You are on page 1of 15

Filipino 4

Filipino – Ikaapat na Baitang


Unang Markahan – Modyul 6: Pagsasalaysay muli ng Nabasang Kuwento Gamit
ang Pangungausap, Signal Words at Mga Larawan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mary Ann F. de Jesus
Editor: Lesslie D. Lalo
Tagaguhit: P Lucia B. Alejandrino, Birnalyn S. Lorayes
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 4
Unang Markahan
Modyul 6 para sa Sariling Pagkatuto
Pagsasalaysay Muli ng Nabasang
Kuwento Gamit ang Pangungusap,
Signal Words at Mga Larawan
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino –Ikaapat na baitang Modyul para sa


araling Pagsasalaysay muli ng nabasang kuwento gamit ang Pangungusap,
Signal Words at Mga Larawan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pagangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Nakapagsasalaysay muli nang may wastong


pagkakasunod- sunod ng napakinggang teksto gamit ang
mga pangungusap, signal words at mga larawan

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin ang talata. Gawin ang sumusunod na gawain.

Napag-utusan si Grace na hugasan ang mga plato at lahat


ng ginamit sa paghahanda ng pagkain at pinaglutuan nito. Una,
sinalansan ni Grace ang mga baso at pitsel. Sumunod ay
pinagsama-sama niya ang mga kutsara, tinidor at kutsarita.
Maya-maya’y sinalansan niya ang mga plato at platito ayon sa
laki. Pagkatapos, inihanay niya ang mga kaldero at kawali. Ang
]-
pinakahuli, matapos sabunin, banlawan at patuyuin ay inilagay
niya ang mga ito sa kani-kanilang lalagyan.

Pag-aralan nating mabuti ang sumusunod na larawan.

PANUTO:Ayusin tamang pagkakasunod-sunod ng mga


pangayayari ayon sa ginawang paghuhugas ni Grace ng mga
kasangkapan .Isulat ang letrang A –E.

_____1. _____2.
_____3. _____4.

____5.

BALIK-ARAL

PANUTO: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot na


tumutugon sa kahulugan ng mga bahagi ng isang maikling
kuwento.

A. Kalakasan C. Tunggalian E. Wakas


B. Kasukdulan D. Simula

____1. Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalaylay sa


bahaging ito. Dito ipinakikilala ang mga tauhan at tagpuang
iikutan ng kuwento.
____2. Dito nakikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan sa mga suliranin na kanyang kinakaharap.
____3. Ito ang bahaging may pinakamataas na damdamin sa
kuwento.
____4. Ang bahaging ito ang nagsasabi ng kahihinatnan na
maaaring masaya o malungkot.
____5. Sa bahaging ito bumababa ang damdamin ng kuwento. Ito
ang nagbibigay daan sa wakas.
ARALIN

Pakinggan ang talata na babasahin ng iyong


magulang o kasama sa bahay at sagutin ang sumusunod
na mga tanong:
Narito ang mga hakbang sa paghahanda sa pagdating ng bagyo.
Una, subaybayan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balita
tungkol sa pagsama ng panahon. Pangalawa, mag- imbak ng tubig at
mga pagkain sa bahay, tulad ng mga noodles at de lata upang hindi
magutom. Pangatlo, maglagay din ng pagkain, damit at
mahahalagang dokumento sa go bag. Pagkatapos, maghanda ng
posporo, kandila, flashlight, radyo at baterya na maaaring magamit
kung kinakailangan. Panghuli ay manatiling mahinahon sa lahat
nang sandali upang makaiwas sa anumang sakuna.

1. Tungkol saan ang binasang talata?


2. Ano-ano ang mga hakbang na dapat tandaan sa
pagdating ng bagyo?
3. Sa iyong palagay, tama ba na maghanda sa pagdating
ng bagyo? Bakit?
Pansinin ang mga hakbang sa paghahanda na inilahad sa talata.
✓ Una
Subaybayan sa radio o telebisyon ang mahahalagang balita sa
pagsama ng panahon.
✓ Pangalawa
Mag- imbak ng tubig at mga pagkain sa bahay, tulad ng mga
noodles at de lata upang hindi magutom.
✓ Pangatlo
Maglagay rin ng pagkain, damit at mahahalagang dokumento
sa Go bag.
✓ Pagkatapos
Maghanda ng posporo, kandila, flashlight, at baterya na
maaaring magamit kung kinakailangan.

✓ Panghuli
Manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas
sa anumang sakuna.
Mula sa mga nakalahad na hakbang, ano-ano ang mga ginamit na
signal words ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
✓ Una
✓ Pangalawa
✓ Pangatlo
✓ Pagkatapos
✓ Panghuli

Isalaysay muli ang mga pangyayari gamit ang mga larawan sa


ibaba ayun sa napakinggang teksto.

Go Bag

Paano inaayos ang mga pangyayari sa isang seleksiyon?


Dapat mong isaisip na ang pangyayari o hakbang ay inaayos nang
may pagkasunod-sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang
kahalagahan ng isang ideya, gawain, o pangyayari sa isang
kuwento, isang resipe sa paggawa ng lutuin o sa isang huwaran
ng pagsasaayos.
Madali lang kilalanin o tukuyin ang mga pagkakasunod-sunod ng
mga pangayayari gamit ang mga salitang naghuhudyat o signal
words. Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang
huwaran ng pagkasunod-sunod ay:
a. una, unang-una, simula
b. pangalawa
c. sumunod, pagkatapos, nang malaunan
d. pinakamahalaga, pinakahuli, sa wakas

MGA PAGSASANAY

PANUTO: Pakinggan ang kuwentong babasahin sa iyo at


sagutin ang sumusunod na mga pagsasanay.
Araw ng pamimili ni Delia. Una, naglista siya ng mga dapat
niyang bilhin tulad ng bigas, karne, noodles at iba pa. Pangalawa,
nagsuot siya ng face mask, isinabit ang quarantine pass sa
kaniyang leeg at nagdala rin siya ng alkohol bago lumabas.
Maraming tao sa Pasig Mega Market. Ang mga pulis at mga
sundalo ay matiyagang nagbabantay sa bawat checkpoint.
Mahigpit nilang ipinatutupad ang “NO Quaratine Pass - NO Entry’’
sa pamilihang bayan.
Sumunod, agad niyang binili ang lahat ng nasa listahan.
Bumili siya ng isda, karne ng baboy, mga gulay at prutas sa
kaniyang mga suki.
Kalaunan ay natapos siya sa kanyang pamimili at pinanatili
pa rin ang social distancing sa mga nakakasasalubong hanggang
makalabas ng pamilihan.
Pagkatapos, agad siyang umuwi at naligo upang
makasigurong ligtas siya at ang kaniyang pamilya sa sakit na
COVID-19.

Pagsasanay Bilang 1
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang.
___1. Tungkol saan ang iyong binasang teksto?
A. Pag-iingat ni Delia sa bibilhing pagkain.
B. Pag-iwas ni Delia sa sakit na COVID-19.
C. Pagsunod ni Delia sa social distancing.
D. Pagmamadali ni Delia na mabili ang lahat ng nasa
listahan.
___2. Punan ng tamang signal word na ginamit mula sa
napakinggang talata. ______ agad niyang binili ang lahat ng
nasa listahan.
A. Kalaunan C. Pagkatapos
B. Maya’t-maya D. Sumunod
___3. Alin sa mga sumusunod ang unang ginawa ni Delia?
A. Kumain siya bago lumabas.
B. Nagpaalam sa magulang na lalabas siya.
C. Naglista siya ng mga dapat niyang bilhin.
D. Naligo agad si Delia pagdating ng bahay para maging
ligtas.
___4. Sa huling talata ng kuwento, anong signal word ang
ginamit?
A. Pagkatapos C. Pinakamahalaga
B. Kalaunan D. Sumunod
_____5. Alin sa sumusunod ang huling ginawa ni Delia?
A. Matiyagang nagbabantay sa bawat checkpoint.

B. Naglista siya ng mga dapat niyang bilhin tulad ng bigas,


karne, noodles at iba pa.
C. Bumili siya ng isda, karne ng baboy, mga gulay at prutas
sa kaniyang mga suki.
D. Agad siyang umuwi at naligo upang makasigurong ligtas
siya at ang kaniyang pamilya sa sakit na COVID-19.
Pagsasanay 2
PANUTO: Pagsunod-sunorin ang mga larawan ayon sa mga
pangyayari sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa loob ng bilog.

Pagsasanay 3
PANUTO: Isalaysay muli ang pangyayari gamit ang mga
larawan sa ibaba ayon sa napakinggang kuwento. Gumamit
ng angkop na mga signal words sa pagsasalaysay.

1. ____________________________________________
__________________________________________.

2. ____________________________________________
__________________________________________.
3. ____________________________________________
__________________________________________.

4. ____________________________________________
__________________________________________.

5. ____________________________________________
__________________________________________.

PAGLALAHAT

Sa pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto mahalaga na


ito ay mailahad nang may wastong ________________, gamit ang
mga _______________, _____________ at mga _______________.

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Basahin at lagyan ng tsek (√) kung ang


pangungusap ay nagpapahayag ng tamang kaisipan at
ekis (x) kung hindi.
_____1. Sundin ang mga paalala sa wastong pag-iingat
upang maging ligtas sa anumang sakuna.
_____2. Huwag makinig ng mga balita tungkol sa mga
nangyayaring kaganapan sa panahon ng
kalamidad.
_____3. Mag-imbak ng pagkain at maghanda ng
emergency kit sa panahon ng kalamidad.
_____4. Manatiling mahinahon sa lahat ng pagkakataon.
_____5. Itabi ang mahahalagang dokumento kapag may
bagyo.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin ang maikling talata sa ibaba.

Araw-araw ay pumapasok sa paaralan si Lea. Pagkagising,


una niyang ginawa ay nagdasal at nagligpit ng kanyang higaan.
Pangalawa, naligo at kumain ng almusal.
Sumunod, isinuot ang kaniyang malinis na uniporme.
Pagkatapos, tiningnan niya ang bag kung kumpleto na ang
kaniyang gamit pampaaralan. Panghuli, nagmano siya sa
kaniyang magulang at pumasok na sa paaralan.

PANUTO: Isulat ang letrang A-E sa kahon ayon sa wastong


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
larawan. Isulat sa patlang ang ginamit na signal
words.

1. 2.

3. 4. 5.
Paglalahat Pagsasanay Bilang 3 Paunang Pagsubok
Sa pagsasalaysay 1. D- Pagkatapos
1. Sa panimula, naglista siya
muli napakinggang ng mga dapat niyang bilhin. 2. C- Maya-maya
teksto mahalaga na
ito ay mailahad 2. Pangalawa ay nagsuot siya 3. B- Sumunod
nang may wastong ng facemask. 4. E- Pinakahuli
pagkakasuno-sunod,
gamit ang mga 3. Sumunod ay binili niya 5. A- Una
pangungusap, signal
ang lahat ng nasa listahan. Balik Aral
words at mga
larawan.(maaring 4. Kalaunann ay pinanatili pa 1. D 4. E
mabago
angpagkakasunod- rin ang social distancing sa
2. C 5. A
sunod ng huling 3 mga nakakslubong hanggang
sagot) 3. B
makalabas ng pamilihan.
Pagsasanay Bilang 1
5. Pagkatapos agad siyang
Pagsusulit umuwi at naligo upang 1. B 4. A
1. e- Panghuli makasigurong ligtas siya at 2. D 5. D
ang kanyang pamilya sa sakit 3. C
2. c- Sumunod
na COVID-19.
3. a- Una Pagsasanay Bilang 2
4. b – Pangalawa 5 – 4 – 1- 2 – 3
5. d-Pagakatapos
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

https://www.slideshare.net/alicetejero9/filipino-6-dlp-10-mga-pangyayari-
pagsunudsunurin-natin .

Paunang-Pagsubok

kaldero - http://kuhnyadom.com/shop/posuda/kastryuli/

pitsel-https://www.kottoglass.com/tl/1pc-glass-jug-and-6pcs-glass-cup-set-
11.html

Spoon and fork- https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/cutlery-set-


spoons-forks-and-knifes-top-view-vector-11934189

https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/viewFile/6069/5410

https://www.wpclipart.com/household/chores/dishes/girl_washng_dishes.png.ht
ml

https://dlpng.com/png/6472522

Aralin

1. https://thehungryjpeg.com/product/3486624-family-couple-sitting-on-sofa-
and-watching-news-at-tv

2. https://www.moneycrashers.com/long-term-home-food-storage-emergency/

3. https://www.wunderground.com/prepare/disaster-supply-kit

4 https://lovepik.com/image-500432149/a-family-watching-tv.html

5. https://www.liverpoolecho.co.uk/news/liverpool-news/emergency-grab-bag-
every-family-16903707

Panapos na pagsusulit

https://ya-webdesign.com/explore/go-clipart-school/

vector/bedroom_bed.html?sti=o0xvk7zg93varuovj0|

https://www.shutterstock.com/search/child+praying+vector

https://www.colourbox.com/vector/illustration-of-a-girl-in-school-dress-on-a-
white-background-vector-5810347

https://www.dreamstime.com/stock-illustration-happy-school-kids-riding-school-
bus-illustration-image96914336

You might also like