You are on page 1of 14

Filipino 9

1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Aralin 3.1-Parabula o Talinghaga
Metaporikal na Pagpapakahulugan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Zianessa P. Raboy
Editor: Ana Maria S. Tolentino
Tagasuri: Melinda P. Iquin
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Parabula o Talinghaga
Pagpapakahulugang Metaporikal
Manunulat: Zianessa P. Raboy
Tagasuri: Ana Maria S. Tolentino
Editor: Imelda T. Tuaño , Jay-ar S. Montecer

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 9 ,Modyul 1 para sa
Aralin 3.1 Parabula o Talinghaga, Pagpapakahulugang Metaporikal !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 , Modyul 1 ukol sa Aralin 3.1 Ang


Parabula o Talinghaga , Pagpapakahulugang Metaporikal!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ikaw ay:

Napatutunayang ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring maganap


sa tunay na buhay.
1. Napagyayaman ang kaalaman sa parabula bilang akdang
pampanitikan.
2. Nakabubuo ng sariling konsepto tungkol sa parabula at sa layunin nito
sa mambabasa.
3. Nabibigyang ng sariling kahulugan ang matatalinghagang pahayag.

Bago tayo dumako sa ating aralin ay nais ko munang subukin kung


masasagot mo ang ilang katanungan hinggil sa ating aralin.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na_______________.


A. pabula C. Proverbs
B. parabole D. Psalm
2. Kalimitang mababasa ang parabula sa _______________.
A. Banal na Aklat C. Quran
B. magasin D. Reader’sDigest
3. Ang parabula ay pangyayaring isinalaysay noong panahon ni
__________.
A. Allah C. Muhammad Gandhi
B. Hesus D. Zeus
4. Ang parabula ay isinalaysay sa paraang ______________ .
A. matalinghaga C. patula
B. pakuwento D. patuligsa
5. Nililinang ng parabula ang ___________na aspeto ng ating pagkatao.

A. asal at ugali
B. Ispiritwal at moral
C. sikolohikal at mental
D. lahat ng nabanggit

6
ARALIN

Pagganyak:

Kilala mo ba ang mga nasa larawan?

https://bit.ly/2ClseCJ https://bit.ly/2WDHUIt https://bit.ly/2OI2tik

Tama ang iyong sagot kung binanggit mo ang mga pangalan nina Eba
at Adan, ang sinasabing unang babae at lalaking nilalang ng Dakilang
Lumikha. Nariyan din sina David at Goliath, ang kuwento nila ay
nagpapatunay na hindi dapat maliitin ang kakayahan ng kapwa batay sa
pisikal na anyo. Sigurado akong kilala mo rin si Noah na ipinakilala ang
lubos na pananalig niya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng isang arko
na magliligtas sa kanila sa delubyo.
Ang mga nabanggit ay pawang mga karakter sa mga tunay na salaysay
mula sa Unang Tipan ng Bibliya. Nasa Bibliya ang iba’t ibang anyo ng
panitikan kabilang na ang parabula. Ang parabula ay naglalaman ng mga
aral ni Hesus, na nakapaloob sa matatalinghagang pahayag.
Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na
nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari
para paghambingin. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong
panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na
mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay
ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa
patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting
asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at
espirituwal na pagkatao.
Narito ang mga halimbawa ng mga parabula na mababasa sa Ikalawang Tipan
ng Bibliya:
1. Alibughang Anak ( Lukas 15: 11-32 )
2. Parabula ng Sampung Dalaga ( Lukas 15:11-32 )
3. Ang Mabuting Samaritano ( Lukas 10: 25-37 )
4. Parabula ng Nawawalang Tupa ( Lukas 15: 1-7 )
5. Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin ( Mateo 25: 14-30 )

7
Tinatawag ding talinghaga ang parabula. Ayon sa Diksyonaryong
Sentinyal ng Wikang Filipino ang talinghaga ay “parirala, pangungusap o
isang salaysay na may malalim o hindi tuwirang kahulugan na kailangang
pag-isipang mabuti upang maunawaan. Sa kahulugang ito maaaring ibilang
sa talinghaga ang tayutay, idyoma at parabula. Ang lahat ng ito ay may
kahulugang iba sa kahulugang literal.
Narito ang isang halimbawa ng parabula, unawain at isapuso ang nais
iparating nito sa iyo.

Ang Mabuting Samaritano


( Lukas 10: 25-37 )

May isang dalubhasa sa kautusan ang tumindig upang si Jesus ay


subukin na nagsabi, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng
buhay na walang-hanggan?” Sinabi ni Jesus sa kanya , “Ano ba ang
nakasulat sa kautusan? Ano ang nabasa mo?” At sumagot ang eskriba),
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong
kaluluwa mo, nang buong lakas mo, at nang buong pag-iisip mo, at ibigin
mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” At sinabi ni Jesus sa
eskriba, “Tumpak ang sagot mo, gawin mo ito at mabubuhay ka.” Subalit
sa pagnanais ng eskriba) na ipagmatuwid ang kanyang sarili ay sinabi kay
Jesus, “At sino ang aking kapwa?”
Sumagot si Jesus, “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem
patungo sa Jerico at siya’y nahulog sa kamay ng mga tulisan, hinubaran
siya ng mga ito at binugbog. Pagkatapos ay umalis sila at iniwan siyang
halos patay. At nagkataong bumababa sa daang iyon ang isang pari. Nang
kanyang makita ito, siya ay dumaan sa kabilang panig. Gayundin ang
isang Levita, nang dumating siya sa lugar na iyon at kanyang nakita ang
taong iyon, siya ay dumaan sa kabilang panig. Subalit ang isang
Samaritano, sa kanyang paglalakbay ay dumating sa kanyang
kinaroroonan; at nang kanyang makita ang taong iyon, siya ay nahabag.
Kanyang nilapitan siya at tinalian ang kanyang mga sugat pagkatapos
buhusan ng langis at alak. Pagkatapos isakay sa kanyang sariling hayop,
siya ay dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan. Nang sumunod na araw,
dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa may-ari ng bahay-
panuluyan at sinabi niya, “Alagaan mo siya, at sa anumang karagdagan
mo pang gastusin ay babayaran kita sa aking pagbabalik.”
“Ano sa palagay mo, sino sa tatlong ito, ang naging kapwa- tao sa
nahulog sa kamay ng mga tulisan?” At sinabi niya, “Ang nagpakita ng
habag sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka, at gayundin ang
gawin mo.”

8
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1:

Panuto : Piliin ang letra ng tamang sagot

1. Sino ang nagkukuwento sa parabula?


A. Jesus C. Samaritano
B. Pari D. saserdote
2. Ano ang naging reaksyon ng Pari nang madaanan niya ang taong
nakahandusay sa kalsada?
A. Binigyan niya ito ng salapi. C. Iniwasan niya nag lalaki.
B. Inismiran lang niya ito. D. Tinulungan niya ang lalaki.
3. Sino ang tumulong sa taong binugbog at nakahandusay sa daanan?
A. Levita C. Samaritano
B. Pari D. Saserdote
4. Bakit nararapat tulungan ang ating kapwa?
A. Upang tulungan ka rin kapag ikaw naman ang nangailangan.
B. Upang maging mabuti sa paningin ng ibang tao.
C. Sapagkat ito ay turo ng ating mga magulang.
D. Sapagkat ito ang tamang gawin sa mata ng Diyos at ng tao.
5. Ano ang mensahe ng ating Panginoon sa parabulang binasa?
A. Huwag balewalain ang mga nangangailangan sa daan.
B. Mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal sa ating sarili.
C. Ibigin ang Panginoon nang buong puso at kaluluwa.
D. Tumulong sa kapwa dahil baka tayo rin ang mangailangan sa
hinaharap.

Pagsasanay 2:

Panuto : Piliin sa Kolum B ang kahulugan ng mga salita sa Kolum A.

KOLUM A KOLUM B
_____1. ilaw ng tahanan A. iyakin
_____2. balat - sibuyas B. mangagawa
_____3. butas ang bulsa C. napakaraming tao
_____4. di mahulugang – karayom D. walang pera
_____5. anak – pawis E. Ina

9
Pagsasanay 3:

Panuto : Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag na galing sa


Bibliya.

“Tao, sa pawis mo magmumula


Bibliya. Sagot:
ang iyong kakainin.”
1. ____________________________
__________________________________
__________________________________
Genesis 3:17-24 __________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
“Hindi lamang sa tinapay Sagot:
______________
2. nabubuhay ang tao kundi sa
____________________________
mga salita ng Diyos.”
__________________________________
__________________________________
Mateo 4:4 __________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
“Huwag kayong gumamit ng Sagot:
3. ______________
masasamang salita; lagi ninyong
sikapin na ang pangungusap ____________________________
ninyo’y makabubuti at angkop sa __________________________________
pagkakataon upang pakinabangan __________________________________
ng makakarinig.” __________________________________
Mga Taga-Efeso 4:29 __________________________________
__________________________________
__________________________________
4. “Äng taong nakakaalam ng Sagot:
______________
kanyang sinasabi, daig pa ang
____________________________
may gintong alahas na marami.”
__________________________________
__________________________________
Kawikaan 20:15 __________________________________
__________________________________
__________________________________
5. “Makipagsaya kayo sa akin __________________________________
Sagot:
dahil nakita ko na ang tupa ______________
____________________________
kong nawawala!”
__________________________________
__________________________________
Lukas 15:6
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
______________
10
PAGLALAHAT

Panuto : Gamit ang grapikong organayser , ibigay ang mga katangian ng parabula.

PARABULA

PAGPAPAHALAGA

Aral na Natutuhan mo mula sa Parabula, Isabuhay Mo!


Panuto: Ilahad ang iyong gagawin kung ikaw ay nasa sumusunod na
sitwasyon:
A.

May nakababata
Ang isa mong kang kapatid na nasa
kaibigan ay matinding elementarya na hindi
naapektuhan ng gaanong naaasikaso ng
lockdown ang pamilya iyong mga magulang
dahil ang tatay niya ay dahil kapwa sila
nawalan ng trabaho. pumapasok sa trabaho.
Ano ang maaari mong Ano ang maaari mong
gawin? gawin bilang
nakatatandang kapatid?

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit batay sa


pagkakagamit sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Naniningalang -pugad si Arthur sa kababata niyang si Althea.
A. nag-aabang C. nanliligaw
B. nakikipagkaibigan D. nagtatanong

2. Nagtataingang- kawali na naman si Hosea sa boses ng Panginoon.


A. nagbibingi-bingihan C. nananampalataya
B. nakikinig D. nagtataka

3. Si Ren at Gica ay magkabungguang - balikat na mula pagkabata nila.


A. magkaaway C. magkaibigan
B. magkadikit D. magkasundo

4. Nagkalat ang mga halang ang kaluluwa dahil sa kahirapan.


A. manloloko C. walang kaluluwa
B. masamang tao D. walang tirahan
5. Naglaho ang mga alaala sa isang kisap- mata.
A. bigla C. matagal
B. dahan-dahan D. sandali

B. Panuto: Isulat ang S kung ikaw ay sang-ayon at DS kung di-sang-ayon


sa sumusunod:

_____1. Ang pagtulong sa kapwa ay nakadepende sa kapalit na ibibigay ng

tutulungan.

_____2. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat nakabatay sa lahi, kultura

at relihiyon.

_____3. Tumulong lamang kapag may nakakakita sa iyong gagawing

pagtulong.

_____4. Ang parabula ay galing sa salitang Griyego na parabole.

_____5. Ang talinghaga ay “parirala, pangungusap o isang salaysay na may

malalim o hindi tuwirang kahulugan na kailangang pag-isipang

mabuti upang maunawaan.

12
13
PAGPAPAHALAGA:
A.Kung may kaibigan akong higit na naapektuhan ang pamilya sa panahon ng
pandemya, magbabahagi ako sa kanila ng anumang labis na pagkain o gamit
sa bahay na makakatulong sa kanila.
B. Kung ako ay may kapatid na nakababata na hindi nasusubaybayan ng
aking magulang sa kanyang pag-aaral, ako na po mismo ang magtuturo sa
kanya ng aralin sa abot ng aking makakaya.
PAGLALAHAT
1. Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabula
2. Ito ay mga akdang pampanitikan na kapupulutan ng aral.
3. Mababasa sa Banal na Aklat.
4. Nagmula mismo kay Hesus ang mga parabula sa Banal na Aklat.
5. Matatalinghaga ang mga salita sa parabula.
PAGSASANAY 3
1. Pagpapaguran mo ang iyong kakainin.
2. Nabubuhay ang tao hindi lamang upang tugunan ang pisikal na
pangangailangan bagkus ay mahalaga rin ang aspetong ispiritwal.
3. Magsalita lamang ng mga bagay na makatutulong sa kapwa.
4. Matalino ang taong nag-iisip / alam ang sinasabi bago sabihin.
5. Naparito ang Diyos upang hanapin at iligtas ang mga naliligaw ng landas .
Pagsasanay 2 PAGSASANAY 1 PAUNANG PAGSUSULIT
1. E 1. A 1. B
2. A 2. C 2. A
3. D 3. C 3. B
4. C 4. D 4. A
5. B 5. B 5. B
SUSI SA PAGWAWASTO
S 5.
A 5. S 4.
B 4. DS 3.
C 3. S 2.
A 2. DS 1.
C 1.
A. B.

Panapos na Pagsusulit Pagsusulit


Panapos na

Sanggunian
Mga Aklat
Cariňo, Lajarca , Peralta, et.al, Panitikang Asyano.Sunshine Interlinks
Publishing House, Inc., 2014

Agnes, Ruiz, Tiongson , et. Al, Ang Batikan , Unang Markahan,Educational


Resources Corporation,2014

Avena, Badua, Dominguez, Wika at Panitikan,pp. 300-303 JGM&S Corp.

Larawan:
https://bit.ly/2CRsiKa

https://bit.ly/2ClseCJ

https://bit.ly/2WDHUIt

https://bit.ly/2OI2tik

https://bit.ly/39hXKh0

https://bit.ly/2WSWjk7

https://bit.ly/2CRsiKa

https://bit.ly/30NWm1J

14

You might also like