You are on page 1of 2

Kurso : FIL 505 Pagtatayang Pangwika sa Filipino

Term : Ikalawang Semestre


Taong Akademik : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

ANG MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING PAGSUSULIT


(Tagapagtalakay: Mary Rose L. Ombrog)

RELAYABILITI O KAPANIWALAAN

Ito ay nangangahulugang pagiging consistent o permanent sa resulta ng iskor o markang


natamo ng isang mag-aaral mula sa pagsusulit na kinuha, (Anastasi, 1977). Binibigyang-tuon dito na
kapag ang isang mag-aaral ay nakakuha halimbawang markang 85 sa pagsusulit na kinuha, hindi na
ito maaaring bumaba pa sa ikalawang pagkuha ng parehong pagsusulit sapagkat hindi na ito magiging
konsistent o kapanipaniwala at magkakaroon ng kahirapan sa pagbibigay ng ebalwasyon sa mag-aaral.
Kaugnay nito, mayroong mga posibleng dahilan kung bakit hindi nagiging permanente ang iskor ng
isang mag-aaral at ito ang mga sumusunod:

Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Kapaniwalaan ng Pagsusulit


1. Haba ng Pagsusulit
Ang mahabang pagsusulit ay higit na kapani-paniwalang batayan sapagkat ito ay nagbibigay ng
tunay na kakayahan at katangian ng mag-aaral at maliit ang tyansa ng pangongopya ng mga
mag-aaral.
2. Kahirapan ng Pagsusulit
Kung ang pagsusulit ay madali o sobrang hirap, hindi ito makapagbibigy ng tunay na
pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral. Ang mga iskor ng mga mag-aaral na mayroong iba’t ibang
agwat ay mas kapanipaniwala.
3. Hantungan ng Pagsusulit
Ang hantunganng pagsusulit ay natatamo kung masusing hinusgahan o pinag-aralan ng
tagagawa ang pagsusulit. Kinakailangan suriin kung ang pagsusulit ay makagbibigay ng
resultang angkop sa layon ng pagsasagawa ng pagsusulit.

ADMINISTRABILITY O MAPANGASIWAAN

Mapangangasiwaan ang mabuting pagsusulit nang may kaginhawaan, kalinawan at


unipormalidad. Kailangang ang pagsusulit ay nagtataglay ng mahusay na mga panuto upang
maiwasan ang kalituhan sa pangangasiwa sa pagsusulit at pagsagot ng mga mag-aaral. Nakakaapekto
rin ang hindi mabuting pangangasiwa sa resulta ng pagsusulit na kukunin ng isang mag-aaral. .

ISKORABILITI

Madaling bigyan ng karampatang iskor ang isang mahusay at mabisang pagsusulit. Ang mga
resulta ng naisagawang pagsusulit ay nararapat na laging handa sa parehong mga mag-aaral at guro
upang mapadali ang pagsasagawa at pagbibigay ng naaayong puna o lunas sa mga mag-aaral.

Ang pagsusulit ay madaling bigyan ng iskor kapag….


 Maayos at malinaw ang paglalahad ng direksyon sa pagbibigay ng iskor.
 Ang pamangtayan ng pagbibigay ng iskor ay simple.
 Naglaan ng sapat at tamang sagutang papel
 Ang pagwawastong-makina na ang magwawasto at magbibigay ng agarang iskor.
Kurso : FIL 505 Pagtatayang Pangwika sa Filipino
Term : Ikalawang Semestre
Taong Akademik : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

INTERPRETABILITY O PAGPAPAKAHULUGAN

Isa sa magandang katangian ng mabuting pagsusulit ay ang pagkakaroon ng magandang


interpetability. Masasabi na kapakipakinabang ang pagpapakahulugan kung ito ay dumaan sa
masusing pagsusuri at ang resulta nito ay magiging kapakipakinabang. Kailangang matukoy rin ang
tamang pagpapakahulugan sa resulta ng pagsusulit ng isang mag-aaral upang mabigyan to ng
karampatang lunas o pagpupuno kung ang isang kompetensi ay hindi natamo ng mag-aaral.

EKONOMIYA O PAGKAMATIPID

Ang pagsusulit ay kinakailangang matipid upang hindi ito maging balakid sa mga gurong
gumugugol ng oras sa iba pang gawain at sa mga gurong may mababang sahod. Bilang tagapangasiwa
at tagagawa ng pagsusulit, ang guro ay kailangang maging maparaan at maging matipid sa
paghahanda ng pagsusulit subalit hindi dapat na isakripisyo ang pisikal na kaanyuan ng pagsusulit at
iba pang katangian ng pagsusulit tulad ng baliditi at relayabiliti.

Inihanda ni:

MARY ROSE L. OMBROG, LPT


Mag-aaral sa MAT-FIL

You might also like