You are on page 1of 8

EsP

Ikatlong Markahan
Aralin 9: Katarungang Panlipunan
 Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapuwa, lalo na sa mga kritikal na
sitwasyon sa buhay dahil ang tao ay umiiral na kasama ang ibang tao. Matutugunan lamang ito kung may
nabubuong ugnayan na pinamamayanihan ng katarungan ang nakapaligid sa atin.
Kahulugan ng Katarungan
 katarungan – pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya
 Ang katarungan ayisang at hindi isang pagtanggap. (Dr. Manuel B. Dy Jr.)
 Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa
pagkiling sa sariling interes.
 Ang nararapat sa kapwa ay ang pagpapahalaga sa kaniyang hindi malalabag na espasyo ng kaniyang
pagka-indibidwal – ang kaniyang dignidad bilang tao.
 Ang pagiging makatarungan ay minimum na pagpapakita mo ng pagmamahal bilang tao na namumuhay
kasama ang iba.
 Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang
indibidwal. (Santo Tomas de Aquino)
 kilos-loob – isang makatuwirang pagkagusto na mapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao.
Makatarungang Tao
 Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng
kapuwa. Isinasaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao. Itinatalaga mo ang iyong sarili para
rito sa kabila ng napakaraming hindi patas na sitwasyon na maaaring nararanasan mo at maaaring minsan
ay ikaw rin mismo ang may gawa. (Andre Comte-Sponville, 2003)
 Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang laban dahil sa katotohanang mahirap
kalabanin ang mismong sarili.
Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan
 Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang tao kung hindi sila umaasa, walang kompetisyon, o
hindi nag-aagrabyado sa isa’t isa.
 Hindi makatarungan ang ugnayan ng dalawang tao kung ang isang panig ay nagbibigay-hadlang sa
pamumuhay at buhay ng kabilang panig.
 Kung nilalabag ang karapatang pantao, mawawalan ng katarungan.
 Mahalagang tandaan na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng
bawat isa anumang ugnayan mayroon ka sa iyong kapuwa.
Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan
 pamilya – unang nagbigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan
 Ang katarungan at kawalan ng katarungan ay hindi nakabatay sa iyong mga pagkakamali at sa mga
patakaran na sinasabi ng iyong mga magulang.
 Naunawaan mo sa tulong ng iyong mga karanasan na nagiging makatarungan ka kapag iginagalang mo
ang mga karapatan ng iba at isinasaalang-alang mo ang kabutihang panlahat.
 Dahan-dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay.
 May apat na aspekto na mahalagang pagtuunan mo ng pansin sa pagsasanay sa loob ng inyong pamilya
upang mahubog sa iyo ang katarungan.
1) Ipinapaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangan mong gawin ang mga
makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba nila upang maiwasan mo ang
hindi makatarungang gawain?
2) Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa?
3) Nililinaw ba nila sa iyo ang paggkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibang tao lalo na ang
mga nakapaligid sa iyo?
4) Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi sa sarili at pagsasaayos ng iyong mga
pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba?
 Ang apat na aspekto ng pagsasanay ay ginagamitan ng isip at kilos-loob.
o kilos-loob – ginagamit sa una at ikaapat na punto
o isip – ginagamit sa ikatlong punto
o isip at kilos-loob – ginagamit sa ikalawang punto
Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal na Kaayusan ng Katarungan
 Ang mga legal na batas ay kailangang nakaangkla sa moralidad ng kilos. Kung hindi, ang legal ng kaayusan
ay mawawalan ng kahulugan.
 Ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas. Ang legal na kaayusan kung gayon ay
nararapat na maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan.
 batas moral – panloob na aspekto ng katarungan
 batas sibil – panlabas na aspekto ng katarungan
 Sa batas, lahat tayo ay magkapantay.
Katarungang Panlipunan
 Ang katarungang panlipunan ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kundi sa
ugnayan din niya sa kalipunan (Dr. Dy)
o kapuwa – personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao
o kalipunan – ugnayan ng tao sa isang institusion o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang
institusiyon
 katarungang panlipunan – namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa at sa
ugnayan ng tao sa kalipunan, inilalagay nito sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon sa kraytirya ng
pagsunod sa batas
 Mayroong apat na katangiang ang katarungang panlipunan:
1) Paggalang sa karapatan ng bawat tao
2) Paglampas sa pansariling interes
3) Pagsasaalang-alang sa kabuuang sitwasyon upang tunay na makamit ang kabutihang panlahat
Mga Kaugnay na Pagpapahalaga
 Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao.
o Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa kaniyang pagkatao.
o May dignidad ang tao dahil may halaga siya. Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang
nararapat sa kaniya.
o Ang katarungang panlipunan, kung gayon, ay nakatuon sa kabutihan ng mga ito.
 Makakamit rin ang katarungang panlipunan sa tulong ng katotohanan.
o Sa paghahanap ng katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuan ng isang sitwasyon.
o Ang katotohanan ay ang pag-unawa na may iba pang apektado sa siywasyon, hindi lamang ikaw.
o Upang matugunan ang pangangailangan ng katarungang panlipunan, kailangan mong makipag-
usap at makipagdiyalogo sa iba pang sangkot sa sitwasyon.
 Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal.
o Ang pagmamahal bilang isang pagpapahalaga ay isang aktibong pagkalinga sa kapuwa na
napapaunlad sa kaniyang mga kakayahan bilang tao.
o Kung ang katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng pagmamahal, ito ay hindi lamang
isang simpleng pag-iwas na makasakit o makapinsala sa kapuwa, kundi ito ay positibong paglapit
sa kaniya upang samahan at suportahan siya sa kaniyang pagtubo bilang tao at sa pagpapaunlad
niya ng kaniyang mga potensiyal.
 Ang pagmamahal ay siyang puso ng pagkakaisa.
o May pag-asang maghilom ang sugat ng pagkakahati-hating ito ng ating bansa sa bisa ng
pagkakaisa.
o Kailangan na maging bukas tayo at handang isakripisyo ang ating pansariling adhikain para sa
pagkakaisa tungo sa kabutihang panlahat.
 Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan. (Santo Papa Juan Pablo II)
 Makabubuting tahakin ang landas ng katarungan at pagmamahal tungo sa pagkakaroon ng kapayapaan.
o Ang pagmamahal ay magbubunga ng kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan at
hindi ng sandatahan.
o Ang kapayapaan ay ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng
katarungan.

Aralin 10: Kagalingan sa Paggawa


 Ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa
sarili, kapuwa at sa Diyos. (Laborem Exercens)
 kagalingan sa paggawa – nangyayari kung mayroong kagustuhang maisabuhay ang layunin ng paggawa
 Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang mga sumusunod na katangian:
1) Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga – Ang isang matagumay ay may mga pagpapahalagang
humuhubog sa kanya upang harapin ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng
mithiin, ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng kakaibang produkto na may kalidad.
a) Kasipagan – pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso at may
malinaw na layunin sa paggawa
b) Tiyaga – pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid,
isinasantabi ang mga kaisipang makahahadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain
tulad ng: pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa likha ng iba
c) Masigasig – pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang nararamdaman sa
paggawa ng gawain o produkto, ang antensyon ay nakatuon lamang sa produkto o
gawaing lilikhain
d) Malikhain – produktong lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng panggagaya
o pangongopya ng gawa ng iba, orihinal, bago, at kakaiba ang produkto
e) Disiplina sa Sarili – alam ang hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang
sa ibang tao, inisantbi ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao
2) Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan – Mahalaga ang mga kasanayan sa pagkatutuo
na may tatlong yugto.
a) Pagkatuto Bago ang Paggawa – yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng
isang gawain o produkto
b) Pagkatuto Habang Ginagawa – yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang maaaring
gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga kongkretong hakbang
c) Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain – yugto ng pagtataya sa naging resulta o
kinalabasan ng gawain, malalaman mo ang mga kilos at pasiya na dapat panatilihin at
baguhin
3) Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos
 Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ay
kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos at
iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa Kaniya.
 Ang paggawa ng mabuti at may kahusayan ay may balik na pagpapala mula sa Diyos.
 Leonardo da Vinci – pinakadakilang henyo sa lahat
 Mayroon ring mga katangian ay makatutulong din upang magkaroon ng matalinong pag-iisip na katangian
upang maisubahay ang kailangan sa paggawa.
1) Pagiging Palatanong (Curiosita) – taong mausisa, may likas na inklinasyon na alamin ang mga
bagay-bagay sa kaniyang paligid, mariming tanong na hinahanapan niya ng mga sagot
2) Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang Pagiging
Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione) – pagkatuto mula sa mga hindi
malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang maulit ang anumang
pagkakamali
3) Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang Mabigyang-buhay
ang Karanasan (Sansazione) – tamang paggamit ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-
pakinabang
4) Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato) – pagiging bukas sa pagdududa,
kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na hindi pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag, o
may higit sa isang interpretasyon o kahulugan
5) Ang Paglapat ng Balanse sa Sining, Siyensya, Lohika at Imaginasyon (Arte/Scienza) – pagbibigay-
halaga nang may balanse sa paghahanap sa kagandahan (beauty) at katotohanan (truth) gamit
ang sining (art) at siyensya (science)
6) Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita) – tamang pangangalaga
sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman
7) Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione) – pagkilala at
pagbibigay-halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga pangyayari sa isa’t isa.

Aralin 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok


 kasipagan – tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad,
tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian, tumutlong sa tao upang mapaunlad
niya ang kaniyang pagkatao
 Mayroong tatlong palatandaan ang taong nagtataglay ng kasipagan.
1) Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa – hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa,
sinisiguro niya na maging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain
2) Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal – nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang
trabaho, ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa
3) Hindi umiiwas sa anumang gawain – hindi umiiwas sa anuman gawain lalo na kung ito ay
nakaatang sa kaniya, ginagawa niya nang maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang
gawain ng iba ay kaniyang ginagawa
 katamaran – kabaligtaran ng kasipagan, hindi dapat natin taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang
gaeain, hanapbuhay, o trabaho, pumipigil o humadlang sa tao upang siya ay magtagumpay
 pagpupunyagi – pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong launin o mithiin sa buhay, may kalakip na
pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at determinasyon, pagtanggap sa mga hamon o pagsubok na may
kahinahunan at hindi nagrereklamo, patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang
mithiin
 pagtitipid – kakambal ng pagbibigay, birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana
kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba, hindi paggast ng pera nang walang
saysay
 Ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid ay ang maging mapagkumbaba at matutuong makunteto sa
kung anong meron ka.
 pag-iimpok – paraan upang makapag-ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa
takdang panahon
 Kailangang mag-impok dahil hindi napupulot ang pero, hindi ito mapipitas sa mga puno, o di kaya hindi ito
nalalaglag mula sa langit.
 Ang pera ay makatutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
(Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs)
 May tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao. (Francisco Colayco)
1) Proteksiyon sa buhay – para sa mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao
2) Hangarin sa buhay – nagiging motibasyon ng iba, mahalaga na matamo ito bilang bahagi ng ating
kaganapan sa buhay
3) Pagreretiro – para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin pa ang magtrabaho
 Kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi opsiyonal. (Francisco Colayco)

Aralin 12: Pamamahala sa Paggamit ng Oras


 oras – ipinagkatiwala sa tao
 Ang konsepto ng pagiging katiwala ay nagmula sa prinsipyo na mayroong nagmamay-ari ng mga bagay at
inilalagay ng may-aring ito ang isang tao upang pangasiwaan ang kaniyang mga pag-aari.
 Bilang katiwala, tinatawag tao na gamitin ang oras nang may pananagutan sapagkat hindi ito magbabalik
kailanman.
 Mapamamahalaan mo ang oras dahil ito ay pirmihan na pagsulong at hindi pabalik.
Kahulugan
 pamamahala sa oras – tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at produktibong paggamit nito sa
paggawa, isang tahasang aksiyon ng pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa isang ispesipikong
gawain
Pagtakda ng Tunguhin sa Paggawa
 Upang masimulan ang epektibong pamamahala sa paggamit ng oras, kailangan ang pagtakda ng tunguhin
sa iyong paggawa.
 Sa pagtakda ng tunguhin, gamitin ang SMART.
1) Tiyak (Specific) – Ang tunguhin ay tiyak kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais
namangyari sa iyon paggawa.
2) Nasusukat (Measurable) – Ang tunghuin ay nasusukat kung kaya mo itong gawin at isakatuparan.
3) Naaabot (Attainable) – Ang tunguhin ay makatotohanan, maaabot, at mapanghamon.
4) Reyalistiko (Realistic) – Ang tunguhin ay reyalistiko kung ito ay pangangailangan ng iyong kapuwa
at kung ito ay nakabubuti.
5) Nasusukat sa panahon (Time Bound) – Ang tunguhin ay nasusukat sa panahon kung nagbibigay
ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo maisasakatuparan nito dahil ang haba ng panahong
gugulin ay may kaugnayan sa pagtupad nito.
Pagsimula sa Tamang Oras
 Ang hamon sa pamamahala sa paggamit ng oras ay nag-uumpisa sa bawat pagsimula ng araw.
 Mahalaga ang katatagan mo upang malabanan mo ang hilig ng iyong katawan.
Pamamahala sa Pagpabukas-bukas
 Ang pagpapabukas-bukas ay ang puwang mula sa oras na binabalak mong gawin ang isang bagay at sa
aktuwal na oras ng iyong paggawa. Ang puwang ng oras na ito ay siya na sanang kukumpleto o tatapos sa
bagay na iniiwasan o ipinagpapalipan mong gawin. (Clarry Lay)
Mga Indikasyon ng Pagpapabukas-bukas
1) Paghahanap ng dahilan na iwanan ang isang gawaing nasa mataas na prayoridad.
2) Pagpapalipan ng isang gawain dahil hindi mo pa ito gustong gawin.
3) Paggawa ng mga bagay na hindi kasing halaga sa mga nakalista sa iyong prayoridad.
4) Paghihintay kung kailan malapit na ang dedlayn saka ka pa lamang gagawa.
Mga Paraan upang Mapagtagumpayan ang Magpabukas-bukas
1) Tukuyin kung anonh mangyayari kung hindi mo makumpleto ang gawain.
2) Paalahanan ang iyong sarili na mahalaga ang mararamdaman ng taong nakataas sa iiyo sa hindi mo
paggawa sa ipinapagawa niya sa iyo.
3) Pagpasiyahan ang mga paraan ng pagbibigay mo ng gantimapala sa iyong sarili kapag makumpleto mo na
ang gawain na ayaw mong gawin.
4) Hilingin sakasama mo sa paggawa na ipaalala sa iyo kung ginagawa mo ba ang bagay na sinabi mong
gawin.
5) Paalalahanan ang iyong sarili na hindi mo kailangang magustuhan ang gawain upang gawin mo ito.
6) Planuhin ang iyong araw ayon sa kung an ang pinakamahalagang mga bagay na kailangan mong tapusin
sa araw na iyon.
7) Unahin ang pinakamadali o pinakamabilis na gawain upang maramdaman mo ang tuwa na may natapos ka
at magkaroon ng positibong disposisyon sa kasunod na gawain.
8) Humingi ng payo sa iba na may kasanayan lalo na kung hindi mo pa naranasan ang paggawa ng ganitong
gawain.
Prayoritisasyon
 prayoritasyon – pag-iwan ng isang gawain para sa isang mas importante pang gawain
 Kung wala ang prayoritasyon, maaaring isinusubsob mo masyado ang iyong sarili sa isang gawain subalit
maaaring hindi mo pa rin makakamit ang iyong tunguhin.
 Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng prayoritasyon, mapamahalaan mo ang paggamit ng iyong oras at
matupad mo ang iyong tungkulin. Maiiwasan mong magkabuhol-buhol ang iyong iskedyul at aabot ka sa
itinakdang dedlayn ng iyong ginagawa.
Pagkakaiba sa Importante at sa Kailangan Agad
 tunay na emerhensiya – sitwasyon na kailangang tugunan agad
 kailangan agad – sitwasyon na kailangang tugunan agad subalit hindi naman gaano ka importante
Pagkilos nang may Kamalayan sa Agarang Pangangailangan
 Mahalaga na tayo ay magkaroon ng kamalayan sa agarang pangangailangan ng bansa dahil ito ay
magtutulak sa atin na linangin ang ating kagalingan sa paggawa at gamitin ito para sa ikauunlad natin at ng
ating bansa.
 Ang kagalingan ay nangangailangan ng pagkakaroon ng atensiyon sa bawat detalye ng gawain,
pagsaalang-alang sa kalidad, paggalang sa pagiging produktibo at pagmamahal sa pagiging epektibo.
Pag-iiskedyul
 pag-iiskedyul – isang mabisang paraan upang mapangasiwaan mo ang mga bagay na mahalaga sa iyo at
sa iyong paggawa
 Kung alam mo na ang iyong mga tunguhin at prayoridad sa paggawa, ay handa ka ng gumawa ng iskedyul
na magpapanatili sa iyo sa direksiyon ng iyong paggawa at magpo-protekta sa iyo mula sa tensiyon.
 Sa pagbuo ng iskedyul, hindi mo lang isasaalang-alang ang iyong mga prayoridad na gawain. Maglaan rin
ng panahon para sa mga hindi inaasahang mga pangyayari na maaaring gugulo sa iyong iskedyul.
 Sa tulong ng iskedyul, maiingatan na walang masasayang na oras sa pamamagitan ng paglalaan nito sa
mga bagay na tunay na mahalaga.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Iskedyul
1) Gumawa ng isang master schedule (talaan ng mga araw sa isang linggo, ang mga magagamit na oras ng
linggong iyon at ang mga gawain na nakatakda na sa iyong iskedyul).
2) Gumawa ng tsart at ilagay rito ang lahat ng nakatakdang gawain na alam mo na.
3) Magkaroon ng hanay sa tsart para sa mga oras sa mga gawaing nakatakda bawat araw.
4) Seguraduhing nasa iskedyul din ang iyong oras para sa pamamahinga.
5) Gamitin ang talaan sa iyong mga prayoridad na gawain bilang gabay sa pagtakda mo ng oras sa mga
gawaing ito upang maging kumpleto ang iskedyul.
6) Patuloy na kumpletuhin ang mga araw sa mga iba’t ibang gawain na itatakda mo sa kani-kanilang mga oras
sa iyong iskedyul.
7) Siguraduhin ding magtira ng espasyo para sa mga hindi inaasahang darating na gawain.
Pagtapos Bago ang Takdang Oras
 Kamtin dapat ang mas mataas na layunin – ang magawa nang mabuti ang lahat ng atting mga gawain at
tapusin ang mga ito hindi lamang sa takdang oras kundi bago pa matapos ang itinatakdang oras.
Pamamahinga, Paglilibang, at Pagkakawanggawa
 Ang paglalaan ng oras para sa pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa pagkatapos ng iyong
paggawa ay magbibigay balanse sa iyong buhay.
 Sa pamamahinga at paglilibang, iminumulat ka na maging sensitibo sa kakailanganing pangangalaga ng
iyong sarili sa larangan ng paggawa.
 Sa pagkakawanggawa, makikita mo ang kahalagahan na matugunan ang pangangailangan ng iyong
naghihirap na kapuwa at ang epekto nito sa bansa.
 pamamahinga – pananatili sa bahay upang matulog, kumain, at mag-relaks, pagpunta sa isang tahimik na
lugar upang mag-relaks
 paglilibang – paggawa ng isang manwal na gawain na hindi minamadali, pagluto ng pagkain, paglining ng
bahay, pagdilig ng mga halaman, pagbobonding ng pamilya, pamamasyal, pagkain sa labas, panonood ng
sine, o pagpipiknik
 pagkakawanggawa – pagpapakain sa mga nagugutom, pagpapainom sa mga nauuhaw, pagbibigay ng
damit sa mga wala o kulang ng saplot, pagdalaw sa mga preso o piitan, pagbibigay ng matutulugan sa mga
walang tirahan, pagdalaw sa mga maysakit, pagtuturo sa mga taong nangangailangan, o pakikipagdiyalogo
sa taong nakagawa sa iyo ng kamalian

You might also like