You are on page 1of 69

 Panimula ng balita

Pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat


ito ay unang pinagtutuunan ng pansin at siyang
umaakit sa mambabasa dahil ito ang BUOD.
Maaring isang salita lamang, lipon ng mga
salitang panghihikayat ng interes ng mambabasa
o isang parapo o talata.
Katangian Ng Isang Mabisang Pamatnubay

a. Ipinahahayag sa maikling pangungusap


lamang ang buod ng balita.
b. Sinasagot kaagad ang gustong malaman ng
mambabasa;
Ano? Sino? Saan? Kailan? Bakit? Paano?
c. Hinihikayat ang mambabasa na ipagpatuloy
niya ang kanyang pagbabasa.
Mga Uri ng Pamatnubay
Pamatnubay na SINO (Who Lead)

Pamatnubay na ANO (What Lead)

a. Kombensyonal o
Pamatnubay na KAILAN (When Lead)
Kabuuang Pamatnubay
(Conventional or
Pamatnubay na SAAN (Where Lead) Summary Lead)

Pamatnubay na BAKIT (Why Lead)

Pamatnubay na PAANO (How Lead)


Pangalan ang itinatampok sapagkat ang tao o mga
taong nasasangkot sa balita ay tanyag at higit na
prominente kaysa aktibidad o gawaing naganap.

Kabilang ang juridical persons (PNU, UP, WHO, RP


atbp)
-Si Joey Lina Jr. IV CP ang nahirang na punong patnugot ng
The New Horizons at katulong ng patnugot ng Ang
Bulalakaw mga pampaaralang pahayagan ng Mataas na
Paaralang Osmeña.
 Ang pangyayari, aktibidad o Gawain na naganap o
magaganap ang itinatampok sapagkat higit na
prominente ito kaysa tao o mga taong nasasangkot.
-Ang NSAT ay ibibigay ng BED sa lahat ng magsisipagtapos
sa ika-24 ng buwang kasalukuyan.
 Ginagamit kung ang pangyayari ay nagaganap o
magaganap sa di-kinaugaliang oras o kung ang
oras o panahon ng kaganapan ay ang lalong
mahalaga.

Kapaki-pakinabang gamitin kung ang itinatampok


ay ang huling araw ng itinakda (deadline) ;
kapistahan o holidays.
-Abril 16 ang huling araw ng pagbayad ng buwis sa BIR.
- Sa araw na ito, Sabado, Pebrero 21, labinlimang taon na
ang nakakaraan, naganap ang mapayapang EDSA
Revolution.
 Ang pangyayari ay naganap o magaganap, sa hindi
karaniwang pook.
-Sa Pilipinas gaganapin ang susunod na Palarong
Olympiyada.
 Sanhi o dahilan ang itinatampok.
-Sapagkat hindi pinayagan ng kanyang mga magulang
upang dumalo sa disco party, isang labing-apat na taong
gulong na babaeng mag-aaral ang uminom ng tabletang
pampatulog na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
 Pamamaraan ang itinatampok.
-Nagkunwang mga pari, limang lalaking nakasuot abito ang
nakapasok sa isang bangko at ito’y sapilitang ninakawan.
“Kapag sabay na itinatampok ang SINO at ang
ANO sa isang pamatnubay at timbang ang
kahalagahan ng mga ito, unang itampok ang
“SINO” sapagkat mas mahalaga ang tao kaysa
mga bagay o pangyayari.”
b. Panimulang Pambalarilang Pamatnubay
(Grammatical Beginning Lead)

o Paggamit ng SUGNAY at PARIRALA.


o Ang sugnay na makapag-iisa ay ang nagtataglay ng
Sino at ng Ano at ang parirala ay ang ginagamit na
pang-uri.
Sugnay na
Pasubali Paninsay Patakda
Pasanhi Pangngalan
(Conditional (Concessive (Temporal
(Causal Clause) (Noun Clause)
Clause) Clause) Clause)

Panimulang Pambalarilang Pamatnubay


(Grammatical Beginning Lead)

Pangngalang
Pandiwari Pang-ukol
Pawatas (Participial (Preposition
Diwa
(Infinitive Phrase)
Phrase) Phrase) (Gerundial
Phrase)

Pariralang
 Pangatnig na pananhi

(dahil sa, dahil kay, gaya ng, palibhasa, paano, mangyari,


kasi, kundangan, alang-alang sa, atbp)
- Dahil sa maraming reklamo o tungkol sa mga
nawawalang aklat, pinasara ng punong-guro ang
pintuan ng aklatan.
 Pangatnig na panubali

(kung, kapag, kundi, pagka, disin, sakali, sana, atbp))


- Kung di papayag ang pangulo ng PTA na bumili ng
mga bagong kompyuter para sa patnugutan,
mapipilitang magdaos ang mga mag-aaral ng isang
pambenepisyong sayawan.
 Pangatnig na paninsay

(tulad ng, kahit na, bagaman, gayong, atbp)


- Bagaman lalabing-anim na taon lamang si Rosa
David, siya’y napili ng paaralan na lalahok sa
paligsahang Binibing Pilipinas.
 nagsasaad ng takdang panahon

(nang, habang, bago, simula nang at samantala)


- Samantalang pinaghahandaan pa lamang ng mga
mag-aaral ang nakatakdang pagtatanghal, binayaran
na sila kaagad ng kanilang tagapangasiwa.
 Simuno o tuwirang layon
-Na dinagsaan ng mga manonood ang pagtatanghal
ng “Malakas at Maganda” sa PNU Auditorium ay
pinatunayan ng maraming araw na pagpapalabas
nito.
 nasa anyong pandiwa ngunit walang panahunan

(um at mag)
-Ang tumulong sa mga batang mamamahayag ang
pangunahing layunin ni G. Teodoro (Doroy) Valencia,
isang tanyag na mamamahayag at kolumnista, kayat
ang teodoro Valencia Foundation ay nagbibigay ng
iskolarship sa mga nagwawagi sa pambansang
paligsahan sa pamamahayag (NSPC).
 pandiwang ginagamit na pang-uri
-Handang-handang agawin ang korona, kaya’t ang
mga manlalarong basketball ng Paaralang Osmeña
ay araw-araw na nag-iinsayo para sa nalalapit na
sagupaan.
 pang-ukol

(sa, ukol sa, hinggil sa, tungkol sa, para sa, atbp))
-Para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino,
sinikap ng pangulo ng kapisanan na mapaunlad ang
kalagayang pangkabuhayan ng pamayanan.
 pandiwang may unlaping pag.
-Ang pagpapalinis at pagpapaganda ng purok ay an
tanging layunin ng Punong Guro.
c. Pamatnubay ng Di-Kombensyonal o Makabago
(Novelty Lead)

o Ginagamit ng mga manunulat sa pamamaraang


inaakalang madaling makatawag o makapukaw ng
pansin o kawilihan at pananabik.
o Hindi nagsasaad ng buod kundi PANIMULA LAMANG.
o Hindi ginagamit sa tuwirang balita (straight news) kundi
sa BALITANG LATHALAIN (news features)
Mga Uri ng Makabagong
Pamatnubay
Panggulat Pinangyarihan o Sanligan
(Startler or Astonisher Lead) (Background Lead)

Makabagong Pamatnubay

Tahasang Sabi Paglalarawan


Tanong (Descriptive or Picture
(Direct Quotation) (Question Lead)
Lead)
Parodya o Nakatatawang
Pagkakaiba
(Contrast Lead) Panulad
(Parody Lead)

Makabagong Pamatnubay

Pontse Kasabihan o Kawikaan


(Punch Lead) (Epigram Lead)
Isang Salita Kapaligiran
(One-word Lead) (Atmosphere Lead)

Makabagong Pamatnubay

Tukoy mula sa Maikli’t Hiwahiwalay na


Mitolohiya, Panitikan o Parirala o mga Salita
Kasaysayan (Staccato Lead)
• Isang pangungusap na maikli, hiwalay
Panggulat sa talata na sinusundan ng buod ng
ibang impormasyon.
(Startler o
Astonisher • Ginagamit kung ang tala ay lubhang
Lead) mahalaga, nakakagulat,
nakakagulantang o nakakasindak.
-Kampeon ng NSPC!
Nagwaging muli ang Bulalakaw sa pambansang
paligsahang ginanap sa Lungsod ng Olongapo noong
Pebrero 20 nang ito ay naging pinakamagaling ng
pampaaralang pahayagan sa bansa.
• Pangungusap na naglalarawan ng
pangyayari at ang pook na
Pinangyarihan pinangyarihan ay mas nakakatawag
o Sanligan ng pansin kaysa mga taong
kasangkot.
(Background
Lead) • Ginagamit sa mga salaysay tungkol
sa karnabal, sayawan, eksibisyon,
pistahan atbp.
-Ang Pamantasang Normal ay mistulang naging
munting karnabal noong Sabado nang ito ay nagdiwang ng
kanyang isang daang taong pagkatatag.
• Makabuluhang pangungusap ng
tagapagsalita o kaya ito’y hango sa
Tahasang isang aklat na sinipi at ginamit na
Sabi panimula sa isang balita.
• Ginagamit kung ang sinabi o sinipi ay
(Direct higit na nakakatawag ng pansin o mas
Quotation) mahalaga kaysa taong nagsabi.
• Speech story
-”Malaki ang magagawa ng pagkakaisa.” Binigyan diin
ito ni Gng. Alegria Flora, punong-guro ng PNU-Laboratory
School sa pulong ng mga guro at mga magulang tungkol sa
pagsugpo ng “dope addiction.”
Tanong • Ginagamit kung ang tanong ay
may malaking bahagi sa salaysay
(Question at kung ang tanong ay wala pang
Lead) kasagutan.
-Sino ang magiging Bb. Pamantasang Normal sa
darating na kapistahan? Ito’y malalaman bukas
pagkatapos ng bilangan ng mga balota.
• Paglalarawan ng tao, lunan o
pangyayari
Paglalarawan
• Ginagamit kung sa pamamagitan
(Discriptive or ng ilang salita ay makakabuo ng
Picture Lead) malinaw na larawan sa isipan ng
bumabasa.
-Puting-puti ang kasuotan, tangan-tangan ang mga
diploma, ang 597 na nagsipagtapos ay masasayang
nagmartsang pababa ng entablado habang tinutugtog ng
rondalya “Aida March”.
• Ginagamit upang mapakita o
Pagkakaiba mapalitaw ang pagkakaiba ng
(Contrast Lead) dalawang bagay sa unang
pangungusap ng balita.
-Higit na marami ang nakapasa ngayon sa NEAT kaysa
noong isang taon.
Parodya o • Hango sa tanyag na awit, tula, sipi,
Nakatatawang aklat o pamagat ng pelikula.
Panulad • Ginagamit kung angkop, madaling
makilala, ngunit hindi lubhang
(Parody Lead) palasak.
-”Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit wala ni isang
patak na maiinom.” Ito ang naranasan ng mga naninirahan
sa Tondo nang binaha ang buong Maynila at nawalan ng
tubig ang MWSS.

(Ang siniping linya ay hango sa tulang The Rime of the


Ancient Mariner” ni Samuel Coleridge.
Pontse • Isang napakaikli ngunit mabisang
(Punch Lead) pamatnubay
-Araw ng Tagumpay!
Ipagdiwang sa Oktubre 18 ng PNU Laboratory School
ang kanilang panalo sa panglungsod na CAT Competition.
Kasabihan o
Kawikaan • Sinisimulan ang pamtnubay ng
mga kilalang kasabihan o
(Epigram Lead) taludtod.
-Kung gaano ang ama, ay ganoon din ang anak (Like
father like son). Si Waren Cruz, isang binatang katatapos
lamang sa pag-aaral ng abogasya, ay nanguna sa
pagsusulit sa batas gaya rin ng kanyang ama na nagkamit
ng pinakamataas na marka noong 1997 bar examination.
Isang Salita
(One-word Lead)
-Sugod! Ito ang utos ni G. Rene Romero sa mga
batang iskawt nang tinatangka nilang akyatin ang Bundok
Arayat.
• Lipon ng mga salita o parirala na
naghahatid sa bumabasa ng lagay
ng kalooban sa mga nagaganap.
Kapaligiran
(Atmosphere Lead)
• Ginagamit kung ang lagay ng
kalooban ukol sa pangyayaring
inilalarawan ay kawili-wili at
mahalaga.
-Sa pamamagitan ng awitan, sayawan at tugtugan,
maligayang ipinagdiwang ng mga guro, magulang at mag-
aaral ang ika-20 taong pagkatatag ng kanilang paaralan.
Tukoy mula sa
Mitolohiya, Panitikan • Ginagamit kung ang pagbanggit
ay natural o angkop.
o Kasaysayan
-Kagandahang Venus, katalinuhang Athena, at pang-
akit Cleopatra ang mga pambihirang katangiang taglay ni
Jessa-Celine Cruz, IV B.S.E. kaya’t napii siyang Binibining
Intramurals ng Physical Education Department.
Maikli‘t
Hiwahiwalay na • Isang napakaikli ngunit mabisang
Parirala o mga pamatnubay
Salita
(Staccato Lead)
-Krimen, demonstrasyon, adiksyon, polusyon!
Pagsama-samahin ang mga ito ay mababatid mo kung
anong uri ng lungsod ang Maynila.
Maraming Salamat !!!


You might also like