You are on page 1of 4

Pagsusuri sa Kagandahan ng Sanaysay na

JOSE P. LAUREL
Ni Teodoro A. Agoncillo

I. SANLIGAN
Si Jose P. Laurel ay ipinanganak sa Tanauan, Batangas noong Marso
9, 1891. Ang kanyang agulang ay sina Sotero Laurel at Jacoba Garcia Laurel.
Siya ay nag-aral ng elementarya sa kanilang bayan sa Tanauan. Noong 1903 ay
nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Maynila at pumasok sa Colegio de San Juan de
Letran. Noon, pangarap niyang maging manggagamot, subalit bumagsak siya
sa pagsusulit sa Letran, kaya muli siyang bumalik sa Tanauan. Dahil dito ay
nawalan siya ng ganang mag-aral. Makalipas ang tatlong taon ay naisipan
niyang magpatuloy ng pag-aaral. Hanggang sa makatapos siya ng abogasya
sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1915.
Natapos niya ang Kursong Doctor of Jurisprudence. Pagkaraan nito
ay pinag-aral siya ng pamahalaan sa Yale University sa Amerika. Taong 1920
naman nang matapos niya ang Doctor of Civil Laws. Siya rin ay naging miyembro
ng Bar sa Columbia at naging abogado sa Korte Suprema ng Estados Unidos.
Namatay siya sa atake sa puso noong Nobyembre 6 1959. Naiwan niya ang isang
pamilyang tunay na maipagmamalaki ng sinuman sapagkat lahat ng kanyang
mga anak ay pawing naging matagumpay sa larangang pinasok.
II. BUOD

Ito ay isang akdang pumapatungkol sa naging pangulo sa panahon


ng panganib na si Jose P. Laurel. Dito isinalaysay ang kanyang naging buhay at
mga naging karanasan bilang isang tao hanggang sa maging isang pinuno.

Dito nakasaad kung anong klaseng pinuno at anong ang pagkatao


ni Jose P. Laurel. Nabatid natin sa pamamagitan ng akdang ito na si Jose P. Laurel
ay isang mabuting tao at may paninindigang pinuno.
III. KAHULUGAN NG PAMAGAT
Ang “Jose P. Laurel” ay isang talambuhay ng isang pangulo sa
panahon ng panganib. Ito ay pagsasalaysay sa buhay ng isang mabuting pinuno
na kailangan ng ating bansa sa panahon ngayon.

IV. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN


1.Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan

Ito ay isang akdang pagkilala sa isang mabuting pinuno ng bansa.


Ito ay maaaring maging gabay ng mga tao o maging ng mga namumuno sa
ating lipunan para magkaroon tayo ng isang maunlad at magandang lipunan.
Wala sa taas at baba ng posisyon ang paggawa ng tama.

2. Kulturang Pilipino

Ang mga sumusunod ay mga kulturang Pilipino na makikita sa talambuhay:

a.May Paninindigan- isang magandang ugali na dapat natin gayahin o


sundin. Kagaya ni Jose P. Laurel ay hindi siya nasisilaw sa kahit na anong
bagay dahil sa kanyang paninindigan.

b.Pagiging Trahedor- naipakita din dito ang hindi magandang pag uugali
ng mga tao ang pagiging back fighter.

c.Pag-abuso sa Kapangyarihan- ito ay makikita natin sa iilang mga


mambabatas o ng ilang taong nakaaangat sa buhay.

3. Pilosopiyang Pilipino

Ang mga sumusunod ay mga pilosopiyang Pilipino na makikita sa


talambuhay:

a.Ang mabuting pinuno ay isang mabuting tagasunod.(A good leader is a good


follower.)

Ang isang mabuting lider ay isang mabuting tagasunod. Ito ay ipinakita ni


Laurel bilang pinuno. Hindi niya alintana kung sino ang kanyang binabangga
basta’t alam niyang siya ay tama. Mayroon siyang paninindigan kung alam
niyang tama ang kanyang ginagawa.
4.Simbolismong Pilipino

Ang mga sumusunod ay mga simbolismong Pilipino na makikita sa


talambuhay:

a. Jose P. Laurel- simbolo ng isang mabuting pinuno.

b.Gobernador Wood- sumisimbolo ito sa mga taong mapang-abuso sa


kapangyarihan.

c. Pangulo sa Panahon ng Panganib- ito simbolo ng pamahalaang magulo.

V. TEORYA NAPAPALOOB SA AKDA


Ang mga sumusunod ay mga teoryang nakapaloob sa akda:
a. Teoryang Eksistensyalismo

Ipinakita sa sanaysay,na may kalayaan o karapatang manindigan ang tao


sa kanyang mga desisyon para sa kapakanan ng sarili o nakararami.

b. Teoryang Historikal

Tinalakay sa akda ang kasaysayan ng buhay ni Jose P. Laurel. Ipinakita dito


ang mga pangyayari sa kanyang buhay.

VI. IMPLIKASYON

1.Kalagayang Panlipunan/Pambansa
Sa akda, ipinakikita kung anong klase ng pinuno ang kailangan at
karapatdapat sa isang bansa.

2.Kalagayang Pansarili
Isang magandang pag-uugali ang ipinakita ni Jose P. Laurel. Ang
pagkakaroon ng sariling desisyon at hindi pagpapasulsol sa ibang tao ay isang
magandang katangian ng isang pinuno. Ang pagkakaroon din ng paninindigan
dahil sa alam niya ang tama at mali.
VII. BISANG PAMPANITIKAN
A.Bisa sa Isip
Laging tandaan na mahalaga pa din ang paggawa ng tama kahit na
taliwas ang iyong nakikita sa lipunan.
B.Bisa sa Damdamin
Hindi mali ang panindigan kung alam mong tama ka.
C.Bisa sa Kaasalan
Gawin ang tama at nararapat.
D.Bisa sa Lipunan
Isang mabuting pinuno ang kailangan ng ating bansa. Pinunong katulad
ni Jose P. Laurel.
E.Bisang Pangmoral.
Huwag masilaw sa mga pansamantalang bagay o posisyon. Ang
apggawa ng tama ay kayamang panghabang-buhay.

Inihanda at Sinuri ni:

ANGEL D. DEABANICO, LPT


Mag-aaral sa MAT-FIL

You might also like