You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN sa FILIPINO 5

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasasa iba’t ibang uri ngteksto
at napalawak ang talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa,
nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa isang isyu o
binasang paksa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
a. Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
( F5PB - IIh-6.1 )
b. Nabibigyang kahulugan ang matalinghagang salita.
(F5PT - IVe-h-4.4 )
c. Natataya ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang
reaksiyon ng mga katutubong Pilipino sa kolonyalismo (hal.
Pagtutol ng mga katutubong Pilipino laban sa Kristiyanismo,
pagmamalabis ng mga Espanyol)
ARALING PANLIPUNAN ( AP5PKB-IVE-3-3.1)

II. NILALAMAN Pagsasabi ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.


III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo 205
ALAB FILIPINO
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang 214-216
Mag-aaral ALAB FILIPINO

3. Karagdagang kagamitan mula sa ARAL.PAN. CG ph.240, Filipino CG ph. 190


portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang panturo tsart, meta cards, activity cards, larawan, video clip

IV. PAMAMARAAN
1. TALASALITAAN Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang salitang gamit sa
bawat pangungusap.Hanapin sa loob ng kahon ang sagot.
gumagaya madaling araw malawak
mahirap mayaman nag-aaral
matanda walanghanapbuhay
isang iglap pagsisikap
1.Bukang –liwayway pa lamang ay handa na sa pagtatanim ng
abaka ang mga ina ng tahanan sa Agusan del Sur.
2. Hindi nila akalain na ganoon kadali ang pag-angat ng kanilang
produkto. Sa isang kisapmata, kilala na ang bayan nila.
3. Kaya naman ang mga karatig lalawigan ay humahalik sa yapak
nila.
4. Ang mga anak naman ay sinusuklian ang pagbabanat ng buto
ng kanilang mga ina.
5. Nagsusunog sila ng kilay upang maipagmalaki rin sila ng
kanilangmgaina.
6. Ang ibang ina kahit may sunong nang abaka ay nagtatrabaho
pa rin. Lalo raw silang lumalakas.
7.Noong una, isang kahig, isang tuka ang kanilang mag-anak.
8. May sinasabi na ang pamilya nila ngayon.
9. Dati ay nagbibilang ng poste ang karamihan sa kanila.
10. Sa pagsisikap niya, di- maliparang uwak na ang taniman nila
ng abaka.

2. Balik-aral sa nakaraang aralin Ikahon ang sugnay na nakapag-iisa at salungguhitan ang sugnay
na di- nakapag-iisa.
1. Habang binabalanse ang sarili sa isang bato, siya’y nadulas at
nahulog sa ilog.
2.Nagpunta si Panganoron sa kanila upang paghandaan ang
nalalapit nilang kasal.
3.Iniligtas siya nito sa bingitng kamatayan nang isang umagang
maligo siya sa Ilog Yawa.
4.Sinabi ni Pagtuga na papatayin ang ama ng dalaga kung hindi
siya papaya magpakasal sa kaniya.

3. Mga Gawain
A.Pagganyak Pagpapakita ng video
 Tungkol saan ang video?
 Kumusta ang kababaihan sa inyong lugar?
 Ano ang kalimitang ginagawa/ hanapbuhay nila?
 Paano sila tumutulong sa pangangailangan ng kanilang
pamilya?

B. Paglalahad Pagbasa ng kuwentong “May SAWA sa Agusan del Sur”


(Nasa pahina ng aklat ALAB FILIPINO pahina 214-216)

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto 1. Ano ang ibig sabihin ng SAWA? Bakit maituturing na isang
magandang huwaran ang organisasyong ito?
2. Ano ang nagtulak sa mga ina ng tahanan na magtanim ng
abaka sa kanilang mga bakanteng lote?
3.Bakit maituturing na mga eksperto na ang kababaihan sa
paglikha ng mga produkto na gawa sa abaka?
4. Paano sila kumita sa pagtatanim ng abaka?
5. Anong kultura ng kababaihan ang inyong napansin sa
Barangay Sinai? Paano nila natuklasan ang kanilang kakayahan?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ibigay ang sanhi o bunga ng bawat pangyayari.
paglalahad ng bagong kasanayan 1. Nagtinda ng abaka ang ilang kababaihan_________________.
2.________________, kinilala na ang abaka sa kanilang rehiyon.
3. Napansin ng isang mamimili ang panindang abaka__________
4. ________________, binigyan sila ng tulong ng local na
pamahalaan.
5. Nakaipon ng malaking halaga ang organisayon____________.

E.Paglinang sa Kabihasaan Hanapin ang bunga o sanhi ng mga sumusunod na pangyayari.

1. Naging mapang-abuso ang kolektor na tabako

2. Nagkaroon ng Pag-aalsang Agraryo noong 1745

3.Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang


pinakamataas na pinuno at tinanggalan ang mga babaylan ng
kapangyarihang pinuno sa aspektong espiritwal

4.Nagkaroon ng Pag-aalsang Ekonomiko

5.Pag-aalsa ng mga Igorot sa pagtutol sa pagbibinyag at


Kristiyanismo sa Hilagang Luzon

 Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at


pangangamkam ng mga prayle ng lupa
 Ipinatigil ang operasyon ng monopoly sa tabako noong
1882
 Nagsagawa ng pag-aalsa ang mga datu at babaylan
upang manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno
 Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na masakop ang
mga Igorot
 Tutol ang mga katutubong Filipino sa mga patakarang
pangkabuhayan ng mga banyaga gaya ng pagbubuwis,
sapilitang paggawa, monopoly at kalakalang galyon

F. Paglalapat ng aralin sa pang araw Pangkatang Gawain:


araw na buhay Pagpangkat-pangkatin ang mga bata. Ibigay ang pamantayan sa
paggawa ng grupo.ibigay ang panuto sa paggawa. Ipaskil sa
pisara ang natapos na gawa ng bawat pangkat.
Pangkat A: Suriin ang larawan, ibigay ang sanhi at bunga at
sumulat ng pangungusap tungkol dito.

Pangkat B: Bawat sanhi sa Hanay A ay may katambal na bunga sa


Hanay B. Pagtambalin ito at isulat ang pangungusap na nabuo.
Hanay A Hanay B

1. Pagtatapon ng basura sa ilog a. tumataas ang presyo ng


bilihin
2. Pagtataas ng halaga ng gasoline b. bumabaha sa kapaligiran
3. Paggamit ng pataba c. nagpapabagal ng daloy ng
tubig
4. Pananalanta ng bagyo d. umaani nang masagana ang
magsasaka
5. Pagpuputol ng mga puno sa e. nasisira ang mga ari-arian
kabundukan

G. Paglalahat ng Aralin Ano ang tinatawag na “sanhi” ng isang pangyayari?

Ano naman ang tinatawag na “bunga” ng isang pangyayari?

Tinatawag na sanhi kung ito ay nagsasabi ng dahilan ng pangyayari.


Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit.

Tinatawag naming bunga ng pangyayari kung ito ay nagsasabi ng


kinalabasan o resulta ng pangyayari.

Suriin ang bawat pares ng pangungusap at tukuyin kung aling


H. Pagtataya ng Aralin
pangungusap ang sanhi at kung alin ang bunga.

1.Si Mang Cenong ang paksa ng usapan halos araw-araw.


Maraming ang tulong na nagawa niya sa mga tao.
Sanhi: _____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

2.Para na ring pensyonado si Mang Cenong. Kumikita na lahat


ang kanya mga anak.
Sanhi: _____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

3.Ang poso at tulay ay naipatayo. Humingi ng tulong si Mang


Cenong sa pamahalaan.
Sanhi: _____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

4.Hindi madaanan ang tulay. Malaking torso at layak ang


nakaharang dito.
Sanhi: _____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

5.Inutusan ng matanda ang bunsong anak na manguna sa


paglusong sa ilog. Tumulong na rin ang lahat ng tao.
Sanhi: _____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

I. Karagdagang Gawain para sa Ibigay ang mabubuting naibunga ng mga ginagawa ng


takdang aralin kababaihan sa inyong barangay upang mkadagdag kita sa
pamilya.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawaing remediation
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusynan sa tulong
ng aking punong guro at supervisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais
kung ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

MINERVA B. ALAYON
Teacher III
Checked and Observed by:

You might also like