You are on page 1of 30

MGA URI NG AYTEM NA

PAGSUSULIT
PAGSUSULIT NA TAMA O MALI
• Ito ay pangungusap na pasalaysay
napagpapasiyahan ng mag-aaral kung ang aytem
ay tama o mali.
• May modified na anyo ito, iyong ipatukoy ang
bahaging mali, kung mali nga ang pangungusap.
ERROR RECOGNITION TEST
• Ito ang pagsusulit na ipinatutukoy ang bahaging mali.
• Hinahati sa apat o limang bahagi ang pangungusap at may nakasulat
na titik sa ilalim ng bawat bahagi. Ang titik ng may maling bahagi ang
isusulat na sagot.
Halimbawa:
Ibig nilang mag-alis nang maaga upang sila raw
(a) (b) (c)
ay makarating nang maaga.
(d) (e)
PAGSUSULIT NA MAY PINAGPIPILIAN O
MULTIPLE CHOICE
• Stem – maaaring pangungusap na hindi tapos, o pangungusap na may
patlang, o pangungusap na nagtatanong.
• Opsyon – ang mga pamimilian ng sagot.
 tamang sagot
 distractor o joker
• Sa paghahanda ng mga opsyon, tiyakin ang alinman sa kanila ay
aangkop na idugtong sa stem.
• Sa pagpili ng distractors, tiyaking ito ay sadyang balance at hindi
naglalahad agad ng sagot.
Multiple Choice Aytem
1. Pangungusap na hindi tapos
Halimbawa:
Sa kuwentong binasa, nanalo ang mga tutubi sapagkat:
a. higit na malalakas sila kaysa matsing
b. malalaki ang mga pambambong dala nila
c. hindi ginamit ng mga matsing ang isip at utak nila
d. ginamitan ang mga tutubi ng mga agimat
Multiple Choice Aytem
2. Pangungusap na may puwang
Halimbawa:
Si Prinsesa Tutubina ay mahilig
a. makipag-away sa mga matsing
b. mamasyal sa labas ng palasyo
c. makipagbiruan sa mga matsing
d. magsumbong ng hindi totoo sa amang hari
Multiple Choice Aytem
3. Pangungusap na buo
Halimbawa:
Nagtataingang-kawali ka na naman.
a. Nagpapatawa
b. Nagpapaloko
c. Nagtutulungan
d. Nagbibingi-bingihan
Multiple Choice Aytem
4. Pangungusap na nagtatanong
Halimbawa:
Ano ang kahulugan ng nagtataingang-kawali?
a. Nagtutulungan
b. Nagpapatawa
c. Nagbibingi-bingihan
d. nagpapaloko
PAGSUSULIT NA PAGPUPUNO SA PATLANG O
COMPLETION TEST
• Ito ay pagsusulit na obhektibo na sa halip na pinamimili ang mag-
aaral sa wastong sagot ay ipinabibigay ang tamang sagot.
Halimbawa:
Punan ang patlang sa pagsulat ng wastong anyo ng
pandiwang nasa panaklong.
Mabilis na ___________(takbo) palabras ang mga tao sa
sinehan.
ANG PAGSUSULIT NA CLOZE
• Sumusukat ng pangkalahatang kasanayan sa wika, gayon din
sa kaalamang linggwistika at kaalaman sa kaugnayan ng
salitang kinaltas at sa buong teksto.
• Nilalagyan ng puwang ang bawat ikatlo, o ikaapat na salita o
bawat regular na bilang ng salita.
• Sa uring basic type ng cloze test ay maaaring fixed ratio o
deletion o dili kaya’y ang selected deletion.
Halimbawa ng cloze test (basic)
Ang maikling katha ay may pangunahing tauhan na may
mahalagang suliranin. Ang mahalagang suliranin ay ___(1)___
magkaroon ng kalutasan. Sa ___(2)___ sa mahalagang suliranin,
magkakaroon ___(3)___ sagabal o hadlang. Sisikapin ___(4)___
pangunahing tauhan mapagtagumpayan niya ___(5)___ mga sagabal
kaya nagkakaroon ___(6)___ tunggalian. Kung walang sagabal na
hahadlang, hindi magkakaroon ng tunggalian, at kung walang
tunggalian, wala ring kuwento.
Kung ang pagsusulit cloze ay modified type sa
bawat bilang ay may mga opsyon na pagpipilian,
na isinusulat sa ilalim ng talata gaya nito:
1. a.) baka 2. a.) pagbasa 3. a.) ng 4. a). ang
b.) dapat b.) pagkuha b.) ang b.) ng
c.) nais c.) paglutas c.) ba c.) din
d.) puwede d.) pagbuo d.) pa d.) daw
ANG PAGSUSULIT -C
• Ang pagsusulit –C ay isang uri ng cloze test. Iniiwang buo ang unang
pangungusap sa teksto. Simula sa ikalawang pangungusap, tuwing
ikalawang salita ay kinakaltas ang ilang titik. (Depende sa haba ng
salita ang bilang ng letrang kakaltasin.)
Halimbawa:
Ang maikling katha ay may pangunahing tauhan na may
mahalagang suliranin. Ang mahala___(1) sulirani’y da____(2) namang
magka____(3) ng saga____(4) o had___(5). Sisikapin ng pangunahing
tauhang mapagtagumpayan niya ang mga sagabal.
ANG PAGHAHANDA NG PAGSUSULIT
• Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito
nang buong kabisaan at katapatan ang mga kasanayan
at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos at
mabuting pagpaplano, masusing paghahanda.
PAGPAPLANO NG PAGSUSULIT
A. Tiyakin ang layunin ng pagsusulit.
Ano ang tungkuling nais magampanan ng bubuuing pagsusulit?
B. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.
C. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa
mga kasanayan at kakayahang susukatin.
D. Ihanda ang talaan ng ispesipikasyon (Table of Specifications).
Makikita sa talaan ang sistematikong paraan ng paksang sasaklawin ng
pagsusulit.
E. Pagpasyahan kung anong mga uri ng pagsusulit ang gagamitin.
PAGHAHANDA NG PAGSUSULIT
A. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talaan ng ispesipikasyon
bilang patnubay hinggil sa kung ilang aytem ang bubuuin para
sa bawat kasanayang susukatin.
PAGHAHANDA NG PAGSUSULIT
B. Suriin at ayusin ang mga aytem. Maaaring ipasuri sa isa o dalawang
kaguro ang mga aytem. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na
tanong sa pagsusuri ng mga aytem.
1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang kakayahang kasama sa talaan
ng ispesipikasyon?
2. Akma ba sa sinusukat na kakayahan ang bawat uri ng aytem sa
pagsusulit?
3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?
4. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang aytem?
5. May sapat na antas ng kahirapan ba ang aytem para sa mga target
users o sa kukuha ng pagsusulit?
6. Ang mga distractor o jokers ba ay sadyang mabuti ang
pagkakabalanse at hindi naglalantad ng wastong sagot?
7. Alin ba sa mga opsyon ang angkop na idugtong sa stem ng atem?
8. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o
kasanayan sa talaan ng ispesipikasyon?
9. May katiyakan ba ang aytem sa hinihinging tugon?
10. Hindi ba nagkaroon ng regular na padron ang puwesto ng
wastong tugon?
11. Naiwasan ba sa mgaaytem ang pagigig masalita o maligoy?
12. Nagkaroon ba ng iba’t ibang uri ng pagsusulit upang maiwasan
ang pagiging kabagut-bagot?
PAGHAHANDA NG PAGSUSULIT
C. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.
1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.
2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan.
Nasa dakong unahan ng pagsusulit ang madadaling
aytem.
PAGHAHANDA NG PAGSUSULIT
D. Ihanda ang mga panuto.
1. Ang mga panuto ay dapat gawing simple at maikli. Ito ay dapat magbigay ng
mga sumusunod na impormasyon:
a. Ang layunin ng pagsusulit
b. Ang panahong nakalaan sa pagsagot sa pagsusulit.
c. Paano ang gagawing pagsagot sa mga aytem, titik lamang ba ng tamang
sagot ang isusulat o sisipiin ba sa sagutang papel ang sagot.
2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit, kailangang
magkaroon ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto
para sa bawat partikular na uri ng pagsusulit.
ANG PINALATUNTUNANG PAGTUTURO
• Isa sa mga inobasyon sa larangan ng pagtuturo ay ang
Pinalatuntunang Pagtuturo.
• Binibigyang-diin dito ang simulating bawat indibidwal
ay may sariling bilis ng pagkatuto at ang paniniwalag
ang isang indibidwal ay matututo kahit walang gurong
magtuturo.
ANG PINALATUNTUNANG KAGAMITAN
• Ito ay serye ng mga aralin at kaalamang nasa
kuwadradong pampagtuturo (frames) na isinaayos sa
isang lohikal na pagkakabuo.
• Ang istilo ni Skinner sa pagbubuo ng mga aralin ay sa
paraang Linear. Kilala ito sa taguring Linear Style o
Skinnerean style.
• Nagsanga naman ang istilo ni Crowder, kaya’t nakilala
naman ito na Branching o Crowder style.
Ano ang pagkakaiba ng Linear style at
Crowder style?
• Sa sistema ni Skinner, kapag ang mag-aaral ay
nagkamali sa pagbibigay-tugon, siya ay pinababalik sa
pinagkamaliang aralin, muling binabasa upang
makasagot ng wasto sa bilang na pinagkamalian.
• Sa Branching o Crowder style kung may mali,
pinasaasagot siya ng isa pang aralin na hindi na
ipinasasagot pa sa mga hindi naman nagkamali.
KAHALAGAHAN NG PINALATUNTUNANG
KAGAMITAN
• Nakatutulong sa pagbibigay-lunas sa suliranin ng kakulangan ng
silid-aralan at mga gurong magtuturo
• Nakapagbibigay ng pagkakataong makahabol sa gawain sa klase
ang mga mag-aaral na lumiban.
• Nakatutulong sa pagbibigay-panlunas sa mga mag-aaral na
mahina sa klase
• At para sa matalinong mag-aaral, habang hinihintay ang
karamihan sa iba pang gawain ay maaaring bigyan ng
pinalatuntunang kagamitan bilang pagpapayaman sa kaalaman
sa paksa.
MGA BALAKID SA PAGPAPAIRAL NG
PINALATUNTUNANG KAGAMITAN
• Walang sapat na kakayahan ang maraming guro na
maghanda ng ganitong kagamitang pampagtuturo.
• Malaking halaga ang gugugulin ng paaralan sa
paghahanda ng mga ito.
• Kung may sapat na kagamitang gagamitin, may sapat ba
namang kakayahan ang mga guro sa mabisang paggamit
ng mga ito.
MGA SIMULAING SINUSUNOD SA
PAGPAPALATUNTUNAN
1. Pagpapatibay (Principle of Reinforcement) – binibigyan ng
“pabuya” ang mag-aaral sa bawat wastong tugon sa gayo’y nagiging
matibay ang pagkatuto.
2. Aktibong Pagtugon (Active Responding) – mabilis ang pagkatuto ng
mag-aaral kapag siya ay kalahok sa mga aktibong gawain, sa pag-
iisip, sa pagpapasiya at pagbuo ng paglalahat o kongklusyon.
3. Pagbibigay ng Pahiwatig (Cueing or Prompting) – upang maiwasan
ang pagkakaroon ng mag-aaral ng maling katugunan, dapat bigyan
ng maraming mga pahiwatig sa tamang tugon.
MGA SIMULAING SINUSUNOD SA
PAGPAPALATUNTUNAN
4. Maliit na Hakbang (Small Step) – naniniwala si Skinner na ang
pagkatuto ay dapat na maging gradwal sa pamamagitan ng sunud-
sunod na maliliit na tipak ng pagkatuto.
5. Unti-unting pagbabawas ng pahiwatig (Vanishing or Fading
Technique) – unti-unting binabawasan ang pahiwatig hanggang sa
magkaroon ng kakayahan ang mag-aaral na makasagot nang sarili
niya o walang sinandigang pahiwatig.
6. Supil na Gawi (Controlled behavior) – ang pagkatuto ay mabisang
nagaganap kung ang stimulus ay may bahagyang control.
Binabawasan ng iba pang stimuli na di-kailangan at nakagugulo
lamang.
MGA SIMULAING SINUSUNOD SA
PAGPAPALATUNTUNAN
7. Ang Diskriminasyon – isinasaalang-alang din ang paghahanda ng
maraming mga pagsasanay upang mahasa ang mag-aaral sa
matalinong pamimili at pagkakaroon ng di-kailangan at nakagugulo
lamang.
8. Ang Tugon o Feedback – ang kawilihan ng mag-aaral ay nag-iibayo
at ang pagkatuto ay lalong sumisigla sa kagyat na pagkabatid kung
wasto o mali ang tugon.
ILANG MUNGKAHING HAKBANG SA PAGGAWA
NG PINALATUNTUNANG KAGAMITAN
1. Pagbubuo ng mga layuning pangkagawain (behavioral objective).
2. Pagtatakda ng lawak at pagkakasunud-sunod ng mga
isasapalatuntunang gawain.
3. Pagsulat ng kuwadro
4. Pagpapabuti ng kuwadro
5. Pagsubok at rebisyon
6. Muling pagsusuri sa kagamitan batay sa resulta ng pagsubok
7. Field Try-Out – malawak na pagsubok
MARAMING
SALAMAT
SA
PAKIKINIG! 

Inihanda ni:
Jason A Sebastian
BSED-Filipino IV

You might also like