You are on page 1of 6

1

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Ang tradisyon o kaugalian ay koleksyon ng mga paniniwala, opinyon, mga kwento, alamat

at kultura na karaniwang isinasalin mula sa isang henerasyon patungo sa susunod pa. Lubos na

nakabatay sa pangkalahatang pagtanggap ang mga tradisyon at karaniwang nagsisimula bilang

mga maliliit na tuntunin tungo sa isang bagay na pinagkakasunduan ng mga mamamayan sa

paglipas ng panahon. Bagama’t ang bawat tradisyon ay mayroong sinusunod na mga tuntunin at

kalimitang napag-iiwanan na ng panahon bunsod ng modernisasyon, nilalayon ng mga

mananaliksik sa pag-aaral na ito na panatilihing buhay ang tradisyong mayroon ang Barangay

Buhangin lalo na’t ngayong isa ang lalawigan ng Aurora sa umuunlad na lugar kung saan maaaring

maapektohan ang sariling tradisyon ng bayan.

Ang tradisyonal na panliligaw ay ang paraan ng panliligaw na nakagisnan na noong unang

panahon. Ito ang paraan ng mga kalalakihan upang makuha ang matamis na sagot ng mga

kababaihan. Sa paraang ito, hindi lang mga kababaihan ang nililigawan ng mga lalaki kundi

maging ang mga magulang ng babaeng nililigawan. Pagsisibak ng kahoy, pagiigib ng tubig,

pamamalengke, pagluluto at iba pang mga gawaing-bahay ang ginagawa ng mga lalaki upang

makuha ang loob ng buong pamilya ng kaniyang nililigawan. Pinapakita ng kaugaliang ito ang

respeto ng mga kalalakihan gayundin ang kanilang paggalang sa pamilya ng babae. Naipamamalas

din ng mga kalalakihan, sa pamamagitan ng panliligaw, ang kanilang masigasig na kagustuhan at

determinasyong masungkit ang loob ng babae. Tunay ngang masasabing mahirap ang
2

pinagdaraanan ng mga kalalakihan sa ilalim ng panliligaw – tradisyonal na panliligaw subalit,

masasabi rin namang hindi sayang ang pagod at paghihirap nila dahil may pinatunguhan naman

ito.

Sa kabilang banda, ang tradisyonal na pamamanhikan ay isang okasyon kung saan pormal nang

hihingin ng lalaki ang kamay ng babae sa harap ng parehong angkan upang maging ganap na ang

planong pagpapakasal. Masasalamin sa paraang ito ang tunay na kulturang Pilipino – ang pagiging

konserbatibo. Sa pagdadaraos ng pamamanhikan, nagkakaroon ng munting salo-salo sa pagitan ng

magkasintahan upang mapag-usapan at mapagkasunduan ang bawat detalye ng gaganaping

kasalan. Bunsod sa impluwensya ng mga mananakop noon, namana na rin ng mga Pilipino ang

pagsasagawa ng Dote o Bigay-kaya sa iba’t ibang parte ng bansa kung kaya’t hindi na rin

nakagugulat na minsa’y isinasagawa ito ng mga kapwa nating Pilipino.

Bilang mga naninirahan sa Baler partikular sa Barangay Buhangin, nais ng mga

mananaliksik na mas pag-ibayuhin pa ang munting kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa

tradisyonal na mga kaugalian. Bunsod nga sa modernong panahon, tila’y nababago na kung ano

ang tunay na kinagisnang kaugalian noon – Panliligaw at Pamamanhikan. Sa tulong ng

pananaliksik na ito, umaasa ang mga mananaliksik sa patuloy na pag-unlad, hindi lang ng

mayamang kultura ng Buhangin kundi maging ng mga tradisyunal na kaugalian na siyang

sumasalamin sa kung ano ang kaugaliang mayroon ang mga mamamayan dito, lalo na’t ngayong

kasalukuyan ay patuloy na lumalaki ang bilang ng mga turista sa Bayan ng Baler na maaaring

maging impluwensya sa kaugalian ng mga mamamayan.


3

Layunin ng Pag – aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyang kasagutan ng mga mananaliksik ang persepyon

sa tradisyunal na panliligaw at pamamanhikan ng mga mamamayang naninirahan sa Barangay

Buhangin. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang:

1. Malaman ang pagpapahalaga ng mga mamamayan ng Barangay Buhangin sa tradisyonal

na panliligaw.

2. Malaman ang pagpapahalaga ng mga mamamayan ng Buhangin sa tradisyonal na

pamamanhikan.

3. Matukoy ang mga tradisyunal na pamamaraan ng panliligaw na isinasagawa pa sa

kasalukuyan ng mga mamamayan ng Barangay Buhangin.

4. Matukoy ang mga tradisyunal na pamamaraan ng pamamanhikan na isinasagawa pa sa

kasalukuyan ng mga mamamayan ng Buhangin.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang persepsyon ng mga mamamayan ng

Barangay Buhangin sa tradisyonal na panliligaw at pamamanhikan. Bukod pa rito, ang

pananaliksik na ito ay may nais na bigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano - ano ang epekto sa mga mamamayan ng Barangay Buhangin sa pagsasagawa ng

Tradisyunal na Panliligaw at Pamamanhikan?

2. Ano ang persepyon ng mga mamamayan ng Barangay Buhangin sa pagsasagawa ng

Tradisyunal na Panliligaw at Pamamanhikan?


4

3. Gaano kahalaga sa mga mamamayan ng Barangay Buhangin ang pagsasagawa ng

Tradisyunal na Panliligaw at Pamamanhikan?

Kahalagahan ng Pag – aaral

Ang mga sumusunod ay mga layunin at kahalagahan na maidudulot ng pag – aaral na ito

na may kaugnayan sa kultura at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan sa Barangay

Buhangin.

Para sa Mananaliksik isa itong pribilehiyo sapagkat magkakaroon sila ng pagkakataon upang

kilalanin at unawain ang isa sa mga barangay ng bayan ng Baler at ang mga persepsyon ng mga

mamamayan nito sa tradisyunal na panliligaw at pamamanhikan.

Para sa Namumuno sa Barangay makatutulong ang pananaliksik na ito sa barangay na nabanggit

upang malaman at maipalaganap ang persepsyon ng bawat mamamayan sa tradisyunal na

panliligaw at pamamanhikan.

Para sa Mga Mamamayan ito ay makatutulong sa iba pang mga mananaliksik upang magkaroon

sila ng karagdagang kaalaman tungkol sa isinagawang pag-aaral nang sa gayon ay mapalawak ang

kanilang kaalaman tungkol sa persepyon ng mga mamamayan sa tradisyunal na panliligaw at

pamamanhikan sa nasabing Barangay.

Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa persepyon ng mga mamamayan ng Barangay Buhangin sa

tradisyunal na panliligaw at pamamanhikan noon at ngayon sa pamamagitan ng mga


5

pamamaraan, kasidhian at sa mga midyum o instrumentong na gamit sa

panliligaw. Ang pag-aaral na ito ay hindi nagpapakita kung paano manligaw ng tama kundi ang

pag-aaral na ito ay nagpapakita ng mga persepsyon lamang ng mga mamamayan sa tradisyunal na

panliligaw at pamamanhikan sa nasabing barangay.

Depenisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit

Pamamanhikan ang okasyon kung saan ang pamilya ng lalaki o nobyo ay pupunta sa bahay ng

babae o nobya upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang.

Ibigsabihin lang nito na gusto nang pakasalan ng binata ang dalaga. Ang tradisyon ng

pamamanhikan ay nagpapakita ng respeto at karangalan para sa mga magulang ng dalaga bago

magpakasal ang magkasintahan.

Dote o handog ay isang karapatan ng bawat babae bago ikasal. Ito ay isang handog na itinakda at

ipinagutos ng islam. Ang kasunduan sa isang kasal ay hindi maaaring maging ganap maliban at

hanggang ang dote ay hindi sina-sangayunan. Ang dote ay maaring lupa, ari-arian, kalabaw,

kabayo, o di kaya nama’y mahahalagang bagay o salapi.

Persepsiyon paraan sa pagkilala sa mga bagay na nakalimbag. Ito ay isang pananaw ng isang tao

ukol sa isang bagay.

Mode halaga sa mga datos na may pinakamaraming bilang, sa ibang pagpapakahulugan, ito ay

ang halaga sa mga datos na maaaring maging sampol.

Tradisyon mga impormasyon, doktrina, o kaugalian na nagpasalin-salin mula sa mga magulang

tungo a mga anak o naging kinagawiang paraan ng pag-iisip o pagkilos.


6

Kultura karunungan, sining literature, paniniwala, kaugalian ng isang pangkat ng mga taong

nananahan sa isang pamayanan

You might also like