You are on page 1of 7

Ang Daigdig

I. Bago likhain itong kalupaan


Balot ng kadiliman ang kabuuan
Malakas na hangin sa katubigan
Tanging maririnig sa kalahatan.

II. Binigyan ng liwanag ang kadiliman


Ang tanglaw ng araw a naranasan
Maging ilaw mula sa bilog na buwan
Gayundin ang mga bituin sa kalangitan.

III. Nagsimulang tumubo, berdeng halaman


Sa bughaw na tubig, buhay napagmasdan
Libong ibon sa himpapawid ay nagliparan
Lahat ng uri ng mga hayop ay nasilayan.

IV. Oh, Daigdig, kay gandang pagmasdan


Nang likhain ang tunay mong larawan
Isang paraisong kay inam tirhan
Ano’t nabago ng sangkatauhan?

V. Kaunti na lang ang mga halaman


Bughaw na tubig ano’t kay itim na rin
Wala na halos ibong nagliliparan
Maging hayop sa lupa’y nagkakaubusan.

VI. Tao’y nilalang ng Diyos na may layunin


Mamuno’t mangalaga sa sansinukuban
Gawin natin ito kahit sa kabataan
Upang di maglaho ang sangkatauhan.

I. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa tula.


Bilugan ang titik ng tamang sagot batay sa detalye ng binasang tula.
1. Sino ang lumikha ng daigdig
a. Diwata
b. Diyos
c. Tao
2. Ano ang nagbigay ng liwanag sa mundo?
a. Araw, buwan, bituin
b. Araw, buwan, puno
c. Araw, ibon, bituin
3. Ano ang mkikitsng lumilipad sa himpapawid?
a. Halaman
b. Ibon
c. Isda
4. Saan inihalintulad ang tunay na larawan ng daigdig?
a. Kalangitan
b. Kalupaan
c. Paraiso
5. Ano ang layunin ng Diyos sa paglikha sa tao?
a. Mabuhay at magpasarap sa mundo
b. Magtrabaho at maghirap sa mundo
c. Mamuno at mangalaga sa mundo

Ang Unang Unggoy sa Mundo


Noong unang panahon ayon sa matatanda ay wala pang unggoy rito sa mundo. Narito ang
alamat na nagsasabi kung saan nagmula ang naturang hayop. Sa isang lugar malapit sa gubat ay may
mag-inang naninirahan. Sila ay sina Aling Meding at inggoy. Si inggoy ay salbaheng bata. Mahilig siyang
manira ng halaman at mamitas ng mga bulaklak upang paglaruan lamang. Tuwang-tuwa siya kapag
nakapananakit at nakahuhuli ng mga hayop sa gubat.
Isang araw habang naglalakad si Inggoy sa loob ng kagubatan ay nakakita siya ng pugad kung
saan payaapang nagpapahinga ang isang inakay. Sa kanyang katuwaan ay umakyat siya sa puno at
kinuha niya ang inakay sa pugad. Nang pababa na siya ng puno ay di sinasadyang nabitiwan niya ang
inakay at ito ay namatay. Nagulat si Inggoy sa nangyari kaya’t mabilis siyang tumakbo pabalik sa kanilang
bahay.
Maya-maya pa ay bumalik na ang nanay ng ibon sa kanilang pugad dala-dala ang pagkain sanang
pagsasaluhan nilang mag-ina. Ngunit ganun na lamang ang kanyang pag-iyak nang makitang walang
buhay ang kanyang inakay sa ilalim ng puno. Umiyak nang umiyak ang nanay na ibon at isinumpa niyang
kung sinuman ang pumatay sa kanyang anak ay parusahaan sana ng Diyos.
Samantala nang mga oras na iyon ay nasa bahay na si Inggoy at kumakain ng tanghalian. Habang
siya ay kumakain ay bigla na lamang siyang tinubuan ng mga buhok sa katawan. Buhat sa kanayang
likuran ay may tumubong isang mahabang buntot. Takot na takot si Inggoy. Tinangka niyang sumigaw
upang humingi ng tulong ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig kundi “krrrrr!krrrrr!”
Sa takot at hiya dahil sa kanayng itsura ay tumakbo siya patungong kagubatan at doon na
lamang nanirahan. Si Inggoy raw ang kauna-unahang unggoy sa mundo.

I. Sagutin ang mga tanong mula sa kwento. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Saan naganap ang kuwento?
a. Sa gitna ng lungsod
b. Sa isang lugar malapit sa kagubatan
c. Sa tuktok ng bundok
2. Sino raw ang naging unang unggoy sa mundo ayon sa kuwento?
a. Si bingo
b. Si Inggoy
c. Si Minggyoy
3. Ano bang uri ng bata si Inggoy?
a. Mapagmahal sa magulang at kaibigan
b. May malasakit sa kapaligiran
c. Walang malasakit sa mga halaman at hayop
4. Ano ang naramdaman ng inang ibon nang makitang walang buhay ang anak na ibon?
a. Nalungkot
b. Nasiyahan
c. Natuwa
5. Bakit kaya naging unggoy si inggoy?
a. Dahil sa kanyang katamaran
b. Dahil sa pagkain niya sa mesa
c. Dahil sa sumpa ng inang ibon

Isang Pangyayari sa Buhay ng Batang si Jose


Si Jose Maria Panganiban Y Enverga ay isa sa mga bayaning manunulat na Pilipino. Kakaiba sa
ibang bata si Jose. Mas gusto niya ang magbasa kaysa makipaglaro sa mga batang katulad niya. “Jose
halika na at maglaro na tayo,” yaya ng kanyang mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay. “Sige, kayo na
muna ang maglaro. May ginagawa pa ako,” sagot naman ni Jose. “Jose, bakit ayaw mong makipaglaro sa
mga kaibigan mo? May nakagalit ka bas a kanila?” tanong ng kanyang ina. “Naku, wala po inay, waa po
akong kaaway. Mababait po lahat ng kaibigan ko,” sabi ni Jose. Ano bang ginagawa mo riyan? Naku at
hawak mo na naman iyang kartilya. Ikaw bata ka, gusto mo na bang magbasa?” pagulat at sunod-sunod
na tanong ng kanyang ina.“Opo, inay, gustong-gusto ko na pong magbasa. Puwede n’yo po ba akong
turuan?” “halika nga rito nang makita ko ang galing mo,” hamon ng kanyang ina. Habang tinuturuan ni
aling Juana ang anak ay nagulat siya sa kakaibang talino nito. Napakabilis natutuhan ni Jose ang alpabeto
kaya’t di nagtagal ay natuto na rin itong bumasa at sumulat.

Isang araw, habang abalang-abala ang lahat sa bahay ay biglang nawala si Jose. Takot na takot si
Aling Juana dahil baka may masamang nangyari sa kanyang anak. “Saan kaya nagpunta ang batang ‘yun?
Kanina lamang ay nandito siya sa sala,” nag-aalalang sabi ni Aling Juana. “Hindi umaalis nang walang
paalam si Jose, baka naman nandyan lang siya sa tabi-tabi. Halika na’t hanapin natin siya sa kanyang mga
kaibigan,” mahinahon ngunit nag-alalang sabi ni Mang Vicente sa asawa. Hinanap nga ng mag-asawa si
Jose. Maging ang kanyang mga kapatid at iba pang kasama sa bahay ay tumulong na rin sa paghahanap.
Ilang oras ang lumipas ay hindi pa rin siya nakita. Malungkot na umuwi sa bahay ang kanyang pamilya.

Habang papasok ng bakuran ay biglang napadako ang tingin ni Mang Vicente sa ilalim ng
kanilang malaking puno. Patakbo siyang lumapit dito at doon niya natagpuan si Jose. Mabilis na
sumunod si Aling Juana at ang iba pa nilang kasamang pagod na pagod sa paghahanap kay Jose. Nakita
nila itong natutulog sa ilalim ng puno habang yakap-yakap ang aklat na “Don Quijote de la Mancha” ni
Cervantes. Isang kilalang aklat sa wikang Espanol tungkol sa kabayanihan.

A. Pagsagot sa mga tanong batay sa Kuwentong binasa.


Bilugan ang titik ng tamang sagot batay sa detalye ng kuwentong binasa.
1. Sino ang pangunahing tauhang tinutukoy sa kuwento?
a. Jose Maria Panganiban
b. Jose Marie Chan
c. Jose Rizal
2. Anong pangalan ng kanyang ama at ina?
a. Aling Juana at Mang Vicente
b. Aling Juaning at Mang Vincent
c. Aling Julieta at Mang Vince
3. Bakit hindi nakipaglaro si Jose sa mga kaibigan niya?
a. Dahil mas gusto niyang magbasa kaysa maglaro.
b. Dahil masama ang pakiramdam niya
c. Dahil may nakaaway siyang kalaro.
4. Saan nagpunta si Jose nang hapon nawala siya?
a. Pumasok sa paaralan
b. Sa bahay ng kanyang kapitbahay
c. Sa ilalim ng puno sa kanilang bajuran
5. Anong ginagawa niya nang siya ay matagpuan?
a. Nakikipaglaro
b. Natutulog habang yakap ang isang aklat
c. Nagbibilang ng kanyang mga aklat
B. Pagbibigay-hinuha sa mga Pangyayari sa Kuwento.
Lagyan ng tsek (/) ang pinamagandang maaaring mangyari kay Jose batay sa mga
pahayag.
1. Mas gusto pang magbasa ng aklat ni Jose kaysa ang makipaglaro sa kanyang mga kaibigan sa
oras na wala siyang ginagawa.
Mawawalan na ng mga kaibigan si Jose
Magiging mabilis at mahusay magbasa si Jose kumpara sa ibang batang katulad niya.
2. Kahit marunong bumasa ay patuloy pa ring nag-aaral si Jose para lalong mapaunlad ang
sarili.
Dadami ang kaalaman ni Jose at lalo siyang magiging mahusay at matalinong bata.
Magiging matalino siya lalo at makapagyayabang sa kanyang mga kapwa mag-aaral.
3. Hindi napapagod si Aling Juana na turuan ng mabubuting bagay at asal ang kanyang anak.
Lalaking mabuti at matalinong bata si Jose.
Lalaking palaasa si Jose sa kanyang nanay.
4. Nagsisikap nang husto si Mang Vicente sa kanyang trabaho upang magkaroon nang sapat na
kita para sa pamilya.
Matutugunan niya ang pangangailangan ng pamilya at ang anak si Jose lalo na sa pag-
aaral nito.
Yayaman nang husto ang pamilya ni Jose at mabibili na niya lahat ng kanyang gusto.
5. Lumaki si Jose sa pag-aalaga ng masisipag at mababait na magulang.
Higit na magiging palaasa si Jose sa kanyang mga magulang dahil alam niyang masisipag
at mababait ang mga ito.
Si Jose ay magiging mabait at masipag din gaya ng kanyang mga magulang.
Ang Pagmamahal ng Lolo at Lola
Noong unang panahon ay langit at dagat lamang ang makikita sa mundo. Walang tao ang
makikita rito. Dalawang bathala lamang at ang kanilang tig-isang anak ang naninirahan dito. Si kapitan
ang bathala ng langit, si Dinagat naman ang bathala ng dagat. May isang anak na lalaki si kapitan. Ang
pangalan nito ay kaulap. Ang pangalan naman ng nag-iisang anak na babae ni Dinagat ay Lidagat. Upang
magkalapit ang langit at ang lupa ay nagkasundo ang dalawang bathalang pag-isahing-dibdib ang
kanilang mga anak.

Nang makasal sina Kaulap at Lidagat ay nagkaroon sila ng apat na anak. Sila ay sina
kalibutan,kiaraw, kibuwan, at kitao. Silang lahat ay lumaki sa pangangalaga ng kanilang Lolo Kapitan at
Lola Dinagat sapagkat wala silang ibang mapaglibangan kundi ang kanilang mga apo. Isang araw,
habangmasayang nagbabatuhan ng kumpol ng ulap at alon ng tubig ang apat na magkakapatid ay di
sinasadyang natamaan sina Kapitan at Dinagat. Nabukulan ang dalawang matandang bathala kaya’t
kinailangan nilang magpahinga nang matagal sa kani-kanilang mga kaharian. Natakot ang magkakapatid
sa nangyari kaya’t humingi sila kaagad ng patawad sa mga ito at dito rin nila naisipang bigyan ng
sorpresa sina kapitan at dinagat. Naisipan nilang handugan ng awit ang kanilang mabait na lolo at lola.
Ito na rin ang kanilang pagkakataon upang magantihan ang kabutihan at pag-aalagang ginawa ng mga
ito sa kanila.

Unang pumunta ang mag-kakapatid sa langit upang unang haranahin si kapitan. Nadatnan nilang
nakapinida ng pintuan nito. Tinawag nila si hangin upang mabuksan ito nang hindi namamalayan ni
kapitan. Gayon na lamang ang gulat ni kapitan nang marinig niya ang tinig ng mga apong umaawit sa
labas ng kalangitan. Napakaganda ng tinig ng mga ito. Nakaramdam siya ng kaginhawaan at saya sa
kanyang puso. Ngunit sa di-inaasahang pagkakataon ay biglang kumulog at kumidlat nang napakalakas.
May mga bolang apoy na sunod-sunod na tumama kay kalibutan. Sa isang iglap ay naging bolang sunog
ito. Ang ikalawang bolangapoy ay kay kiaraw tumama. Namilipit siya sa sakit at pagkatapos ay naging
bola rin ngunit patuloy na nag-aapoy. Hindi rin nakaligtas si kibuwan. Natamaan din siya ng bolang apoy.
Nagkadurug-durog ang kanyang katawan sa maliit na piraso. Tinangka naman ni kitaong, pumasok sa
pintuan ng kalangitan ngunit natamaan din siya ng bolang apoy. Mabilis na nahati ang kanyang katawan
at bumagsak kay kalibutan.

Patakbong lumabas sa pintuan ng langit si kapitan. Tinignan niya kung anong nangyari sa
kanyang mga apo. Lungkot na lungkot siya nang makitang nasunog ang mga ito at wala nang buhay.
Ganoon din ang naramdaman ni Dinagat nang malaman ang nangyari sa magkakapatid. Hinanap nila ang
mag-asawang kaulap at lidagat upang sabihin ang nangyari sa kanilang mga anak. Nakaramdam ang apat
nang matinding kalungkutan. Ngunit higit ang naging kalungkutan ng dalawang matandang sobrang
nagmahal sa mga apo. Nagpasiya ang dalawang matandang kapalit nang kanilang buhay ay buhaying
muli ang kanilang mga apo. Isinalin nila ang kanilang buhay at kapangyarihan sa mga tao.

Si kiaraw ay ginawa nilang araw dahil sa hindi namamatay na apoy nito. Si Kibuwan ay
nagkaroon ng liwanag at ginawang buwan. Ang mga piraso ng katawan niyang nagkawatak-watak ay
naging bituin naman. Si kalibutan ay tinubuan ng mga halaman at mga punongkahoy ay ginawang
Mundo. Si katao naman na nahti sa dalawa at bumagsak kay kalibutan ay ginawa nilang tao. Naging
lalaki ang kalahatingn katawan niyang tinawag na Malakas. Ang kabiyak naman nito ay naging babae na
naging unang taong pinagmulan ng lahat ng tao sa Mundo.
I. Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit ipinakasal nina kapitan at dinagat ang kanilang mga anak?
2. Ano ang naging plano ni Kalibutan na sinang-ayunan naman ng kanyang mga kapatid?
Sang-ayon ka bas a kanilang ginawa? Bakit?
3. Anong ugali ang ipinakita ng magkakapatid sa kuwento?
4. Ano ang naging bunga ng pagmamahal sa magkakapatid ng kanilang lolo at lola?
5. Kung ikaw sina kapitan at dinagat kaya mo rin bang ibigay ang iyong buhay para sa iyong
mga apo o sinumang mahal sa buhay?

Ngayo’y Nag-iba Na
May dalawang bata akong kakilala.
Sila’y magkasama sa probinsiya
Ang una’y palangiti sa lahat bumabati
Ang ikalawa’y masungit lagging nakaismid.

Itong palangiti kay raming kaibigan


Mapagbigay rin kasi’t
Matulungin pa’t maaasahan
Kaya’t lahat ng makakita’y naliligayahan.

Siyang nakaismid sa sulok mo makikita


Mga tao sa paligid takot lapitan siya
Baka masigawan at matarayan pa
Walang may gusto maging kaibigan niya.

Ang batang palangiti na sadyang Masaya


Nilapitan at kinausap ang masungit na bata
Lahat ay nagulat sa kanilang nakita
Ang dating masungit ngayo’y nag-iba na.

A. Pagtukoy sa Detalye ng Tulang Binasa


Tukuyin ang detalye ng binasang tula. Lagyan ng tsek (/) ang tamang sagot.
1. Sino ang unang batang binanggit sa tula?
a. Malusog na bata
b. Masungit na bata
c. Palangiting bata
2. Sino naman ang ikalawang batang binanggit sa tula?
a. Malusog na bata
b. Masungit na bata
c. Palangiting bata
3. Saan nagkasama ang dalawang bata?
a. Sa bahay
b. Sa paaralan
c. Sa probinsiya
4. Sinong bata ang maraming kaibigan?
a. Malusog na bata
b. Masungit na bata
c. Palangiting bata

You might also like