You are on page 1of 9

1

Aralin
Panitikan: Parabula Tungkol

1 sa mga Salaping Ginto


Paggamit ng Matatalinghagang Pahayag

Sa araling ito babasahin mo ang isang parabula mula sa isa sa mga akda ng
Israel. Mararanasan mong mag-isip bilang manunulat at matutuhang gumamit ng ilang
matatalinghagang pahayag sa isang parabula.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na
kasanayan:

1. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa


tunay na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-50)
2. Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral (F9PU-IIIa-53)
3. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag
(F9WG-IIIa-53)
Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang papel.

Basahin ang mga susumusunod at isulat sa unahan ng bilang ang titik ng tamang
sagot.
1. Genre ng panitikan na karaniwang nagmumula sa Bibliya at kinapapalooban ng
matatalinghagang pahayag.
A. Nobela B. Sanaysay C. Pabula D. Parabula
2. Kanino maihahalintulad sa tunay na buhay ang mangangalakal sa parabula ng
magsasalapi ng ginto?
A. diyos o bathala B. sarili C. nanay D. tatay
3. Ang isang taong may busilak na puso ay hindi kayang manlamang. Ang nakasalungguhit
na salita ay nangangahulugang…
A. Malambot B. Mabait C. Buhay D. Mapag-imbot
4. Nais niyang manguna sa klase kaya siya ay nagsusunog ng kilay. Ang nakasalungguhit na
salita ay nangangahulugang…
A. Nag-aaral nang Mabuti B. nag-aahit ng kilay C. nagpupuyat
D. nagsusunog ng kilay
5. Isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng kuwento. Ayon kay Alejandro Abadilla, ito ay
“Salaysay ng isang sanay”
A. Nobela B. Pabula C. Parabula D. Sanaysay

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
2

Balik-tanaw

Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang titik na T kung tama, at M
naman kung mali.

_____1. Bumalik ang pangatlong anak na lalaki at humingi ng paumanhin sa mga


ginawa niyang kasalanan. (Parabula ng Alibughang Anak)
_____2. Sumama ang loob ng panganay na anak sa kaniyang ama at kapatid dahil kahit
kailan sa buong buhay niya ng paglilingkod ay hindi siya napaghandaan nito. (Parabula
ng Alibughang Anak)
_____3. Ang pagsulat ng sariling akda ay kasanayan sa pakikipagtalastasan na
naisatitik ang mga nakalap na impormasyon mula sa pagbasa. (Recuba,et.al 2000)
_____4. Ang kakayahang linggwistiko ay abilidad ng isang tao na makabuo at
makaunawa nang maayos at makabuluhang pangungusap.
_____5. Sa pagsulat mo ng sariling akda, nararapat na ipakita ang kakayahang
makalikha.

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa isang parabula mula sa bansang


Israel na isa sa mga bansang kabilang sa Kanlurang Asya.

Parabula Tungkol sa mga Salaping Ginto


May isang mangangalakal na nagbalak na magtungo sa isang malayong lugar.
Matagal tagal din siyang mawawala kung kaya’t ipinatawag niya ang tatlong taong higit
na pinagkakatiwalaan sa kaniyang pangangalakal. Ang kaniyang sabi, “aalis ako at
ihahabilin ko muna sa inyo ang aking negosyo. Kayo muna ang bahala rito. Ngunit bago
ako umalis, mag-iiwan ako ng salapi para sa bawat isa sa inyo. Ang unang katiwala ay
binigyan niya ng limang pirasong ginto, ang ikalawa ay binigyan niya ng dalawang
pirasong ginto, at ang ikatlo ay pinagkalooban niya ng isang pirasong ginto. Pagkatapos
noon ay lumakad na ang mangangalakal na hindi sinabi kung kailan siya babalik. Ang
ginawa ng unang katiwala ay ipinamuhunan niya ang limang piraso ng ginto. Maayos
niyang ginamit ito sa negosyo at sa loob ng ilang panahon, naging doble ang kaniyang
ginto. Naging sampung piraso ang mga gintong iniwan sa kaniya ng mangangalakal.
Gayon din ang naisip ng ikalawang katiwala. Ang dalawang pirasong ginto ay pinaikot
niya sa negosyo, at pagkaraan ng ilang panahon, nadoble ang halaga ng ginto. Naging
apat na piraso ang mga gintong ipinagkatiwala sa kaniya ng mangangalakal. Ang
ikatlong katiwala ay lubhang nagtaka sa ginawa ng amo. Hindi niya maubos- maisip
ang kaniyang gagawin sa kayamanang nasa kaniyang kamay. Hindi rin niya malaman

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
3

kung saan niya ito itatago. Baka malaman ng iba at manakaw ito. Tiyak na lagot siya sa
kaniyang amo. Kung kaya, maingat siyang humukay sa likod bahay, binalot niyang
maigi ang ginto, at saka ibinaon. Kung sakali, madali niya itong mahuhukay kapag
binawi na ito ng mangangalakal. Lumipas ang ilang taon, at nakaisip ng bumalik ang
mangangalakal. Ipinatawag niya kaagad ang tatlong katiwala at hiningan ng ulat hinggil
sa mga gintong iniwan niya sa mga ito. "Narito po ang sampung pirasong ginto. Nagawa
ko pong doble ang inyong iniwan. Tanggapin po ninyo ang inyong salapi," wika ng
unang katiwala at saka buong galang na yumukod sa kaniyang amo. "Magaling!
Magaling!" tuwang-tuwang wika ng mangangalakal. "Salamat sa iyong pagpapakasakit
at katalinuhan. Bilang gantimpala sa iyong kabutihan, sa iyo na ang mga gintong iyan.
At halika, magmula ngayon ay bibigyan kita ng marami pang responsibilidad sa aking
negosyo."
Lubos na nagpasalamat ang katiwalang halos hindi makapaniwala sa narinig,
Sumunod namang nag-ulat ang ikalawang katiwala. "Ang iniwan po ninyong dalawang
piraso ng ginto ay nagawa kong maging apat na piraso. Narito po at tanggapin ninyo."
Katulad ng nauna, tuwang-tuwa rin ang mangangalakal. Sinabi niyang ipinagkakaloob
na niya ang apat na pirasong ginto sa katiwala, bilang pagkilala sa kasipagan at
kagandahang-loob nito. At bukod doon, bibigyan din niya ito ng iba pang mga
responsibilidad sa kaniyang kalakal. Sumunod na humarap ang ikatlong katiwala.
Nginig na nginig ito sa takot. Iniabot niya ang balot na balot pang ginto. "Heto po ang
gintong inyong ibinigay. Iningatan ko po iyan nang labis. Binantayan ko po iyan nang
maigi upang hindi po manakaw. Ang ginawa ko po ay ibinaon ko ang ginto sa likod ng
aming bakuran. Ngayon po ay isinasauli ko na sa inyo ang ginto.
Saglit na nanahimik ang mangangalakal. Kumunot ang kaniyang noo. "Ibinaon
mo lamang ang gintong ibinigay ko sa iyo?" tanong nito sa seryosong tinig. "Bakit hindi
mo man lamang inilagay sa bangko upang magkaroon ng interes kahit paano?"
"Kasi...kasi po...," takot na takot na paliwanag nito. "Alam ko po kasing mabagsik
kayo. Magagalit po kayo kapag naiwala ko ito o kapag nabawasan ito."
"Ah, hindi ka mapagkakatiwalaan kung gayon," sabi ng amo. "Hindi ka nararapat na
mabigyan ng dagdag na responsibilidad sa aking negosyo. Akin na ang ginto."
At ibinigay ng mangangalakal ang ginto sa unang katiwala na mayroon nang sampung
piraso ng ginto. "Halikayo rito," tawag ng mangangalakal sa iba pang mga tauhan.
"Palabasin na ninyo iyan, at huwag ng pababalikin pa rito kahit kailan."
-Mateo 25:14-30

Ang iyong binasa ay halimbawa ng parabula. Ang parabula ay mga kuwentong hango
sa bibliya. Ginagamit ito upang makapagturo ng aral. Ginagamit ito upang pumuna sa mga
di-kanais nais na katangian ng isang tao.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
4

Ngayon naman ay tatalakayin nating ang tungkol sa anekdota.

Ano ang anekdota?


Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o
kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay
may dalawang uri: katha at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga
pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

Halimbawa:

Isang mahirap na tao ang tumama ng sweepstakes. Siya ay maysakit sa puso


kaya’t ang ahenteng binilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang
balita nang hindi aatakihin sa puso ang tumama.

Sa kanilang pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano ang magiging damdamin


ng tao kung malaman na ito ay tumama sa suwipstik.

Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Ang
ahente ang inatake sa puso.

Inaasahan ko na lubos mong naunawaan ang iyong binasa. Maaari mo nang


sagutan ang mga gawain.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Isulat sa patlang ang mga katumbas na kahulugan ng mga matatalinghagang salita
mula sa kahon. Pagkatapos isulat ang kahulugan ay gamitin ito sa pangungusap.

a. pag-alis ng biyaya c. mga tao e. mga piniling landas


b. mga biyayang
d. Diyos
natatanggap sa buhay

_________1. Ginto ___________________________________________________


_________2. Negosyo ___________________________________________________
_________3. Mangangalakal ___________________________________________________
_________4. Mga pinagkakatiwalaan__________________________________________________
_________5. Pagpapalayas ____________________________________________________

Gawain 1.2 Mga gabay na tanong:


1.Tungkol saan ang parabula?
____________________________________________________
2. Bakit binigyan ng salapi ng mangangalakal ang kaniyang mga katiwala?
_______________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
5

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang tunay na layunin ng mangangalakal sa


pagkakaloob niya ng mga piraso ng ginto sa mga katiwala?
_______________________________________________________________________________
4. Tama ba ang mangangalakal sa pagkakaloob niya ng gantimpala sa una at
ikalawang katiwala? Pangatwiranan ang kasagutan?
_______________________________________________________________________________
5. Sa anong mga klase ng sitwasyon sa buhay ng isang tao maaring mangyari
ang pangangaral ng parabula?
_______________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagwawasto ng katanungan Bibigyan ka ng sumusunod na
sa bilang tatlo hanggang lima (3-5): puntos:
Mga katangian ng sagot :
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 5 – taglay ang 3 pamantayan
 Mahusay ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng 1 – isang pamantayan lamang
pangungusap

Ang parabula ay mula sa Bibliya na kinatha sa bansang Israel.


Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o
kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao
Ang anekdota ay porma ng isang uri ng salaysay na akdang tuluyang tumatalakay
sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o
tanyag na tao.
Matatalinghagang pahayag
Ito ang mga ekspresyong may malalalim na salita o may hindi tiyak na
kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng Wikang
Filipino.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
6

Sumulat ng isang anekdota tungkol sa magandang pag-uugali ng Pilipino kapag


may delubyo o kalamidad na pinagdaraanan.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagwawasto: (Katangian) Mga pagpupuntos:
Malinaw at organisado na nailahad ang 5- taglay ang 3 pamantayan
layunin sa pagsulat
Napapanahon ang pagsasalaysay 3-dalawang pamantayan lamang
Matibay na nailahad ang mga ideya nang 1-isang pamantayan lamang
may sapat na batayan/sanggunian

Basahin ang parabula. Piliin at ibigay ang kahulugan ng mga matatalinghagang


salita sa akda at gamitin sa pangungusap. Sundan ang halimbawa:

Parabula Tungkol sa Manghahasik


Isang magsasaka ang naghasik ng mga binhi. Sa kaniyang paghahasik, kung
saan-saan nalaglag ang mga binhi. May nalaglag sa may daanan at kaagad itong tinuka
ng mga ibon. Mayroon ding nalaglag sa mga batuhan, at nang tumindi ang sikat ng
araw, nadarang sa init at natuyo ang mga munting binhi. Mayroon din namang mga
binhi na nalaglag sa lupang may mga tinik. Hindi nagkaroon ng pagkakataong
mabuhay ang mga binhi. Ang ilan ay nahulog sa mabuting lupa. Dito, ang mga binhi
ay kumapit na mabuti sa lupa at lumaking malusog na halaman.

Matatalinghagang salita Kahulugan Pangungusap


Halimbawa: Ginto Kakaibang Mayroon siyang ginintuang puso.
kabaitan

Negosyo

Mangangalakal

Mga Pinagkatiwalaan

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
7

Rubrik sa Pagwawasto: (Katangian) Mga pagpupuntos:


Naibibigay ang kabuoang ideya ng mga 5- taglay ang 3 pamantayan
salita ayon sa pangyayari
Nabibigyan ng kahulugan ang mga 3-dalawang pamantayan lamang
matatalinghagang pahayag
Nagagamit sa pangungusap ang bawat 1-isang pamantayan lamang
matalinghagang salita

Sa talaan sa ibaba, isulat ang hinihinging tugon ukol sa aralin.

Mga punto Mga kasagutan


3-tatlong bagay na
iyong natutuhan

2- dalawang bagay na
nakapukaw ng iyong
interes

1-isang bagay na nais


mong itanong

Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang lahat ng gawain.


Ipagpatuloy mo pa sa mga susunod na aralin ang ipinakitang tiyaga sa pag-
aaral.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
8

SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHAN- UNANG LINGGO

Pangalan: ____________________________________ Guro: ____________________


Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: ____________________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw


1111 1 1111 1
1111 2 1111 2
1111 3 1111 3
1111 4 1111 4
1111 5 1111 5

MGA GAWAIN
Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan
1111 1
1111 2
1111 3
1111 4
1111 5
Gawain 1.2 Mga Gabay na Tanong

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
9

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Matatalinghagang salita Kahulugan Pangungusap

PAGNINILAY

Mga punto Mga kasagutan


3-tatlong bagay na
iyong natutuhan

2- dalawang bagay na
nakapukaw ng iyong
interes

1-isang bagay na nais


mong itanong

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Unang Linggo

You might also like