You are on page 1of 6

TORRIJOS SENIOR HIGH SCHOOL

GENERAL ACADEMIC STRAND

PANANALIKSIK SA PANINIWALA NG MGA PILIPINO:

ISANG MALIIT NA PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA


SINAUNANG PANINIWALA NA PATULOY NA NANGINGIBABAW
SA MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY TIGWI

Isang Akademikong Sulatin na Inihain kay

Gng. Jhonamie Mariposque

Bilang bahagi ng pagtupad sa mga Pangangailangan

para sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ipinasa nila:
Jayven F. Esplana Janine P. Sarmiento
Ericka May R. Honrubia Suzette Valencia
Camille Joy M. Constantino Darwin Almonte
Paul Andrew F. Llante Jesryl Andrade
Jessa L. Pernia Rose Madel De Gillo
TORRIJOS SENIOR HIGH SCHOOL
GENERAL ACADEMIC STRAND

I. PAGTINGIN SA KABUUAN NG PANANALIKSIK

Ang mga sinaunang paniniwala ay bahagi ng ating pagkakilanlan at kultura bilang


Pilipino. Nagpapakita ito ng ating gawain, tradisyon at kasanayan na naglalarawan sa
pang araw-araw na pamumuhay na namana pa sa ating mga ninuno. Marami ang
pinaniniwalaan ng mga Pilipino na hindi maipaliwanag ng siyentipikong batayan hinggil
sa mga bagay-bagay na walang relasyon sa isa’t isa ngunit napakalaki ang epekto nito sa
bawat indibidwal sa araw-araw. Mahalaga sa mga Pilipino ang mga pamahiin o
paniniwala dahil ginagamit nila itong gabay sa kanilang buhay.

Sa dami ng mga dayuhan na sumakop sa atin at patuloy na modernisasyon


kasabay ng paglipas ng mahabang panahon ay unti- unting naglalaho ang mga pamahiin
na pinaniniwalaan ng mga Pilipino. Pero may ilan pa rin na patuloy na binibigyang
importansya ang mga ito at sinusunod sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito na pinamagatang “ISANG MALIIT NA


PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA SINAUNANG PANINIWALA NA PATULOY
NA NANGINGIBABAW SA MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY TIGWI”,
ninanais nito na masagot ang ilang katanungan patungkol sa kung anong mga paniniwala
ang patuloy na nangingibabaw sa mga mamamayan ng nasabing barangay. Bukod dito,
tinatangka ring ipakita at ilahad ng pag-aaral na ito ang dahilan ng patuloy na paniniwala
sa mga ito sa kasalukuyang panahon. Layunin din nito na maunawaan ang epekto ng mga
paniniwala sa gawi ng mga mamamayan ng Tigwi.
TORRIJOS SENIOR HIGH SCHOOL
GENERAL ACADEMIC STRAND

II. PAGLAHAD NG MGA SULIRANIN

 Ano ang mga pangunahing paniniwala/pamahiin ng mga mamamayan ng


Tigwi?
 Ano ang dahilan ng patuloy nilang paniniwala sa mga ito sa kasalukuyang
panahon?
 Ano ang epekto ng mga paniniwalang ito sa gawi ng mamamayan ng Tigwi?

III. PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay naghahangad na makamit ang sumusunod na layunin:

 Tukuyin at alamin ang pangunahing paniniwala/pamahiin ng mamamayan


ng Tigwi.
 Maunawaan ang dahilan ng patuloy nilang paniniwala sa mga ito.
 Mailahad ang epekto sa gawi ng mamamayan ng Tigwi.

IV. PAGTUKOY SA POOK AT MGA TAONG MAY KINALAMAN SA


PAGSUSURI

Ang pagsusuri na ito ay isinagawa sa Barangay Tigwi, Torrijos, Marinduque. Ang


mga taong pagkukuhanan ng impormasyon ay ang mga piling mamamayan sa Barangay
Tigwi na may edad na 30 hanggang 80 taong gulang. Ang mga nabanggit na katugon ay
napili sapagkat sila ang patuloy na naniniwala sa mga sinaunang pamahiin.
TORRIJOS SENIOR HIGH SCHOOL
GENERAL ACADEMIC STRAND

V. PAGLALAHAD NG HANGGANAN NG PAGSUSURI

Ang pagsusuri na ito ay isinagawa noong Oktubre 2017 ay nagnanais na


makakalap ng impormasyon tungkol sa mga sinaunang paniniwala na patuloy na
nangingibabaw sa mga mamamayan ng Tigwi. Ang mga katugon ay piling mamamayan
ng Tigwi.

VI. PAMAMARAAN SA PAGKUHA NG KAILANGANG IMPORMASYON

Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa Barangay Tigwi upang magtanong kung


sino ang mga taong maaaring maging bahagi ng kanilang pananaliksik. Sunod dito, sila
ay nagpakilala at inilahad ang mga layunin ng kanilang pakikipag-usap tungkol sa mga
sinaunang pamahiin na nangingibabaw sa mamamayan ng Tigwi. Pagkatapos makuha
ang mga kinakailangang impormasyon ay maayos nilang sinuri ang mga ito. Sila ay
nagkaroon ng pagtatasa at pagbubuod sa mga nakalap na impormasyon bago ito ilathala
at ihain sa kanilang guro.
TORRIJOS SENIOR HIGH SCHOOL
GENERAL ACADEMIC STRAND

VII. MGA NAKALAP NA IMPORMASYON TUNGKOL SA PAMAHIIN NA


NANGINGIBABAW

Ayon sa mga datos na nakuha sa mga katugon, ilan sa mga pinaniniwalaan ng


mga mamamayan ng Tigwi ay ang mga sumusunod: malas ang pagsusuot ng trahe de
boda bago ikasal, bawal magwalis ng gabi, bawal mauntog ang ataol ng patay bago
ilibing dahil marami ang mamatay, huwag tumayo o tumambay sa pinto kapag may
buntis dahil mahihirapan ito sa panganganak, bawal magsuot ng pulang damit kung
pupunta sa lamay, bawal bumili ng karayom at magtahi ng damit sa gabi, bawal
magpakuha ng larawan kung kayo ay tatlo, bawal kumanta sa harap ng lutuan, bawal
padaanin ang pera sa bintana, bawal mag-bigay ng pera sa taong nakahiga, nakakapayat
ang pagpalo ng walis.

Sapagkat ang mga paniniwalang ito ay isinasabuhay ng mga katugon sa kanilang


mga tahanan kaya naisalin ito sa nagdaang henerasyon kaya naging matibay at malalim
ang pagkakatanim sa kanilang kamalayan. Dagdag pa rito ang mga mamamayan sa Tigwi
ay likas na takot sa trahedya kaya naniniwala sila sa mga pamahiin sapagkat wala
namang masamang dulot kung susundin ang mga ito.

Ayon pa sa mga katugon ang pagsunod sa mga pamahiin ay may kalakip na bunga
na maaring masama o mabuti para sa isang indibidwal. Para sa kabutihang dulot, mas
nagiging maingat sila sa mga bagay-bagay na gagawin sa araw-araw. Kaya naiiwasan
nila ang disgrasya, problema, sakit at nagkakaroon pa ng magandang resulta tulad ng
tagumpay at kasiyahan. Ilan din sa mga katugon ay nagsabing ang mga paniniwalang ito
ay nagiging aral din sa kanilang mga anak dahil nagbibigay ito ng respeto para sa tao o
bagay gaya sa mga pamahiin sa patay, kalikasan at pagkain.

Kaya, marami sa mga katugon ang pinipili itong sundin at gawing gabay sa pang-
araw-araw na buhay. Ipinapasa din nila ito sa kanilang mga anak at sa ibang tao.
TORRIJOS SENIOR HIGH SCHOOL
GENERAL ACADEMIC STRAND

VIII.REPLEKSYON

Mahalaga na malaman ang mga paniniwala ng isang lugar/nayon sapagkat isa


itong paraan upang mas makilala ang kaugalian at kultura ng mga taong nakatira dito. Sa
pamamagitan din nito maiiwasan ang anumang problemang sosyo-kultural na dahil sa
hindi pagbibigay galang sa kung ano ang pinaniniwalaan ng isang tao. Bukod pa rito, ang
ilan sa mga paniniwala ay may kaugnayan din sa kabutihang asal tulad ng paggalang,
pagmamahal sa Inang kalikasan at pagbibigay importansiya sa mga bagay-bagay, kaya
isa rin itong paraan o gabay upang mas maging mabuting halimbawa sa ibang tao.

You might also like