You are on page 1of 4

PINAL NA PAGSUSULIT SA ASIGNATURANG

MASINOP NA PAGSULAT

Panuto : Piliin lamang ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Alin sa mga ito ang tawag sa pagkatawan ng mga tunog ng isang wika
ng nakasulat na mga simbolo tulad ng alpabeto.
a. Grapema
b. Ortograpiya
c. Pantig
d. Pagpapantig
2. Ito ang tawag sa isang set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema
ng pagsulat.
a. Grafema
b. Ortograpiya
c. Pantig
d. Pagpapantig
3. Ang mga grapema o grafema sa ortograpiya ng wikang Filipino ay
binubuo ng
a. Alpabeto
b. Numero at Di-numero
c. Titik at Di-titik
d. Alibata
4. Ito ay isang saltik ng dila o walang antalang bigkas ng tinig sa
pagbigkas ng salita.
a. Pagpapantig
b. Letra
c. Pantig
d. Hindi letra
5. Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nila sa pamamagitan ng
paggamit ng simbolo K para sa..
a. kahimig
b. katinig
c. kahilig
6. Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nila sa pamamagitan ng
paggamit ng simbolo P para sa...
a. Pahimig
b. Patinig
c. Pahilig
7. Ito ang paraan sa paghahati ng salita
a. Pantig
b. Pagpapantig
c. Pagbaybay
8. Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng ilang letra?
a. 26
b. 27
c. 28
9. Tawag sa magkadikit ng dalawang magkaibang katinig na andiyan sa
isang pantig ng salita
a. katinig
b. kambal katinig
c. kambal patinig
10. Tawag dumudulas sa monosilabikong salita na nagsisimula sa
pagbigkas ng isang patinig
a. katinig
b. kambal patinig
c. kambal katinig
d. Patinig
11. Ang kambal katinig ay ang magkadikit ng dalawang magkaibang katinig
na andiyan sa isang pantig ng salita at ito ay tinawag sa ingles na..
a. klaster
b. Palabaybayan
c. Digrapo
12. Alin dito ang tumutukoy sa tamang paraan ng paggamit ng isang
tiyak na sistema sa pasulat ng isang wika
a. Palabaybayan
b. klaster
c. Digrapo
13. Ito ang kombinasyon ng dalawang letrang pinagsaa para katawanin
ang isa o dalawang tunog.
a. Palabaybayan
b. Klaster
c. Digrapo
14. Ginagamit ang salitang ito upang pagpapahiwatig ng pag mamay-ari.
a. Akin
b. Ng
c. Nang
15. Ginagamit ang salitang ito sa gitna ng salitang inuulit.
a. At
b. Ng
c. Nang
16. Tumakbo si Hyley ___ matulin
a. Nang
b. Ng
17. kumain si Yahsue __ pansit na malamig.
a. Nang
b. Ng
28. Takbo __ takbo si Aleyah kahapon.
a. Nang
b. Na
19. Ito ay isang glipo na dinadagdag sa isang titik.
a. Klaster
b. Digrapo
c. Tuldik
20. Uri ng tuldik na pananda sa salitang maragsa at matatagpuan sa
patinig na nasa dulo ng salita.
a. Paiwa
b. Pahilis
c. Patultok
d. Pakupya
21. Siya ang umimbento sa tatlong tuldik.
a. Jose Abad santos
b. Lope k. Santos
c. Alejandro G. Abadilla
22. Uri ng tuldik na may dalawang bigkas, ang mabilis at malumay.
a. Pakupya
b. Pahilis
c. Paiwa
d. Patuldok
23. Uri ng tuldik na ang bigkas ay malumi.
a. Pakupya
b. Pahilis
c. Paiwa
d. Patuldok
24. uri ng batas na ginagamit sa pananda.
a. Kuwit
b. Tuldok
c. Tandang pananong
d. Padamdam
25. Uri ng bantas na ginagamit sa paghihiwalay ng isang sinipi.
a. Kuwit
b. Tandang Pananong
c. Tuldok-kuwit
d. Padamdam
26. Ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na
paliwanag.
a. Tuldok-kuwit
b. Tutuldok
c. Panipi
d. Padamdam
27.Ginagamit ito upang mabigyang diin ang pamagat ng isang
pamahayagan.
a. Gitling
b. Gatlang
c. Panipi
d. Panaklong
38. Ito ang naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad
sinusundan ng isa pang sugnay na hindi gumagamit ng pangatnig.
a. Gitling
b. Gatlang
c. Tuldok-kuwit
d. Panaklaw
29. Nagpapahiwatig ng kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong na
nais sabihin.
a. Elipsis
b. Panaklang
c. Kudlit
d. Panaklaw
30. Ginagamit sa pagpapahayag ng pagkaabala o pagbabago ng kaisipan.
a. Gitling
b. Kudlit
c. Gatlang
d. Panaklong
31. Ginagamit na pambukod ng salita o mga salitang hindi direktang
kaugnay ng diwa sa pangungusap.
a. Gitling
b. kudlit
c. Pahilig
d. Panaklong
32. Ito ang ginagamit na panghalili sa isang titik na kinakaltas.
a. Gitling
b. Kudlit
c. Panaklong
d. Pahilig
33. Ito ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhig damdamin.
a. Panaklang
b. Padamdam
c. Panaklaw
d. Pahilig
34. Ginagamit sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon.
a. Gitling
b. Panaklong
c. Panaklaw
d. Pahilig
35. Ito ay uri ng bantas na ginagamit para sa alternatibong element o
ng pagpipilian. Kinakatawan nito ang pangatnig na “o”.
a. Panaklaw
b. Pahilig
c. Panaklang
36. Ginagamit ito tuwing may idinadagdag o binabago sa siniping
orihinal na teksto.
a. Panaklaw
b. Panaklang
c. Pahilig
37. Uri ng banta na sumisimbolo sa matematika para sa mas higit sa o
mas mababa sa.
a. paaklaw
b. Pahilig
c. Panaklang
38. Ito ang ginagamit sa pagsulat lamang sa unang titik ng unang
pangalan o apelido.
a. Inisyals
b. Daglat
c. Akronim
39. Tawag sa pagpapaikli ng pantawag sa tao.
a. Inisyals
b. Daglat
c. Akronim
40. Tawag sa paggamit ng mga letra na nagrerepresenta sa isang salita
o tumatayo bilang kapalit na salita.
a. Daglat
b. Akronim
c. Inisyals

You might also like