You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
Modyul 1:
Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
PAMBANSANG KAUNLARAN
-ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay
at takbo ng ekonomiya ng isang bansa.
-ito rin ay nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang kabutihan para sa panlipunang kapakanan tulad ng edukasyon,
kalusugan, imprastraktura at iba pang serbisyong panlipunan.
-ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan, pangkalahatang pagbabagong pangkabuhayang
gawain mula agrikultura patungo sa sektor ng industriya.

Mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran


1. Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa.
2. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura.
3. Pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao o ang pagbawas sa mga iskwater.
4. Hindi makikita ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na antas ng pamumuhay ng mga tao.
5. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa.
6. Mayroong kalayaan ang mga tao na makaahon sa kahirapan.
7. Mababa ang bilang ng mga krimen na nagaganap.

KONSEPTO NG PAG-UNLAD
PAG-UNLAD (batay sa Merriam-Webster Dictionary)
-ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
PAG-UNLAD (ayon kay FELICIANO R. FAJARDO, Economic Development,1994)
-isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng
trabaho, kamangmangan, di-pagkapantay-pantay at pananamantala.
PAG-UNLAD (ayon kina Michael P. Todaro at Stephene C. Smith sa tradisyunal na pananaw)
-bilang pagtamo ng patuloy na pagtaas ng income per capita nang sa gayon ay mapabibilis ang pagdami ng awtput ng bawat bansa
kaysa sa bilis ng pag-unlad ng populasyon.
PAG-UNLAD
-ay ang pagkakaroon ng maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng mataas na kalidad ng buhay at kalayaang magpasya.
Kung ang PAG-UNLAD ay maihahalintulad sa mga TAO ito ay maaaring:
1. Pagkakaroon ng bukas na isipan.
2. Pagtanggal sa mga makabagong kagamitan o paraan ng paggawa.
3. Pagbibigay kontribusyon sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagiging isang inobatibong tao.
Tatlong KKK ng PAG-UNLAD ayon kay Amartya Sen (Development as Freedom, 2008)
1. Kayamanan (mataas na kita)
2. Kalayaan (malayang magpasya)
3. Kaalaman (maayos na edukasyon)
*Upang matamo ang kaunlaran, mahalagang bigyang-pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng KAHIRAPAN,
DISKRIMINASYON AT HINDI PAGKAPANTAY-PANTAY at iba pang salik na NAGLILIMITA SA KAKAYAHAN NG MGA MAMAMAYAN.

KONSEPTO NG PAGSULONG
PAGSULONG (ayon kay FELICIANO R. FAJARDO, Economic Development,1994)
-ay produkto ng pag-unlad.
-ay nakikita at nasusukat tulad halimbawa ng daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan at marami pang iba.
PAGSULONG (ayon kina Michael P. Todaro at Stephene C. Smith sa Makabagong pananaw)
-ay kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat ituon ang pansin sa iba’t ibang pangangailangan
at nagbabagong hangarin ng mga tao upang masiguro ang paglayo mula sa di- kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa kondisyon na
mas kasiya-siya.
PAGSULONG
-ay ang paglago ng yaman o pagdami ng pera.
Kung ang PAGSULONG ay maihahalintulad sa mga TAO ito ay maaaring:
1. Hindi patitibag sa kahit na anong suliranin.
2. Pagtungo sa isang mithiin o nais na gawin at pagpapanatili nito.
3. Pagkakaroon ng isang layunin at pag-angat.
MGA SALIK SA PAG-UNLAD AT PAGSULONG (Sally Meek, John Morton at Mark Schug - Economics, Concepts
and Choices, 2008)
1. Likas na Yaman-Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig,
kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
2. Yamang-Tao - Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa
isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito.
3. Kapital - Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga
makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
4. Teknolohiya at Inobasyon- Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang –yaman upang
mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.

MGA PAGKILOS PARA SA PAMBANSANG KAUNLARAN


A. MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba- Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na
maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
2. Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na
kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.
B. MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan
upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.
2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino- Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating
tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
C. MAALAM
1. Tamang pagboto- Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin
ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito.
2. Pagtutupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad- Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at
pagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.

Essay: Bilang isang mag-aaral, anong ambag ang maaari mong ibigay para sa kaunlaran ng iyong kinabibilangang pamilya? (5 puntos)

____________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318
Araling Panlipunan (Ikaapat na Markahan–Quiz #1)
Konsepto ng Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Pangalan:_______________________________________________________________________________Petsa:__________________Iskor:__________
Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay PAG-UNLAD o PAGSULONG. Isulat ang UNLAD kung tumutukoy sa PAG-UNLAD at SULONG naman
kung ito ay tumutukoy sa PAGSULONG.
_______________________1. Bunga ng proseso ng pag-unlad.
_______________________2. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
_______________________3. Makabagong pamamaraan ng pagtatanim.
_______________________4. Daan, sasakyan, kabahayan at pagamutan.
_______________________5. Maraming ani.
_______________________6. Pagbabago sa lipunan.
_______________________7. Pagbabago sa istruktura ng lipunan.
_______________________8. Produkto ng pag-unlad.
_______________________9. Dumarami ang dayuhang mangangalakal.
_______________________10. Ang bayan ay nagging lungsod.
______11. Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto?
A. Sapat nang may trabaho upang maging maunlad ang bansa. C. Nasa kamay ng manggagawa ang pag-unlad ng bansa.
B. Nasa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa. D. Nasa pamahalaan ang susi sa pag-angat ng ekonomiya.
______12. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo
ng ekonomiya ng isang bansa.
A. Kaunlaran B. Katuparan C. Kaginhawaan D. Katagumpayan
______13. Ito ay itinuturing na bunga ng isang proseso na nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya?
A. Pag-usad B. Pag-angat C. Pag-unlad D. Pagsulong
______14. Ano ang pinakaangkop na anyo ng pambansang kaunlaran na binanggit sa ibaba?
A. Pagdagsa ng mga dayuhan upang mamuhunan sa bansa.
B. Pagkakaroon ng mga gusali at magagandang tanawin sa bansa.
C. Pangingibang bansa ng mga Pilipino upang maghanapbuhay at matulungan ang pamilya.
D. Abilidad at kakayahan ng isang bansa na suportahan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
______15. Kailan mapapadali ang pagkilos para sa pambansang kaunlaran?
A. Kapag magtutulungan ang bawat isa.
B. Kapag mayaman ang lahat ng mamamayaan.
C. Kapag nakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
D. Kapag ang mga kasapi ng isang samahan ay maabilidad, makabansa at maaalam.
______16. Alin sa mga sumusunod na estratehiya ang tumutukoy sa kakayahan ng mga Pilipino na pumasok sa pagnenegosyo?
A. Maalam B. Maabilidad C. Makabansa D. Mapanagutan
______17. Ayon sa kanya, ang pag-unlad ai isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao.
A. Feliciano R. Fajardo B. Amartya Sen C. Michael P. Todaro D. Stephen Sy
______18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong KKK ng pag-unlad ayon kay Amartya Sen?
A. Kayamanan B. Kalayaan C. Katarungan D. Kaalaman
______19. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa:
A. Likas na yaman B. Yamang-tao C. Teknolohiya D. Kalakalan
______20. Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa.
A. Lupa B. Tao C. Teknolohiya D. Kapital
Magsulat ng isang salita/konssepto o ideya na may kaugnayan sa araling Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran.

Konsepto at
Palatandaan
ng
Pambansang
Kaunlaran

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
Modyul 2:
Sector ng Agrikultura
AGRIKULTURA
Latin: “AGER–field or bukirin; “CULTURA”-kultura o pamumuhay.
-ay isang agham, sining at gawain na may kinalaman sa produksiyon ng pagkain at hilaw na sangkap, na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
 Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura.
 Malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya.
 Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sap roduksiyon.
Ang SEKTOR NG AGRIKULTURA
-ay binubuo ng espesyalisasyon at gawaing pamproduksyon na nababatay sa heyograpiya o lokalidad at pisikal na aspeto ng isang lugar.
-Dito nagkakaroon ng kasanayan ang mga tao batay sa kanilang kapaligiran at ang nagiging uri ng hanapbuhay ay nakatuon sa mga gawaing
dulot ng kalikasan.
-Karaniwang ang produkto ay iyong tinatawag na produktong primarya, o mga likas na produkto at hilaw na sangkap na galing sa kalikasan at
hindi pa dumadaan sa pagproproseso. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag din ang seKtor na ito na SEKTOR PRIMARYA.
-Malaking bahagdan ng ating ekonomiya ay nabibilang pa rin sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang sektor na nagtataguyod sa malaking
bahagi ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang supply ng pagkain ng bansa, at mga hilaw na
kagamitan na kailangan sa industriya.
-Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalamanan, paghahayupan, pangingisda at panggugubat.
SEKTOR NG AGRIKULTURA
PAGHAHALAMAN (FARMING)
-tumutukoy ito sa produksiyon ng aning pagkain (food crops) o aning pambenta (commercial crops).
-ang mga ANING PAGKAIN ay karaniwang sumasaklaw lamang sa mga binibiling pagkain ng kabahayan, bagama’t maaari din itong tumutukoy
sa mga sobrang produksiyon na ibinebenta ng mga magsasaka. Halimbawa nito ay bigas, mais, halamang ugat at mga gulay.
-ang ANING PAMBENTA o komersiyal ay ginagamit sa pangangalakal. Ilang halimbawa nito ay mangga, niyog, saging at pinya.
PANGINGISDA (FISHERIES)
-nakatuon ang sangay na ito sa pagpapaunlad ng mga palaisdaan sa pamamagitan ng aquaculture, recreational fisheries (lokal na pangingisda)
at commercial fishing.
* Komersiyal na pangingisda. Ang tawag sa pangingisda sa anumang bahagi ng tubig kung saan ang gamit na bangka ay may bigat na higit sa
tatlong tonelada at dumarayo sa mahigit 7 kilometrong layo mula sa baybayin.
*Lokal na pangingisda. Tumutukoy sa pangingisda sa pandagat (marine) at inland waters, gamit ang bangkang pangingisda na 3 tonelada o mas
maliit pa.
*Aquaculture. Sumasaklaw sa kontroladong produksiyon ng isda at yamang-tubig tulad ng talaba, tahong at sea weeds.
PAGHAHAYUPAN (ANIMAL INDUSTRY)
-ang sangay na ito ay nakatuon sa pag-aalaga ng mga hayop para sa mga pangkabuhayang kapakinabangan nito - halimbawa, upang pagkunan
ng karne, hibla at leather at bilang katulong sa mabibigat na gawain.
-mauuri ang sub-sektor ng paghahayupan sa dalawa: ang livestock, tulad ng baka, kambing at baboy; at ang pagmamanukan (poultry) tulad ng
manok at pato.
PAGGUGUBAT (FORESTRY)
-tumutukoy sa mga pang-ekonomiyang gawaing kaugnay sa kagubatan. Kabilang dito ang pagkatas ng mga hilaw na sangkap sa kagubatan at
mga paglilingkod kaugnay sa kagubatan.

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin
ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng
mamamayan.
Dahil dito, ang agrikultura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng
kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan:
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning
mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag-aalaga ng mga
hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding sapat na mapagkukunan ng mga
pagkaing mula sa katubigan.

2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.


Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa
produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman
sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang
pamilihan. Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang
mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang produkto.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Ayon sa National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng
agrikultura. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, minero, o tagapag-alaga sa paghahayupan.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor agrikultural patungo sa sektor ng industriya at paglilingkod.
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa
paglaki ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod batay sa laki ng
demand sa mga ito.
MGA SULIRANIN NG AGRIKULTURA
1. Mababang presyo ng produktong agrikultural: Bunga na rin ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto, ang mga ani ng mga magsasaka at
mangingisda ay mabibili lamang sa murang halaga. Kaya naman hirap ang mga ito na magkaroon ng malaking tubo na kailangan sa pagtugon sa
kanilang pangangailangan.
2. Kakulangan ng sapat na imprastraktura at puhunan: Isa sa mga dahilan ng mabagal na pag-unlad ng agrikultura ay ang kakulangan sa
imprastraktura at puhunan. Maraming produktong agrikultura ang hindi napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok at nalalanta tulad ng gulay at
prutas dahil sa kawalan ng pag-iimbakan at maayos na transportasyon.
3. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya: Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa
pagsasaka, tulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na produksiyon. Dahil sa kakulangan sa edukasyon, napakahirap ituro sa
mga magsasaka ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at makinarya.
4. Paglaganap ng sakit at peste: Maraming hayop ang namamatay at hindi napakikinabangan bunga ng pagkakasakit at pagkapeste na dulot ng
mga virus at bakterya na namiminsala sa mga hayop at halaman.
5. Pagdagsa ng mga dayuhang produkto: Ang globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa ating
pamilihan, kung kaya nagkakaroon ng kakompetensya ang ating mga lokal na produkto.
Mga Patakarang Pang-ekonomiya na nakatutulong sa Sektor ng Agrikultura
Sa kasaysayan ng Pilipinas ay marami nang patakaran ang nalikha upang tulungan at palaguin ang sektor ng agrikultura. Ang halimbawa ng mga
patakarang ito ay ang mga batas ukol sa pagmamay-ari ng lupa, agrarian reform, pag-aangkat ng bigas, at pag-aangkat ng produktong
agrikultural. Ang ilan sa mga batas na nangangalaga sa Sektor ng agrikultura ay ang sumusunod:
● Republic Act 1400 o Land Reform Act of 1955: Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay naisabatas ang repormang ito.
Inatasan ng batas ang Land Tenure Administration na bumili ng mga pribadong lupang sakahan upang maibenta sa mga nananakahan dito.
● Republic Act 3844 o Agricultural Land Reform Code: Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Diosdado Macapagal, pinalawig nito ang batas sa
reporma sa lupa. Ang bagong patakarang ito ay naglalayong tuluyang matanggal ang sistema ng pananakahan. Isinabatas ang pagbili ng
pamahalaan ng mga pribadong lupaing pansakahan upang ilipat ang pagmamay-ari nito sa mga magsasakang umookupa rito sa pamamagitan
ng mahabang installment plan.
● Code of Agrarian Reform o Presidential Decree 2: Binuo naman ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Department of Agrarian Reform sa
pamamagitan ng Decree na ito. Inatasan ng batas na ito na ang bawat magsasakang nangungupahan sa mga pribadong sakahan ng bigas at
mais ay dapat magkaroon ng limang ektaryang parte sa lupang kanilang sinasaka.
● Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law: Ang pinalawak na agrarian reform ay isinabatas sa panahon ni Pangulong Corazon
Aquino. Ang batas ay nag-uutos na ipamahagi ang lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa mga magsasakang walang sariling
sakahan.
● Philippine Development Plan 2011-2016: Ang development plan na ito ay naglalaman ng balangkas ng estratehiya ng pamahalaan para sa
paglago ng iba’t ibang bahagi ng ekonomiya, ito ay nabuo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino. Isa na rito ang estratehiya para
sa agrikultura. Nakapaloob sa PDP 2011-2016 ang ilang pangunahing tunguhin para sa sektor ng agrikultura: 1) Pinagbuting seguridad sa
pagkain at pinataas na kita ng manggagawang nasa sektor, 2) pinaigting na kakayahang malabanan ang masasamang epekto ng mga sakuna at
3) pinahusay na pamamalakad sa mga programa at pamumuno sa mga tanggapan ng pamahalaan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan (Ikaapat na Markahan–Quiz #2)


Sektor ng Agrikultura
Pangalan:_______________________________________________________________________________Petsa:__________________Iskor:__________
______________________________________1. Ito ay isang agham, sining at gawain na may kinalaman sa produksiyon ng pagkain at hilaw na
sangkap, na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
_____________________________________2. Ito ay isang bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing
pang-agrikultura.
_____________________________________3. Ito ang ibang tawag sa Sektor ng Agrikultura dahil ang hilaw na sangkap na galing sa kalikasan
at hindi pa dumadaan sa pagproproseso.
____________________________________4. Ito ay tumutukoy sa produksiyon ng aning pagkain (food crops) o aning pambenta (commercial
crops).
____________________________________5. Ito ay nakatuon ang sangay na ito sa pagpapaunlad ng mga palaisdaan.
_____________________________________6. Ito ay sumasaklaw sa kontroladong produksiyon ng isda at yamang-tubig tulad ng talaba, tahong
at sea weeds.
____________________________________7. Ito ang sangay na ito ay nakatuon sa pag-aalaga ng mga hayop para sa mga pangkabuhayang
kapakinabangan nito.
___________________________________8. Ito ay tumutukoy sa mga pang-ekonomiyang gawaing kaugnay sa kagubatan. Kabilang dito ang
pagkatas ng mga hilaw na sangkap sa kagubatan at mga paglilingkod kaugnay sa kagubatan.
___________________________________9. Ito ang itinuturing na batayang sektor ng mga umuunlad na bansa.
___________________________________10. Ito ang sub-sektor ng agrikultura na saklaw ang aquaculture.
___________________________________11. Ito ay nabuo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino.
___________________________________12. Ito ay isinabatas sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino.
___________________________________13. Ito ay nabuo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos.
___________________________________14. Ito ay pinalawig sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Diosdado Macapagal.
___________________________________15. Ito ay isinabatas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay.

1. Agrikultura
2. Pilipinas
3. SEKTOR PRIMARYA
4. PAGHAHALAMAN (FARMING)
5. PANGINGISDA (FISHERIES)
6. *Aquaculture.
7. PAGHAHAYUPAN (ANIMAL INDUSTRY)
8. PAGGUGUBAT (FORESTRY)
9. agrikultura
10. Pangingisda
11. Philippine Development Plan 2011-2016:
12. Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law:
13. Code of Agrarian Reform o Presidential Decree 2
14. Republic Act 3844 o Agricultural Land Reform Code:
15. Republic Act 1400 o Land Reform Act of 1955:

Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para
mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. pagmimina
B. pangingisda
C. paggugubat
D. paghahayupan
2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng mga produktong agrikultural?
A. mais
B. bigas
C. tabako
D.pataba
3. Ano ang itinuturing na batayang sektor ng mga umuunlad na bansa?
A. publiko
B. kalakalan
C. industriya
D. agrikultura
4. Alin sa sumusunod ang isinusuplay ng sektor ng agrikultura sa sektor ng industriya?
A. pagkain
B. makinarya
C. manggagagwa
D.hilaw na materyal
5. Ito ang agham, sining, at gawain ng pagbubungkal ng lupa, pagproprodyus ng mga produkto, pag-aalaga ng hayop at
poultry na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
A. pagmimina
B. kalakalan
C. industriya
D. agrikultura
6. Ito ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. A. municipal B. aquaculture C. komersiyal D. aquarium
7. Pangingisda na nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad
na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. A. municipal B.
aquaculture C. komersiyal D. aquarium
8. Tumutukoy ito sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig
pangisdaan. A. municipal B. aquaculture C. komersiyal D. aquarium
9. Alin ang mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa at katuwang ito ng pamahalaan sa pagpapalakas at
pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan mula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap 12
ng produksiyon? A. gobyerno B. agrikultura C. teknolohiya D. likas na yaman
10. Alin sa mga produkto ang iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar? A. palay B. itlog C. kopra D.
delatang pagkain
TAYAHIN 1. A 2. D 3. D 4. D 5. D 6. C 7. A 8. B 9. B 10. C

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa dahil malaking bahagi nito ang kumakatawan sa mga
gawaing agrikultural. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng sektor ng
agrikultura?
A. Pinagmumulan ng hilaw na materyal
B. Nagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino
C. Pangunahing pinagmumulan ng pagkain
D. Nakagagawa ng produkto gamit ang makina
2. Alin sa mga pahayag ang hindi nagpapakita ng katuturan tungkol sa sektor ng agrikultura?
A. nagbibigay ito ng kita
B. nagbibigay ito ng trabaho sa mga tao
C. nagpoproseso ng mga hilaw na materyal
D. ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain
3. Ang patakarang ito ukol sa reporma sa lupa na naglalayong ipamahagi ang lahat ng pampubliko at
malalaking pribadong sakahan sa mga magsasakang walang sariling sakahan?
A. Republic Act 3844
B. Republic Act 1400
C. Republic Act 6657
D. Presidential Decree 2
4. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang sektor ng agrikultura?
A. Nagpapakita ito ng kaayusang teknolohikal.
B. Dito nanggagaling ang serbisyong teknikal at konstruksiyon
C. Nagbibigay ng opurtunidad na malinang ang kaisipan ng mga tao
D. Dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa ating mga pangangailangan
5. Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa pagnenegosyo?
A. aquaculture
B. thrawl fishing
C. munisipal na pangingisda
D. komersyal na pangingisda
6. Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?
A. Nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan.
B. Nagbibigay ng pinansiyal sa mga mamamayan.
C. Pinagkukunan ng pinansyal na pangangailangan.
D. Pinagkukunan ng kitang panlabas mula sa mga produktong agrikultural na ibinebenta sa pandaigdigang
pamilihan.
7. Anong sub-sektor ng agrikultura ang saklaw ng aquaculture?
A. pagsasaka
B. paggugubat
C. pangingisda
D. paghahayupan
8. Sa anong sub-sektor napabilang ang pagniniyog, maisan at palayan?
A. pagtotroso
B. pangingisda
C. paghahalaman
D. paghahayupan
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng kakulangan sa makabagong kagamitan at
teknolohiya sa Sektor ng Agrikultura?
A. Mabagal na pagsasaka
B. Kalabaw pa rin ang gamit sa pag-aararo
C. Pagkakaroon ng kakompetensya ang mga lokal na produkto.
D. Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan
10. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?
A. Bureau of Customs
B. Department of Agriculture
C. Department of Labor and Employment
D. Department of Environment and Natural Resources

1. Sulong
2. Unlad
3. Unlad
4. Sulong
5. Sulong
6. Unlad
7. Unlad
8. Sulong
9. Unlad
10. Sulong
11. B
12. A
13. C
14. D
15. D
16. B
17. A
18. C
19. D
20. B
21.

Ang makroekonomiks ay sangay ng pag-aaral sa ekonomiks na nakatuon sa pag-aaral ng kabuuan ng pang-ekonomikong kalagayan ng
buong lipunan, kung saan napapabilang ang mga pinakamaliit na yunit ng mga kasapi nito. Sinusuri nito ang malawakang kaganapang pang-
ekonomiko kabilang na ang kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo.
Ang mga sumusunod ay pangunahing pinagtutuunan ng makroekonomiks:
a. Binibigyang pansin nito ang kabuuang antas ng presyo. Ang mga gumagawa ng batas o patakaran ay pangunahing tinututukan at binibigyang–
pansin ang pagtaas ng kabuuang presyo na higit na nakaaapekto sa mga mamamayan sa kabuuan.
b. Binibigyang-pansin ng makroekonomiks ang kabuuang produkisyon o ang bilang ng kalakal at paglilingkod na nagawa ng ekonomiya. Sa
pamamagitan nito, nasusukat ang kakayahan ng isang ekonomiya kung papaano tinutugunan ang pangangailangan ng lipunan at ng buong
bansa.
c. Ang empleyo o paghahanap-buhay ay binibigyang pansin ng makroekonomiks. Ito ay mahalaga para sa mga nagpaplano para sa ekonomiya
na siyang bumubuo sa mga patakarang pangkabuhayan nang sa gayon ay maseguro na may mapagkukunan ng kabuhayan ang bawat pamilya
sa lipunan.
d. Tinitingnan din ng makroekonomiks ang ibang bahagi ng mundo at ang ugnayan nito sa panloob na ekonomiya. Ang mga pangyayari o
pandaigdigang kaganapan ay hindi maihihiwalay sa panloob na ekonomiya ng bansa. Ang kalagayang pang-ekonomiko ng ibang bansa ay may
malaking epekto sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa sa buong daigidig.
Talahulugan:
1. Sambahayan- ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at mga kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo
2. Bahay–Kalakal- ang sector ng ekonomiya na bumibili at gumagasta ng mga produkto at serbisyong nililikha ng sambahayan.
3. Pamilihan ng mga Produkto at Serbisyo- uri ng pamilihan na kung saan bumibili ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa pangangailangan at
kagustuhan ng mamimili.
4. Pamilihan ng mga salik ng produksyon- uri ng pamilihan para sa kapital, produkto, lupa, at pagnenegosyo.
5. Pamilihang Pinansyal – uri ng pamilihan kung saan nakikipagkalakalan ng ibat ibang pinansyal na ari-arian o assets, kabilang ang dividends,
stocks, bonds at forex exchange.
6. Pamahalaan- sektor ng ekonomiya na bumubuo at nagpapatupad ng ibat ibang patakaran para sa pag-unlad ng ekonomiya
7. Panlabas na Sektor –sektor ng ekonomiya na tumutugon ugnayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag-aangkat at pagluwas ng produkto.
Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay denisenyo ng isang ekonimista sa katauhan ni Francois Quensay sa kaniyang aklat na Tableau
Economique, inilathala noong 1758. Mula sa orihinal na zigzag diagram, ipinakita ni Quensay sa modelong ito kung sino ang gumagawa ng mga
produkto at kung sino ang gumagasta bilang paraan para mas maunawaan at maipaliwanag ang dahilan ng paglaki nito.
Bilang batayan, ang kasalukuyang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng mga interaksiyon sa mga mahahahagang sektor na
kabilang sa isang market economy. Nakaangkla sa dalawang pangunahing gawain- ang produksiyon at pagkonsumo.
Unang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Inilalarawan ng unang modelo ng ekonomiya ang isang simpleng ekonomiya. Sa modelong ito na ang sambahayan at bahay-kalakal ay
iisa dahil ang gumagawa ng produkto ay siya ring komokonsumo nito. Ang suplay ng bahay kalakal ay ayon sa demand o pangangailangan ng
sambahayan.
Ang halaga ng produksyon sa isang takdang panahon ay itinuturing na kita sa isang simpleng ekonomiya. Ang halaga ng produksiyong
inaasahan ay siya ring inaasahang dami ng produktong ikokonsumo. Sa ganitong uri ng daloy ng ekonomiya, kailangan ng aktor na maitaas ang
kaukulang produksyon at pagkonsumo nito.

Ang ikalawang modelo ay nagpapakita ng bahay-kalakal at sambahayan bilang pangunahing sektor ng paikot na daloy ng ekonomiya.
Sa modelong ito ay magkaiba ang sambahayan at bahay- kalakal. Ang sambahayan ang pinagmumulan ng mga salik ng produksyon subalit
walang kakayahan na gumawa ng tapos na produkto at serbisyo. Sa kabilang dako, ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng
mga produkto at serbisyo subalit kinakailangan niya ang salik ng produksyon na nagmumula sa sambahayan.
May dalawang uri ng pamilihan ang makikita sa ikalawang modelo. Una ay ang pamilihan ng salik na produksyon o factor markets. Dito
inilagak ng sambahayan ang mga salik ng produksiyon gaya ng kapital, lupa, paggawa at pagnenegosyo. Ang pangalawa ay ang pamilihan ng
tapos na produkto o commodity markets. Dito dinadala ang tapos na produkto at serbisyo mula sa bahay-kalakal para ibenta sa sambahayan.
Makikita sa modelong ito ang ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal kung saan sila ay magkaiba subalit kinakailangan nila ang isa’t
isa. Tinatawag ang ugnayang ito na interdependence.

Ikatlong Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Sa ikatlong modelo, ipinapakita ang presensiya ng dalawang pangunahing sektor-ang sambahayan at bahay-kalakal kung saan
isinaalang-alang ng dalawang sektor na ito ang mga desisyon sa hinaharap.
Ang sambahayan ay ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at mga kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo. Mula sa kita
na halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay maari ang buong kita ay hindi ginagamit. Maaari itong itabi o
itago bilang savings o ipon.
Ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos (Farmer, 2002). Ang investment naman ay paggasta ng bahay kalakal sa mga
kapital upang mapalago ang produksyon. Nagkakaroon ng investment kapag ang ipon ay inilalagak para sa negosyo. Ang isang indibidwal o
sambahayan ay maaari din isalin ang kanyang ipon bilang financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds. Ang pag-iimpok at
pamumuhunan ay naging mahalagang gawaing pang-ekonomiya na nagaganap sa pamilihang pinansiyal o financial market.
Habang ang bahay kalakal ay may pagnanais na magpalawak ng negosyo sa iba’t ibang panig ng bansa at hindi lamang nakatuon sa
tubo. Ang pagpapalawak ng sakop ng produksiyon ay magbibigay daan sa pagbuti ng kalagayan ng negosyo subalit maaring hindi sapat ang
puhunan para gawin ito. Mula rito, maaring manghiram ang bahay kalakal ng karagdagang salapi na gagamiting puhunan para maisakatuparan
ang nasabing plano.
Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. May kapalit na kabayaran ang panghihiram ng
puhunan ng bahay-kalakal. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabayad na may interes sa hiniram na puhunan kapalit ng kapakinabangang natamo ng
bahay-kalakal.
Samakatuwid, ang pagkakaroon ng malaking ipon ng sambahayan ay isang paraan para mapatatag ang ekonomiya gayun din ang sapat
na dami ng bahay-kalakal na handang mamuhuhan. Sa ganitong pamamaraan, tataas ang produksiyon ng mga kapital na produkto na
magbibigay daan sa pagbubukas ng maraming trabaho para sa paggawa. Ang pagkakaroon ng balanseng pag-iimpok at pamumuhunan ay
binibigyang halaga sa ganitong modelo ng ekonomiya.

Ikaapat na Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Sa ikaapat na modelo, makikita ang presensiya ng pamahalaan na lumalahok sa sistema ng pamilihan. Bukod sa pagpapatupad ng mga
batas, programa at mga polisiya sa bansa, tungkulin ng pamahalaan ang pangongolekta ng buwis mula sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang
kita mula dito ay tinatawag na public revenue. Ito ay ginagamit para makalikha ng pampublikong serbisyo at proyekto na tumutugon sa
pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal. Sa modelong ito, naitatakda ang kita ng ekonomiya batay sa kabuuang gastusin ng
sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan.
Ang positibong motibasyon ng pamahalaan gaya ng paghahatid ng pampubikong paglilingkod na ipinapangakong isasakatuparan sa
pagsingil ng buwis ay isa sa mga paraan para mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Sa paraang ito, makikita ng bawat sektor ang kinahihinatnan
ng buwis na kanilang binabayad. Hindi man maiwasan ang pagtaas ng buwis na sinisingil, ang mahalaga ay hindi maramdaman ng mga sektor
ang pagtataguyod ng mga pangangailangan at kagustuhan nito.
Mahalagang mapag-ibayo ang mga kaalaman at kakayahan ng sambahayan at bahay-kalakal sa aspektong gastusin ng pamahalaan.
Ang pampublikong paglilingkod ay dapat produktibo.

Ikalimang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Ang ikalimang modelo ay tinatawag na open economy dahil sa presensiya ng panlabas na sektor na nangangasiwa ng pagpapalitan ng
mga produkto at serbisyo. Ang perspektiba ng mga naunang apat na modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya ay sarado o
domestic. Sa modelong ito, nagaganap ang kalakalang panlabas kung saan may mga gawain ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng
mga produkto at serbisyo sa loob at labas ng bansa.
Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at mga salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.
Maaring may sambahayan at bahay-kalakal ang mga dayuhang ekonomiya at maaring may pagkakapareho ng pinagkukunang-yaman subalit
maari din na magkaiba ang kaayusan at dami ng mga ito. Ang pakikipagkalakalan ay nagaganap base sa pangangailangan ng pinagkukunayang-
yaman. May mga sangkap na mahalaga sa produksiyon sa pambansang ekonomiya na kinakailangang angkatin mula sa ibang bansa. Gayundin
ang kalagayan ng mga dayuhang ekonomiya. Magkapareho man ang mga produkto o magkaiba, nakikipagpalitan ng produkto ang mga bansa sa
isa’t isa.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng panlabas na sektor dahil iniuugnay nito ang ating pamilihan sa pakikipagkalakan sa ibang
bansa. Nabibigyan ng pagkakataon ang ating lokal na mga produkto na makilala at maibenta sa ibang bansa na maaring magdulot ng mas
malaking kita sa ating ekonomiya. Sa kabilang banda, ang mga dayuhang produkto ay nakakapasok sa ating bansa na maaring tutugon sa
kakulangan ng mga hilaw na materyales na mahalaga sa pagbuo ng bagong produkto at serbisyo.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan (IkatlongMarkahan–Quiz #1)


Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Pangalan:_______________________________________________________________________________Petsa:__________________Iskor:__________
Tama o Mali. Unawain ang bawat pahayag. Isulat ang Tama kung ito ay totoo, Mali naman kung di-totoo.
Tama 1. Ang makroekonomiks ay sangay ng pag-aaral sa ekonomiks na nakatuon sa pag-aaral ng kabuuan ng pang-ekonomikong
kalagayan ng buong lipunan, kung saan napapabilang ang mga pinakamaliit na yunit ng mga kasapi nito.
Tama 2. Ang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay presentasyon ng isang konsepto o kaganapan na nagbibigay ng konteksto sa
pagsusuri ng pambansang ekonomiya bilang bahagi ng pag-aaral ng makroekonomiks.
Mali 3. Ang pangunahing aktor ng modelo na paikot na daloy ng ekonomiya ay ang bahay-kalakal at pamilihan. (SAMBAHAYAN)
Tama 4. Ang sambahayan ay may paggasta sa pamilihang kalakal at paglilingkod dahil dito niya kinukuha ang mga produktong tutugon sa
kanilang pangangailangan.
Mali 5. Correlation ang tawag sa ugnayan ng bahay kalakal at sambahayan sa isa’t isa. (INTERDEPENDENCE)
Tama 6. Ang pangunahing gawain sa pamilihang pinansiyal ay ang pag-iimpok at pamumuhunan.
Mali 7. Ang pagbabayad ng buwis ay takdang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa isang pamilihan. (PAMAHALAAN)
Mali 8. Ang public property ang kita mula sa buwis. (PUBLIC REVENUE)
Tama 9. Ang buwis ay pondo ng pamahalaan na ginagamit para makapagbibigay ng pampublikong serbisyo sa mga mamamayan.
Tama 10. Ang gawaing pag-aangkat (import) at pagluluwas (export) ng mga produkto at serbisyo ay pangunahing gawain ng panlabas na
sector.
Pagtatapat-tapat. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A
O 1. Ang tawag sa may ari ng salik ng produksyon na kadalasan ay binubuo ng isang tao o pamilya
L 2. Kita ng pamahalaan mula sa buwis
C 3. Ito ang bahagi ng kita ng sambahayan na hindi ginagastos
D 4. Tawag sa ugnayan ng bahay kalakal at sambahayan
K 5. Ang sektor na ang pangunahing gawain ang pag-iimpok at pamumuhunan namamahala sa gawain ng pag-aangkat (import) at
pagluluwas ng produkto (export)
J 6. Ang sektor ng Bangko Sentral ng Pilipinas at mga bangko, kooperatiba, sanglaan at stock market
H 7. Sektor na kung saan binibenta ang produkto at serbisyo
N 8. Nagbibigay ng serbisyong pampubliko sa bahay-kalakal at sambahayan
P 9. Ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa
I 10. Uri ng pamilihan kung saan ang lupa, kapital, paggawa at entrepreneur
E 11. Ang tawag sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa sa pamamagitan ng pagluluwas ng produkto at serbisyo sa
ibang bansa
G 12. Ang inilalarawan ng Ikalimang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya
B 13. Ang tawag sa pera na kinokolekta ng pamahalaan para sa paggamit at suporta ng pampublikong paglilingkod
F 14. Ang sangay ng pag-aaral sa ekonomiks na nakatuon sa pag-aaral ng kabuuan ng pang-ekonomikong kalagayan ng buong lipunan
A 15. Sektor ng ekonomiya na may tungkulin nito ang lumikha ng mga produkto
Hanay B
a. Bahay-kalakal i. Pamilihan ng mga salik ng produksyon
b. Buwis j. Pamilihang pinansiyal
c. Impok o savings k. Panlabas na sektor
d. Interdependence l. Public revenue
e. Kalakalang panlabas m. Private revenue
f. Makroekonomiks n. Pamahalaan
g. “Open Economy” o. Sambahayanan
h. Pamilihan ng produkto at serbisyo p. Simpleng ekonomiya
q. Tubo at sahod
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul 3:
Ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo
Ang pera, katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman, ay maaaring maubos. Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na
kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng
matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang.
Ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kanyang kita. Ang kita ay halagang tinatanggap ng tao kapalit ng mga produkto
o serbisyong kanilang ibinigay. Sa mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang tinatanggap. Ang kita ay maaring gastusin sa mga
pangangailangan at kagustuhan at iba pang mga bagay na kinukonsumo. Maliban sa paggasta ng pera, mayroong pang ibang bagay na maaring
gawin dito. Maari itong itabi o itago bilang savings o ipon.
Sa “Macroeconomics” ni Roger E. A. Farmer (2002), sinabi niya na ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman
kina Meek, Morton at Schug (2008), ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan. Ang ipon
na ginamit upang kumita ay tinatawag na investment. Ang economic investment ay paglalagak ng pera sa negosyo. Ang isang indibidwal ay
maaari ring maglagay ng kanyang ipon sa mga financial assets katulad ng stocks, bonds, o mutual funds.
Bakit ba kailangan ng savings? Ano ba ang halaga nito? Ang pera na iyong naipon bilang savings ay maaaring ilagak sa mga Financial
Intermediaries tulad ng mga bangko. Ang mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at
sa nais umutang o mag-loan. Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset (pagmamay-ari) na may
ekonomikong halaga o bilang karagdagang puhunan. Ang pera na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay maaaring kumita ng interes o
dibidendo.
Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang lumiit ang halaga dahil sa
implasyon. Ang implasyon ay ang pagtaas ng pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal (goods) at mga serbisyo sa isang ekonomiya.
Bukod dito, dahil sa pagtatago mo at nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa
pamilihan. Makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na bangko o iba pang financial intermediaries upang muling bumalik sa pamilihan ang
salaping inimpok.
KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN BILANG ISANG SALIK NG EKONOMIYA
Ang pag-iimpok ay isang sistema na kung saan ang mga hindi nagamit na pera ng gobyerno ay iniimbak sa bangko. Ito ay pagtatabi o
pag-iipon ng ilang bahagi ng kita para sa hinaharap. Ang pag-iimpok ay isa sa mahalagang gawain ng sambahayan na kailangan ng ekonomiya.
Samantala, ang mamumuhunan naman ay maaaring utangin ang perang ito upang makapaglikha ng maraming trabaho para sa mga
Pilipino. Kung gayon, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nakatutulong sa pag-unlad ng isang ekonomiya. May mga gawain ang sambahayan at
bahay-kalakal na nagdudulot ng pagkakaroon ng palabas at paloob na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ginagastos ng sambahayan ang
kanilang mga kita ngunit hindi lahat ng kanilang kita ay kanilang ginagastos dahil bahagi nito ay itinatabi nila sa mga bangko bilang pag-iimpok.
Ang pag-iimpok ay pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan sa kinabukasan. Dahil dito, ang
pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay palaging may layuning palaguin ang
kanilang produksiyon kung kaya’t madalas silang nangangailangan ng karagdagang puhunan. Sila ay umuutang sa mga bangko upang
mamuhunan at makabili ng karagdagang salik ng produksiyon. Kung ganoon, ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya.
Ang pag-iimpok ay tinatawag ring pagtatabi o pag-iipon para may magamit sa hinaharap. Maaari tayong mag-impok sa bangko o sa
alkansya. Maaari din tayong bumili o magbayad ng mga insurances. Madalas ganito ang kaisipan ng bawat Pilipino, ang magtago ng “ savings” o
ipon sa bangko.
Kadalasan ginagawa ito ng mga wais sapagkat ito ay lumalago dahil sa interes sa deposito. Kaya naman mas hinihikayat ng gobyerno
na mag-ipon sa bangko kaysa gumamit ng alkansya. Ang pag-iimpok ay bahagi ng buhay at upang maging kapaki-pakinabang ang inimpok na
salapi, ilagay ito sa mga bangko o institusyong pampinansyal.
Ang pamumuhunan o pagdaragdag ng istak para sa hinaharap ay kailangan upang palawakin ang produksiyon. Ang pagbili ng mga
makinarya, paglalaan ng pondo para sa depresasyon ng mga kapital at paghiram ng salapi ay ilan sa anyo ng pamumuhunan na ang layunin ay
para sa hinaharap. Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta ay pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng
produksiyon at iba pa.
Karaniwan sa mga namumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon
sa pananalapi. Ang perang hiniram upang gamiting puhunan ay nagmumula sa inimpok o idineposito sa mga institusyon sa pananalapi tulad ng
bangko o kooperatiba. Ang perang inimpok ng mga tao sa bangko ay ipinapahiram sa mga negosyante upang gamitin sa pamumuhunan. Ang
pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Mas maraming negosyo, mas maraming trabaho. Ito ay maaaring magbunga sa
pagkakamit ng kaunlaran.

Ang ilan sa mga halimbawa ng bangko na matatagpuan sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
Mga Institusyong Bangko – ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang deposito. Sa
pamamagitan ng interes o tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay lumalago.
Uri ng mga Bangko
1. Commercial Banks - ito ang malalaking bangko. Nakapangangalap sila ng deposito sa higit na maraming tao.
2. Thrift Banks - ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng
mga ito sa kanilang mga negosyo.
3. Rural Banks- nagpapautang sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa kanayunan.
4. Specialized Government Banks- mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.
a. LBP (Land Bank of the Philippines) – layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.
b. DBP (Development Bank of the Philippines) – layunin ng DBP ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng
agrikultura at industriya.
c. Al-Amanah (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines) – layunin nito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na
magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Mga Institusyong Di-Bangko – tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating
ng panahon upang ito ay mapakinabangan.
a. GSIS (Government Service Insurance System) – ahensiyang nagbibigay ng life insurance sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng
gobyerno, lokal na pamahalaan, at mga guro sa mga pampublikng paaralan.
b. SSS (Social Security System) – ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya
sa oras ng pangangailangan.
c. Pag-IBIG Fund (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno) – itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa
panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.
Uri ng mga Di-Bangko
1. Kooperatiba- isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin. Ang perang inambag
ng mga kasapi ay kumakatawan sa shares at tumatayong pondo ng kooperatiba.
2. Pawnshop o Bahay-Sanglaan- nagpapautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga
bangko.
3. Pension Funds
4. Registered Companies – kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at Palitan (Securities and Exchange Commission o SEC)
matapos magsumite ng basic at additional documentary requirements, at magbayad ng filing fee.
5. Pre-Need- kompanya na rehistrdo sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng pre-
need.
6. Insurance Companies- rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapaatan ng Insurance Commission na mangalakal ng negosyo ng
seguro sa Pilipinas.
Ang PDIC o Philippine Deposit Insurance Corporation ay isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na itinatag noong Hunyo 1963 sa
ilalim ng Batas Republika Blg. 3591. Ito rin ay malayang institusyong pampananalapi na nag-uugnay sa Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas.
Ang PDIC ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas.

Mga gawi na dapat isaalang-alang ng mga mag-iimpok sa bangko: (7 HABITS OF A WISE SAVER)
1. Kilalanin ang iyong bangko.
Alamin kung sino ang may-ari ng iyong bangko – ang taong nasa likod at namamamahala nito. Magsaliksik at magtanong tungkol sa
katayuang pinansiyal at ang kalakasan at kahinaan ng bangko. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), Bangko Sentral ng Pilipinas
(BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), at ang website ng bangko, dyaryo, magasin, telebisyon, at radyo ay makapagbibigay ng mga
impormasyong kailangan mong malaman.
2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.
Unawain kung saan mo inilalagay ang iyong perang iniimpok. Huwag malito sa i nvestment at regular na deposito. Basahin at unawain
ang kopya ng term and conditions, at huwag mag-atubiling linawin sa mga kawani ng bangko ang anumang hindi nauunawaan.
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.
Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong pangangailangan at itugma ito sa serbisyong iniaalok ng bangko.
Alamin ang sinisingil at bayarin sa iyong bangko.
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.
Ingatan ang iyong passbook, automated teller machine (ATM) card, certificate of time deposit (CTD), checkbook at iba pang bank record
sa lahat ng oras. Palaging i- update ang iyong passbook at CTDs sa tuwing ikaw ay gagawa ng transaksiyon sa bangko. Ipaalam sa bangko kung
may pagbabago sa iyong contact details upang maiwasang maipadala ang sensitibong impormasyon sa iba.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong kawani nito.
Huwag mag-alinlangang magtanong sa kawani ng bangko na magpakita ng identification card at palaging humingi ng katibayan ng iyong
naging transaksiyon.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.
Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500, 000 sa deposito ng bawat depositor. Ang fraudulent account (dinayang account),
laundered money, at mga investment product at depositong produkto na nagmula sa iligal at unsound banking practices ay hindi kabilang sa
segurong (insurance) ibinibigay ng PDIC.
7. Maging maingat.
Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para paniwalaan. Sa pangkalahatan, ang sobra-sobrang interes ay maaaring mapanganib.
Basahin ang Circular 640 ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa iba pang impormasyon tungkol dito.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan (IkatlongMarkahan–Quiz #3)


Ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo

Pangalan:_______________________________________________________________________________Petsa:__________________Iskor:__________
Tukuyin kung tama o mali ang ipinapahayag ng mga pangungusap. Isulat ang tsek (√) kung tama at ekis (X) naman kung mali sa patlang bago
ang bilang.
_____1. Ang Kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.
_____2. Sa Rural Banks ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang
pantustos ng mga ito sa kanilang mga negosyo.
_____3. Ang Thrift Banks ay nagpapautang sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa kanayunan.
_____4. Layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.
_____5. Ang Kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.
_____6. Ang SSS ay ahensiyang nagbibigay ng life insurance sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na
pamahalaan, at mga guro sa mga pampublikong paaralan.
_____7. Ang Pre-Need ay isang kompanya na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga
kontrata ng pre-need.
_____8. Maaari ring maglagay ng ipon sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds.
_____9. Ang GSIS ay ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan.
_____10. Layunin ng DBP ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya.
Ibigay ang sagot na hinihingi sa bawat bilang at isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Ang _________________________ ay isang sistema na kung saan ang mga hindi nagamit na pera ng gobyerno ay iniimbak sa bangko.
2. Ang pag-iimpok ay isang _________________________________ na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
3. Ang __________________________________ naman ay palaging may layuning palaguhin ang kanilang produksiyon kung kaya’t madalas
silang nangangailangan ng karagdagang puhunan.
4. Ang pamumuhunan ay __________________________ na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
5. Madalas ganito ang kaisipan ng bawat Pilipino, ang magtago ng “____________________________” sa bangko.
6. Ang _____________________________ o pagdaragdag ng istak para sa hinaharap ay kailangan upang palawakin ang produksiyon.
7. Ang ______________________ ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas.
8. Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang __________________________________ sa deposito ng bawat depositor.
9. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng _______________________ at sa awtorisadong tauhan nito.
10. Ang _______________________________ ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.

Isulat ang letra ng mga impormasyong tinutukoy ng may salungguhit na salita sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at
isulat ito sa patlang bago ang bilang.

A. Kita B. Pag-iimpok C. Deposit Insurance D. Pamumuhunan E. Bangko F. Interes

_____________1. Si Mae ay naglalagak ng pera sa LBP Baler tuwing siya ay sasahod.


_____________2. Nagbukas ng bagong savings account sa DBP si PO1 Alexander dahil alam niya na may dibidendo sa idedeposit niyang pera
pagkalipas ng mahabang panahon.
_____________3. Dahil sa virus na Covid19 ay naapektohan ang pagtatrabaho ng mga tao, kaya naman wala silang halagang natatanggap dahil
sa lockdown.
_____________4. Dahil sa kagustuhan ni Angel na makapagpatayo ng malaking grocery store napilitan siyang maghiram ng pera sa bangko.
_____________5. Maraming mga negosyante sa probinsiya ng Aurora ang nag-iimpok ng pera sa bangko dahil sa seguro sa kanilang deposito.
Essay: Bilang isang mag-aaral, bakit maalaga ang pag-iimpok? (5 points)
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan (IkatlongMarkahan–Quiz #3)


Ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo
Pangalan:_______________________________________________________________________________Petsa:__________________Iskor:__________
Tukuyin kung tama o mali ang ipinapahayag ng mga pangungusap. Isulat ang tsek (√) kung tama at ekis (X) naman kung mali sa patlang.
______1. Ang Kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.
______2. Sa Rural Banks ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang
pantustos ng mga ito sa kanilang mga negosyo.
______3. Ang Thrift Banks ay nagpapautang sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa kanayunan.
______4. Layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.
______5. Ang Kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.
______6. Ang SSS ay ahensiyang nagbibigay ng life insurance sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na
pamahalaan, at mga guro sa mga pampublikong paaralan.
______7. Ang Pre-Need ay isang kompanya na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng
mga kontrata ng pre-need.
______8. Maaari ring maglagay ng ipon sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds.
______9. Ang GSIS ay ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan.
_____10. Layunin ng DBP ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya.
Pagtatapat-tapat: Suriin ang mga salita na nasa Hanay A at hanapin ang katambal nito sa Hanay B upang mapag-ugnay ang dalawang hanay.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
_____1. Pamumuhunan A. halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
_____2. Pag-iimpok B. tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan.
_____3. Pera C. pagdaragdag ng istak para sa hinaharap
_____4. Kita D. pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan sa
_____5. Bangko kinabukasan.
_____6. GSIS E. ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at
_____7. SSS kagustuhan ng mga tao.
_____8. LBP F. korporasyong pag-aari ng pamahalaan na itinatag noong 1963.
_____9. DBP G. nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya.
_____10. PDIC H. layunin nito na tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran.
I. nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng ahensiya ng gobyerno.
J. layunin nito na magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.
Ibigay ang sagot na hinihingi sa bawat bilang at isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Ang _____________________________________________ ay isang sistema na kung saan ang mga hindi nagamit na pera ng gobyerno ay
iniimbak sa bangko.
2. Ang pag-iimpok ay isang ______________________________________________ na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
3. Ang __________________________________________________ naman ay palaging may layuning palaguhin ang kanilang produksiyon kung
kaya’t madalas silang nangangailangan ng karagdagang puhunan.
4. Ang pamumuhunan ay __________________________________________________ na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

5. Madalas ganito ang kaisipan ng bawat Pilipino, ang magtago ng “__________________________________” sa bangko.
6. Ang ___________________________________ o pagdaragdag ng istak para sa hinaharap ay kailangan upang palawakin ang produksiyon.
7. Ang _______________________________________ ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas.
8. Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang ________________________________________________ sa deposito ng bawat depositor.
9. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng ___________________________________________ at sa awtorisadong tauhan nito.
10. Ang _____________________________________________ ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul 4:
Konsepto, Dahilan, Epekto at
Pagtugon sa Implasyon
Kahulugan ng Implasyon
Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na
nakapaloob sa basket of goods.
Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang Implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo sa pangkalahatang
presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya.
Deplasyon at Hyperinflation
Deplasyon ang tawag kung may pagbaba sa halaga ng presyo ng mga bilihin at hyperinflation naman kung saan ay patuloy na tumataas bawat
oras, araw at linggo ang presyo ng mga bilihin.
Mga Dahilan ng Implasyon
1. Demand-Pull Inflation - ang patuloy na pagtaas ng demand na hindi matugunan ng suplay. Kapag ang demand ay tumataas at hindi matugunan
ng suplay ang pangkalahatang presyo ay tumataas na nagiging dahilan ng implasyon.
2. Cost-Push Inflation - Ang pagtaas sa alin man sa salik ng produksiyon ay makadaragdag sa gastusin ng produksiyon. Ang pagtaas na ito sa
gastusin ay idaragdag sa presyo ng mga natatapos na produkto.
3. Import-induced Inflation- kapag ang produksiyon ay nakadepende sa mga imported na produkto at nagkaroon sa pagtaas sa mga presyo
nito,tumataas ang bilihin na magiging sanhi ng implasyon.
4. Profit-Push Inflation- Dahil sa mga negosyanteng ang ibig ay malaking kita, itinatago ang mga produkto na nagiging sanhi ng kakulangan at
nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
5. Currency Inflation- ang pagdami ng suplay ng salapi ay nagdudulot ng paggastos ng malaking halaga upang makabili sa kakaunting produkto.
6. Petrodollars Inflation-Ang labis na pagtaas ng petrolyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
7. Structural Inflation-kawalan ng kakayahan ng ilang sector na malayon ang anumang pagbabago ng lebel at dami ng kabuuang demand ng
ekonomiya.
Epekto ng Implasyon
Hindi sa lahat ng pagkakataon negatibo ang implasyon dahil kung may naaapektuhan ay mayroon din namang nabebenepisyuhan sa tuwing may
implasyon.
Mga Nakikinabang sa Implasyon Mga Naaapektuhan sa Implasyon
Mga umuutang Mga taong may tiyak na kita
Mga negosyante Mga taong nag-iimpok
Mga speculators Mga taong nagpapautang
Mga taong may di-tiyak ang kita
Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo
Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price Index (CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng
mga produkto. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of goods. Ang mga nasabing produkto ay
kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng mamamayan. Mula sa market basket, ang price index ay nabubuo
na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang Price index ay depende sa uri ng bilihin na
gustong suriin.
Iba’t ibang Uri ng Price Index
1. Consumer Price Index (CPI)
Ang CPI ay tanda ng pagbabago ng kabuuang presyo ng isang basket ng mga produkto at serbisyo na karaniwang binibili ng isang
sambahayan (household) sa isang taon kumpara sa presyo nito sa itinakdang taon (base year). Batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo at
dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market basket. Ang market basket ay ginagamit
din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer.
Ang Phillippine Statistics Authority (PSA) ang pangunahing ahensya ng pamhalaan na nangungulekta ng datos at nagtutuos ng CPI.
Ginagamit ang sumusunod na formula upang matuos ang CPI.
Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon
CPI = X 100
Total Weighted Price ng Basehang Taon

2. Wholesale Price Index (WPI)


Ito ay index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.
3. Producer Price Index (PPI)
Ito ang index ng presyo ng producer ay binubuo ng isang tinimbang na index ng mga presyo ng kalakal sa pakyawan.
4. GNP Deflator
Panukat na pang-ekonomiya na nagkakaroon ng mga epekto ng implasyon sa gross pambansang produkto ng kasalukuyang taon sa
pamamagitan ng pag-convert ng output nito sa isang antas na nauugnay sa isang tagal ng base.

Inflation Rate- tumutukoy sa antas ng pagbabago sa presyo ng mga bilihin.


Ang antas ng implasyon kung saan ang porsiyento ng pagbabago sa CPI ng kasalukuyang taon kumpara sa CPI ng nakaraang taon.
Pormula:
CPI kasalukuyang taon – CPI ng nakaraang taon
Inflation Rate = X 100
CPI ng nakaraang taon
Purchasing Power of Peso- Ito ang ginagamit upang masukat ang tunay na halaga ng piso sa kasalukuyang taon kumpara sa basehang taon.
Pormula:
1
PPP = X 100
CPI kasalukuyang taon
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan (IkatlongMarkahan–Quiz #4)


Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa Implasyon
Pangalan:_______________________________________________________________________________Petsa:__________________Iskor:__________
Punan ang kahon gamit ang pormula ng CPI, Inflation Rate at PPP.
Aytems 2020 2019
Pagkain 1,300 1,050
Damit 1,250 900
Pamasahe 900 700
Kuryente 1,500 1,250
Kabuuang Presyo 4,950 3,900
CPI
Inflation Rate
PPP
Isulat sa iyong sagutang papel ang NP kung ang mga sumusunod ay naaapektuhan at NB kung nakikinabang sa tuwing may implasyon.
_____1. Mga nangungutang _____6. Mga negosyante
_____2. Mga nag-iimpok _____7. Mga taong may tiyak na kita
_____3. Mga taong di tiyak ang kita _____8. Mga mamimili
_____4. Mga nagpapautang _____9. Mga Monopolista
_____5. Mga speculators _____10. Mga nagpepensyon
Piliin mula sa kahon ang salitang inilalarawan mula sa mga pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang. Maaaring maulit ang sagot.
A. Demand-pull inflation D. Cost-push inflation
B. Structural inflation E. Import Induced inflation
C. Currency inflation F. Petro-dollars inflation
G. Profit-push inflation
_____1. Si Mang Kanor ay may-ari ng grocery, nang malaman na may nagbabadyang pagtaas sa presyo ng asukal sa susunod na linggo ay hindi
na muna na niya ibinebenta nang maramihan ang tinda niyang asukal.
_____ 2. Dahil sa bagyo nagkaroon ng kakulangan sa de latang sardinas.
_____ 3. Nagkulang ang face mask sa bansa dala ng pandemic kaya nagdesisyon ang DOH na umangkat mula sa bansang India.
_____ 4. Nang makita ni Elaine ang stripe na damit ng barkada ni Marla ay nagandahan agad ito at naengganyo siyang bumili nito.
_____ 5. Nagdesisyon si Mr. Alvarez na magtaas sa presyo ng tinapay ng biglang magtaas sa presyo ang harina.
_____ 6. Nalugi ang produksiyon ng sibuyas ng magdagsaan ang imported na sibuyas sa pamilihan.
_____ 7. Walang pondo ang pamahalaan dahil sa ibinayad sa utang sa nakaraang taon.
_____ 8. Upang mapataas ang presyo ng bawang maraming negosyante ang nagtatago nito sa merkado at ilalabas kapag mataas na ang presyo.
_____ 9. Dahil sa pandemic biglang bumababa ang pagpasok ng dolyar na ipinapadala ng mga OFW bunga nito bumaba ang halaga ng piso.
_____10. Maraming isdang nahuhuli sa bayan ng Baler ngunit dahil sa iniluluwas ito ay halos wala ng mabilhan ng iba’t ibang uri ng isda sa
palengke nito.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul 5:
Patakarang Piskal
KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL
Ang salitang piskal o fiscal ay nagmula sa salitang Latin na fisc, na ang ibig sabihin ay basket o bag. Sa paglipas ng panahon, ang
salitang ito ay iniuugnay sa bag ng salapi o patikular sa salaping hawak ng pamahalaan. Ang pamahalaan ay nangungulekta ng salapi sa
pamamagitan ng buwis.
Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa gawain ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis. Isinasaad sa aklat nina Balitao et.
Al (2014) na ang patakarang piskal ay tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng
ekonomiya
Ayon kay John Maynard Keynes (1935), malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan ng
ekonomiya mula sa pangongolekta ng buwis sa mga mamamayan, negosyante, at kompanya hanggang sa paggasta ng mga salaping nalikom
nito. Ang paggasta ng pamahalaan ay may malaking kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos ng isang ekonomiya.
Dalawang uri ng Patakarang Piskal
May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito at upang
maiwasan ang labis na implasyon at recession bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa.
A. Expansionary Fiscal Policy
Ang expansionary fiscal policy ay ginagamit ng pamahalaan upang isulong ang ekonomiya lalo na sa panahon ng r ecession. Ayon sa
International Monetary Fund (2009) ang recession ay isang ekonomikong pangyayari kung saan ang dalawang (2) magkasunod na kwarter ng
real GDP ng bansa ay bagsak o mababa. Sa panahong ito, karaniwan na mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan at walang
insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon. Ang ganitong sitwasyon ay magdudulot ng malawakang kawalan
ng trabaho at mababang koleksyon ng buwis para sa pamahalaan.
Isa pa sa mga hamong dapat pagtuunan ng pansin ay ang Implasyon. Ito ang pagtaas ng pangkalahatang presyo sa loob ng partikular
na panahon (IMF, 2009). Sa panahong nararanasan ito maaaring mapansin ang pagdami ng mga gawaing pang-ekonomiko gayun din ang
pagtaas ng mga bilihin na mas nakaaapekto sa mga mahihirap.
Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad ng patakaran upang mapasigla ang
matamlay na ekonomiya. Dito ipinapatupad ang patakarang expansionary fiscal kung saan nagdagdag ng gastos ang pamahalaan. Bumibili ito ng
mas maraming kalakal at paglilingkod na magdudulot ng pangyayaring magpapataas sa produksyon at lilikha ng mas maraming trabaho. Ang
ganitong pangyayari ay magdudulot ng pagtaas sa kabuuang demand na magiging dahilan upang tumaas ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
na maaaring magresulta ng pagtaas ng presyo ng mga produkto o ng implasyon. Batay sa batas ng suplay, ang mataas na presyo sa pamilihan o
implasyon ay humihikayat sa mga prodyuser ng kalakal at paglilingkod na gumawa ng marami. Para magawa ito, kailangang kumuha ng
karagdagang mga manggagawa. Dahil dito, ang mangagawa ay magkaroon ng maraming opportunidad na makapagtrabaho at
mangangahulugan ng mas malaking kita. Sa bahagi ng mga bahay-kalakal, lumalaki rin ang kanilang kita. Sa pagdagdag ng kita, nagkaroon ng
panggastos ang mamamayan at bahay-kalakal na makapagpapasigla sa ekonomiya.
Gayundin naman kung babawasan ng pamahalaan ang singil sa buwis, ang mga tao ay magkakaroon ng karagdagang salapi upang
gastahin. Mas malaking bahagi ng kita ang mga bahay-kalakal na magagamit upang gastusin sa lupa, paggawa, at capital. Ang ganitong gawain
ay magpapataas sa kabuuang produksyon, demand, at presyo ng mga produkto.
B. Contractionary Fiscal Policy
Ang paraang ito ay ipinapatupad upang matugunan ang problema sa implasyon o pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan.
Kapag lubhang mabilis ang pag-lago ng ekonomiya, mataas ang antas ng paggasta ng mga mamamayan dahil sa mataas ding antas ng kanilang
kita na maaring mabilis na magpataas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Idadag pa dito ang mataas posibilidad na hindi na masabayan
ng mga prodyuser ang mataas na kabuuang demand na dulot ng mabilis na paglago ng ekonomiya. Kung kaya’t kailangang pabagalin ang
paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng Contractionary Fiscal Policy.
Sa paraang ito, ang pamahalaan ay maaaring magbawas ng mga gastusin o di kaya ay taasan ang buwis na siningil upang mahila
pababa ang kabuuang demand o Aggregate Demand. Inaasahan na sa pagbaba ng kabuuang demand, hihina ang produksiyon dahil mawawalan
ng insentibo ang bahay kalakal na gumawa ng maraming produkto. Sa patakarang ito, mapapabagal ang paglago ng ekonomiya.
Kapag ang pamahalaan ay nagbawas ng gastos o bumili ng kaunting kalakal o paglilingkod, magdudulot ito ng pagbaba ng kabuuang
demand. Ang mababang demand ay magbubunga ng pagbaba ng presyo. Ayon sa batas, ang mababang presyo ay hihikayat sa mga prodyuser
na magbawas ng produksiyon o magbawas ng manggagawa. Ang mababang produksiyon ay magpababa sa mga gawaing pang-ekonomiya.
Samantala, ang pagtaas ng singil sa buwis ay nangangahulugan ng kabawasan sa perang gagastusin ng mga tao. Babawasan din ng
mga bahay-kalakal ang paggastos sa lupa, paggawa, at kapital. Ang pagbaba ng presyo. Ang mga prodyuser ng kalakal at paglilingkod ay
magbabawas ng produksiyon. Ang pangyayaring ito ay magpapabagal din sa pagtaas ng gawaing pang-ekonomiya. Ito ang dalawang paraan sa
ilalim ng patakarang piskal ng pamahalaan upang maibalik sa normal o balanseng direksyon ang ekonomiya.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan (IkatlongMarkahan–Quiz #5)


Patakarang Piskal

Pangalan:_______________________________________________________________________________Petsa:__________________Iskor:__________
Isulat ang E kung ang pahayag ay tumutukoy sa Expansionary Fiscal Policy at C kung ito ay tumutukoy sa Contractionary Fiscal Policy. Isulat ang
sagot sa patlang.
_____ 1. Isinasagawa upang mapataas ang output.
_____ 2. Binabawasan ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya.
_____ 3. Ginagamit ito ng pamahalaan upang isulong ang ekonomiya lalo na sa panahon ng recession.
_____ 4. Nagdadagdag ng gastos at bumubili ng maraming kalakal at paglilingkod ang pamahalaan.
_____ 5. Binabawasan ng pamahalaan ang pagbabayad ng buwis.
_____ 6. Kumukuha ang pamahalaan ng karagdagang manggagawa.
_____ 7. Pinapababa ng pamahalaan ang demand sa pamamagitan ng pagbabawas ng gastos.
_____ 8. Layunin nito na pabagalin ang pagsulong ng ekonomiya.
_____ 9. Tataas ang presyo ng mga bilihin.
_____ 10. Tinataasan ng pamahalaan ang pagsingil ng buwis.
Tukuyin kung tama o mali ang ipinapahayag ng mga pangungusap. Isulat ang tsek (√) kung tama at ekis (X) naman kung mali sa patlang.
____1. Sa buwis nagmumula ang mga proyekto ng pamahalaan para sa mga mamamayan.
____2. Patakarang Piskal ay tungkol sa polisiya ng pagbabadyet.
____3. May dalawang uri ang Patakarang Piskal.
____4. Layunin ng patakarang Contractionary Fiscal na pasiglahin ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya.
____5. Layunin ng patakarang Expansionary Fiscal na bawasan ang kasiglahan ng pambansang ekonomiya.
____6. Magiging masigla ang pambansang ekonomiya, kung taasan ang paggasta ng pamahalaan at bawasan ang halagang ibinabayad na
buwis.
____7. Overheated Economy ang tawag sa ekonomiyang umabot sa pinakamataas na empleyo.
____8. Papel ng pamahalaan na magtakda ng mga patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad at matiwasay na ekonomiya.
____9. Ang mataas na paggastos ng pamahalaan ay nakapagpapatamlay sa ekonomiya.
____10. Ang pamahalaan ay isang mahalagang kabahagi sa pagsasaayos at pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya maliban sa alin?
A. Mamamayan B. Pamahalaan C. Bahay-Kalakal D. Sundalo
2. Ano ang patakarang piskal na makakahikayat sa mga tao na gumastos at bumili ng mga produkto?
A. Contractionary Policy B. Expansionary Policy C. Patakarang Pananalapi D. Patakarang Piskal
3. ang maaaring dulot nito sa pangkalahatang demand sa pamilihan?
A. Tataas ang demand C. Bababa ang demand
B. Walang magbago sa demand D. Lahat ay posibleng mangyari
4. Ipatutupad ang patakarang ito kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya.
A. Contractionary Fiscal Policy C. Demand Pull
B. Expansionary Fiscal Policy D. Cost – push
5. Aling patakaran ang tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya?
A. Contractionary Policy B. Expansionary Policy C. Patakarang Pananalapi D. Patakarang Piskal
Essay: Kung ikaw ay magiging tagapagpatupad ng patakarang piskal, anong ahensiya ng pamahalaan ang paglalaanan mo ng mataas na badyet
? Bakit? (10 points).
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul 6:
Patakarang Pananalapi
Konsepto Bilang I:
Ang Patakarang Pananalapi o Monetary Policy ay ang paggamit o pagkontrol ng suplay ng salapi at antas ng interes upang mapalago
ang ekonomiya at mapatatag ang presyo sa pamilihan. Ito ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa
sirkulasyon.
Ang anumang bagay na tinatanggap na pamalit ng mga produkto at serbisyo ay matatawag na salapi.
Expansionary Money Policy. Ito ay pamamaraan ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa. Ipinapatupad
ito ng pamahalaan upang mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo. Ibababa ng pamahalaan ang interes
sa pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang mga negosyo.
Makalilikha ito ng maraming trabaho kaya mas marami ang magkakaroon ng kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas ng
kabuuang demand para sa sambahayan at bahay-kalakal.
Contractionary Money Policy. Ito ay pamamaraan ng pamahalaan kapag nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa
ekonomiya. Kapag ang demands ay mas mabilis tumaas kaysa produksiyon, tataas ang presyo. Kapag tumaas na ang presyo, ang mga
manggagawa at mga empleyado ay hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. Kapag
tumaas ang presyo ng mga bilihin at ng mga salik sa produksiyon ay nagpatuloy, mas lalong tataas ang pangkalahatang presyo. Upang
maiwasan ito, ipapatupad ng BSP ang contractionary money policy upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan.
Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon. Kasabay rito ang pagbabawas ng sahod ng mga manggagawa kaya naman
ang paggasta o demand ay bumababa. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan ng pagbagal ng ekonomiya.
MGA INSTRUMENTO NA GINAGAMIT NG BSP UPANG MAIPATUPAD ANG PATAKARANG PANANALAPI
1. Fiat Money Authority – ang BSP lamang ang may kapangyarihang mag-imprenta ng salapi sa bansa. Kung kailangan ng karagdagang salapi sa
sirkulasyon, maaaring mag-imprenta ng salapi upang punan ito.
2. Laang Reserba (Required Reserved) – ito ay bahagi ng idinedeposito ng mga tao sa bangko na kailangang itabi ng bangko at hindi ipautang.
3. Pagdidiskuwento – Bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP kung magkano ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang interes na ito
ay tinatawag na rediscounting.
4. Open-market Operation – ito ay pagbebenta o pagbili ng mga papel ng pagkakautang ng pamahalaan o government securities na direkta sa pamilihan.
5. Pagbebenta at pagbili ng dayuhang salapi – maaring magbenta at bumili ang BSP ng dolyar sa pamilihan. Kapag bumili ang BSP ng dolyar;
binabayaran ito ng piso, kung ang BSP naman ang nagbebenta ng dayuhang salapi, nakatatanggap naman siya ng piso, sa ganitong paraan
nakokontrol ang suplay ng salapi gamit ang pamamarang ito.
6. Moral Suasion – ang BSP ay may di-matatawarang impluwensiya sa mga bangko. Dahil sa impluwensiyang ito, maaari nang maiderekta ang mga
gawain ng mga bangko ayon sa layunin ng pamahalaan. Maaaring kausapin ng gobernador ng BSP ang mga bangko upang maipaliwanag ang
sitwasyon ng ekonomiya at kung paano makatutulong ang mga bangko upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na kinakaharap ng bansa.
Konsepto Bilang II:
Bangko- ay isang institusyong pampananalapi na tumatanggap ng mga deposito at ginagamit ang mga ito sa mga pagpautang o hindi tuwirang
pagpapautang; na maaaring tuwirang pagpapautang o hindi tuwirang pagpapautang gaya ng merkado ng mga capital.
MGA URI NG BANGKO
1. Bangkong Komersiyal –pinakamalaking grupo ng bangko pagdating sa puhunan at ari-arian. Tumatanggap ang bangkong ito ng demand
deposit at iba pang serbisyong pampinasyal. Sila rin ay pinapayagang tumanggap ng papeles ng pagkakautang.
Halimbawa: BPI, Union Bank, Metrobank at Equitable PCI Bank.
2. Bangko ng Pag-iimpok (Thrift Banks) – pangunahing gawain ng bangkong ito ang tumanggap ng mga impok ng mga mamamayan at ipautang
ito sa mga mamumuhunan upang sila ay tumubo.
Halimbawa:Allied Savings Bank, Banco Filipino Savings Bank, Mortgage Bank at BPI Family Savings Bank
3. Bangkong Rural – bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at bayan kung saan limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran dahil sa maliit
lamang ang kanilang puhunan. Karaniwang kliyente ng ganitong bangko ay mga magsasaka, mangingisda at mga taong nabibilang sa sektor ng
agrikultura. Hal: One Network Bank, Eastwest Bank, Katipunan Bank, Rizal Bank, Rizal Rural Bank.

MGA ESPESYAL NA BANGKO


a. Development Bank of the Philippines (DBP) – naitatag ang bangkong ito ng pamahalaan upang magpautang sa mga proyektong
pangkaunlaran, lalung lalo na sa larangan ng pagpapatayo at pagpapalago ng industriya ng bansa. Nagpapautang ito sa mababang interes.
b. Land Bank of the Philippines (LBP) – itinatag ang bangkong ito bilang katuwang ng programa sa repormang agraryo ng bansa. Ito ang
pinanggagalingan ng pondo ng programa at nagbibigay ng pautang at tulong sa mga magsasakang nakasama sa repormang agraryo.
c. Islamic Bank (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines)
Dahil sa ibang kultura ng mga Muslim, kailangan nila ng espesyal na bangko na hindi lamang institusyong pananalapi kundi susunod din
sa alituntunin ng kanilang relihiyong Islam na may kinalaman sa pananalapi, pangungutang, pagbabayad at pakikipagkalakalan.
Mga Institusyong Di-Bangko
1. Kooperatiba- layunin nito ay programang panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at pagkakaisa.
Hal. Zaneco Electric Cooperative, Paglaum Cooperative.
2. Bahay Sanglaan o Pawnshop- nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral.
3. Kompanyang Seguro – ito ay nahahati sa dalawa: ang pribado at pag-aari ng pamahalaan.
a. Government Service Insurance System (GSIS)- nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga kawani na nagtatrabaho sa mga
ahensiya ng gobyerno, local na pamahalaan, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno.
b. Social Security System (SSS)- nagbibigay seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan katulad ng pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro, pagkamatay, at pagdadalan-tao.
c. Pagtutulungan sa kinabukasan: Ikaw Bangko, Industriya at Gobyerno (PagIBIG Fund)- layunin nito na tulungan ang mga kasapi sa
papubliko at pampribado na kawani sa pabahay.
4. Registered Companies: ang mga rehistradong kompanya (registered companies) ay yaong mga kompanya na nakarehistro sa komisyon ng
Securities and Exchange Commission o SEC.
5. Pre-Need- Maaaring magbenta ang isang Pre-need company ng “single” at “multi-plan”, layunin nito na maibigay ang karampatang serbisyo sa
takdang panahon o pagbibigay ng naaayong halaga ng pera sa takdang panahon ng pangangailangan.
6. Insurance Companies- ay mga rehistradong korporasyon sa SEC na bibigyan ng karapatan na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.
Mga Regulators:
1. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)- Itinuturing na bangko ng mga bangko ang Bangko Sentral ng Pilipinas dahil sinusubaybayan nito ang lahat
ng institusyon sa pananalapi.
Mga Tungkulin ng BSP
 Mapanatili ang katatagan ng pananalapi
 Maitaguyod ang pagtaas ng antas ng produksiyon, empleyo at tunay na kita ng mamamayan
 Mapangalagaan ang internasyonal na halaga ng piso at ang palitan nito sa dayuhang salapi
 Mapanatili ang katatagan ng presyo na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya
2. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)- layunin nito na mabigyan ng proteksiyon ang mga depositor at mapanatiling matatag ang
sistemang pinansiyal sa bansa.
a. Bilang taga seguro ng depositor (Deposit Insurer)
1. Pagbabayad ng nakasegurong deposito
2. Assessment at Collection
3. Risk Management
b. Bilang Receiver at Liquidation ng Nagsarang Bangko
1. Namamahala sa nagsarang bangko
2. Pagbebenta ng ari-arian ng nagsarang Bangko (Liquidation of assets of closed bank)
c. Bilang Imbestigador
3. Securities and Exchange Comission (SEC)-Nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa.
4. Insurance Commission (IC)- Nanganagsiwa at namamatnubay sa mga negosyo ng pagseseguro (Insurance business) layunin nito na
panatilihing matatag ang mga kompanyang nagseseguro sa buhay ng tao.
PANDAIGDIGANG INSTITUSYONG PANANALAPI
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lahat ng bansa ay naharap sa matinding kahirapan at pagkawasak ng ekonomiya dulot ng
digmaan. Itinatag ang tatlong pangunahing institusyon upang mamahala sa gagawing rehabilitasyon at sa sistema ng pandaigdigang kalakalan.
Ito ay ang:
1. World Bank (WB) – layunin nito na magbigay ng tulong pananalapi at payo sa mga bansang kasapi nito para sa kanilang programang
pangkaunlaran, pagbawas sa kahirapan at proteksiyon sa pandaigdigang pamumuhunan.
2. International Monetary Fund – tumitingin sa pandaigdigang sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng pag-aaral sa palitan ng dayuhang salapi
at balanseng kita ng mga bansa sa mundo. Ito rin ay nagbibigay ng teknikal at tulong pinansyal kapag may pangangailangan at may humingi ng
tulong.
3. General Agreement on Tariffs and Trade (GATT ) – Naitatag ito upang itaguyod ang internasyonal na kalakalan sa pamamagitan ng pagbawas
o pagtatanggal ng mga hadlang sa kalakalan katulad ng taripa o quota.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

Araling Panlipunan (IkatlongMarkahan–Quiz #6)


Patakarang Pananalapi
Suriin ang mga sitwasyon gumuhit ng nakangiti na mukha kung mainam at malungkot na mukha kung di mainam sa patlang.
_______1. Madagdagan ang oras ng pagdedeposito sa bangko _______6. Mahabang panahon na pagbabayad ng utang ng mga manggagawa
_______2. Pagpapautang sa mga mahihirap na tao _______7. Pagbaba ng pension ng mga retirado
_______3. Mababang interes sa mga pautang ng bangko _______8. Walang insurance sa perang nakalagak sa bangko
_______4. Mataas na interes sa mga nakadepositong bangko ________9. Maikling oras ng paghihintay sa loob ng bangko
_______5. Mabilis na proseso sa pangungutang sa bangko _______10. Madalas na offline ang mga ATM
Tukuyin kung nakatutulong o nakasasagabal ang mga sumusunod sa ating ekonomiya. Isulat sa patlang ang tsek (√) sa nakakatulong at ekis (X)
sa nakasasagabal.
_____1. Pagtaas ng halaga ng dolyar laban sa piso _____6. Naging matatag ang piso laban sa dolyar.
_____2. Nasangkot ang Bangko Sentral sa treasury bill scam. _____7. Nababawasan ang laman ng ATM nang hindi mo alam.
_____3. Madalas na paggamit sa mga bangko bilang scam. _____8. Marami ang natutulungang mga magsasaka.
_____4. Madaming tao ang nahihikayat na manguha ng insurance. _____9. Nahihikayat mag-impok sa bangko ang mga tao.
_____5. Dumarami ang bangko nagsasara (pagkalugi). _____10. Dumarami ang nagungutang sa mga 5/6.
Punan mo ng salita ang bakanteng guhit na angkop sa kanyang kahulugan. Isulat sa patlang ang sagot.

Bahay Sanglaan Money Exchanger Fiat Money Authority


Required Reserved Pagdidiskwento Open Market Operation
Commercial Bank Bangko ng pag-iimpok Pera Rural Bank

1. ____________________________________ nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral na karaniwang alahas, kasangkapan o kagamitan
upang matiyak ang pagbabayad ng nangungutang.
2. _________________________________nasa ilalim ng pamamahala ng BSP upang legal na makapagpalit ng mga dayuhang salapi sa piso.
3. ____________________________________________ang BSP lamang ang may kapangyarihang mag imprenta ng salapi sa bansa.
4. __________________________________bahagi ng idinedeposito ng mga tao sa bangko na kailangang itabi ng bangko at hindi ipautang.
5. ______________________________________bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP kung magkano ang interes ng kaniyang
pagpapautang. Ang interes na ito ay tinatawag na rediscounting.
6. ______________________________________________pagbebenta o pagbili ng mga papel ng pagkakautang ng pamahalaan o government
securities na direkta sa pamilihan.
7. ______________________________________________tumatanggap ito ng demand deposit at iba pang serbisyong pampinansyal.
8. _____________________________________________pangunahing gawain nito ang tumanggap ng mga impok ng mga mamamayan at
ipautang ito sa mga mamumuhunan upang sila ay tumubo.
9. _______________________________________________tinatanggap na pamalit ng mga produkto at serbisyo.
10. _____________________________________________karaniwang kliyente nito ay mga magsasaka,mangingisda at mga taong nabibilang sa
sector ng agrikultura.
Sagutan ang palaisipan ng mga salitang tumutukoy sa mga bilang ng crossword puzzle ayon sa paglalarawan.
Pahalang
1. Bangko ng mga bangko
4. Tumutulong sa mga kasapi nito na magkaroon ng sariling bahay
5. Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng pamahalaan
6. Itinatag ang bangkong ito upang tulungan ang pamahalaan
7. Pangunahing layunin nito na itaguyod ang pagpapatupad ng reporma sa lupa
8. Naglalayong tulungan ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan
9. Humihikayat sa mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi ng kanilang kita.
Pababa
2. Pangunahing layunin ay tulungan at itaguyod ang mga pangangailangan ng Muslim.
3. Ito ang nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa mga pribadong manggagawa sa mga pribadong industriya.

You might also like