You are on page 1of 4

Sanaysay, Talumpati at Pagmamatwid FLP 2210-1

Week 16 & 17
ANG PAGHAHANDA NG TALUMPATI

May 2023
OUTLINE:

Mga Layunin ng Paksa:


 Maitaas ang kakayahan sa pagpapahayag sa harap ng maraming tao
 Matukoy ang mga paraan sa pagbuo nang epektibo
 Makalikha ng isang mahusay na talumpati

Ang Talumpati
Ang talumpati ay isang panitikang tuluyan o prosa na binubuo ng mga pangungusap na
walang sukat. Nag-uugnay ito ng mga pangyayari, nagpapahayag ng mga kaisipan at
naglalahad ng mga opinyon (Baritugo, 2008).
Isang makulay na pasalitang pakikipagtalastasan ang talumpati. Inihahambing sa pag-
ibig ng isang binatang maakit manligaw na may ekpresyong matamis ang dila
(Arrogante, 2000).
Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga taong handang
makinig. Nilalayon nitong maghatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa upang
makaakit (Sauco, 2004).

Mga Dapat Mabatid sa Talumpati


Paghahanda sa Pagsulat
Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at ideya
para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubuo ng paglikha, pagtuklas,
pagdevelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na maghahanda
sa manunulat bago niya buuin ang kaniyang burador.
Aktwal na Pagsulat
Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kaniyang mga ideya sa mga
pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang mga manunulat sa pagbuo ng
kaniyang sulatin. Malaya siyang gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan o istilo sa
paglalahad ng kaniyang mga ideya.
Pagrerebisa
Sanaysay, Talumpati at Pagmamatwid FLP 2210-1

Ito ay ngangahulugang muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling


pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. Ang
hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa talumpati.

Mga Hakbang sa Paghahanda


Pagpili ng Angkop na Paksa
Ang paksa sa talumpati ay maaring napapanahon o maaring matagal ng kilala o isyu.
Kinakailangan laman ang pamamaraan upang mapanatili itong sariwa sa pandinig.
Mahalaga sa paksa ay ang mga sumusunod:
 Angkop sa personalidad at interes at takdang panahon ng mananalumpati
 Angkop sa panlasa, gawain, at karanasan ng tagapakinig
 Angkop sa okasyon
Sumasagot sa tanong na:
 Naangkop ba ito sa inyong awdyens?
 Makakatawag pansin ba ito sa iyong awdyens?
 Mahalaga ba ito sa iyong sarili?

Pagsusuri at Pagtataya sa Layunin at Awdyens


Naglalayong magbigay ng maayos na impormasyon sa pinakamabuting pamamaraan
kasabay ang pagsasaalang-alang sa katangian at ekspresyon ng tagapakinig.
Sumasagot sa tanong na:
 Ano ang mga gusto mong mapatunayan?
 Ano ang susunod na gagawin ng awdyens?
 Ano ang gusto mong mangyari bilang resulta ng iyong pagsasalita?
Mga Kategorya ng Layunin:
 Magpahayag ng mga ideya
 Magbigay ng impormasyon
 Magpaliwanag
 Maggalugad ng isang paksa
Sanaysay, Talumpati at Pagmamatwid FLP 2210-1

 Manghikayat

Paglilikom ng mga Materyales


Kapag tiyak na ang paksa ng talumpati, ang susunod ay ang paghahanap ng
materyales na gagamitin sa pagsulat ng ma impormasyon sa isususulat na talumpati.
Pagbabalangkas ng mga Ideya
Nahahati sa talong bahagi ang isang talumpati: Panimula, Katawan at Wakas o
Konklusyon.
Paglinang ng mga Kaisipan
Dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing
kaisipan na inilihad sa balangkas.

Ang Entablado
Tagapagsalita
Siguraduhin na alam ng mananalumpati ang kahandaan na dapat niyang alamin bago
at habang nasa entablado.
Piyesa
Mahalaga na maayos ang nilalaman ng talumpati upang malaman ang nararapat at
wastong gamit sa pagbigkas nito.
Tagapakinig
Dapat malaman ang uri at antas ng awdyens upang makaisip ng paraan na
makapupukaw atensyon sa mga ito.

Mga Dapat Tandaan sa mga Bahagi ng Talumpati


PANIMULAAN - Dito makikita ang layunin ng talumpati, kasama na rin ang istratehiya
upang kunin ang atensyon ng awdyens.
Narito ang mga paraan na magagamit sa panimula ng talumpati na may kaugnayan sa
paksa:
a) Simulan sa isang kasabihan na natatampok
b) Simulan sa isang salaysay
c) Simulan sa isang malinis na biro
Sanaysay, Talumpati at Pagmamatwid FLP 2210-1

d) Simulan sa isang tanong na panretorika


e) Simulan sa isang kawikaan/salawikain
f) Simulan sa isang mahalagang balita
g) Simulan sa isang saknong ng tula
h) Simulan sa isang anekdota
i) Simulan sa makatawag-pansing kataga, salita o pahayag

Ang KATAWAN ay naglalahad ng paksang tatalakayin at ang proposisyon ng


nagtatalumpati tungkol sa isang partikular na paksa. Dito makikita ang mga
ebidensyang impormasyon na nagsisilbing patunay sa mga katwirang nabanggit upang
mapaniwala at mahikayat ng nagtatalumpati ang mga nakikinig at bumabasa ng
talumpati.
Ang PAMIMITAWAN ay ang huling bahagi ng talumpati na kung saan makikita ang
pangunahing aral na nais ibahagi ng manunulat upang maikintal sa isipan ng mga
tagapakinig at babasa ng talumpati. Naglalaman ito ng kabuuang hinuha sa paksang
ginamit at ito rin ay sumasagot sa mga tanong na inihain sa panimula.

Mga Sanggunian:

ANG TALUMPATI:
https://www.academia.edu/37651589/
Kabanata_1_ANG_SULIRANIN_AT_KALIGIRAN_NITO

ANG PAGHAHANDA NG TALUMPATI:


https://www.scribd.com/document/463980977/Paghahanda-ng-Talumpati
https://www.slideshare.net/ceblanoantony/paghahanda-ng-talumpati
https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/
accountancy/paghahanda-sa-pagtatalumpati-filipino-first-semester/23641788
https://www.coursehero.com/file/p5vl0p6/Paghahanda-ng-Talumpati-Pamimili-ng-Paksa-
Pagtitipon-ng-Materyales/

ANG PAGSULAT NG TALUMPATI:


https://studylib.net/doc/25289594/ang-pagsulat-ng-talumpati

You might also like