You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9
Araling Panlipunan
Ika-Apat na Markahan Modyul 6.2 , W6
Sektor ng Paglilingkod

s
Araling Panlipunan – Grade 9
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikaapat na Markahan- Modyul 6.2, W6: Sektor ng Palilingkod Unang
Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahang
MELC: Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod
at mga patakarang pang-ekonomiyang nakatutulong dito.
Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Nalalaman ang kahalagahan ng sektor ng paglilingkod sa ekonomiya.


● Nasusuri ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod at ang mga ahensya
ng pamahalaan na tumutulong ditto, at
● Nakagagawa ng mga hinuha sa mga larawan tungkol sa kahalagahan ng
ginagampanan ng sektor ng paglilingkod.

Balikan
Bago natin simulan ang bagong aralin, sagutin muna ang mga sumusunod
na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa sektor ng industriya?

A. Pagmimina C. Pagmamanupaktura
B. Konstruksyon D. Paghahalamanan

2. Ano ang sektor ng industriya na binubuo ng mga kompanya na ang


pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan sa tubig,kuryente at gas?

A. Pagmamanupaktura C. Pagmimina
B. Konstruksiyon D. Utilities

3. Ano ang sektor ng industriya na tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa


pamamagitan ng manual labor o ng mga makina?

A. Utilities C. Konstruksiyon
B. Pagmamanupaktura D. Pagmimina

4. Anong uri ng industriya nakapaloob ang produktong gawang kamay hindi


hihigit sa 100 manggagawa ang kabilang sa industriya at maliit na lugar
lamang ang sakop ng operasyon?
A. Cottage industry C. Large scale industry
B. Small scale industry D. Medium scale industry

1
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng industriyalisasyon?

A. Ang malawakang paggamit ng manual labor ay nakakaapekto sa


pagkakaroon ng hanapbuhay para sa mga manggagawa
B. Ang mga makabagong teknolohiya ay nakakatulong sa paggawa ng mas
maraming produkto at serbisyo
C. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga rin
mabilis na industriyalisasyon
D. Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong
mabilis na industriyalisasyon

Tuklasin

Gawain 1. Suri - Larawan

Suriin ang larawan na nasa ibaba at suplayan ang mga nawawalang letra. Ano kaya
ang ipinapahiwatig ng mga larawan?

https://www.slideshare.net/mobile/GesaMayMargaretteTuz/sektor-ng-paglilingkod

2
Suriin

Mga Gampanin ng Sektor ng Paglilingkod

Ang Sektor ng Paglilingkod o Paggawa ay isa sa mga sektor ng ating


ekonomiya na nagbibigay-serbisyo sa transportasyon, komunikasyon, media at
broadcasting, pangangalakal, pag-iimbak, pananalapi, paglilingkod mula sa
pamahalaan at pampribado, turismo at health. Kilala rin ito bilang tersiyaryo o
ikatlong sektor ng ekonomiya. Ito ang sektor na nagbibigay ng iba’t ibang
paglilingkod sa mga konsyumer. Ang mga serbisyo ay maaaring pagdadala,
pamamahagi, pagbebenta o paglilingkod sa halip na bumuo ng produkto. Ang sektor
na ito din ang nagdadala sa buong paggawa ng produksyon, distribusyon,
kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.

Ayon sa aklat na “Ekonomiks” nina Balitao, et.al, ang sektor ng paglilingkod


ay binubuo ng sub-sektor sa pananalapi, insurance, komersyo, real estate,
kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at
mga paglilingkod na pampamayanan, panlipunan, at personal. Ang pormal na
industriyang bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay ang mga sumusunod:

Transportasyon, Komunikasyon, at mga Imbakan – binubuo ito ng mga


paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publiko o pribadong sasakyan
ng panlupa, panghimpapawid o pandagat; mga paglilingkod ng telepono; at
mga pinapaupahang bodega.

Kalakalan – mga gawaing pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at


paglilingkod.

Pananalapi – ito ang mga paglilingkod na ibinibigay ng mga institusyong


pampinansyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency,
foreign exchange dealers, insurances, at iba pa.

Paupahang Bahay at Real Estate – mga paupahan tulad ng mga apartment,


mga developer ng subdivision, town house, at condominium.

Paglilingkod ng Pampribado – kabilang dito ang lahat ng mga paglilingkod na


nagmula sa mga pribadong sektor.

Paglilingkod ng Pampubliko – kabilang dito ang lahat ng paglilingkod na


ipinagkaloob ng pamahalaan.

Malaki din ang naitutulong sa ating ekonomiya ang paglakas ng business


process outsourcing (BPO) o mga call center companies na nagbibigay ng maraming
trabaho sa mga Pilipino. Ang BPO ay ang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng
pribadong kumpanya upang gampanan ang ilang aspekto ng operasyon ng isang
kliyenteng kompanya.

3
Kahalagahan ng Sektor ng Paglilingkod

Ang sektor ng paglilingkod ay may mahalagang papel sa kabuuang ekonomiya


ng bansa. Ang pagkakaroon ng espesyalisasyon sa paggawa o ang sapat na
kaalaman, kasanayan, kagamitan upang gawin ang isang kalakal at paglilingkod,
nagdulot ito ng epektibong paraan ng pagbibigay-paglilingkod sa mga tao. Ang
sektor ng kalakalan ng pagtitingi o retail at pamamakyaw o wholesale ay importante
upang makatiyak na mahatid sa mga konsyumers ang mga produkto mula sa
sakahan o pagawaan. Malaki rin ang naging kontribusyon ng sektor ng paglilingkod
sa Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas. Nakitaan din ng patuloy na pagtaas
ng porsyento ng paglago ng sektor ng paglilingkod sa ekonomiya ng Pilipinas.
Nakapagpasok din ng dolyar sa ating bansa ang sektor na ito. Panghuli, naging
malaking papel ang sektor ng paglilingkod sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo at
sa kabila ng malaking hamon na dulot ng ating panahon ngayon, lalong lalo na sa
naranasang krisis pangkalusugan, naging napakahalaga ang naging gampanin ng
sektor ng paglilingkod dahil sila ang mga naging frontliners ngayon sa panahon ng
pandemya. Dapat natin silang bigyang-puri sa di-matawad na hatid-serbisyong
kanilang ipinagkaloob sa atin, sila ang tinaguriang ating modern heroes sa panahon
ng pandemya.

Mga Patakarang Pang-ekonomiya na Nakakatulong sa Sektor ng Paglilingkod

Mga Ahensya Na Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod

Department of Labor & Employment (DOLE) – ipinatutupad ang


kagalingan ng manggagawang Pilipino, pangalagaan ang karapatan sa
lugarpaggawa, tiyakin ang oportunidad sa empleo, disente at seguridad sa paggawa.

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) –


pinoprotektahan at itinataguyod ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

4
Philippine Overseas Employment Administration (POEA) –
nagtataguyod ng mga programang naglalayong paunlarin ang paghahanapbuhay
sa ibayong-dagat at pangangalaga sa mga kapakanan ng mga Overseas Filipino
Workers.

Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)


– ang pangunahing layunin ay ang paunlarin ang manggagawang Pilipino na may
kakayahan sa buong mundo, at ang pagbigay ng teknikal at bokasyonal na
edukasyon at kasanayan sa pamamagitan ng mga patakaran at mga programa nito.

Professional Regulation Commission (PRC) – gumagabay at


nangangalaga sa gawain ng mga manggagawang propesyonal upang ang
kahusayang serbisyong propesyonal ay buong mahatid sa bansa .

Commission on Higher Education (CHED) – pamamahala sa


mga
gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa para mapataas ang kalidad ng
edukasyon sa mataas na antas.

5
Pagyamanin
Gawain 2. Graphic Organizer

Panuto: Mula sa binasang teksto, punan ang graphic organizer sa mga pormal na
bumubuo ng sektor ng paglilingkod at sagutin ang mga pamprosesong tanong.
Isulat lamang ang inyong mga sagot sa isang sagutang papel.

SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga gampanin ng Sektor ng Paglilingkod?
2. Anu-ano ang mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod?
3. Bakit mahalaga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod sa pambansang
ekonomiya ng ating bansa? Ipaliwanag.

Gawain 3. Concept Maps

Panuto: Batay sa binasang teksto, sagutin ang mga concept map sa ibaba.
Pagkatapos, ay sagutin ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong mga sagot
sa isang sagutang papel.

6
MGA AHENSIYA NG GOBYERNO NA
NANGANGALAGA SA KAPAKANAN NG MGA
MANGGAGAWA

MGA
AHENSIYA NG
PAMAHALAAN
NA
HUMUHUBOG
SA
KAKAYAHAN
NG MGA
MANGGAGAWA

Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa mga manggagawa
sa ibang bansa?
2. Alin sa mga ahensya ng ating gobyerno ang nagpapatupad ng pagsasanay sa
mga manggagawang Pilipino?
3. Bakit mahalaga ang pagtulong ng ibang ahensya sa gobyerno sa paghubog sa
kakayahan ng mga manggagawang Pilipino? Patunayan ang iyong sagot.

7
Gawain
Gawain 4. PHOTOBUCKET
Suriin ang mga larawan na nasa ibaba at bumuo ng mga hinuha o ideya sa
kahalagahan ng trabahong-paglilingkod na ginagampanan ng mga ito. Isulat ang
iyong ideya sa inyong sagutang papel.

1.___________________ 2___________________ 3.____________________


_____________________ ____________________ ____________________
_____________________ ____________________ ____________________
_____________________ ____________________ ____________________

Pinagkunan:https://media.istockphoto.com/vectors/presenter-icon-
vector.http://www.drawingskill.com/wpcontent/uploads/1/Cab-Driver-
Art.gif.https://www.123rf.com/photo_105595363_stock-illustration-call-center-agentsavatars-characters-vector-illustration-
design.html

4.___________________ 5___________________ 6.____________________


____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
RUBRIKS SA PAGSUSURI NG LARAWAN

8
RUBRIK PARA PAGPAPALIWANAG
5 points 3 points 1 point
Nasusuri ang mga larawan May kaunting nasusuri na Walang kaugnayan ang
na may wastong sagot na mga larawan may sagot na mga nasusuri na sagot.
nakabatay sa impormasyon nakabatay sa impormasyon
tungkol sa teksto sa teksto.

Isaisip
Panuto: Unawaing mabuti ang hinihingi ng sumusunod sa Hanay A. Hanapin
ang tamang sagot sa Hanay B at isulat ang tamang letra sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Ito ang sektor na nagbibigay-paglilingkod sa
transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, a. Kalakalan
pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan at turismo.
___________
b. CHED
2. Ang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng pribadong
kompanya upang gampanan ang ilang aspekto ng operasyon
ng isang kliyenteng kompanya. _________ c. Business Process
Outsourcing
3. Ang sapat na kaalaman, kasanayan, kagamitan upang
gawin ang isang kalakal at paglilingkod. ______
d. PRC
4. Isa sa mga bumubuo ng sektor ng paglilingkod na ang
paglilingkod nito ay ipinagkaloob ng pamahalaan. _______
e. espesyalisasyon
5. Bumubuo sa sektor ng paglilingkod na ang lahat ng
mga paglilingkod ay nagmula sa pribadong sektor. ______

f. Sektor ng
6. Ang mga gawaing ito ay may kaugnayan sa
Paglilingkod
pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at paglilingkod. ____

7. Ang ahensyang ito ng pamahalaan ay itinatag noong


g. TESDA
1994 sa bisa ng Republic Act 7796 na isinusulong ang buong
partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal na
pamahalaan, at mga institusyong teknikal at bokasyonal
upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga h. Pampribadong
manggagawa. _________ Paglilingkod

8. Isa sa mga ahensya ng pamahalaan na tumitingin sa


kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW). ___ i. OWWA
j. Pampublikong
9. Ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa gawain Paglilingkod

9
ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang mapataas
ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas. _________ k. DOLE

10. Ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa at


sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang
propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid
ng mga serbisyong propesyonal sa bansa. ___

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat
lamang ang letra ng iyong tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sumusunod, maliban sa:

a. pananalapi
b. serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal
c. kalakalang pakyawan at pagtitingi
d. pagmimina at pagtotroso

2. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa sektor ng transportasyon,


komunikasyon, at mga imbakan:

a. paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town


house, at condominium.
b. mga paglilingkod na ibinibigay ng mga institusyong pampinansyal tulad ng
mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers,
insurances, at iba pa.
c. binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publiko
o pribadong sakayan ng panlupa, panghimpapawid o pandagat; mga
paglilingkod ng telepono; at mga pinapaupahang bodega.
d. mga gawaing pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at paglilingkod.

3. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?

a. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at


serbisyo.
b. Sila ang nagtatanim, nangingisda, at paghahayupan upang may makain
ang mga mamamayan.
c. Sila ang mga pagmamanupaktura ng mga produktong kinakailangan natin
araw-araw.

10
d. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.

4. Anu-ano ang mga gawaing pang-ekonomiyang nasasaklawan ng sektor ng


paglilingkod? Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang:

a. Ito ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksyon,


distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng
bansa.
b. Ito ang sektor na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga konsyumer.
Ang mga serbisyo ay maaaring pagdadala, pamamahagi, pagbebenta o
paglilingkod sa halip na bumuo ng produkto.
c. Ang sektor na ito ay pagtatanim, paghahayupan, pangingisda, at
paggugubat upang matugunan ang pangangailangang pagkain at
pagkonsumo ng mga tao.
d. Ang sektor ng paglilingkod ay kalakalan ng pagtitingi o retail at
pamamakyaw o wholesale.

6. Paano nakatutulong ang mga gawain sa sektor ng paglilingkod sa ating


pambansang ekonomiya? Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapaliwanag
nito:

a. Ang paglakas ng business process outsourcing (BPO) lalo na ang call


center companies na nagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino.
b. Ang pagkakaroon ng disiplina sa paggawa upang gawin ang isang
kalakal at paglilingkod.
c. Ang kalakalan ng pagtitingi o retail at mamamakyaw o wholesale ay
importante upang makatiyak na mahatid sa mga konsyumers ang mga
produkto mula sa sakahan o pagawaan.
d. Malaki rin ang naging kontribusyon ng sektor ng paglilingkod sa Gross
Domestic Product (GDP) ng Pilipinas

Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang saknong na tula, sanaysay, o awit tungkol sa kahalagahan ng
papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa panahon ngayon ng
pandemya.

Rubrik sa Tula, Sanaysay o Awit

11
Sanggunian:

Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De Guzman, Apollo D.,
Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., & Mondejar, Irene J. EKONOMIKS Araling
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon 2015, Kagawaran ng Edukasyon,
Vibal Group, Inc

Websites:

https://www.slideshare.net/mobile/GesaMayMargaretteTuz/sektor-ng-paglilingkod

https://www.slideshare.net/Arjei12/sektor-ng-paglilingkod-132048963

https://www.dole.gov.ph/news/sa-ika-83-taon-ng-dole-pagpapatibay-sa-
pangakongmaglingkod-sa-manggagawa/

seal department of labor and employment - Bing images

seal overseas workers welfare administration - Bing images

https://www.slideshare.net/rhodzcabuang/mga-ofw-at-ang-kontribusyon-nila-
saekonomiya

seal philippine overseas employment - Bing images

seal technical education and skills development authority - Bing images

PRC-logo-020819.jpg (450×450) (bworldonline.com)

seal commission on higher education - Bing images

https://media.istockphoto.com/vectors/presenter-icon-vector

http://www.drawingskill.com/wp-content/uploads/1/Cab-Driver-Art.gif.

https://www.123rf.com/photo_105595363_stock-illustration-call-center-agents-
avatarscharacters-vector-illustration-design.html

You might also like