You are on page 1of 26

9

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Mga Gampanin at Patakarang
Pang-ekonomiya sa Sektor ng
Paglilingkod
Subukin

Panuto: Ating tingnan ang paunang kaalaman mo sa susunod na aralin. Piliin ang
titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang katangian ng mga Pilipino na labis na hinahangaan hindi lamang sa


loob ng bansa lalo’t higit pa sa ibang panig ng mundo?
A. Pagiging bukas at handa sa pagkatuto sa iba’t ibang kasanayan
B. Kasipagan
C. Pagiging maparaan
D. Lahat ng nabanggit
2. Ito ay isa sa mga sektor ng ekonomiya na umaalalay sa buong proseso ng
produksiyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo sa loob at labas ng bansa.
A. Sektor ng Agrikultura
B. Sektor ng Industriya
C. Sektor ng Paglilingkod
D. Impormal na Sektor
3. Ano ang pangunahing gampanin ng Sektor ng Paglilingkod?
A. Magproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng kalakal.
B. Magkaloob ng mga hilaw na materyales para sa produksiyon.
C. Magkaloob ng serbisyo na tutugon sa pangangilangan ng tao.
D. Magkaloob ng buwis sa pamahalaan.
4. Anong sektor ang kinabibilangan ng mga manggagawa na nagbibigay serbisyo
sa transportasyon, pananalapi, komunikasyon, media at serbisyo mula sa
pamahalaan?
A. Sektor ng Agrikultura
B. Sektor ng Paglilingkod
C. Sektor ng Industriya
D. Impormal na Sektor
5. Ang mga pulis, guro, sundalo at lahat ng kawani ng pamahalaan ay kabilang sa
anong subsector ng paglilingkod?
A. Kalakalan
B. Pananalapi
C. Paglilingkod Pampribado
D. Paglilingkod Pampubliko
6. Sa anong subsector ng paglilingkod kabilang ang serbisyong ipinagkakaloob ng
mga bangko, sanglaan, kooperatiba at iba pang institusyong pampinansyal?
A. Pampublikong Paglilingkod
B. Kalakal
C. Pananalapi
D. Pampribadong Paglilingkod

2
7. Ito ay ang ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa sektor ng paglilingkod na
nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyunal
upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyunal
sa bansa.
A. Professional Regulation Commission (PRC)
B. Commission on Higher Education (CHED)
C. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
D. Department of Labor and Employment (DOLE)
8. Anong ahensya ng pamahalaan ang tumutulong sa sektor ng paglilingkod ang
nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang
maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas?
A. Professional Regulation Commission (PRC)
B. Commission on Higher Education (CHED)
C. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
D. Department of Labor and Employment (DOLE)
9. Alin sa mga sumusunod ang naitatag sa bisa ng R.A.7796 (1994) na
naglalayong sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa
bansa.
A. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
B. Department of Labor and Employment (DOLE)
C. Professional Regulation Commission (PRC)
D. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
10. Ang mga sumusunod ay ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa sektor ng
paglilingkod maliban sa…
A. Department of Labor and Employment (DOLE)
B. Commission on Higher Education (CHED)
C. Department of Trade and Industry (DTI)
D. Professional Regulation Commission (PRC)
11. Anong ahensiya ng pamahalaan ang tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas
Filipino Workers?
A. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
B. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
C. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
D. Department of Labor and Employment (DOLE)
12. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa mga trabaho o serbisyong may
kaugnayan sa pagpapalitan ng kalakal at serbisyo?
A. Kalakalan
B. Pananalapi
C. Pampribadong Paglilingkod
D. Pampublikong Paglilingkod
13. Anong benepisyo ng mga manggagawang lalaki na maaaring magamit sa unang
apat na araw mula ng manganak ang kanyang legal na asawa?
A. Maternity Leave
B. Paternity Leave
C. Service Incentive Leave
D. Retirement Pay

3
14. Sa bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte, ilang araw ang maternity
leave ng mga manggagawang babae?
A. 60 araw
B. 105 araw
C. 78 araw
D. 4 araw
15. Sa anong artikulo at seksiyon sa ating batas nakasaad ang nangangalaga sa
mga karapatan ng mga manggagawa?
A. Artikulo III, Seksiyon 13
B. Artikulo II, Seksiyon 3
C. Artikulo XIII, Seksiyon 3
D. Artikulo lll, Seksiyon 12

Mga Tala para sa Guro


Siguraduhing naituro na sa mga mag-aaral ang iba’t-ibang konsepto ng
implasyon upang maiwasan ang kalituhan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ipagpatuloy ang paggabay/pagsubaybay sa mag-aaral habang
isinasagawa ang pagsagot sa mga pinatnubayang gawain para sa paksang-
aralin na nasa modyul na ito.

4
Aralin Mga Gampanin at Patakarang
1 Pang-ekonomiya sa
Sektor ng Paglilingkod
Sa pagkakataong ito ay atin nang tatalakayin ang mahahalagang ideya o
konsepto tungkol sa Sektor ng Paglilingkod.Inaasahan na magagabayan ka ng mga
inihandang gawain at teksto upang masagot ang katanungan na kung ano ang
bahaging ginagampanan ng Sektor ng Paglilingkod.

Balikan

Tinalakay sa nakaraang aralin ang gampanin ng sektor ng industriya at


mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito. Muling balikan at
alalahanin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
Isulat ang ioyong sagot sa sagutang papel.

Gawain 1:
1. Ano-ano ang mga bumubuo sa sektor ng industriya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ang isa sa kahinaan ng sektor ng industriya ay policy inconsistency,
maglahad ng mga sitwasyon na napanood, narinig o nakita na nagkaroon ng
policy inconsistency ang pamahalaan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan o maipapakita ang
pagmamalasakit mo sa sektor ng industriya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at sa patuloy na pagdami ng kaso ng


COVID_19, paano nito naapektuhan ang sektor ng industriya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Batay sa iyong obserbasyon, ang Pilipinas ba ay isa ng ganap na


industriyalisadong bansa. Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5
Gawain 2:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na bubuo sa bawat pangungusap. Isulat
ito sa sagutang papel.

1. Pangunahing layunin ng sektor ng industriya ay maiproseso ang mga


______________ upang makabuo ng mga produkto na ginagamit ng tao.
A. Produkto
B. Materyal
C. Sangkap
D. Hilaw na Materyales

2. Ang_____________ay tawag sa pagpapalit ng paraan sa pagprodyus mula


gawang-kamay tungo sa paggamit ng makinarya.
A. Kalakalan
B. Agrikultura
C. Paglilingkod
D. Industriyalisasyon

3. Ang sekondaryang sektor _________________ kung saan ang mga metal, di-metal
at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing
tapos na produkto o kabahagi sa isang yaring kalakal.
A. Konstruksiyon
B. Paghahayupan
C. Pagmimina
D. Paggugubat

4. Kabilang sa _________________ ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga


gusali, estruktura at iba pang land improvements.
A. Konstruksiyon
B. Paghahayupan
C. Pagmimina
D. Paggugubat

5. Ang layunin ng kompanyang bumubuo sa sekondaryang sektor ng


pangkalahatang serbisyo (utilities) ay____________.
A. Matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa tubig, kuryente at
gas.
B. Matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa pagkain, tubig at
gas.
C. Matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa transportasyon.
D. Matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa damit, pagkain at
gas.

6
6. Ayon sa Diksiyonaryong Macquarie, ang_________________ay tumutukoy sa
paggawa ng produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina.
A. Pagmimina
B. Paggugubat
C. Paghahayupan
D. pagmamanupaktura

7. Ang mga bumubuo sa kompanyang nabibilang sa pangkalahatang serbisyo


(utilities)ay___________, ____________, ____________.
A. Pagkain, bahay, damit
B. Tubig, bahay, pagkain
C. Tubig, kuryente, gas
D. Kuryente, pagkain, gas

8. Ang _____________ay ahensiyang gumagabay sa mga mangangalakal sa


pagtatatag ng negosyo.
A. Bureau of Internal Revenue (BIR)
B. Department of Trade and Industry (DTI)
C. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
D. Bureau of Food and Drugs (BFAD)

9. Alin sa mga sumusunod ang sumasalamin sa epekto ng industriyalisasyon?


A. Pagbaba ng bilang ng mag-aaral
B. Polusyon
C. Hindi pagkakapantay-pantay
D. Lahat ng nabanggit
10. Ang ____________________sangay ng pamahalaan na tumutulong sa mga
nagsisimulang industriya at humihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na
magnegosyo sa bansa.
A. Board of Investment (BOI)
B. Department of Trade and Industry (DTI)
C. Bureau of Internal Revenue (BIR)
D. Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP)

7
Tuklasin

Mahalaga na matutuhan mo bilang isang mag-aaral ang pinakatiyak na


layunin ng bahaging ito. Bilang panimula, iayos ang mga pinaghalo-halong letra na
inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat ang nabuong salita sa sagutang papel.

1. LAPINAPANA
-ito ang pamamahala sa salapi at yaman na pumapasok, lumalabas at umiikot
sa ekonomiya ng bansa.

2. KALANKALA
-mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at
paglilingkod.

3. SPORTSATRANYON
ito ang nagdadala ng mga tao at produkto sa iba’t ibang lugar sa bansa nang
mabilis, maayos at ligtas.

4. KASYONMUNIKO
-ito ang pagdadala ng mensahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa nang mabilis at
maayos.

5. BRINA RAIND
-pagkaubos ng mga manggagawa patungo sa ibang bansa.

6. ROGU
-mula sa paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

7. LINGKODLIPAG
-tumutukoy sa isang tao na masikap at palagiang nagpapagal sa pagtulong
alang-alang sa iba.

8. CENTER CALL
-ito ang mga opisinang nagseserbisyo ng mga kustomer sa ibang mga bansa sa
pamamagitan ng telepono.

9. DIAME
-ang halimbawa nito ay telebisyon, radyo at internet na sa kasalukuyang
panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

10. MORISTU
-tumutukoy sa pagbisita ng mga tao sa isang lugar na may nakaaaliw na
tanawin.

8
Suriin

Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at


pag-unlad ng kakayahan ng mga kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba’t ibang
kalakal at paglilingkod na tumutugon sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng
kalakal at paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang mga tao ay makalilikha ng
produktong hindi lamang sa pangkasalukuyang gamit bagkus ay para na rin sa
hinaharap.Ang ekonomiya at mamamayan ay umaasa sa kanilang pagkilos upang
magkaroon ng katugunan ang kanilang pangangailangan

Malaki ang naiaambag ng sektor ng paglilingkod sa GDP o Gross Domestic


Product ng Pilipinas. Dahil marami ang nakikipagkalakalan sa iba’t – ibang
produkto o serbisyo dumadami ang nagagawang produkto ng mga mamamayan sa
bansa kaya naman tumataas ang pangkalahatang kita ng bansa. Dahil sa mga
institusyong pinansyal o naglilingkod sa pananalapi marami ang pumapasok na
dolyar sa bansa na nakatutulong na mapaganda ang ekonomiya ng bansa. Ayon
kay Karl Marx ang mga manggagawa ang tunay na prodyuser ng bansa. Ang lupa
at kapital bilang salik ng produksiyon ay hindi malilinang kung walang
manggagawa. Ang mga guro ang nagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral kung
wala ang mga guro sa serbisyo ng paglilingkod ay magkakaroon ng pagbagsak ng
kalidad ng edukasyon na maaaring makaapekto sa pagbagsak din ng ekonomiya
ng bansa.

Ang pormal na bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay ang mga


sumusunod:
Transportasyon, Komunikasyon at mga Imbakan-binubuo ito ng mga
paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga
pinapaupahang bodega.
Kalakalan-mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang
produkto at paglilingkod.
Pananalapi-kabilang ang mga paglilingkod na ibinibigay ng iba’t ibang
institusyong pampinansiyal tulad ng bangko, bahay sanglaan, remittance
agency atbp.
Paupahang bahay at real estate-mga paupahang tulad ng apartment,
mga developer ng subdivision, town house at condominium.
Paglilingkod na Pampribado-lahat ng paglilingkod na nagmumula sa
pribadong sektor.
Paglilingkod na Pampubliko-lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng
pamahalaan.

9
Mga Ahensya na tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod

Department of Labor and Employment (DOLE)


-nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa
pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan ng mga
manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga
manggagawa at nagpapanatili sa kaayusan at
kapayapaan sa industriya ng paggawa sa bansa.

Overseas Workers Welfare Administration


(OWWA)
-ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa
kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

Philippine Overseas Employment


Administration (POEA)
-itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong
1982 na may layuning isulong at paunlarin ang
mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa
ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng
nga OFW.

Technical Education and Skills Development


Authority (TESDA)
-itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong
1994.Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang
buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga
lokal na pamahalaan at mga institusyong teknikal
at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang
kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.

Professional Regulation Commission (PRC)


-nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng
mga manggagawang propesyonal upang matiyak
ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong
propesyonal sa bansa.

Commission on Higher Education (CHED)


Nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at
kolehiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng
edukasyon sa mataas na antas.

10
Kahalagahan ng Sektor ng Paglilingkod

• Tinitiyak na makararating sa mga mamimili ang mga produkto mula


sa mga sakahan o pagawaan.
• Nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.
• Tinitiyak na maayos ang pag-iimbak, pagtitinda ng kalakal at iba pa.
• Nagpapataas ng GDP ng Pilipinas.
• Nagpapasok ng dolyar sa bansa.

Mga Batas na Nangangalaga sa mga Karapatan ng Manggagawa


ARTIKULO XIII
KATARUNGANG PANLIPUNAN AT
MGA KARAPATANG PANTAO SA PAGGAWA

Sek.3 Dapat magkaloob ang


estado ng lubos na proteksiyon sa
paggawa sa lokal at sa ibayong dagat,
organisado at di organisado at dapat
itaguyod ang puspusang employment at
pantay na mga pagkakataon sa
trabaho/empleyo para sa lahat.

Dapat nitong garantiyahan ang


mga karapatan ng lahat ng mga
manggagawa sa pagtatatag ng sariling
organisasyon, sama-samang
pakikipagkasundo at negosasyon,
mapayapa at magkakaugnay na pagkilos
kasama ang karapatang magwelga nang
naaayon sa batas. Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa
makataong mga kalagayan sa trabaho at sa sahod na sapat ikabuhay.

Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran


at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa
maaaring itadhana ng batas.Dapat itaguyod ng estado ang prinsipyong hatiang
pananagutan ng mga manggagawa at mga employer at ang preperensiyal na
paggamit ng boluntaryong mga pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan,
kabilang ang conciliation at dapat ipatupad ang pagtalima rito ng isa’t isa upang
maisulong ang katiwasayang industriyal.

Dapat regulahin ng bansa ang ugnayan ng mga manggagawa at mga


employer, dahil pagkilala sa karapatan ng paggawa sa karampatang bahagi nito sa
mga bunga ng produksiyon at sa karapatan ng mga negosyo sa makatwirang tubo
sa mga pamumuhunan at sa paglawak at paglago.

11
Noong 2014, ay naglabas ang Bureau of Working Conditions ng DOLE ng
handbook ukol sa mga benepisyo ng mga manggagawa ayon sa batas. Narito ang
ilan sa mahalagang probisyon ng nasabing handbook.

• Republic Act No.6727(Wage Rationalization Act)


Nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang
pasahod o minimum wage na naaangkop sa iba’t ibang pang-industriyang
sektor na kinabibilangan ng mga sumusunod: hindi pang-agrikultura,
plantasyong pang-agrikultura at di-pangplantasyon, cottage/sining sa
pagyari sa kamay at pagtitingi/serbisyo, depende sa bilang ng mga
manggagawa o puhunan o taunang kita sa ilang mga sektor.
Minimum wage rates in Central Luzon (Effectivity: Jan.1, 2020)
Sektor/Industriya Province of Bulacan, Nueva Province of Aurora
Ecija,Pampanga, Tarlac, and
Zambales
Non-Agriculture P420 P369
P413 P369
Agriculture P390 P354
P374 P342
Retail Services P409 P304
P395 P304

• DAGDAG NA BAYAD TUWING PISTA OPISYAL (Holiday Pay-Artikulo 94)


Tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang (1)
araw na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal.

• DAGDAG NA BAYAD TUWING ARAW NG PAHINGA O SPECIAL DAY


(Premium Pay-Artikulo 91-93)
Karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8) oras na
trabaho sa araw ng pahinga at special days.

• DAGDAG NA BAYAD PARA SA TRABAHO NG LAMPAS SA WALONG


ORAS (Overtime Pay-Artikulo 87)
Karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong (8) oras sa
isang (1) araw.

• DAGDAG NA BAYAD SA PAGTATRABAHO SA GABI


(Night Shift Differential-Artikulo 86)
Karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa
sampung porsiyento (10%) ng kanyang regular na sahod sa bawat oras na
ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi at ikaanim ng umaga.

12
• SERVICE INCENTIVE LEAVE (SIL-Artikulo 95)
Ang bawat manggagawa na nakapaglilingkod nang hindi kukulangin sa
isang (1) taon ay dapat magkaroon ng karapatan sa taunang service
incentive leave (SIL) na limang (5) araw na may bayad.

• MATERNITY LEAVE (RA 1161, as amended by RA 8282)

Nilagdaan na bilang bagong batas ni Pang.Duterte ang Republic Act


11210 o Extended Maternity Leave. Mula sa kasalukuyang animnapung (60)
araw ay 105 days na ang paid maternity leave para sa lahat ng working
mother sa gobyerno at pribadong sektor at puwedeng palawigin pa ng
ikatatlumpong (30) araw pero without pay.

• PATERNITY LEAVE (RA 8187)


Maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat (4) na araw
mula ng manganak ang legal na asawa na kaniyang kapisan.
Para sa layuning ito ang “pakikipagpisan” ay tumutukoy sa obligasyon ng
asawang babae at asawang lalaki na magsama sa iisang bubong.
Nakapaloob sa Expanded Maternity Act of 2018 na ang pitong (7) araw
mula sa 105 days maternity leave ay puwedeng ilipat sa ama upang maging
14 days na ang paid paternity leave.

• PARENTAL LEAVE PARA SA SOLO PARENT (RA 8972)


Sa pamahalaan, entitled sa parental leave ang mga sumusunod:
Babaeng empleyado na nagsilang ng anak na bunga ng rape,kahit
wala pang hatol sa offender,magulang na naiwang mag-isa sa pagpapalaki
ng kanyang anak dahil sa pagkamatay ng asawa, pagkakakulong ng
asawa,pagkabaliw ng asawa,legal separation, annulment ng kasal o pag-
abandona sa asawa na hindi bababa sa isang taon, sinumang may anak
ngunit hindi kasal at nais na kupkupin ang kanyang anak imbis na ipa-
alaga ito sa iba, sinumang mag-isang nagbibigay ng parental care and
support sa isa o higit pang bilang ng bata, family member na nagsisilbing
head of the family bunga ng pagkamatay,abandonement, disappearance o
prolonged absence ng mga magulang na tumagal ng isang taon.

• THIRTEENTH-MONTH PAY (PD851)


Lahat ng empleyo ay kinakailangang magbayad sa lahat ng kanilang
rank-and-file employees ng thirteenth-month pay anumang estado ng
kanilang pagkakaempleyo at anoman ang paraan ng kanilang
pagpapasahod.Kinakailangan lamang na sila ay nakapaglingkod ng hindi
bababa sa isang buwan sa isang taon upang sila ay makatanggap ng
proportionate thirteenth-month pay.Ang thirteenth-month pay ay ibinibigay sa
mga empleyado ng hindi lalagpas ng ika-24 ng Disyembre bawat taon.

13
• BENEPISYO SA EMPLOYEES’ COMPENSATION PROGRAM (PD626)
Isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng isang
compensation package sa mga manggagawa o dependents ng mga
manggagawang nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong sektor
sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho,
pinsala, kapansanan o kamatayan.

Samantala, isa sa pinakamabigat na suliranin ng mga manggagawang


Pilipino sa sektor na ito ay ang lumalalang kontraktuwalisasyon sa paghahanap
buhay. Sa kagyat na pakahulugan, ang “kontraktuwal” ay isang katayuan sa
trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang employer-emlpoyee sa pagitan ng
isang manggagawa at ng kapitalista o kumpanyang tunay na nakikinabang sa
kanyang lakas paggawa. Ipinagkakait sa kanya ang katayuang “regular employee”
ng naturang kumpanya o kapitalista. Ang kontraktuwalisasyon ay isa sa mga
iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo at tanggalan
ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.Isa itong patakaran na kung saan
ang isang manggagawa ay nakatali sa kontrata na mayroon siyang trabaho sa loob
ng limang (5)buwan lamang, kaya naman ang mga manggagawang Pilipino ay
napipilitang mangibang bansa at doon magtrabaho,kapag nagpatuloy ang ganito
mawawalan ang ating bansa ng mahuhusay at magagaling na mga manggagawa o
magkakaroon ng tinatawag na “brain drain”.

Pagyamanin

A. Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga konsepto ng sektor ng


paglilingkod. Kopyahin at ilagay ang sagot sa hiwalay na sagutang
papel.

Sektor ng Paglilingkod

14
B. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang mga dahilan at epekto ng mga
sumusunod na suliranin sa sektor ng paglilingkod na nabasa mo sa
teksto. Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong.

Suliranin Dahilan Epekto

1. Brain drain

2. Kontraktuwalisasyon

3. Walang trabaho

4. Mababang sahod
5. Underutilization o hindi akma ang trabaho sa
pinag-aralan
6. Kamag-anak system

7. Walang kontrata

8. Walang benepisyong natatanggap

9. Kakulangan sa kasanayan ng mga


manggagawa

10.Malupit na amo

Pamprosesong tanong:
1. Bakit sa kabila ng batas na umiiral at nangangalaga sa kapakanan ng mga
manggagawa, marami pa rin sa kanila ang nakararanas ng kalupitan ng mga
amo?
___________________________________________________________________________
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipahahayag ang kahalagahan ng sektor ng
paglilingkod?
___________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, mayroon bang epekto sa ekonomiya ng isang bansa ang
maayos na pangangalaga sa kapakanan ng manggagawa? Ipaliwanag ang
sagot.
___________________________________________________________________________

C. Panuto: Sa pamamagitan ng mga sitwasyong inilahad sa bawat bilang ay


tukuyin mo ang mga ahensya ng pamahalaan na maaaring magbigay ng serbisyo
upang matugunan ang suliraning nabanggit. Isulat ito sa hiwalay na sagutang
papel.
1. Gusto kong pumunta sa ibang bansa pero natatakot akong maloko ng mga
illegal na recruite
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

15
2. Walang alam na trabaho si Pedro na pwedeng pagkakitaan pero gusto
niyang matuto para magkaroon ng magandang trabaho o kaya magkaroon
ng sariling negosyo.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ang ate ko ay isang OFW, pinahihirapan siya ng kaniyang amo, dahil doon
gusto na niyang umuwi.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Si Ambo ay isang masipag at matiyagang house boy, lahat ay ginagawa niya,


mabait naman ang kaniyang amo pero wala siyang nakukuhang benepisyo
mula dito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Isa si Mang Ambo sa mga empleyado ng nagsarang pabrika ng sapatos sa


Marikina, wala siyang nakuha na anuman mula sa kanyang kompanya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

D. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Tama kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga manggagawang Pilipino at
Mali kung hindi nagpapahalaga sa mga manggagawang Pilipino.

_____1. Ako ay may-ari ng kompanya at tumatanggap lang ako ng manggagawa


mula Oktubre hanggang Disyembre upang hindi ko sila mabigyan ng bonus.

_____2. Nagpagawa ako ng kisame sa bahay, limang oras pa lang tapos na ang
kanyang trabaho kaya binayaran ko lang siya ng panglimang oras na sahod.

_____3. Nagpunta ako sa barber shop, hindi ako nakontento sa paggugupit sa akin
kaya hindi ako nagbayad nang buo.

_____4. Ang aking boss ay pumapasok lagi ng 10 o’clock ng umaga at umuuwi ng 3


o’clock sa hapon, kapag pinasa niya ang DTR nakasulat don na siya ay
pumapasok ng 7 o’clock ng umaga at umuuwi ng 5 o’clock sa hapon.

_____5. Isa akong guwardiya sa bangko at tuwing walang hahalili sa akin tinutuloy
ko ang magserbisyo at ako’y natutuwa dahil may dagdag ang aking sahod.

_____6. Bilang isang employer, sinisikap kong mahulugan ang SSS ng aking
manggagawa.

_____7. Kahit hindi mo kaya ang trabaho kukunin pa din kita sa aking kompanya
para magtrabaho dahil kumare ko ang nanay mo.

16
_____8. Si Celia ay pinagmamalupitan ng kanyang amo pero hindi siya makaalis
dahil may kontrata siyang pinirmahan.

_____9. Bawat manggagawa ko ay may thirteenth month pay.

_____10. Si Ambo ay isang lineman at habang inaayos ang poste ng kuryente siya
ay nalaglag. Nakatanggap ng malaking halaga si Ambo mula sa kanyang
kompanya.

E. Panuto: Isulat sa sagutang papel kung saang subsector ng Sektor ng


Paglilingkod kabilang ang mga nakasulat sa ibaba.

_____________________1. Landbank
_____________________2. drayber
_____________________3. nagtitingi
_____________________4. sundalo
_____________________5. call center agent
_____________________6. apartment
_____________________7. Philippine General Hospital
_____________________8. M Lhullier
_____________________9. Camella Homes
_____________________10. Victory Liner

F. Panuto: Isulat ang STOP kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paglabag sa


karapatan ng manggagawa at GO kung nagpapakita ng pagsunod sa
batas ayon sa karapatan ng manggagawa. Isulat sa sagutang papel.

____________1. Si Aling Rosa ay nakatanggap ng dagdag sahod dahil sa madalas


na pagtatrabaho ng lampas sa walong (8) oras.
____________2. Pumapasok ako kahit holiday dahil “no work no pay”.

____________3. Limang taon na akong nagtatrabaho sa ABS-CBN pero hindi ako


naging regular employee.

____________4. Kahit hindi ako pumasok kompleto pa rin ang aking sahod.

____________5. Kasambahay ako ng isang politiko sa tuwing ako ay tatanggap ng


aking suweldo sa munisipyo ako pumupunta para kunin ito.

____________6. Si Nena ay isang kasambahay, mayroon siyang SSS at Philhealth


kaya naman noong nagkasakit siya ay hindi na nahirapan na
maghanap ng pambayad sa malaking gastusin sa hospital.

____________7. Ako ay nagtatrabaho sa isang pribadong kompanya, binabawasan


ang aking sweldo para sa SSS at Philhealth pero noong ako ay
nagtanong sa tanggapan, wala palang inihuhulog ang aming
kompanya.

17
____________8. Tinanggal ako ng walang dahilan sa aking trabaho.

____________9. Nakatanggap ako ng midyear bonus ngayong Mayo.

____________10. Nanganak ang asawa ni Mang Estong kaya lumiban muna siya ng
isang Linggo, ang apat na araw ay ibinilang na paternity leave
kaya kaunti lng ang ibinawas sa kanyang sweldo.

Isaisip

Sa panahong ito na dumaranas tayo ng paghihirap dahil sa pandemyang


dulot ng virus na covid_19, ang isa sa mga naapektuhan ay ang sektor ng
paglilingkod tulad ng doktor, nars, sundalo, drayber, atbp. Paano ka makatutulong
upang bigyang halaga ang sakripisyo na ginawa nila para makapaglingkod sa atin?

Panuto: Suriin ang bahaging ginagampanan ng Sektor ng Paglilingkod at


pagsunod-sunurin ang mahahalagang dapat gawin ng isang
manggagawa. Isulat ang 1-5 sa sagutang papel. Pagkatapos ay sagutin
ang pamprosesong tanong. Isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.

______1. Pagtulong sa mga senior citizen.

______2. Pamamahagi ng mga relief goods

______3. Magtitinda ako online


______4. Magtatanim ng mga gulay

______5. Magbibigay ako ng meryenda sa mga frontliner


Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kailangan kong tumulong sa panahong ito ng pandemya?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Bakit inuuna ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga manggagawa?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Paano maiuugnay ang “golden rule” (Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin nila sa iyo) sa pagtulong sa mga manggagawa?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

18
Isagawa

Panuto: Nalaman mo na ang mga batas na nangangalaga sa mga karapatan ng


manggagawa. Sa iyong palagay, nasasaklaw ba ng mga ito ang lahat ng
sitwasyong kinabibilangan ng mga manggagawang Pilipino? Upang
palawigin ang iyong kaalaman, basahin ang mga sumusunod na teksto.
Pagkatapos sagutin ang pamprosesong tanong sa hiwalay na sagutang papel.

Teksto 1:

PADILLA SA ABS-CBN:
INTERES NG EMPLEYADO UNAHIN
(Ulat ni Nelson S. Bandilla)
Kakampi ng ABS-CBN Corp. si Robin Padilla sa kagustuhan ng
kompanya na makakuha ng panibagong 25 taong prangkisa, ngunit tahasang
nanawagan ang “Bad Boy of the Philippine Movies”sa mga may-ari at pamunuan
ng nasabing kumpanya na unahin nito ang kapakanan ng kanilang mahigit
11,000 mga empleyado, hindi malinaw kung lahat ay regular o kasama na ang
kontraktuwal o extra sa mga teleserye.
Masyadong mainit na balita ang prangkisa ng ABS-CBN makaraang
maghain ng petisyong “quo warranto” si SolGen Calida sa Korte Suprema
tungkol sa prangkisa ng dambuhalang media company ng pamilya Lopez at ang
subsidiary nitong ABS-CBN Convergence Inc.Sa pagsampa nito hiniling ng
abogado ng pamahalaan sa mataas na korte ng bansa na huwag nang bigyan ng
panibagong prangkisa dahil sa litanya ng paglabag nito sa batas upang
magkanegosyo bilang media firm.Ang aksiyon ni Calida ay mistulang posporong
nagsindi upang mag-apoy ang napakainit na isyu ng prangkisa ng TV network.
Dahil dito sunod - sunod na ang pagbabalita ng mga news program ng
ABS-CBN hinggil sa umano’y kahalagahan at kawastuhan sa muling pagbibigay
ng kongreso ng panibagong dalawampu’t limang (25) taong prangkisa sa
kumpanyang pag-aari ng Lopez. Maging ang mga sikat na artista ng ABS-CBN
ay kinunan ng pahayag. Ngunit si Padilla na nagtrabaho sa ABS-CBN sa
maraming proyekto ay naghamon sa kapwa niya “superstars” noong Pebrero 13.
Sabi ni Padilla “God is great! Para sa mga superstar ng ABS-CBN at
GMA,hinahamon ko kayo,humarap ng live at ipagtanggol ninyo mga network
ninyo,ilabas natin ang mga kontrata natin at ikumpara natin sa mga kasama
natin sa trabaho sa taping at shooting.Gusto ninyo pala itama ang mali,aba’y
umpisahan natin sa una.Pag-usapan natin ang sweldo,benepisyo at tamang
oras ng mga trabaho ng mga kasama sa taping at shooting bago ninyo ipaglaban
ang karapatan ng kumpanya,unahin nyo ‘yun taong kumpanya na kasama nyo
sa bawat araw sa lokasyon at wag nyo proteksiyunan lang ang regular
employees(Paano yun mga hindi regular?)”patuloy ng aktor.
Isa si Padilla sa mga aktor na malaki ang bayad sa bawat palabas o pelikulang
siya ang bida.

19
Teksto 2:

Isang security guard si Mang Kanor ng isang kilalang


kompanya. Nagtatrabaho siya ng lampas sa walong oras at walang
natatanggap na karagdagang bayad para rito. Noong nakaraang linggo,
nagkaroon ng malubhang trangkaso si Mang Kanor dulot ng pagod at
puyat na naging sanhi ng kanyang pagliban sa trabaho, bagamat
nasabihan niya ang kaniyang amo ukol dito. Matapos ang buwan na
iyon ay natanggap niya ang kanyang sahod subalit kanya ring
napansin na kulang ito sa kanyang inaasahang matatanggap. Naging
tanong ito sa isip ni Mang Kanor ngunit dulot ng takot, pinili na
lamang niya na manahimik at ipagsawalang bahala na lamang ito.

Lumipas ang mga araw at sumapit na ang buwan ng Mayo. Ito


ang panahon na kung saan lahat ng empleyado ay may inaasahang
midyear bonus. Tulad ng inaasahan, ang pobreng guwardiya ay hindi
pa rin nakatanggap ng nasabing insentibo.

Maliban dito, si Mang Kanor ay nagsilbi na ng napakahabang


panahon sa kompanya. Labindalawang (12) taon na siyang
naninilbihan ngunit si Mang Kanor ay nananatiling kontraktuwal at
walang natatanggap na mga benepisyo. Sa katunayan, may
pagkakataon na naranasan ni Mang Kanor na iwan ang kanyang
kabiyak sa kabila ng kapapanganak pa lamang nito sa kanilang
pangalawang supling wala pang dalawang araw ang nakalilipas
sapagkat siya ay binantaan ng kanyang amo na tatanggalin sa trabaho
kapag hindi siya sumipot nang araw na iyon.

Dahil sa kanyang pangangailangan ay gumawa siya ng paraan


para ipaglaban ang kanyang karapatan. Kinausap niya ang kanyang
amo para kahit paano siya ay may makatanggap ng overtime pay,
subalit, hindi overtime pay ang idinulot nito sa kanya bagkus ay isang
resignation letter na lagda na lamang niya ang kulang.

Pamprosesong tanong:

1. Anong masasabi mo sa mga kompanyang hindi sumusunod ng tama sa batas


at walang takot na isumbong ng kanilang mga manggagawa?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo matutulungan ang mga manggagawa na
walang sapat na kakayanang ipaglaban ang kanilang mga sarili gayong hindi
lingid sa kanilang kaalaman ang mga ito?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Mang Kanor, ano ang gagawin mo?
Suportahan ang iyong tugon.
4. Bilang isang manggagawa, nakatutulong ba ang pananahimik sa mga injustice
na nagaganap sa loob ng isang organisasyon? Bakit?
5. Kung ikaw ay isa sa mga empleyado ng ABS-CBN susuportahan mo pa rin ba
sila sa kabila ng kanilang patung-patong na paglabag sa batas? Oo o hindi?
Bakit?

20
Panuto: Batay sa tekstong binasa, punan ang talahanayan. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

Karapatan ng
Mga Karapatan ng
Manggagawa na nilabag Batas na Sumasakop
Manggagawa
ng Kompanya

1. Thirteenth Month
Pay

2. Overtime Pay

3. Vacation Leave

4. Wage
Rationalization Act

5. Service Incentive
Leave

6. Holiday Pay

7. Fourteenth Month
pay

8. Maternity Leave

9. Paternity Leave

10. Security of Tenure

21
Tayahin

Panuto: Tama o Mali. Isulat ang tama o mali ang pahayag. Isulat ang sagot sa
hiwalay na sagutang papel.

1. Ang paglilingkod pampribado ay tumutukoy sa lahat ng paglilingkod na


ipinagkakaloob ng pamahalaan.

2. Ang mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at


paglilingkod ay tinatawag na kalakalan.

3. Brain drain ang tawag sa pagpunta ng mga magagaling at mahuhusay na


manggagawang Pilipino sa ibang bansa para doon magtrabaho.

4. Ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino


Workers ay ang Commission oh Higher Education (CHED).

5. Ang Paternity leave ay isa sa mga benepisyo ng mga manggagawang Pilipino


na babae.

6. Ang Sektor ng Paglilingkod ay ang pagbibigay ng serbisyo sa halip na bumuo ng


produkto.

7. Ang Sektor ng Paglilingkod ay gumagawa ng mga produktong may bagong anyo,


hugis at halaga.

8. Ang Professional Regulation Commission (PRC) ang humihikayat sa buong


partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal na pamahalaan at mga
institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan
ng mga manggagawa sa bansa.

9. Sa artikulo 13 seksiyon 3 nakasaad ang batas na nangangalaga sa mga


karapatan ng manggagawa.

10. Sampung (10) oras ang nakatakdang oras ng paggawa ng mga


manggagawang Pilipino.

11. Sa batas na R.A. 11210 o Extended Maternity Leave ay may animnapung (60)
araw na ipinagkakaloob sa mga working mother sa gobyerno at pribadong
sektor.

22
12. Ang Sektor ng Paglilingkod ay ikalawa sa sektor ng ekonomiya na umaalalay sa
buong proseso ng produksiyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo sa loob
at labas ng bansa.

13. Ang Commission on Higher Education (CHED) ay itinatag sa bisa ng


R.A.7796(1994) na naglalayong sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga
manggagawa sa bansa.

14. Ang Paglilingkod Pampubliko ay lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng


pamahalan.

15. Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay


nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho, humuhubog sa
kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga
manggagawa at nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng
paggawa sa bansa.

Karagdagang Gawain

Gawain 1:

Ang mga sumusunod ay katangian o pag-uugali na mababakas sa ating mga


manggagawang Pilipino. Para mapatunayan na taglay nila ito, sagutan ang
pamprosesong tanong sa hiwalay na papel

PAGLILINGKOD

Dedikasyon Katapatan Pagmamahal Walang Matiyaga


sa Trabaho sa Paglilingkod sa Trabaho pinipiling Trabaho

23
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kailangang taglayin ng manggagawang Pilipino ang pagiging matiyaga,


walang pinipiling trabaho,may pagmamahal sa trabaho,katapatan sa
paglilingkod at dedikasyon sa trabaho?
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Paano ito makatutulong sa patakarang pang-ekonomiya ng bansa?


_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang boss anong katangian ng manggagawa ang una mong
bibigyang pansin? Bakit?
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay isang manggagawa, alin sa mga katangian ang pahahalagahan


mo? Bakit?
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

5. Bakit may mga manggagawang Pilipino na hindi pinahahalagahan ang


trabaho?
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

24
25
Balikan
Subukin Tuklasin
Gawain 1
1. D 1.PANANALAPI
2. C Ang Tagapangasiwa ang 2.KALAKALAN
3. C gagawa ng susi sa
pagwawasto 3.TRANSPORTASYON
4. B
5. D 4.KOMUNIKASYON
6. C 5. BRAIN DRAIN
7. A Gawain 2
6.GURO
8. B
9. D 1.D 6.D 7.PAGLILINGKOD
10. C 2.D 7.C 8.CALL CENTER
11. A
9.MEDIA
12. A 3.C 8.B
13. B 1O.TURISMO
4.A 9.D
14. B
15. C 5.A 10.A
Pagyamanin E. Isaisip
A.
1.Pananalapi Ang Tagapangasiwa na ang
Ang tagapangasiwa na ang 2.Transportasyon gagawa ng susi sa
3.Kalakalan pagwawasto
gagawa ng susi sa
pagwawasto. 4.Paglilingkod na Pampubliko
5.Komunikasyon Tayahin
B. 6.Paupahang bahay at real
estate 1. Mali, Paglilingkod
Ang tagapangasiwa na ang 7.Paglilingkod na pampubliko 2. Tama
gagawa ng susi sa 8.Pananalapi 3. Tama
pagwawasto 9.Paupahang bahay at real 4. Mali, OWWA
estate 5. Mali, lalaki
C. 10.Transportasyon 6. Tama
7. Mali, Sektor
Ang tagapangasiwa na ang F. 8. Mali, TESDA
gagawa ng susi sa 9. Tama
pagwawasto. 1.GO 10. Mali, 8 oras
2.STOP 11.Mali,105 araw
D. 3.STOP 12.Mali, ikatlo
4.STOP 13.Malie,TESDA
1.MALI 6.TAMA 14.Tama
5.STOP
2.MALI 7.MALI 15.Mali, DOLE
6.GO
3.MALI 8.MALI
7.STOP
4.MALI 9.TAMA
8.STOP
9.GO
5.TAMA 10. TAMA 10.GO
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. 2015.
Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral). Pasig City: Vibal
Group Inc.

Imperial Consuelo M., Elaenor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Marla Carmelita B.


Samson, Celia D. Soriano. Kayamanan Ekonomiks (Batayan at Sanayang
Aklat sa Araling Panlipunan). REX Bookstore.

Rivera, Arnel O. 2019. “Sektor ng Paglilingkod”. Binuksan noong June


24,2020.https://www.slideshare.net/mobile/sirarnelPHhistory/aralin-23-
sektor-ng-paglilingkod

Rudy Andal. 2019. “Expanded Maternity Leave,105 days na!”. Binuksan noong
June27,2020.https:www.philstar.com/Pilipino-star-
ngayon/bansa/2019/02/22/1895751/expanded-maternity-leave-105-days
na

Ruby Jane Dionisio. 2019. “Sektor ng Paglilingkod”. Binuksan noong July


21,2020.https://www.slideshare.net.mobile/arjei12/Sektor ng Paglilingkod
132048968

26

You might also like