Isang lathalahin sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor at kauri
nito. Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa. karaniwang binubuo ng 200 salita o higit pa— kailangang pagtuunan nito ang isang paksa lamang at gumamit ng pagdulog na payak na makaaabot sa hinagap ng masa upang maisilid ang lahat ng opinyon, puna, mungkahi, at kuro- kuro sa gaya ng politika, ekonomiya, kultura, isports, at kaugnay na lárangan
Editor o Patnugot • Ang patnugot ay isang tagasulat ng pangulong tudling o editoryal.
BAHAGI NG EDITORYAL
1. Panimula • Nagpapakilala ng paksa. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin.
2. Katawan • Kalimitang binubuo ng dalawa o mahigit pang talataan na nagsusuri o nagpapaliwanag sa punong ideya, sa tulong ng mga katibayan na nagpapatingkad sa paglalahad ng sariling kuro-kuro 3. Wakas • Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng may-akda.
MGA URI NG EDITORYAL
1. Pagsasalaysay - Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan,
o ideya. 2. Paglalahad - Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari. 3. Pangangatwiran - Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago. 4. Paglalarawan - Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan. 5. Pagtutol - Dito ang may-akda ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa. 6. Nagpapaaliw - Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan. 7. Espesyal na okasyon - Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon. 8. Nanghihikayat - nagpapaliwanag ng kamalian o suliranin, sumusuri ng kalagayan, nag- mumungkahi ng isang solusyon at nanghihikayat ng pagbabago. Jenina C. Tuico XII – STEM C
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG EDITORYAL
1. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang na ideya.
2. Kailangan itong maging malinaw 3. Kailangan itong maging makatwiran. 4. Bawat sabihing katwiran ay kailangang may patunay. 5. Kailangang makatotohanan 6. Kailangan itong magtagaly ng katangiang nakalilibang bukod pa sa nakawiwili. 7. Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon.
MGA TUNTUNING DAPAT SUNDIN SA PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang akkitin ang mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ngpaglalahad ng mga katibayan nang maayos at
malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip.. - gumamit ng mga halimbawa
at paglalarawan upang pagtibayin ang simula. - gumamit ng paghahambing at pag-iiba iba. - gumamit ng magkatulad na kalagayan. - banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalayagan.
4. Tapusin nang naangkop.
5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasya.
7. Sunduin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan (unity), linaw (charity),
pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin (emphasis).