You are on page 1of 2

Paksa: Kultura ng mga Maranao Noon at Ngayon

RASYONAL

Ang kapuluan ng bansang pilipinas ay binubuo ng higit kumulang


na pitong libo, isang daan at pitong mga pulo na may iba’t-ibang
kultura. Sa kultura nakasalalay ang kalinangan ng lahi ng bawat
etnikong grupo sa loob ng pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing tanda ng
kanilang pagkakalinlan sa lipunan. Kultura ang sumasalamin kung
gaano kayaman at kakaiba ang isang bansa.

Ang mga Maranao ay makikita sa Mindanao. Nakatira sila sa


paligid ng lawa ng Lanao. Ang ‘ranao’ na nanggaling sa Maranao ay
hinango sa salitang lawa kung saan hinango ang kanilang pangalan,
kung kaya’t pangingisda at pagsasakay ang kalimitang ikinabubuhay
ng mga Maranao. Maraming mga kultura ang pinasalinsalin na nila sa
kanilang henerasyon, paniniwala sa sarimanok, paggawa ng Torogan,
paggamit ng Kirim o pre-hispanic na pagsulat na nakabase sa Arabic
na letra na binubuo ng 19 na katinig at 7 na patinig, pagsayaw ng
singkil at marami pang iba.

Ang mga mananaliksik ay magpopokus sa kultura ng Maranao


noon at ngayon. Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang mga
tradisyunal na materyal at kultura na makikita sa buhay ng mga
Maranao maging ang mga pagbabagong nararanasan nito sa
makabagong panahon.
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng
iba’t-ibang pulo, ang kultura, pananamit, kaugalian, at ang kani-
kanilang kapaligiran. Maari din itong repleksiyon para sa mga kapwa
Pilipino kung gaano naapektuhan ng pagbabago ng panahon ang mga
katutubong kultura na siya pang ipinasa sa atin. Maging sangkap rin
sana ito ng pagkabukas ng kamalayan ng Pilipino na kailangan din
nating pahalagahan an ating kultura. Mahalaga ang paksang ito para
malaman natin ang kanilang tradisyon kung sakaling madayo natin
ang kanilang lugar.

You might also like