihan o pamahiin ay

maaaring maghudyat ng kamalasan sa buhay o karanasan ng isang

tao (Block & Kramer, 2009; Santos, 2008; Colino, 2016;

Australian Times, 2016).

Sa patuloy na pag-usad ng bansa tungo sa modernisasyon

ay kaakibat nito ang unti-unting pagbabago sa paniniwala sa

pamahiin at kultura na nakasanayan ng mga Pilipino.

33
UNIBERSIDAD NG MAPUA

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAANG GINAMIT

PAMAMARAANG GINAMIT

Ang isasagawang pananaliksik ay kwantitatibong

pananaliksik dahil naangkop ito sa paksa ng pag-aaral at may

layunin na malalimang pag-unawa sa mga pag-uugali at ugnayan

ng mga estudyante maging ang dahilan na gumagabay sa kanilang

paniniwala. Isasagawa ito sa Unibersidad ng Mapúa Intramuros

at Makati Senior High School kung saan ang mga mananaliksik

ay magsasagawa ng deskriptibong sarbey upang malaman ang

pananaw ng mga piling mag-aaral mula sa baitang labing-isa

(11) ukol sa mga pamahiin at kung paano ito nakakaapekto sa

kanilang pamumuhay.

POPULASYON AT DESKRIPSYON NG MGA KALAHOK

Sa pangangalap ng sarbey ay binubuo ito ng limampung

(50) estudyante na nakapaloob sa ika-11 na baitang ng

Unibersidad ng Mapúa Intramuros at Makati. Ang ika -11 na

34
UNIBERSIDAD NG MAPUA

baitang ang napili ng mga mananaliksik na maging parte ng

pananaliksik na ito dahil sila ay kabilang sa kasalukuyang

henerasyon na mulat sa kung ano ang pamahiin at may sapat na

pananaw upang masagot ang mga katanungan na nilalaman ng

talatanungan tungkol sa epekto ng pamahiin sa kanilang pagbuo

ng maliliit at malalaking desisyon sa kanilang buhay.

PARAAN NG PAGPILI NG MGA KALAHOK

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

Simple Random Sampling Technique, ito ang napiling teknik ng

mga mananaliksik dahil nangangahulugang binibigyan nito ng

pantay at patas na pagkakataon ang humigit kumulang na

limampung (50) estudyante na mapili bilang kalahok sa

pagsasarbey. Sa ganong paraan ay hindi bias ang makakalap na

resulta. Ipapasagot ang talatanungan sa limampung (50)

estudyante ng ika-11 na baitang ng Mapúa Intramuros at Makati

SHS.

INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang mga instrumentong ginamit para makakalap ng datos ay

ang talatanungan na ginawa ng mga mananalisik. Sa unang bahagi

ay naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa talatanungan at

35
UNIBERSIDAD NG MAPUA

maging ang paksa nito, ang paghingi ng pahintulot, at pagkuha

ng impormasyong demograpiko tulad ng kanilang edad, baitang

at seksyon, pagkatapos ay kanilang makikita na ang mga

katanungan na kanilang sasagutin. Ang talatanungan ay

naglalaman ng labing limang tanong at may tatlong bahagi; una

ay ang Oo o Hindi na katanungan, pangalawa ay ang multiple

choice kung saan may apat na pagpipilian na letra na

naglalaman ng sagot, at ang panghuli ay ang likert scale kung

saan mamimili ang mga respondente mula 1-5, ang 1 ay lubos na

hindi sumasang-ayon at 5 naman ang lubos na sumasang-ayon.

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Isasangguni ng mga mananaliksik ang kanilang nagawa na

talatanungan sa kanilang gurong tagapagpayo sa asignaturang

FIL02 at ililipat ito sa Google forms sa oras na ito ay

maaprubahan. Ang paraan ng pangangalap ng datos ay ang

aplikasyon na Messenger at Facebook na magtataglay ng isang

link patungo sa Google forms na naglalaman ng mga tanong na

inihanda ng mga mananaliksik para sa pag-aaral na isasagawa.

Ang pagkolekta ng datos ay isasagawa nang isang araw na

nagsimula noong ika-17 ng Marso 2021.

36
UNIBERSIDAD NG MAPUA

URI NG ESTADISTIKANG GINAMIT

Statistikal na pamamaraan ay gagamit ang mga

mananaliksik ng Descriptive Statistical Analysis, ito ay

kadalasang ginagamit sa kwantitatibong pag-aaral,

nakatutulong ang uri ng analysis na ito upang ibuod ang mga

nakalap na datos mula sa iba’t ibang kalahok sa pamamagitan

ng tsarts at graphs upang mas maipaliwanag ang mga datos sa

paraan na maikli ngunit tiyak na makabuluhan. Ang mga datos

na nakalap ay gagamitan ng frequency table bilang isang

kasangkapang pang-estatistiko upang makita ang bilang ng mga

sagot at isasalarawan gamit ang bar graph at pie graph upang

organisadong mailahad ang resulta. Ang pormulang gagamitin sa

pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

37
UNIBERSIDAD NG MAPUA

KABANATA IV

RESULTA AT DISKUSYON

Ang kabanatang ito ay naglalayong ilahad ang

interpretasyon ng mga datos na nakalap mula sa mga kalahok ng

baitang 11 sa Mapúa University Intramuros at Makati. Ang pag-

aaral na ito ay naglalayong malaman kung gaano karami ang

naniniwala sa mga pamahiin ng kulturang Pilipino at kung may

epekto pa rin ba ito sa pagbuo ng kanilang desisyon. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng talatanungan na naglalaman ng

labing-limang (15) katanungang may kinalaman sa naturang

layunin para maisakatuparan ang pangangalap ng datos.

Sa unang bahagi ng talatanungan ay gumamit ang mga

mananaliksik ng Oo o Hindi na uri ng tanong. Ito ang mga

sumusunod na datos:

38
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Tanong 1.1 Naniniwala ka bang tao ang may hawak ng kapalaran

niya at hindi ang mga pamahiin?

Oo (1) Hindi (2) Kabuoan

50 0 50

Talahanayan 1.1

Pigura 1.1

Mula sa nakalap na datos, ang bar graph na ito ay binubuo

ng dalawang bahagi base sa sagot ng kalahok upang malaman

kung naniniwala ba silang ang tao ang may hawak ng kapalaran

niya at hindi ang mga pamahiin. Mula sa talahanayan 1.1

makikitang limampung (50) kalahok o 100% ang sumagot ng Oo na

nangangahulugang naniniwala silang ang mga tao ang may hawak

ng kapalaran niya at hindi ang mga pamahiin. Wala sa mga

kalahok ang sumagot ng Hindi.

39
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Tanong 1.2 Sumasang-ayon ka bang nakaaapekto ang paniniwala

sa mga pamahiin sa pagbuo ng desisyon?

Oo (1) Hindi (2) Kabuoan

42 8 50

Talahanayan 1.2

Pigura 1.2

Makikita sa bar graph na may dalawang pinagpiliang sagot

upang malaman kung sumasang-ayon ba silang nakaaapekto ang

paniniwala sa mga pamahiin sa pagbuo ng kanilang desisyon.

Mula sa talahanayan 1.2 makikitang sa limampung (50) kalahok,

apatnapu’t dalawa o 84% ng kabuoang porsyento ang sumagot ng

Oo na ibig sabihin ay sumasang-ayon silang nakaaapekto ang

paniniwala sa mga pamahiin sa pagbuo ng desisyon, samantalang

walong (8) kalahok o 16% mula sa kabuoang porsyento ay sumagot

40
UNIBERSIDAD NG MAPUA

ng Hindi na ang ibig sabihin ay hindi sila naniniwalang may

epekto ang mga pamahiin sa pagbuo ng desisyon.

Tanong 1.3 Gumagamit ka ba ng mga pampaswerte o naniniwala sa

mga kasabihan kapag kukuha ng pagsusulit sa eskuwela?

Oo (1) Hindi (2) Kabuoan

14 36 50

Talahanayan 1.3

Pigura 1.3

Ang bar graph na ito ay nagpapakita ng porsyento at

bilang ng mga kalahok batay sa kung gumagamit ba ng mga

pampaswerteng bagay o naniniwala sa mga kasabihan sa tuwing

kumukuha sila ng pagsusulit sa eskwela. Sa limampung (50)

41
UNIBERSIDAD NG MAPUA

kalahok mayroong 14 na kalahok o 28% ng kabuong porsyento ang

pinili ang Oo, nangangahulugang gumagamit sila ng

pampasuwerte kapag kukuha sila ng pagsusulit. Samantalang

tatlompu’t anim (36) na kalahok o 72% ng kabuoang porsyento

ang nagsabing Hindi sila gumagamit ng pampaswerte o hindi

sila naniniwala sa mga kasabihan kapag kumukuha ng pagsusulit

sa eskwela.

42
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Tanong 1.4 Sa tingin mo ba importante pa rin ang pagpasa ng

pamahiin sa susunod na henerasyon?

Oo (1) Hindi (2) Kabuoan

27 23 50

Talahanayan 1.4

Pigura 1.4

Mula sa nakalap na datos, dalawampu’t pitong (27)

kalahok o 54% ng kabuoang porsyento ang sumagot ng Oo,

nangangahulugang importante pa rin ang pagpasa ng pamahiin sa

makabagong henerasyon. Sa kabilang banda, dalawampu’t tatlong

(23) kalahok o 46% mula sa kabuoang porsyento ang sumagot na

sa kanilang palagay Hindi na importante ang pagpasa ng mga

pamahiin sa susunod na henerasyon.

43
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Tanong 1.5 Mayroon bang pagkakataong sa palagay mo ay gumana

ang pamahiin na pinaniniwalaan mo sa iyong sariling

karanasan?

Oo (1) Hindi (2) Kabuoan

31 19 50

Talahanayan 1.5

Pigura 1.5

Makikita sa talahanayan 1.5 at sa pigura 1.5 ang pagsang-

ayon ng tatlompu’t isang (31) kalahok o 62% mula sa kabuoang

porsyentong nagsasabi na Oo, mayroong pagkakataon na gumana

ang pamahiin na kanilang pinaniwalaan sa kanilang buhay.

Labing siyam (19) o 38% naman ng mga kalahok ang nagsabing

Hindi gumana ang mga pamahiin sa kanilang sariling karanasan.

44
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Sa ikalawang bahagi ng talatanungan ay gumamit ang mga

mananaliksik ng Multiple Choice sa pagkalap ng karagdagang

mga datos at ang datos na nakalap mula sa bahaging ito ay ang

mga sumusunod:

Tanong 2.1 Bilang isang mag-aaral, sa anong klaseng paraan ng

paniniwala sa mga pamahiin ang pinakasinusunod o

pinaniniwalaan mo?

Mga
Pampasuwerteng Kasabihan (o Kapalaran o Mahiwagang Pag-
Bagay Popular Palatandaan iisip (o Magical
(LuckyCharms) Sayings) (o Fate and Signs) Thinking) Kabuoan

7 15 23 5 50

Talahanayan 2.1

Pigura 2.1

Ang pie tsart na ito ay naglalaman ng apat na pagpipilian

kung anong pamahiin ang pinaka sinusunod o pinaniniwalaan

45
UNIBERSIDAD NG MAPUA

nila. Makikita mula sa talahanayan 2.1, ang tatlompung (23)

kalahok ay pinili ang Kapalaran o Palatandaan (o Fate and

Signs) at makikita sa pie grap na ito ang may pinakamalaking

porsyento na 46% mula sa kabuoang porsyento ng limampung

kalahok. Sinundan ito ng Mga Kasabihan (o Popular Sayings) na

pinili ng 15 kalahok o 30% ng kabuuang porsyento. Samantalang

pitong (7) kalahok o 14% naman ang nagsasabing Pampasuwerteng

Bagay (Lucky Charms) ang kanilang pinaka pinaniniwalaan. Ang

panghuli ay mayroong limang (5) kalahok na pumili sa

Mahiwagang Pag-iisip (o Magical Thinking) na 10% ng kabuoang

porsyento.

46
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Tanong 2.2 Alin sa mga sumusunod ang PINAKA-HINDI mo

pinaniniwalaang pamahiin?

Mga
Pampasuwerteng Kasabihan (o Kapalaran o Mahiwagang Pag-
Bagay Popular Palatandaan iisip (o Magical
(LuckyCharms) Sayings) (o Fate and Signs) Thinking) Kabuoan

20 7 6 17 50

Talahanayan 2.2

Pigura 2.2

Mula sa nakalap na datos, ang tanong 2.2 ay binubuo ng

apat (4) na pagpipilian ng mga kalahok upang matukoy ang

pinaka-hindi sinusunod o pinaniniwalaan sa aspeto ng

pamahiin. Mula sa talahanayan 2.2, makikita na dalawampung

(20) kalahok mula sa limampung (50) kalahok ay pinili ang

Pampasuwerteng Bagay (Lucky Charms) at base sa datos na

nakalatag sa pigura 2.2, ito ay 40% mula sa kabuoang

47
UNIBERSIDAD NG MAPUA

porsyento, nangangahulugang ito ang pinaka-hindi

pinaniniwalaan sa aspeto ng pamahiin. Sinundan ito ng

Mahiwagang Pag-iisip (o Magical Thinking) na may labing

pitong (17) kalahok o 34% mula sa kabuoang porsyento ng

kalahok ang pumili. Samantalang, ang Mga Kasabihan (o Popular

Sayings) naman ay pinili ng pitong (7) kalahok na may 14% ng

kabuoang porsyento at ang pinakahuli ay may anim (6) na

kalahok na pumili sa Kapalaran o Palatandaan (o Fate and

Signs) na may kabuong porsyento na 12%.

Tanong 2.3 Ano ang madalas mong naririnig na pinaniniwalaan

ng mga tao?

Mga
Pampasuwerteng Kasabihan (o Kapalaran o Mahiwagang Pag-
Bagay Popular Palatandaan iisip (o Magical
(LuckyCharms) Sayings) (o Fate and Signs) Thinking) Kabuoan

13 28 9 0 50

Talahanayan 2.3

48
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Pigura 2.3

Makikita mula sa talahanayan 2.3 at pigura 2.3 na Mga

Kasabihan (o Popular Sayings) ang may pinakamalaking

porsyento mula sa apat (4) na pagpipilian na 56% o dalawampu’t

walong (28) kalahok ang nagsabing ito ang madalas nilang

marinig na pinaniniwalaan ng tao. Sumunod ay ang

Pampasuwerteng bagay (o Lucky Charms) na pinili ng labing

tatlong (13) kalahok o 26% ng kabuoang porsyento. Siyam (9)

na kalahok o 18% naman ang nagsabing Kapalaran o Palatandaan

(o Fate and Signs) ang madalas nilang marinig na

pinaniniwalaan ng tao. Samantalang walang pumili sa

Mahiwagang Pag-iisip (o Magical Thinking).

49
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Tanong 2.4 Depende sa iyong nakasanayan, alin sa mga sumusunod

ang tunay na epekto ng pamahiin sa iyong pamumuhay?

Ang paniniwala sa Wala itong tunay


Nagkaroon ako ng mga pamahiin ay na epekto sa
inspirasyon gumawang nakaapekto sa aking
Nalalayo ako sa isang bagay dala ng aking pagbuo ng
kapahamakan. imahinasyon. pagdedesisyon. desisyon. Kabuoan

7 8 12 23 50

Talahanayan 2.4

Pigura 2.4

Makikita sa talahanayan 2.4 at pigura 2.4 na dalawampu’t

tatlong (23) kalahok o 46% ang naniniwalang walang tunay na

epekto sa kanilang pagbuo ng desisyon ang mga pamahiin, labing

dalawang (12) kalahok o 24% naman ang naniniwalang

nakakaapekto ang pamahiin sa kanilang pagbuo ng desisyon;

50
UNIBERSIDAD NG MAPUA

walong (8) kalahok naman ang nagsabing nagkakaroon sila ng

inspirasyon gumawa ng isang bagay dala ng paniniwala sa

kanilang imahinsayon. Ang pang huli ay mayroong pitong (7)

kalahok o 14% ang nagsabing nalalayo sila sa kapahamakan

bilang epekto ng pamahiin sa kanilang pang araw-araw na

pamumuhay.

Tanong 2.5 Alin sa mga sumusunod na dahilan ang pinaniniwalaan

mo tungkol sa pamahiin?

Lagi kong
sinusunod ang Lagi kong Ginagamit ko Hindi ako naniniwala
mga pamahiin sinusunod ang lang ang mga sa pamahiin dahil
dahil nagdadala ito mga pamahiin pamahiin wala naman itong
ng suwerte sa dahil ayoko bilang gabay sa siyentipikong
akin. malasin. pagdedesisyon basehan Kabuoan

1 4 19 26 50

Talahanayan 2.5

Pigura 2.5

51
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Mula sa datos na nakalap para sa katanungang 2.5,

makikita sa talahanayan 2.5 at pigura 2.5 na mas marami ang

mga kalahok na hindi naniniwala sa pamahiin. Sa kabuoang

limampung kalahok, makikitang 52% o dalawampu’t anim (26) na

kalahok ang hindi naniniwala sa pamahiin dahil wala itong

siyentipikong basehan, 38% naman o labing-siyam (19) na

kalahok ang nagsabing ginagamit nila ang pamahiin bilang

gabay sa kanilang pagbuo ng desisyon, 8% o apat (4) na kalahok

naman ang naniniwala sa pamahiin dahil ayaw nilang malasin sa

buhay at 2% o isang (1) kalahok ang laging sinusunod ang

pamahiin sa paniniwalang nagdadala ito ng swerte.

Ang ikatlong bahagi ay gumamit ng Likert Scale ang mga

mananaliksik upang makakalap ng karagdagang impormasyon at

maitala ang resulta batay sa kanilang panuntunan ukol sa mga

paksa. Ang resulta sa ganitong uri ng katanungan ay ang

sumusunod:

52
UNIBERSIDAD NG MAPUA

TANONG 3.1 Bilang isang mag-aaral, i-rate mo ang iyong sarili

mula 1-5 pagdating sa paniniwala sa mga pamahiin. Lubos na

hindi sumasang-ayon (1); Hindi Sang-ayon (2); Katamtaman ang

pagsang-ayon (3); Sang-ayon (4); Lubos na sumasang-ayon (5)

depende sa iyong paniniwala sa mga sumusunod;

Lubos na hindi Hindi Sang- Lubos na


sumasang-ayon Sang- Katamtaman ang ayon sumasang- Kabuo
(1) ayon (2) pagsang-ayon (3) (4) ayon (5) an

Pampasuwerteng
Bagay (LuckyCharms) 9 11 22 7 1 50

Mga Kasabihan (o
Popular Sayings) 4 10 16 17 3 50

Kapalaran o
Palatandaan (o Fate
and Signs) 2 6 20 18 4 50

Mahiwagang Pag-iisip
(o Magical Thinking) 13 12 18 6 1 50

Talahanayan 3.1

Pigura 3.1

53
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Nagbigay ang mga mananaliksik ng apat na klaseng

paniniwala o pamahiin at pina-rate ito mula 1-5. 1 bilang

lubos na hindi pagsang-ayon at 5 naman bilang lubos na

pagsang-ayon. Ang unang klase ng pamahiin ay ang

Pampaswerteng Bagay (o Lucky Charms), siyam (9) na kalahok o

18% ang nagsabing sila ay lubos na hindi sang-ayon sa

paniniwala sa mga pampaswerteng bagay, labing-isa (11) o 22%

naman ang nagsabing hindi sila sang-ayon, samantalang

dalawampu’t dalawang (22) kalahok o 44% ang pumili sa

katamtaman na pagsang-ayon na may pinakamalaking porsyento.

Sumunod ay pitong (7) kalahok o 14% ang snagsabing sang-ayon

sila sa paniniwala sa mga pampasuwerteng bagay at ang panghuli

ay may isang (1) kalahok na nagsabing siya ay lubos na

sumasang-ayon sa paniniwala sa lucky charms at 2% ito mula sa

kabuoang porsyento.

Ang pangalawang pagpipilian ay ang Mga Kasabihan (o

Popular Sayings), mayroong apat (4) na kalahok o 8% ang

nagsabing lubos silang hindi sumasang-ayon sa ganitong uri ng

pamahiin, sampung (10) kalahok o 20% ang nagsabing hindi sila

sumasang-ayon, samantalang labing-anim (16) na kalahok o 32%

ang katamtaman ang kanilang pagsang-ayon sa mga kasabihan at

54
UNIBERSIDAD NG MAPUA

ang pinakamalaking parte sa kabuoang porsyento ay may labing-

pitong (17) kalahok o 34% ang nagsabing sang-ayon sila sa mga

kasabihan. Ang panghuli ay mayroong tatlong (3) kalahok o 6%

ang lubos na sumasang-ayon sa paniniwala sa mga kasabihan.

Kapalaran o Palatandaan (o Fate and Signs), ang ikatlong

aspeto na kung saan dalawa (2) o 4% ng mga kalahok ang pumili

sa lubos na hindi pagsang-ayon, sampung (10) o 20% naman ang

kalahok ang pumili na sila ay hindi sumasang-ayon, halos

kalahati ng kabuoang bilang o dalawampung (20) kalahok na 40%

mula sa kabuong porsyento ay katamtaman lamang ang kanilang

pagsang-ayon. Dagdag pa nito, mayroong labing walo (18) o 36%

na kalahok naman ang sang-ayon sa paksa at apat (4) o 8% na

kalahok lamang ang lubos na sumasang-ayon sa nabanggit na

paksa.

At ang panghuli na kategorya, ang Mahiwagang Pag-iisip

(o Magical Thinking) na mayroong labing tatlong (13) kalahok

o 26% ang hindi lubos na sumasang-ayon, labing dalawang (12)

kalahok o 24% ang nagsasabing sila ay hindi sang-ayon,

samantalang 36% o labing walong (18) kalahok ay katamtaman na

sumasang-ayon sa paksa. Sumunod ay may anim (6) na kalahok o

12% lamang ang bilang ng kalahok ang sang-ayon at isang (1)

55
UNIBERSIDAD NG MAPUA

kalahok o 2% lamang ang lubos na sumasang-ayon sa paksang

ito.

TANONG 3.2 Sa iyong palagay malawak ba ang iyong kaalaman

tungkol sa mga pamahiin o mga kasabihan sa ating bansa at

ibang bansa?

Lubos na hindi Hindi Sang- Lubos na


pagsang-ayon Sang- Katamtaman ang ayon sumasang-ayon Kabuo
(1) ayon (2) pagsang-ayon (3) (4) (5) an

5 14 20 5 6 50

Talahanayan 3.2

Pigura 3.2

Mula sa talahanayan 3.2 at pigura 3.2, makikitang

mayroong limang (5) kalahok o 10% ay sumagot ng lubos na hindi

56
UNIBERSIDAD NG MAPUA

sang-ayon pagdating sa lawak ng kanilang kaalaman pagdating

sa mga pamahiin o kasabihan. Sinundan ito ng hindi pagsang-

ayon na pinili ng labing-apat (14) na kalahok o 28%.

Samantalang dalawampung (20) kalahok o 40% ang nagsagot ng

katamtamang pagsang-ayon, nangangahulugang sakto lamang ang

lawak ng kanilang kaalaman pagdating sa mga pamahiin at

kasabihan. Ang susunod naman ay may limang (5) kalahok o 10%

na nagsasabing sang-ayon silang malawak ang kanilang kaalaman

tungkol sa mga pamahiin at kasabihan sa Pilipinas. Ang

pinakahuli naman ay may anim (6) na kalahok o 12% na lubos na

sumasang-ayon at nagsasabing malawak ang kanilang kaalaman

tungkol sa mga pamahiin at mga kasabihan sa Pilipinas.

57
UNIBERSIDAD NG MAPUA

TANONG 3.3 Gaano kaimportante sayo ang paniniwala sa pamahiin

at paggamit ng pampaswerteng bagay o lucky charms?

Lubos na hindi Katamtaman na Lubos na


pag sang-ayon Hindi Sang- Pag Sang- Ayon sumasang-
(1) ayon (2) (3) Sang-ayon (4) ayon (5) Kabuoan

9 17 18 5 1 50

Talahanayan 3.3

Pigura 3.3

Ayon sa nakatalang datos sa talahanayan 3.3 at pigura

3.3, makikitang limang kategorya ang pagpipilian. Ang unang

kategorya o ang lubos na hindi pagsang-ayon ay mayroong siyam

(9) na kalahok o 18% mula sa kabuoang porsyento ang

nagsasabing hindi nila itinuring na importante ang paniniwala

sa mga pamahiin at paggamit ng mga lucky charms o

pampasuwerteng bagay. Pangalawa, labing-pitong (17) kalahok

58
UNIBERSIDAD NG MAPUA

o 34% mula sa kabuoang porsyento ang nagsabing hindi sila

sang-ayon. Sunod, labing walong kalahok o 36% ang nagsabing

katamtaman lang ang kanilang pagsang-ayon. Samantalang, ang

kategoryang sang-ayon ay pinili ng limang (5) kalahok o 10%.

Sa huling datos, ang lubos na sumasang-ayon ay napili lamang

ng iisang (1) tao o 2% mula sa kabuoang porsyento,

nangangahulugang ang isang kalahok na ito ay lubos na

naniniwala sa pamahiin at paggamit ng pampasuwerteng bagay.

59
UNIBERSIDAD NG MAPUA

TANONG 3.4 Sa iyong palagay dapat bang ipagpatuloy ang

paniniwala sa pamahiin?

Lubos na hindi Katamtaman na Lubos na


pag sang-ayon Hindi Sang- Pag Sang- Ayon sumasang-
(1) ayon (2) (3) Sang-ayon (4) ayon (5) Kabuoan

5 7 26 10 2 50

Talahayanan 3.4

Pigura 3.4

Mula sa Pigura 3.4, makikitang may limang (5) kalahok o

10% ay ang sumagot ng lubos na hindi pagsang-ayon. Sunod, ang

hindi pagsang-ayon ay napili ng pitong (7) kalahok o 14%.

Dalawampu’t anim (26) na kalahok o 52% naman ang pumili sa

katamtaman ang pagsang-ayon na may pinakamataas na porsyento.

Samantalang, sampung (10) kalahok o 20% ng kabuoang porsyento

ang pumili sa sang-ayon at dalawang (2) kalahok o 4% ang

pumili ng lubos na sumasang-ayon.

60
UNIBERSIDAD NG MAPUA

TANONG 3.5 Dapat bang magsilbing gabay na lamang ang mga

pamahiin?

Lubos na hindi Katamtaman na Lubos na


pag sang-ayon Hindi Sang- Pag Sang- Ayon sumasang-
(1) ayon (2) (3) Sang-ayon (4) ayon (5) Kabuoan

3 4 19 16 8 50

Talahanayan 3.5

Pigura 3.5

May tatlong (3) kalahok o 6% ang Lubos na Hindi sumasang-

ayon, apat (4) na kalahok o 8% naman ang Hindi Sang-ayon,

labing siyam (19) na kalahok o 38% ay nagsasabi na Katamtaman

ang pagsang-ayon nila sa paksa, labing-anim (16) na kalahok

o 32% naman ang Sang-ayon, samantalang walong (8) kalahok o

16% ang Lubos na sumasang-ayon na dapat ay magsilbing gabay

na lamang ang mga pamahiin.

61
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Kabanata 5

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman kung

gaano karami sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mapúa Senior

High School ang naniniwala pa rin sa mga pamahiin at mabatid

kung may epekto ito sa pagbuo ng kanilang desisyon at kung

nais nilang ipagpatuloy ang paniniwala sa pamahiin o dapat

bang wakasan na ito.

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay limampung (50)

mag-aaral mula sa ika-11 na baitang ng Unibersidad ng

Mapúa Intramuros at Makati. Ang ika -11 na baitang ang napili

ng mga mananaliksik na maging parte ng pananaliksik na ito

dahil sila ay kabilang sa kasalukuyang henerasyon na mulat sa

kung ano ang pamahiin at may sapat na pananaw upang masagot

ang mga katanungang nilalaman ng talatanungan tungkol sa

epekto ng pamahiin sa kanilang pagbuo ng maliliit at

malalaking desisyon sa kanilang buhay. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng talatanungan upang makakalap ng

62
UNIBERSIDAD NG MAPUA

datos at para sa grapikal na presentasyong gumamit ang mga

mananaliksik ng pie graph at bar graph upang organisadong

mailahad ang resulta. Para naman sa kompyutasyong

estadistika, gumamit ang mga mananaliksik

ng percentage formula upang maipakita ang kinalabasang

resulta.

Sa unang bahagi ng nakalap na datos, napag-alaman ng mga

mananaliksik na lahat ng limampung kalahok ay naniniwalang

ang tao ang may hawak ng kapalaran niya at hindi ang mga

pamahiin. Samantalang, apanapu’t dalawang (42) kalahok

ang nagsasabing nakaaapekto ang paniniwala sa

pamahiin pagdating sa pagbuo ng desisyon at nang tanungin

sila kung gumagamit ba sila ng mga pampaswerteng bagay o

naniniwala sa kasabihan kapag kukuha ng pagsusulit sa

eskuwela karamihan o tatlompu’t anim (36) na kalahok ay

nagsabing hindi sila naniniwala o gumagamit nito sa

eskuwela. Habang, dalawampu’t pito (27) o higit sa kalahati

ng mga kalahok ang nagsasabing importante pa rin ang pagpasa

ng pamahiin sa susunod na henerasyon.

Sa ikalawang bahagi ng sarbey, natukoy ang mga epekto ng

kanilang pananaw o persepsyon ng mga respondente ukol sa mga

aspeto ng pamahiin (tulad ng Pampasuwerteng Bagay o Lucky

63
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Charms, Mga Kasabihan o Popular Sayings, Kapalaran o

Palatandaan o Fate and Signs, at Mahiwagang Pag-iisip

o Magical Thinking) batay sa mga nabanggit na sitwasyon kung

gaano ba ito nakaaapekto sa kanilang pagbuo ng desisyon. Ito

ay binubuo ng limang (5) katanungan tungkol sa kung alin sa

mga sumusunod na aspeto ang kanilang pinaniniwalaan o

hindi, maging kung ano ang madalas na pinaniniwalaan ng

karamihan, at ang ilan ay ukol sa mga epekto at dahilan ng

paniniwala sa mga pamahiin. Mula sa mga katanungan sa

bahaging ito, nabatid ng mga mananaliksik na karamihan sa mga

respondente ang naniniwala sa mga Kapalaran o Palatandaan (o

Fate and Signs) samantalang ang hindi pinaniniwalaan ng

mga respondente ay mga Pampasuwerteng Bagay (o Lucky Charms).

Dagdag pa rito, nabatid rin ng mga mananaliksik na ayon sa

pananaw ng mga respondente, ang madalas nilang naririnig na

pinaniniwalaan ng mga tao ay ang mga Kasabihan (o Popular

Sayings). Bagama’t nakadepende sa nakasanayan ng isang

indibidwal ang mga epekto at dahilan ng paniniwala sa

pamahiin, mula sa mga kasagutan ukol dito nabatid ng mga

mananaliksik na karamihan ay nagsasabing ito ay walang

malaking epekto sa pagbuo ng desisyon. Samantalang, sinasabi

64
UNIBERSIDAD NG MAPUA

rin ng mga respondente na hindi sila naniniwala sa mga

pamahiin gawa ng wala naman itong siyentipikong basehan.

Sa ikatlong bahagi, sinagutan ng mga respondente ang mga

tanong na sumasaklaw mula lubos na hindi sumasang-ayon

hanggang lubos na sumasang-ayon na sumusukat sa kanilang

paniniwala sa pamahiin. Binubuo rin ito ng limang (5)

katanungan tungkol sa pagmamarka kung alin sa mga sumusunod

na aspetong pamahiin ang lubos nilang pinaniniwalaan,

pinaniniwalaan, katamtaman na paniniwala, hindi paniniwalaan,

at lubos na hindi paniniwalaan sa mga ito. Sa parehas na

pinagpilian, ang ilang mga tanong ay tumutukoy sa lawak ng

kanilang kaalaman ukol sa mga pamahiin dito sa bansa o maging

sa ibang bansa, katanungan ukol sa importansiya ng paniniwala

sa pamahiin at paggamit ng pampaswerteng bagay o lucky

charms, ang kanilang palagay ukol sa pagpapatuloy ng

paniniwala sa pamahiin, at ang pagsukat sa katanungan na dapat

bang magsilbing gabay lamang ang mga pamahiin. Mula sa mga

tugon ng mga respondente sa mga katanungan, nalaman ng mga

mananaliksik na karamihan sa mga mag-aaral ay katamtamang

sumasang-ayon sa mga aspeto ng paniniwala sa pamahiin. Ukol

sa kalawakan ng paniniwala ng mga limampung (50) estudyante

Unibersidad ng Mapùa, nalaman ng mga mananaliksik na tanging

65
UNIBERSIDAD NG MAPUA

katamtaman lamang ang lawak ng kaalaman karamihan sa mga mag-

aaral. Batay sa pagsukat kahalagahan ng pamahiin at

pampaswerteng bagay, pagpapalaganap ng paniniwala, at

pagsilbing gabay ng pamahiin, nabatid na karamihan sa mga

estudyante ay sinasabing ang kahalagahan ng pamahiin ay

banayad lamang ito.

Konklusyon

Ayon sa mga sagot ng mga kalahok sa ika-11 baitang ng

Unibersidad ng Mapúa Intramuros at Makati, ang mga resultang

nakalap ay ang sumusunod:

1. Makikitang malaki pa rin ang impluwensya ng mga

ninuno sa paniniwala sa pamahiin dahil ayon sa nakalap

na datos dalawampu’t pitong (27) kalahok o 54% mula sa

limampung (50) kalahok ang naniniwalang importante pa

rin ang pagpasa ng pamahiin sa susunod na henerasyon.

2. Sumasang-ayon ang apatnapu’t dalawang (42) kalahok o

82% mula sa limampung (50) kalahok na nakaaapekto ang

paniniwala sa pamahiin sa pagbuo ng desisyon at walo (8)

o 16 % lamang ng mga kalahok ang hindi naniniwala rito.

3. Nang tanunging ang mga kalahok kung dapat bang

ipagpatuloy ang paniniwala sa pamahiin dalawampu’t anim

66
UNIBERSIDAD NG MAPUA

(26) na kalahok o 52% ang katamtamang sumang-ayon,

sampung (10) kalahok naman o 20% ang sang-ayon at

dalawang kalahok (2) o 4% ang lubos na sumang-ayon.

Samantalang pitong (7) kalahok o 14% ang hindi sang-ayon

sa pagpapatuloy ng paniniwala sa pamahiin at sinundan

ito ng limang kalahok o 10% na lubos na hindi sang-ayon

sa pagpapatuloy ng paniniwala sa pamahiin.

4. Mula sa datos na nakalap, limampu (50) o 100% ng mga

kalahok ang nagsabing ang tao ang may hawak ng kapalaran

niya at hindi ang mga pamahiin.

5.Lumalabas sa datos na labing siyam (19) o 38% ng mga

kalahok ang katamtaman ang pagsang-ayon sa tanong na

dapat bang magsilbing gabay na lamang ang mga

pamahiin sinundan ito ng labing anim (16) o 32% ng mga

kalahok na sumang-ayon at walo (8) o 16% ang lubos na

sumasang-ayong dapat ay mag silbing gabay na lamang ang

mga pamahiin sa pagbuo ng desisyon. Samantalang, apat

(4) o 8% ng mga kalahok ang hindi sang-ayon at tatlo (3)

o 6% ng mga kalahok ang hindi sang-ayon na dapat

magsilbing gabay na lamang ang mga pamahiin.

67
UNIBERSIDAD NG MAPUA

6. Batay sa dalawampu’t tatlo (23) mula sa limampung

(50) kalahok, tumutukoy na ang Kapalaran at Palatandaan

(o Fate and Signs) ay ang pinakapinaniniwalaan ng mga

kalahok mula sa unibersidad.

7. Para sa kasalungat ng bilang anim (6), Labing dalawang

(20) kasagutan mula limampung (50) kalahok, ang sumagot

na ang Pampasuwerteng Bagay (o Lucky Charms) ang

pinakahindi pinaniniwalaan.

8. Mula sa pinasagutan na sarbey sa limampung (50)

kalahok, ang pananaw ng labing dalawang (28) mag-aaral

ay nagsasabi na ang Kapalaran o Palatandaan (o Fate and

Signs) ang pinakapinaniniwalaan ng mga tao.

9. Sa dalawampu’t tatlo (23) at dalawampu’t anim (26) na

kalahok mula sa magkaibang tanong, ang nagsasabi na ang

paniniwala sa pamahiin ay walang epekto sa kanilang

pagbuo ng desisyon at karamihan ay nagsasabi na hindi

sila naniniwala sapagkat ang pamahiin ay walang

siyentipikong basehan.

10. Bilang kabuoan, karamihan sa mga kalahok ay banayad

lamang sa pagtugon o paniniwala sa mga pamahiin at

68
UNIBERSIDAD NG MAPUA

sinasabi na ang paniniwala sa mga ito ay walang epekto

sa pagbuo ng anumang desisyon. Dagdag pa rito, Ito ay

hindi gaano pinaniniwalaan gawa ng ito ay walang

siyentipikong basehan kung kaya’t sa tingin nila ay

dapat magsilbi na lamang itong gabay sa pagbuo ng

desisyon.

Rekomendasyon

Mula sa mga naging resulta ng pag-aaral, ang mga mananaliksik

ng pag-aaral na ito ay inirerekomenda ang mga sumusunod:

1. Para sa mga estudyante, mahalagang alamin at pag-

aralan kung ano ang pinagmulan ng mga pamahiing patuloy na

humuhubog sa bawat pagdaan ng panahon. Marapat na bigyang

pagpapahalaga ang kultura at tradisyon na ibinahagi ng mga

ninuno ngunit dapat ay huwag dumepende sa kung

ano lamang ang suwerte at malas, bagkus lawakan ang pang-

unawa sa paggawa ng desisyon. Ang mga pamahiin ay nandiyan

upang magsilbing gabay ngunit tao pa rin ang may hawak ng

kanyang kapalaran.

2. Para sa mga guro, malaki ang ginagampanan ng mga

guro upang malaman ng bawat kabataan ang tunay

na depinisyon at sa kung paanong paraan nabuo at nakuha sa

69
UNIBERSIDAD NG MAPUA

kasaysayan ang konsepto ng pamahiin. Malaki ang maiaambag ng

pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa kultura at

tradisyong ipinasa ng mga ninuno tulad ng pamahiin sa mga

mag-aaral nang sa gayon ay magkarooon sila ng ideya at

makabuo ng sariling pananaw .

3. Para sa mga magulang, higit na mas nakalalamang ang

impluwensya ng mga magulang sa perspektibong pagiisip ng mga

kabataan sa kasalukuyan. Napakalaking tulong ang paraan ng

pagsuporta at paggabay ng isang magulang sa kanilang mga anak,

malaking parte ng kanilang pagkatao ay mahuhubog sa loob ng

kanilang tahanan kung kaya’t marapat na ipakita ang

mga kultura at tradisyon na mayroon ang Pilipinas ngunit

dapat ay paalalahanang ang pamahiin ay isa lamang tradisyon,

kung saan sinusunod lamang ito upang makatulong sa

pagdisiplina at ito ay walang kinalaman sa pagbuo ng desisyon

sa buhay.

4. Para institusyon ng pamahalaan na nangangasiwa sa kult

ura, nawa’y patuloy na paglaanan ng pansin ang pagpapayabon

g sa tradisyon at kulturang ipinagkaloob ng mga ninuno tula

d na lamang ng pagbabahagi nila ng mga pamahiin upang magsi

lbing gabay sa mga tao.

70
UNIBERSIDAD NG MAPUA

5. Para sa mga susunod mananaliksik, nawa’y palawigin pa

ang saklaw at limitasyon ng pananaliksik na

ito upang mas maging malalim pa ang pag-aaral na magagawa,

nang sa gayon ay lubusang mabatid ang epekto at pananaw ng mga

susunod na henerasyon tungkol sa pagbuo ng desisyon batay

sa paniniwala sa pamahiin.

70

71
UNIBERSIDAD NG MAPUA

SANGGUNIAN

Abanilla, M.L., Delfinado, C., & Galvez, A. (2018). Ang

Pagtangan Sa mga Sinaunang Pamahiin at Konsepto sa

Sarili ng mga piling Kabataang Cabuyeño sa Gitna ng

Modernisayon. Pamantasan ng Cabuyao.

https://www.academia.edu/35258952/ang_pagtangan_sa_mga

_sinaunang_pamahiin_at_konsepto_sa_sarili_ng_mga_pilin

g_kabataang_cabuye%c3%91o_sa_gitna_ng_modernisasyon

Aldridge, A., Baartman, S., Conversation, T. (2018, October

7). Australia: As superstitious as the rest of the

world? Australian Times News.

https://www.australiantimes.co.uk/lifestyle/australia-

as-superstitious-as-the-rest-of-the-world/.

Antazo, R., By, & Antazo, R. (2019, August 2). Mga Pamahiin

Noon at Ngayon sa Buong Mundo. PhilippineOne.

https://philippineone.com/mga-pamahiin-noon-at-ngayon-

sa-buong-mundo-2/.

Caliwag (2014). Isang Maikling Pasabi Tungkol sa Pamahiin.

teddyliterati.

72
UNIBERSIDAD NG MAPUA

https://teddyliterati.wordpress.com/2014/08/15/isang-

maikling-pasabi-tungkol-sa-pamahiin/.

Colino, S. (2016). How Superstitions Are Affecting Your

Behavior. U.S. News & World Report.

https://health.usnews.com/wellness/mind/articles/2016-

10-26/how-superstitions-are-affecting-your-behavior.

J. Argo et al. (1970). The effect of superstitious beliefs

on performance expectations. Journal of the Academy of

Marketing Science.

https://link.springer.com/article/10.1007/s11747-008-

0116-y.

Lopez, R. M., Manganganot, J. G., Nale, V., & Raboy, K. L.,

(0AD). Pamahiin nila noon, Buhay pa ba ngayon? Pagsusuri

sa mga Pamahiing Nananatili mula noon Hanggang Ngayon.

https://1715373997.rsc.cdn77.org/wp-

content/uploads/2015/11/Pamahiin-

PSPPSU.pdfhttps://philippineone.com/mga-pamahiin-noon-

at-ngayon-sa-buongmundo-2/.

73
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Mariveles, S. (2019). AKSYON-RISERT-FORMAT.docx.

pdfcoffee.com. https://pdfcoffee.com/aksyon-risert-

formatdocx-pdf-free.html.

Mcleod, S. (2018). B.F. Skinner - Operant Conditioning |

Simply Psychology.

https://www.simplypsychology.org/operant-

conditioning.html.

Santos, T. U. (2009, May 4). Mensahe ng pamahiin. The

Varsitarian.

https://varsitarian.net/filipino/20081117/mensahe_ng_pam

ahiin?fbclid=IwAR3F+aG9K1l0-cAPMsAWS-N-

CcDXcaS2v1X1XQgLqE5A4RUlRbTIbPUVboXc.

Susan, B. (2018). Ideas of luck and superstition vary among

cultures around the world > News > USC Dornsife. USC

Dornsife College News RSS.

https://dornsife.usc.edu/news/stories/2836/friday-the-

13th-superstitions-and-luck/.

Valencia, D. (2015). thesis final.docx. Scribd.

https://www.scribd.com/document/419226785/thesis-final-

docx.

74
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Wilde, E. (1999). Hypertext Markup Language (HTML). Wilde’s

WWW, (p.173–262). https://doi.org/10.1007/978-3-642-

95855-7_6

74

75
UNIBERSIDAD NG MAPUA

APENDIKS

Liham

Magandang araw sa inyo!

Kami ang mga mag-aaral mula sa baitang 11-IA101 ng Mapúa

University Senior High School, sa ilalim ni Bb. Angie Mae

Rivera, na nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang

“Pag-aaral patungkol sa Paniniwala sa mga Pamahiin at

Pagtuklas sa Epekto nito sa Paggawa ng mga Desisyon ayon sa

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Unibersidad ng Mapúa Senior

High School T.P 2020-2021” na isang kahingian bilang bahagi

ng kursong Filipino 02.

Kaugnay nito, hinihingi po namin ang kaunting oras ninyo

upang sagutan ang aming talatanungan na kalakip ng liham na

ito. Ang panahong itutuon niyo sa pagtulong sa amin ay

lubos na malaking tulong upang mabatid ang epekto ng

pamahiin sa pagbuo ng desisyon. Maasahan na ang mga

isasagot ninyo sa aming talatanungan ay gagamitin lamang

para sa akademikong layunin.

Maraming salamat po at nawa’y makamit namin ang positibong

tugon kaugnay ng kahilingang ito.

76
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Lubos na sumasainyo,

Sheena Arcilla

Marcel Garcia

Nygel Gonzales

Nordel Manuel

Lauren Neri

Gilbert Ong

Chlarisse Tan

77
UNIBERSIDAD NG MAPUA 77

Talatanungan

PANUTO: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod na

hinihinging datos. Basahin at unawain nang mabuti ang

nilalaman ng talatanungan. Sagutan ito nang buong

katapatan. Kailangan isulat lahat ng iyong impormasyon sa

patlang.

Pangalan (opsyonal):______________________________________

*Edad:___

*Seksyon:__________

I. Oo o Hindi: Punan ang bilog na OO kapag ikaw ay

sumasang-ayon sa paksang nabanggit at HINDI kapag ikaw

ay hindi sumasang-ayon.

1. Naniniwala ka ba na ang tao ang may hawak ng

kapalaran niya at hindi ang mga pamahiin? Oo o HINDI

2. Sumasang-ayon ka ba na nakaaapekto ang paniniwala sa

mga pamahiin sa pagbuo ng desisyon? Oo o HINDI

78
UNIBERSIDAD NG MAPUA

3. Gumagamit ka ba ng mga pampaswerte o naniniwala sa mga

kasabihan kapag kukuha ng pagsusulit sa eskuwela? Oo o

HINDI

4. Sa tingin mo ba importante pa rin ang pagpasa ng

pamahiin sa susunod na henerasyon? Oo o Hindi

5. Mayroon bang pagkakataon na sa palagay mo ay gumana

ang pamahiin na pinaniniwalaan mo sa iyong sariling

karanasan? Oo o Hindi

II. Multiple Choice: Piliin at Bilugan ang wastong titik

na naaayon sa iyong pag-unawa sa mga katanungan.

1.Bilang isang mag-aaral, sa anong klaseng paraan ng

paniniwala sa mga pamahiin ang PINAKA sinusunod o

pinaniniwalaan mo? Pumili lamang ng isa.

a.Pampasuwerteng Bagay (Lucky Charms)

b.Mga Kasabihan (o Popular Sayings)

c.Kapalaran o Palatandaan (o Fate and Signs)

d. Mahiwagang Pag-iisip (o Magical Thinking)

79
UNIBERSIDAD NG MAPUA

2. Alin sa mga sumusunod ang PINAKA HINDI mo pinaniniwalaan

na pamahiin?

a.Pampasuwerteng Bagay (Lucky Charms)

b.Mga Kasabihan (o Popular Sayings)

c.Kapalaran o Palatandaan (o Fate and Signs)

d. Mahiwagang Pag-iisip (o Magical Thinking)

3. Ano ang madalas mo naririnig na pinaniniwalaan ng mga

tao?

a.Pampasuwerteng Bagay (Lucky Charms)

b.Mga Kasabihan (o Popular Sayings)

c.Kapalaran o Palatandaan (o Fate and Signs)

d. Mahiwagang Pag-iisip (o Magical Thinking)

4. Depende sa iyong nakasanayan, Alin sa mga sumusunod ang

tunay na epekto ng pamahiin sa iyong pamumuhay?

a.Nalalayo ako sa kapahamakan.

b.Nagkaroon ako ng inspirasyon gumawa ng isang bagay

dala ng imahinasyon.

80
UNIBERSIDAD NG MAPUA

c.Ang paniniwala sa mga pamahiin ay nakaapekto sa

aking pagdedesisyon.

d. Wala itong tunay na epekto sa aking pagbuo ng

desisyon.

5. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang pinaniniwalaan mo

tungkol sa pamahiin?

a. Lagi kong sinusunod ang mga pamahiin dahil nagdadala ito

ng suwerte sa akin

b. Lagi kong sinusunod ang mga pamahiin dahil ayoko

malasin

c. Ginagamit ko lang ang mga pamahiin bilang gabay sa

pagdedesisyon

d. Hindi ako naniniwala sa pamahiin dahil wala naman

itong siyentipikong basehan

81
UNIBERSIDAD NG MAPUA

III. Likert Scale: Lagyan ng tsek (/) ang angkop na kahon

sa iyong kasagutan.

Lubos Hindi Lubos na


na sumasang-
Hindi Sang- Alanganin Sang- ayon
Pag ayon ayon
sang- (5)
(4)
ayon (3)
(2)
(1)

a. Bilang isang
mag-aaral, i-rate
mo ang iyong
sarili mula 1-5
depende sa iyong
paniniwala sa mga
sumusunod;

Pampasuwerteng
Bagay o Lucky
Charms

Mga Kasabihan o
Popular Sayings

Kapalaran o
Palatandaan (o
Fate and Signs)

Mahiwagang Pag-
iisip (Magical
Thinking)

82
UNIBERSIDAD NG MAPUA

b. Sa iyong
palagay malawak
ba ang iyong
kaalaman tungkol
sa mga pamahiin o
mga kasabihan sa
ating bansa at
ibang bansa?

c. Gaano
kaimportante sayo
ang paniniwala sa
pamahiin at
paggamit ng
pampaswerteng
bagay o lucky
charms

d. Sa iyong
palagay dapat pa
bang ipagpatuloy
ang paniniwala sa
mga pamahiin?

e. Dapat bang
magsilbing gabay
na lamang ang mga
pamahiin?

83

You might also like