You are on page 1of 16

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 10: Mga Batas,Patakaran at Programang


Pangkaunlaran sa Sektor ng Pagsasaka
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jolibeth R. Ema
Editor: Jolibeth R. Ema
Tagasuri: Rowena B. Marasigan/Vilma C. Estadilla
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Modyul 10: Mga Batas,Patakaran at Programang
Pangkaunlaran sa Sektor ng Pagsasaka
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 10
para sa araling Mga Batas, Patakaran, at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng
Pagsasaka!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa
pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang
mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul


sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 9 ng Modyul 10 para sa araling Mga


Batas, Patakaran, at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Pagsasaka!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga batas,patakaran ar programa ng pamahalaan upang


mapalakas ang sektor ng pagsasaka;

2. Naunawaan ang kahalagahan ng mga batas, patakaran at programa upang masiguro


ang kaayusan ng sektor ng pagsasaka;

3. Nasuri ang mga batas, patakaran at programang pangkaunlaran sa sektor ng


pagsasaka.

PAUNANG PAGSUBOK

Sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at
alamin ang sagot sa modyul na ito. Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga
titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
A.Land Registration Act ng 1902 C.Public Land Act ng 1902
B.Agricultural Land Reform Code D.Atas ng Pangulo Blg. 27

2. Batas na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at


paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka.
A.Land Registration Act ng 1902 C.Public Land Act ng 1902
B.Agricultural Land Reform Code D.Atas ng Pangulo Blg. 27

3. Sa ilalim ng batas na ito naitatag ang NARRA (National Resettlement and Rehabilitation
Administration) na nangangasiwa ng pamamahagi ng lupain para sa mga rebeldeng
nagbalik loob sa pamahalaan.
A.Land Registration Act ng 1902 C.Batas Republika Bilang 1160
B.Agricultural Land Reform Code D.Atas ng Pangulo Blg. 27
4. Alin sa programa ng pamahalaan ang hindi kabilang sa CARP 2003(Comprehensive
Agrarian Reform Program) na naglalayong maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng
mga magsasaka?
A. Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka
B.Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka
C. KALAHI (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan) Program reform zones
D. Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang
ektaryang lupa

5. Inaprubahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act 9700 noong
Agosto 7, 2009. Ano ang pangunahing layunin ng batas na ito?
A. Ang mabigyan ng proteksiyon ang mga magsasaka laban sa pang-aabuso
B. Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang
ektaryang lupa.
C. Ang makaalpas ang mga manggagawa sa pandaraya ng may-ri ng lupa
D. Ang pagpapalawig ng karagdagang limang taon sa implementasyon ng CARP

BALIK-ARAL

Panuto: Balikan natin ang nakaraang aralin tungkol sa dahilan at epekto ng suliranin sa ng
sektor agrikultura.
Dahilan o Epekto! Alamin kung ang bawat pahayag ay dahilan o epekto ng suliranin na
kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Isulat lamang ang letra D para sa dahilan at E kung ito
ay epekto.
________ 1. Isang malaking hamon para sa lokal na produkto ang pagdagsa ng mga
dayuhang kalakal.

________ 2. Nahihirapang makaagapay ang produksiyon ng bansa sa lumalaking


pangangailangan ng mamamayan dulot ng lumalaking populasyon.

________ 3. Milyon ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at


kagamitan dulot ng malakas na bagyong Rolly.

________ 4.Kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng mga magsasaka gaya ng


irigasyon at farm-to-market-road.
_________5. Kakulangan sa makabagong kaalaman at makabagong teknolohiya sa
sa pagtatanim.
ARALIN 10- Mga Batas, Patakaran at Programang
Pangkaunlaran sa Sektor ng Pagsasaka

Ang pagsasaka ay isang mahalagang sektor na dapat pagtuunan ng pansin ng


pamahalaan upang makaagapay sa pambansang kaunlaran. Ang mga batas,patakaran at
programa ay naglalayong mapalakas ang sektor ng pagsasaka.

Mga Batas, Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Pagsasaka

Land Registration Act ng 1902 Ito ay sistemang Torrens sa panahon


ng pananakop ng mga Amerikano na kung
saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang
lahat.

Nakapaloob dito ang pamamahagi ng


Public Land Act ng 1902 mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na
nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya
ay maaaring magmay-ari ng higit sa 16 na
ektarya ng lupain.

Batas Republika Bilang 1160 Nakapaloob dito ang pagtatatag sa


National Resettlement and Rehabilitation
Administration (NARRA) na pangunahing
nangangasiwa sa pamamahagi ng mga
lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob
sa pamahalaan at ang mga pamilyang
walang lupa.

Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon


laban sa pang-aabuso,pagsasamantala, at
pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga
manggagawa.

Agricultural Land Reform Code Ito ay simula ng isang malawakang


reporma sa lupa na nilagdaan ng dating
Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8
ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito,ang
mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na
tunay na may-ari nito. Kabilang din sa inalis
ng batas ang sistemang kasama. Ang pagbili
ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan
ng mga magsasaka sa paraang hulugan at
katulad ng presyong ibinayad ng
pamahalaan sa may-ari ng lupa.
Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 Itinadhana ng kautusan na isailalim sa
reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong
panahon ni dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos.

Atas ng Pangulo Blg. 27 Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2


ay ipinatutupad ang batas na ito na
sinasabing magpapalaya sa tanikala ng
kahirapan at pagkakaloob ng mga lupang
pansakahan.Sinakop nito ang lahat ng lupa
na tinatamnan ng palay at mais. Hindi
kasama rito ang malalawak na lupain na
tinatamnan ng niyog,tubo,pinya, at iba pang
pananim.
Ang mga magsasaka ay binigyan ng
pagkakataong magmay-ari ng lupang
bubungkalin, limang ektarya ng lupa kung
walang patubig at tatlong ektaryang lupa
kapag may patubig.
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 Kilala sa tawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong Corazon C.
Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988.
Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng
publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito
ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP).
Ipinamamahagi ng batas ang lahat
ng lupang agrikultural anuman ang tanim nito
sa mga walang lupang magsasaka. May
hangganan ang matitirang lupa sa mga may-
ari ng lupa. Sila ay makapagtira ng di- hihigit
sa limang ektarya ng lupa kung sila mismo
ang magsasaka nito. Ang pamamahagi ng
lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
Hindi sakop ng CARP ang
ginagamit bilang :
1. liwasan at parke
2. mga gubat at reforestation area
3. tanggulang pambansa
4. paaralan
5. simbahan
6. templo
7. watershed, at iba pa
Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa
mga may-ari ay isinasagawa sa iba’t ibang
paraan. Maaaring magbayad ng salapi ng
ilang porsiyento at ang ilang bahagi ay sa
panagot o bonds ng pamahalaan. Ang
lupaing higit sa 50 ektarya ay binabayaran
ng 25 % na salapi. Ang natitirang bahagi ay
bonds ng pamahalaan. Isa pang paraan ay
pagbibigay ng kredito sa buwis na
binabayaran ng may-ari ng lupa.
Republic Act 9700 Ang programa ukol sa CARP ay natapos
noong Hunyo 15, 2009 ngunit marami pa
ring agrikultural na sakop ng programa ang
hindi naipamahagi sa mga
magsasaka.Pinirmahan ni Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo noong Agosto 7, 2009.
Batas na nagpapalawig sa CARP ng
karagdagang limang taon para sa
pagsasakatuparan ng programa.
The PASSOver: ARBOld Move to Heal as May P300 milyong piso ang inilaan
one Deliverance of our ARBs from the ng ahensya sa pagpapatupad nito. Ang P300
COVID 19 Pandemic milyong pondo ay mula sa dating pondo na
dapat ay nakalaan sa Agrarian Reform
Beneficiaries Development Sustainability
Program (ARBDSP) at sa mga pondong
hindi nagamit ng iba’t-ibang sangay ng DAR
Support Services Office (SSO).Ang proyekto
ay binuo bilang tugon sa Bayanihan to Heal
as One Act o Republic Act 11469, na nag-
aatas sa mga sangay ng pamahalaan na
magkaloob ng malawakang tulong at
serbisyo, protektahan at isulong ang
kapakanan ng mga tao sa panahon ng
pandemya.

Sagip Saka Act o Republic Act 11321 Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo


Duterte noong Abril 17, 2019. Sa ilalim ng
Republic Act Number 11321 o Sagip Saka
Act, inaaatasan ng gobyerno ang pagbuo ng
farmer at fisherfolk enterprise
program.Nakapaloob sa bagong batas ang
pagbibigay ng pamahalaan ng modernong
teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda
maging sa pagnenegosyo.

Inilunsad ng Department of
Agriculture (DA) kasama ng Landbank of the
SURE Aid Program Philippines ang SURE Aid o Survival and
Recovery Assistance Program para sa mga
rice farmers. Sa pamamagitan ng programa,
lahat ng magsasaka na naapeķtuhan ng
Rice Tariffication ay maaaring makautang ng
P15, 000 na may zero-interest, no collateral
at maaaring bayaran sa loob ng 8 taon.
Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maisakatuparan ang
layunin ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan at mapaunlad ang
pamumuhay ng mga magsasaka.
1. Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka;
2. Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
3. Pagkakaloob ng scholarship sa mga anak ng mga magsasaka
4. KALAHI agrarian reform zones.

Ayon sa Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988, Chapter X, Section 40, ang retirees
at agriculture graduates ay kabilang sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo. 1988 pa
ang batas, kaya hindi nabago ang pagsasama sa retirees at agriculture graduates sa mga
benepisyaryo ng CARP. Pinagtibay din ng DAR Administrative Order 3. S. of 2020, Section
2 na nilagdaan ni Sec. John Castriciones ang pamamahagi ng lupa sa mga kwalipikadong
graduate ng kursong agriculture.

Ano-ano ang mga kinakailangang dokumento sa pag-aaplay sa ilalim ng Administrative


Order No. 3, series of 2020?
1. Napunan at kumpletong impormasyon sa aplikasyon.
2. Katunayan ng pagkakakilanlan.
3. Letter of Intent ng aplikante na nagpapahayag ng interes na maging isang awardee
ng lupang pang-agrikultura.
4. Notaryadong sertipiko ng registrar ng institusyong pang-edukasyon na nagsasaad na
ang aplikante ay tunay na nagtapos ng isang apat-na-taong kurso sa agrikultura,
agriculture engineering, forestry, forest engineering, o may kaugnay na kurso sa
larangan nito.

MGA PAGSASANAY

Gawain A. Remember Me! Punan ang talahanayan.

Pagkatapos mong basahin ang aralin,alamin kung anong programa,batas at patakaran ang
tinutukoy sa bawat bilang.

1.SURE Aid Program

2. Nakapaloob sa bagong batas ang


pagbibigay ng pamahalaan ng modernong
teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda
maging sa pagnenegosyo.

3. Republic Act 9700


Ang proyekto ay binuo bilang tugon sa
4. Bayanihan to Heal as One Act o Republic
Act 11469, na nag-aatas sa mga sangay ng
pamahalaan na magkaloob ng malawakang
tulong at serbisyo, protektahan at isulong
ang kapakanan ng mga tao sa panahong ng
pandemya.
5. Atas ng Pangulo Blg. 27

Gawain B. Kasama,Kasali,Kabahagi!
Lagyan ng tsek ( ) kung ang nakasulat sa bawat bilang ay kasama sa mga benepisyaryo o
lupaing sakop ng CARP at ekis naman kung hindi ( ).

_______1. Nagtapos ng isang apat-na-taong kurso sa agrikultura


_______2. Mga gubat at reforestration area
_______3. Lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural
_______4. Mga liwasan at parke
_______5. Paaralan, simbahan at watershed

PAGLALAHAT

Isulat sa ibaba ang kahalagahan ng mga batas,patakaran,at programa para sa sektor ng


pagsasaka.

Ang mga batas, patakaran, at programa para sa sektor ng pagsasaka ay


mahalaga upang
_________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________
_________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

BREAKING NEWS!

LAGUNA – PINAGKALOOBAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng Certificates of

Land Ownership Award (CLOA) ang nasa 229 na bilang ng mga magsasaka sa bayan ng

Sta. Maria. Pinangunahan ni DAR Secretary Atty. John Castriciones ang isinagawang

pamamahagi ng sertipiko (CLOA) ng kanilang mga sakahan katuwang si Sta. Maria

Municipal Mayor Atty. Cindy Carolino at kabiyak nitong si dating Punongbayan Atty. Tony

Carolino, Vice Mayor Virgie Tuazon, Laguna Governor Ramil Hernandez at iba pang

opisyales. Bukod sa CLOA, pinagkalooban din ng Hauling Truck ang Samahan ng Mga

Magsasaka ng Santa Maria Irrigators Association, (SANTAMASI) para magamit ng mga ito

sa kanilang pagsasaka.Ito ang matagal ng inaasam-asam at pinakahihintay ng maraming

magsasaka sa lugar para tuluyang makabangon na ang mga ito mula sa

kahirapan.Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat ang Sangguniang Bayan at

mamamayan ng Sta. Maria kay Castriciones sa hindi matatawarang pagkalinga at

pagsuporta sa mga magsasaka. DICK GARAY

Pinagmulan: http://pilipinomirror.com/229-magsasaka-ginawaran-ng-cloa/

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa ang balita?

2. Paano makakatulong sa kalagayan ng magsasaka ang pagkakaloob ng CLOA?

3. Bilang isang mamamayan, sa paanong paraan ka makakatulong upang maiangat


ang pamumuhay ng mga magsasaka?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Programang nagkakaloob ng tulong sa mga magsasakang apektado ng rice tarrification.
A. SURE Aid Program C. Republic Act 9700
B. Sagip Saka Act D.Atas ng Pangulo Blg. 27

2. Nakapaloob sa batas na ito ang pagbibigay ng pamahalaan ng modernong teknolohiya sa


pagsasaka at pangingisda maging sa pagnenegosyo.
A. SURE Aid Program C. Republic Act 9700
B. Sagip Saka Act D.Atas ng Pangulo Blg. 27

3. Paano tinugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa panahon


ng pandemya?

A. Paglalaan ng P300 milyong piso upang magkaloob ng malawakang tulong para


sa magsasaka.

B. Pagpapautang ng P15, 000 na may zero-interest, no collateral at maaaring


bayaran sa loob ng 8 taon.

C. Pagbibigay ng pamahalaan ng modernong teknolohiya sa pagsasaka.

D. Pamamahagi ng Special Amelioration Fund

4. Kaakibat ng pag-unlad ng bansa ang pagtamo ng kapayapaan kaugnay nito ang


pamahalaan ay nagtatag ng National Resettlement and Rehabilitation Administration
(NARRA) sa ilalim ng Batas Republika Bilang 1160. Ano ang pangunahing layunin ng
NARRA?
A. Pagkakaloob ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain sa mga magsasaka
B. Pagpapatupad ng malawakang reporma sa lupa
C. Pamamahagi ng mga lupain sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
D. Paglilipat sa mga magsasaka ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka

5. Alin sa sumusunod na batas ang nagpapalawig sa implementasyon ng Comprehensive


Agrarian Reform Program?
A. Republic Act 9700 C. Republic Act 1199
B. Republic Act 34 D. Republic Act 1160
PAUNANG PAGSUBOK BALIK -ARAL
1.A 1. D
2.D 2. E
3.C 3. E
4.D 4. D
5.D 5. D
MGA PAGSASANAY
GAWAIN A
1. SURE Aid Program Lahat ng magsasaka na naapeķtuhan ng
Rice Tariffication ay maaaring
makautang ng P15, 000 na may zero-
interest, no collateral at maaaring
bayaran sa loob ng 8 taon.
2. Sagip Saka Act Nakapaloob sa bagong batas ang
pagbibigay ng pamahalaan ng
modernong teknolohiya sa pagsasaka at
pangingisda maging sa pagnenegosyo.
3. Republic Act 9700 Batas na nagpapalawig sa CARP ng
karagdagang limang taon para sa
pagsasakatuparan ng programa.
4. The PaSSOver: ARBOld Move to Ang proyekto ay binuo bilang tugon sa
Heal as one Deliverance of our Bayanihan to Heal as One Act o Republic
ARBs from the COVID 19 Act 11469, kung saan inutos ni
Pandemic Pangulong Rodrigo Duterte sa mga
sangay ng pamahalaan na magkaloob ng
malawakang tulong at serbisyo,
protektahan at isulong ang kapakanan ng
mga tao sa panahong ito ng pandemya.
5. Atas ng Pangulo Blg. 27 Batas na ito na sinasabing magpapalaya
sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa
kanila ng pagmamay-ari ng lupang
sinasaka
GAWAIN B PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. 1. A
2. 2. B
3. 3. A
4. 4. C
5. 5. A
PAGLALAHAT AT PAGPAPAHALAGA
Batay sa natutunan o sagot ng mag-aaral.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
• Balitao, Bernard, Buising, Martiniano, Garcia, Edward, De Guzman, Apollo, Lumibao Jr.,
Juanito, Mateo, Alex, at Modejar, Irene. 2015. Ekonomiks Modyul para sa Mag-aaral. Pasig
City: Vibal Group Inc
• Balitao, Bernard, Cervantes, Meriam. 2010. Ekonomiks Sanayang Aklat sa Bagong
Kurikulum. Quezon City: St. Jude Thaddeus Publications
• https://www.dar.gov.ph/
• http://pilipinomirror.com/229-magsasaka-ginawaran-ng-cloa/
• https://tugonbalita.com

• https://www.da.gov.ph/

You might also like