You are on page 1of 2

Reflection Joshua S.

Verches G9- Quirino Navarro

“Ang walis na nagbibigkis ay nakakalinis nang mabilis”


-Anonymous

Importante ang bawat piraso ng tingting sa isang walis upang


makapaglinis ng maayos at mabilis. Ganoon rin ang tao sa ating
lipunan, ang bawat tao ay importante upang makamit ang
kabutihang panlahat. Dahil sa iba’t ibang kakayahan at talento ng
bawat isa, magagawa natin ang bawat gawain sa lipunan.
Tungkulin nating tulungan ang isa’t isa upang umangat, hindi
lamang ang lipunan kundi pati na rin ang ating mga sarili. Kasama
rito ang paglilingkod at pagmamahal sa ating kapwa at sa lipunan.
Ayon kay Sherry Arnsteinis, mayroong mga antas ng
pakikilahok na nagsasaad kung paano tayo makakatulong sa
pagtulong o pababahagi sa lipunang ating kinagagalawan. Kahit ang
pakikilahok ay isang tungkulin, dapat natin itong isagawa sa ating
lipunan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng
lipunan at maibahagi ang sariling kakayahan.
Sa aking nakikita sa ating lipunan ngayon, unti-unti nang
napuputol ang tali na nagbibingkis sa mga tao. Unti-unti nang
nawawala ang pagtutulungan sa isipan ng mga tao at
kapangyarihan na lamang ang nagiging dahilan ng pakikilahok ng
iba. Dapat ay mabago ang pag-uugaling ito at mas payabungin ang
pagkikilahok na may layuning makamit ang kabutihang panlahat.
“Anumang kabutihang ginagawa mo sa iyong pinakaabang
kapuwa, ginawa mo na rin ito sa Akin”
-Mateo 25:40

Tayo ay mga anak ng Diyos, tayo ay kaniyang binuo upang


tulungan ang isa’t isa sa pagprotekta ng mundong kaniyang ginawa.
Ang paggawa natin ng mabuti sa ating kapwa ay paggawa na rin ng
mabuti sa Diyos. Binigyan tayo ng Diyos ng angking kakayahan at
talento, hindi upang gawing kasangkapan ang kapwa kundi upang
matulungan ng ibang may malaking pangangailangan.
Ang pagtulong sa kapwa ay may benepisyo o magandang
epekto rin sa ating mga sarili, tulad na lamang ng paglago ng ating
kakayahan at pag-iisip. Ito ay isang paraan ng Diyos upang
matulungan tayo sa ating layunin na kabutihang panlahat.
Ito ay isang daan upang maging mapanagutan sa lipunan at sa
Diyos sa lahat ng kaniyang binigay sa atin. Pagtanaw ito ng utang na
loob sa kabutihang ibinigay ng Diyos sa atin upang mabuhay sa
mapayapang mundo.
Sa mundo natin ngayon, nakakalimutan na natin ang halaga
ng pagtulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit at pagtanaw
ng utang na loob. Nagiging malayo na ang relasyon ng tao sa Diyos.
Mahalin natin ang ating kapwa at lipunan sa pamamagitan ng
Bolunterismo at pagbibigay o paglilingkod sa mga taong hindi
biniyayaan.

You might also like