You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 4
● Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento
● Sumusuportang detalye sa
mahalagang kaisipan ng teksto
Ikalawang Markahan-Ikapitong Linggo

Rosalynn I. Basilla
Manunulat

Dr. Buena C. Dela Cruz Mylene Tuvilleja


Nelia G. Abejar
Tagasuri

Dr. Yaledegler C. Maligaya Dr. Raul T. Felix


Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Mga Validator
Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan,
Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Pagkatapos masagutan ang mga gawaing nakapaloob sa SLeM na
ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Napagsusunod-sunod ang mga detalye/pangyayari sa tekstong


napakinggan sa pamamagitan ng tanong (F4PN-IIh-8.2)
2. Natutukoy ang mga sumusuportang detalye sa mahalagang kaisipan
sa nabasang teksto (F4PB-IIh-11.2)
3. Napahahalagahan ang mga kaisipang nakapaloob sa teksto

Lagyan ng tsek (√ ) kung wasto ang inihahayag ng mga pangungusap at


ekis (X) kung hindi.

1. Ang bawat kuwento o teksto ay may paksa.


2. Sa paggawa ng hakbang sa pagluluto, maaari kang gumamit
ng salitang una, ikalawa, pangatlo at sa huli.
3. Ang pansuportang detalye ay nagpapagulo sa paksa.
4. Gumamit ng salitang WAKAS sa unang hakbang.
5. Ang pansuportang detalye ay tumutulong upang mabigyang
linaw at mapalawak ang paksa o pangunahing ideya ng may
akda.
6. Ang pangyayari sa teksto, kuwento o hakbang ay inaayos nang
may pagkakasunod-sunod ayon sa panahon.
7. Maaaring gumawa ng buod ng kuwento na hindi gagamit ng
mga salitang nagpapahiwatig ng pagkasunod-sunod.
8. Ang pansuportang detalye ay laging makikita sa unahan ng
talata.
9. Maaaring gamitin ang salitang UNA sa unang hakbang sa
pagbibigay ng paraan sa pagluluto ng kanin.
10. Sa pagtatapos ng kuwento, maaari mong mabasa ang
salitang wakas.

2
Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang pagbigay ng sariling wakas
ng kuwento. Basahin ang talata sa ibaba.

Araw-araw akong naglalakad papasok at pauwi ng paaralan. Masayang


karanasan ito para sa akin dahil kasabay kong umuwi ang mga kaibigan ko.

Habang naglalakad pauwi ay marami kaming napag-uusapan. Mula sa


karanasan namin sa loob ng paaralan hanggang sa mga kakulitan ng aming
mga kamag-aral.

Malapit na kami sa tawiran, sa kabilang kalsada ay nakita namin ang


isang matandang hirap maglakad. Maya-maya, nakita naming papalapit na
siya sa pulis.

Ano kaya ang susunod na mangyayari? Ngayon, ikaw naman ang


magbigay ng wakas sa talatang nabasa.

Ang pangyayari sa teksto/kuwento o hakbang ay inaayos nang may


pagkakasunod-sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng
isang ideya, gawain, o pangyayari sa isang kuwento, resipe sa paggawa ng
lutuin, o sa isang hulwaran ng pagsasaayos. Narito ang mga halimbawa ng
mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran ng pagkakasunod-sunod:
● una, pangalawa, sumunod, nang malaunan, sa wakas
● nagsimula, unang–una, pagkatapos, pinakamahalaga, pinakahuli

Halimbawa:
Paghahanda sa “New Normal”
Bilang paghahanda sa Bagong Normal o “New Normal, may mga dapat
tayong tandaan upang makaiwas sa tinatawag na COVID 19. Unang-una,
bago lumabas ng bahay ay siguraduhin na tayo ay may suot na “face mask
at face shield” bilang proteksyon sa ating sarili at proteksyon na rin para sa
iba.

Pangalawa, huwag kalimutang magdala ng alcohol at iwasan ang


humawak kung saan-saan. Pangatlo, umiwas sa malalaking grupo ng tao.

3
Pinakamahalaga sa lahat ay iwasang humawak sa mata, ilong at bibig.

Pinakahuli, pag-uwi sa bahay ay agad na hubarin ang mga sinuot na


damit at labhan agad at huwag ipasok ang sapatos na ginamit sa labas at
kung maaari ay idis-infect din ito.

Ano naman ang pansuportang detalye?

● Ang pansuportang detalye ay tumutulong upang mabigyang linaw at


mapalawak ang paksa o pangunahing ideya ng may akda.

● Ito rin ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon upang lalong


maparating ng may akda ang nais niyang iparating sa mga nagbabasa.

HALIMBAWA
PAKSA: Pangangalaga sa Kalikasan
Lahat ng pangungusap na may salungguhit ay halimbawa ng
pansuportang detalye.
● Huwag magtapon ng basura sa ilog, lawa at dagat.
● Ihiwalay ang mga nabubulok at di nabubulok na basura.
● Putulin ang mga puno sa kagubatan.
● Sunugin ang mga basura sa bakuran.
● Sanayin nating gawin ang 3R’s (Reduce, Reuse, Recycle)

PAGSASANAY #1
Panuto: Basahin nang mabuti ang talata, pagkatapos ay pagsunod-
sunurin ito ayon sa hinihingi ng tanong.

Napag-utusan si Marnel ng kaniyang ina na hugasan ang mga


pinagkainan pagkatapos nilang kumain. Unang-una, pinagsama-sama niya
ang mga kutsara, tinidor, baso at mga pinggan. Sumunod ay sinabunan niya
ang mga ito. Pagkatapos ay maingat niyang binanlawan ang mga hinugasan.
Sa wakas ay isinalansan niya ang mga ito sa tamang ayos pagkatapos
patuyuin.

4
PAGSASANAY #2

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang unang ginawa ni Marnel sa paghuhugas ng pinagkainan?
A. Binanlawan ang mga hinugasan.
B. Isinalansan niya ang mga ito sa tamang ayos pagkatapos patuyuin.
C. Pinagsama-sama niya ang mga kutsara, tinidor, baso at mga pinggan.
D. Sinabunan niya ang mga hugasin.
2. Ano ang sumunod na ginawa niya?
A. Binanlawan ang mga hinugasan.
B. Isinalansan niya ang mga ito sa tamang ayos pagkatapos patuyuin.
C. Pinagsama-sama niya ang mga kutsara, tinidor, baso at mga pinggan.
D. Sinabunan niya ang mga hugasin.
3. Pagkatapos magsabon ng mga hugasin, ano ang sinunod niya?
A. Binanlawan ang mga hinugasan.
B. Isinalansan niya ang mga ito sa tamang ayos pagkatapos patuyuin.
C. Pinagsama-sama niya ang mga kutsara, tinidor, baso at mga pinggan.
D. Sinabunan niya ang mga hugasin.
4. Paano niya tinapos ang paghuhugas ng pinggan?
A. Binanlawan ang mga hinugasan.
B. Isinalansan niya ang mga ito sa tamang ayos pagkatapos patuyuin.
C. Pinagsama-sama niya ang mga kutsara, tinidor, baso at mga pinggan.
D. Sinabunan niya ang mga hugasin.
5. Ano-ano ang mga salitang nagbibigay hudyat sa pagkasunod-sunod ng
pangyayari sa talata?
A. Una, ikalawa, ikatlo, ikaapat at wakas
B. Unang-una, pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglima
C. Una, pangalawa, pangatlo at panghuli
D. Unang-una, sumunod, pagkatapos at sa wakas

PAGSASANAY # 3
Panuto: Piliin sa kahon ang mga detalye na sumusuporta sa mga
nakatalang paksa. Bilugan ang mga letra ng tamang sagot.

A. Mga Paraan Upang Makaiwas sa COVID 19

A. Dumalo sa mga pagtitipon kahit ipinagbabawal.


B. Iwasang hawakan ang mata, ilong at bibig.
C. Lumabas ng bahay kahit walang “facemask”.
D. Ugaliing maghugas palagi ng kamay.
E. Ugaliin ang Social Distancing.

5
B. Mga Natutunan sa Enhanced Community Quarantine o ECQ

1. Bayanihan o Pagtutulungan
2. Huwag sumunod sa mga tagubilin ng pamahalaan upang makaiwas
sa nakahahawang sakit.
3. Lumabas ng bahay kung walang makitang bantay.
4. Nagkaroon ng panahon na magkakasama ang buong pamilya.
5. Palakasin ang ating Immune System o resistensya.

● Sa pagpapahayag ng ideya, kuwento o hakbang ay maaaring gumamit ng


mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran ng pagkakasunod-
sunod:
Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo, panghuli
unang-una, pagkatapos, pinakahuli

● Ang pansuportang detalye ay may kaugnayan sa paksang pangungusap


upang lubusang maunawaan ang kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa
mga pansuportang detalye ay malaking tulong upang matukoy ang paksa
at pangunahing ideya ng teksto.

Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang pahayag sa bawat bilang.

________1. Ang pangyayari sa teksto/kuwento o hakbang ay


inaayos nang may pagkakasunod-sunod ayon sa panahon.

________2. Ang pansuportang detalye ay tumutulong upang


mabigyang linaw at mapalawak ang paksa o
pangunahing ideya ng may akda.

6
________3. Ang salitang alinman ay halimbawa ng salitang
nagpapahiwatig ng pagkasunod-sunod.

________4. Ang pansuportang detalye ay nagbibigay ng


mahalagang impormasyon upang lalong maparating
ng may akda ang nais niyang iparating sa mga
nagbabasa.

________5. Sa paraan ng pagluluto maaaring hindi pagsunod-


sunurin ang tamang hakbang.

Ito PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT

A. Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa patlang.

Ano ang paborito mong ulam? Marunong ka na bang magluto ng


adobo? Kung hindi pa, narito ang mga hakbang sa pagluluto ng adobong
baboy.

Una-una, paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel,


paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30 minuto. Pangalawa, ilagay ang
karne sa kawali at isalang sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40
minuto o hanggang lumambot ang karne. Magdagdag ng tubig kung
kinakailangan. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

Pangatlo, maglagay ng asin at asukal nang naaayon sa iyong panlasa.


Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce. Pagkatapos, sa
kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.

Panghuli, ilagay muli ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit


isang minuto.

______1. Alin ang unang hakbang sa pagluluto ng adobo?


A. Ilagay muli ang karne sa sabaw at pakuluan.
B. Ilagay ang suka at hayaang kumulo.
C. Maglagay ng asin at asukal ayon sa panlasa.
D. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel,
paminta at toyo.

7
_____2. Alin ang ikatlong hakbang sa pagluluto ng adobo?
A. Ilagay muli ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit
isang minuto.
B. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40
minuto o hanggang lumambot ang karne.
C. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.
Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.
D. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel,
paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30 minuto.

_____3. Alin ang ikaapat na hakbang sa pagluluto ng adobo?


A. Ilagay muli ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit isang
minuto.
B. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40
minuto o hanggang lumambot ang karne.
C. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa. Hanguin
ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.
D. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.

_____4. Aling salita ang naghuhudyat sa huling hakbang?


A. pagkatapos C. panghuli
B. pangatlo D. unang-una

______5. Piliin ang mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran ng


pagkakasunod-sunod na ginamit sa talata.
A. Una, ikalawa, ikatlo, ikaapat at panghuli
B. Una, pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglima
C. Unang-una, pangalawa, pangatlo, pagkatapos at panghuli
D. Unang-una, pangalawa, sumunod, pagkatapos at wakas

C. Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Mga Alternatibong Paraan ng Pag-aaral


Hango mula sa ABS-CBN News
Posted on May 27, 2020 04:22PM
Dahil sa pandemic na nararanasan ng buong mundo sanhi ng COVID
19 magbabago na rin ang paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga
estudyante sa darating na pasukan.
Ipinaliwanag ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na
magpapatupad naman ang kanilang kagawaran ng iba't ibang paraan para
maihatid sa mga estudyante ang kanilang mga aralin sa darating na taong
panuruan.
Ang mga alternatibong paraan ay depende sa sitwasyong
pangkulusugan ng isang lugar kung aling "learning delivery modality" ang
ipatutupad ng mga paaralan doon. Isa sa mga delivery mode ay ang distance
learning, kung saan hindi pisikal na magkasama o magkaharap ang guro at
estudyante.

8
Sa ilalim nito, maaaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng
online platform, printed module na ibibigay ng paaralan, at aralin na
mapapanood sa telebisyon o mapapakinggan sa radyo.
Nariyan din ang face-to-face learning, kung saan magkakaroon ng
pisikal na interaksiyon sa pagitan ng guro at estudyante, pero gagawin
lamang ito sa mga lugar na ligtas. Hindi na rin gaya ng dati umano ang
magiging eksena ng face-to-face learning dahil lilimitahan na lang hanggang
20 mag-aaral sa isang silid-aralan.
Pwede ring mag-aral ang mga estudyante sa pamamagitan umano ng
blended learning, na pinagsamang limitadong face-to-face learning at
distance learning.
"Isang araw, dalawang araw nasa paaralan iyong mga bata tapos “the
rest of the week”, dala-dala nila 'yong learning kits, self-learning modules para
aralin ang mga bagay na ito sa mga bahay," ani San Antonio.
Maaari ring matuto ang bata sa pamamagitan ng homeschooling, na
dati nang ginagawa ng mga magulang na ayaw pag-aralin ang mga bata sa
mga eskwelahan.

_____6. Ano ang paksa o pinag-uusapan sa nabasa mong talata?


A. COVID 19
B. distance learning
C. mga paraan ng pag-aaral
D. mga paraan ng pag-aaral at pagtuturo sa mga estudyante
_____7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi sa distance learning?
A. Dati nang ginagawa ng mga magulang na ayaw pag-aralin ang
mga bata sa mga eskwelahan.
B. Hindi pisikal na magkasama o magkaharap ang guro at
estudyante.
C. Magkakaroon ng pisikal na interaksiyon sa pagitan ng guro at
estudyante.
D. Pinagsamang limitadong face-to-face learning at distance
learning.
______8. Ano ang paraan ng pag-aaral na kung saan ay pinagsama ang
limitadong face-to-face learning at distance learning?
A. blended learning C. face-to face learning
B. distance learning D. homeschooling
______9. Ano ang paraan ng pag-aaral na kung saan hindi pisikal na
magkasama o magkaharap ang guro at estudyante?
A. blended learning C. face-to face learning
B. distance learning D. homeschooling
______10. Ayon sa talata, bakit daw magbabago ang paraan ng pagtuturo
at pag-aaral ng mga estudyante?
A. dahil marami ang nagkakasakit
B. dahil sa pandemic na dulot ng COVID 19
C. marami ang naluging negosyo
D. marami ang nawalan ng trabaho

9
10
Pang-wakas na Pag-alam sa Gawain Unang Pagsubok
Pagsusulit Natutuhan
Pagsasanay 1 1. /
1. D 1. Tama
2. Tama A. C 2. /
2. C 3. Mali B. D 3. X
3. D 4. Tama
5. Mali C. A 4. X
4. C
D. B 5. /
5. C
E. D 6. /
6. D
Pagsasanay 2 7. X
7. B
Susi sa Pagwawasto
● Yaman ng Lahi 4 TG,p.165
Posted at May 27 ,2020 04:22PM
Mga Alternatibong Paraan ng Pag-aaral
● ABS-CBN News, FB page
Sanggunian

You might also like