You are on page 1of 13

ArPan Reviewer

Makroekonomiks
Aralin 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya
1) Unang Modelo – Simpleng Ekonomiya
 ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa
 ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer
 ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo ng
produkto
 iisa lamang ang aktor
 magiging demand ng bahay-kalakal ang kanyang supply kapag kabilang
na ito sa sambahayan
2) Ikalawang Modelo – Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng Tapos na Produkto at Salik sa
Produksiyon
 tuon nito ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya
 magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal
 sambahayan at bahay-kalakal ang pangunahing sektor nito
 pambansang ekonomiya – may dalawang uri:
a) factor markets – pamilihan para sa kapital na produkto, lupa, at paggawa
b) goods/commodity market – pamilihan ng mga tapos na produkto
 may demand ang sambahayan
sa produkto ngunit wala itong
kakayahang lumikha
 tanging ang bahay-kalakal lang
ang may kakayahang lumiha
ng produkto ngunit kailangan
na bumili o umupang mga salik
ng produksiyon
 tanging ang sambahayan ang
may suplay ng mga salik ng
produksiyon
 makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng mga
salik ng produksiyon
 interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at pasahod sa paggawa ay ang kita ng sambahayan
 interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at pasahod sa paggawa ang gastusin ng bahay-kalakal
 gumagastos ang sambahayan sa pamamagitan ng pagbili ng produkto galing sa kita nito
 kung saan gumagastos ang sambahayan, doon kumikita ang bahay-kalakal
 interdependence – umaasa sa isa’t isa ang dalawang sektor upang matugunan ang kanilang
pangangailangan at kagustuhan
 may dalawang pagsukat sa kita ng pambansang ekonomiya:
a) halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal
b) kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal – naglalarawan sa produksiyon ng
pambansang ekonomiya
 nakabatay ang paglago sa pagtaas ng produksiyon
3) Ikatlong Modelo – Pambansang Pinansiyal: Pag-iimpok (Savings) at Pamuhunan (Investments)
 isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon sa
panghinaharap
 hindi ginagamit ng
sambahayan ang lahat ng
kita sa pamimili
 hindi lang
pangkasalukuyang
produksiyon ang iniisip ng
bahay-kalakal
 pamimili at paglikha ng
produkto, pag-iimpok at
pamumuhunan ang
mahahalagang gawaing
pang-ekonomiya (nagaganap sa pamilihang pinansiyal)
 factor market, goods market, at financial market ang tatlong pamilihan
 impok/savings – bahagi ng kita na hindi ginagastos, inilalagak sa pamilihang pinansiyal (bangko,
kooperatiba, insurance company, pawnshop, stock market)
 maaaring manghiram ng karagdagang kapital ang bahay-kalakal upang gamiting puhunan sa mga
planong pamproduksiyon sa hinaharap
 babayaran ng bahay-kalakal ang sambahayan ng may karagdagang interes
 kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-iimpok
 maitatakda ang kita ng pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng kabuuang gastusin ng
sambahayan at bahay-kalakal, kasama na ang mga gastusin sa pamumuhunan ng bahay-kalakal
at pag-iimpok ng sambahayan
 nakabatay ang paglago sa pagtaas ng produksiyon at paglaki ng puhunan
4) Ikaapat na Modelo – Ang Pamahalaan at Pamilihan ng Pinansyal, Salik ng Produksiyon, Kalakal at
Paglilingkod
 lumalahok ang
pamahalaan sa sistema
 ang pagbayad ng buwis ay
naging karagdagang
gawaing pang-ekonomiya
at takdang gawain ng
sambahayan at bahay-
kalakal
 public revenue – kita mula
sa buwis, ginagamit ng
pamahalaan upang
makalikha ng pampublikong paglilingkod
 maitatakda ang kita ng pamabansang ekonomiya sa pamamagitan ng kabuuang gastusin ng
sambahayan at kabuuang kita ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan
 nakabatay ang paglago sa pagtaas ng produksiyon, produktibidad ng pamumuhunan, at ang
produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan
5) Ikalimang Modelo – Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakalang Panlabas
 saradong ekonomiya - ekonomiyang hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya
 ang pambansang ekonomiya
ay bukas
 kalakalang panlabas –
pakikipagpalitan ng produkto
at salik ng pambansang
ekonomiya sa mga
dayuhang ekonomiya
 perspektiba nito ay
internasyonal
 home economy – tawag sa
pambansang ekonomiya
 foreign economy –
ekonomiyang kaugnayan ng
home economy
 parehong may pinagkukunang yaman ang dalawang ekonomiya
 maaring magkapareho o magkaiba ang produkto ng dalawang ekonomiya
 ang bahay-kalakal ang nagluluwas (export) ng mga produkto sa panlabas na sektor samantalang
ang sambahayan ay nag-aangkat (import) mula dito

Aralin 2: Pambansang Kita


Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita
 Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang librong Economics Principles, Problems, and
Policies (1999) ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang sumusunod:
1) Ang pagsukat ng kita ay nagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa
isang partikular na taon at kung bakit ganoon ang kanyang laki o liit.
2) Masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung ito ba’y
umuunlad o bumabagsak.
3) Magiging gabay sa paggawa ng mga economic plans and policies para sa pagtaas ng economic
performance ng bansa.
4) Kung walang pagsukat ng kita, walang datos na makatotohanan.
5) Maaring masukat ang kalusugan ng ekonoimiya sa pamamagitan ng National Income Accounting.
Gross National Income
 Gross National Income (GNI) – dating tinawag na Gross National Product, tumutukoy sa kabuuang
pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa,
sinusukat sa bawat quarter o sa isang taon, sinusukat gamit ang salapi ng bansa, at hinahambing sa dolyar
ng US
 Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng GNI.
 Hindi rin isinasama sa pagkuwenta ng GNI ang mga hidni pampamilihang gawain, kung wala namang
kinikitang salapi ang nagsasagawa nito.
 Hindi rin ibinibilang ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor.
 Hindi rin sinasali ang mga produktong segunda-mano.
Pagkakaiba ng Gross National Income (GNI) sa Gross Domestic Product (GDP)
 Sa pagsukat ng GNI, ang mga mamamayan lamang ng bansa ang sinasali. Mga mamamayan ng isang
bansa sa buong mundo.
 Gross Domestic Product – sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
 Sa GDP, ang mga tao lamang sa loob ng isang bansa ang isinasali.
Mga Paraan sa Pagsukat ng GNI
 Ayon kay Villegas at Abola (1992) may tatlong paraan ng pagsukat sa GNI:
1) Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach) –
GNI =C + I +G+ ( X−M ) + SD+ NFIFA, sinusukat ang lahat ng gastusin ng sambahayan,
bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor
a) Gastusing personal (C) – lahat ng gastusin ng mga mamamayan
b) Gastusiin ng mga namumuhunan (I) – gastos ng mga bahay-kalakal (gamit, materyales,
sahod)
c) Gastusin ng pamahlaan (G) – gastusin sa mga proyekto ng pamahalaan
d) Gastusin ng panlabas na sektor (X - M) – makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas sa
inaangkat
e) Statistical discrepancy (SD) – anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi
malaman kung saan ibibilang
f) Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income, makukuha
kung ibabawas ang gastos ng mga mamamayan sa ibang bansa sa gastos ng mga
dayuhan sa bansa
2) Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya(Industrial Origin/Value Added Approach) – masuskat ang
GDP ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing
industriya ng bansa at kung isasali naman ang Net Primary Income, masusukat ang GNI
3) Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
a) Sahod ng mga Manggagawa – sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-
kalakal at pamahalaan
b) Net Operating Surplus – tinubo ng mga koroporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo
ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo
c) Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng
tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon
d) Di-tuwirang buwis – sales tax, custom duties, lisensiya, atbp
e) Subsidiya – salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap
ng kapalit na produkto o serbisyo
Current/Nominal at Real/Constant Prices Gross National Income
 current o nominal GNI – kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong
nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo
 real GNI o GNI at constant prices – kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at
serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan
ng batayang taon o base year
Price Index base year
Real GNI = ×Current GNI
Price Index current year
 price index – average na pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo
 growth rate – sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang
taon, kung positibo ang growth rate, may pag-angat sa ekonomiya
GNI sa kasalukuyang taon−GNI sa nakaraang taon
Growth Rate= ×100 %
GNI sa nakaraang taon
 income per capita – kinikita ng tao sa isang lugar kada taon, sinusukat ang kalagayang pangkabuhayan ng
mga mamamayan
Limitasyon sa Pagsukat ng Pambansang Kita
 Bagamat kayang sukatin ang pambansang kita ng bansa sa pamamagitan ng pormula, mayroon paring mga
gawaing pang-ekonomiya na hindi naibibilang sa pagsukat ng pambansang kita katulad ng:
1) Hindi pampamilihang gawain – mga produkto at serbisyong binuo ng mga tao para sa sariling
kapakinabangan, walang salaping nabubuo ngunit nakabubuo naman na kapaki-pakinabang na
resulta (hal. pag-aalaga ng anak, paghugas ng pinggan)
2) Impormal na sektor – malaking halaga ng produksiyon na hindi naiuulat sa pamahalaan tulad ng
transaksiyon sa black market, pamilihan ng ilegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan,
ilegal na pasugalan, pagbebenta ng kagamitang segunda-mano, upa sa mga nagtatapon ng
basura, atbp., may mga produkto at serbisyong nabuo at may kinitang salapi
3) Externalities o hindi sinasadyang epekto – may halaga na kalimitang hindi nakikita sa pagsukat ng
pambansang kita (hal. pagbabawas ng gastos ng isang planta upang makabawas sa polusyon ay
nabibilang sa pambansang kita, ngunit ang halagang malinis na kapaligiran ay hindi nabibilang)
4) Kalidad ng buhay

Aralin 3: Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok, at Pagkonsumo


Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo, at Pag-iimpok
 impulse buyer – mga taong bili lang nang bili hanggang maubos ang pera
 pera – ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailngan at
kagustuhan ng mga tao
 Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang
mapakinabangan nang husto at walang nasasayang.
 kita – halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay, suweldo ng mga
empleyado, pinanggagalingan ng pera,
 Ayon sa “Macroeconomics” ni Roger E. A. Farmer (2002), ang savings ay paraan ng pagpapalipan ng
paggastos.
 Ayon naman kina Meek, Morton, at Schug (2008), ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa
pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan.
 investment – ipon na ginamit upang kumita
 economic investment – paglalagak ng pera sa negosyo
 financial intermediaries – nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan
7 Habits of a Wise Saver
1) Kilalanin ang iyong bangko.
 Alamin kung sino ang may-ari ng iyong bangko.
 Alamin ang mga taong namamahala ng bangko.
 Magsaliksik tungkol sa katayuang pinansiyal at ang kalakasan at kahinaan ng bangko.
2) Alamin ang produkto ng iyong bangko.
 Unawain kung saa mo inilalagay ang iyong perang iniimpok.
 Basahin ang kopya ng term and conditions.
3) Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.
 Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong pangangailangan at itugma ito
sa serbisyong inaalok ng bangko.
 Alamin ang sinisingil at bayarin sa iyong bangko.
4) Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.
 Ingatan ang iyong passbook, ATM, CTD, checkbook sa lahat ng oras.
 Palaging u-update ang iyong passbook at CTD tuwing may transaksiyon.
5) Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan nito.
 Huwag mahiyang magtanong sa tauhan ng bangko na magpakita ng ID.
 Palaging humingi ng katibayan ng iyong naging transaksiyon.
6) Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.
 Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
7) Maging maingat.
 Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para paniwalaan.
 Basahin ang Circular 640 ng Banko Sentral.
Kahalagahan ng Pag-iimpok at Pamumuhunan sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansa
 Habang lumalaki ang naidedeposito sa bangko, lumalaki rn ang maaaring ipautang sa mga namumuhunan.
Habang dumarami ang namumuhunan, dumadami rin ang nabibigyan ng empleyo. Ang ganitong sitwasyon
ay indikasyon ng masiglang gawaing pang-ekonomiya ng isang lipunan.
 Ang matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na antas ng pag-iimpok at kapital. Ang
ganitong pangyayari ay nakapagpapasigla ng mga economic activities na indikasyon naman ng pagsulong
ng pambansang ekonomiya.
 Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) – ahensiya ng pamahalaan ng nagbibigay ng proteksyon
sa mga depositor sa bangko sa pamamagitan ng pagbibigay seguro sa kanilang deposito hanggang sa
halagang 250,000 bawat depositor
 Kapag maraming nag-iimpok, lumalakas ang sektor ng pagbabangko at tumitibay ang tiwala ng publiko sa
katatagan ng pagbabangko.
Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN)
 Republic Act 6714 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees Section 4 –
sinasabing kailangang mabuhay ng mga empleyado ng gobyerno ng simple at naaayon sa kanilang
posisyon at kita
 Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) – deklarasyon ng lahat ng pag-aari, pagkakautang,
negosyo, at iba pang financial interest ng isang empleyado ng gobyerno, kasama ang kaniyang asawa at
mga anak na wala pang 18 taong gulang

Aralin 4: Implasyon
 implasyon – pagbabago ng presyo dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng
salapi at may negatibong epekto sa tao
 Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng
mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods
 Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay pataas na paggalaw ng
presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyoi
 hyperinflation – ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa Germany
noong dekada 1920
Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo
 basket of goods – kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng mga
mamamayan
 Tinitingnan ang halaga ng mga produto sa basket of goods upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago
sa presyo.
 price index – nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabago ng mga presyo sa
lahat ng bilihin, depende sa uri ng bilihin na gustong suriin
Iba’t Ibang Uri ng Price Index
1) GNP Implicit Price Index o GNP Deflator – average price index na ginagamit para mapababa ang halaga ng
kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP, sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga
produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon
2) Wholesale or Producer Price Index (PPI) – index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi
para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili
3) Consumer Price Index (CPI) – sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisong ginagamit
ng mga konsyumer
 market basket – produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob
Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon
CPI= ×100 %
Tot al Weighted Price ng Basehang Taon
CPI ng Kasalukuyang Taon−CPI ng Nagdaang Taon
Antas ng Implasyon= × 100 %
CPI ng Nagdaang Taon
CPI ng Batayang Taon
Purchasing Power= ×100 %
CPI ng Kasalukuyang Taon
Dahilan ng Implasyon
 demand-pull – nagaganap kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta ng samabahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan at panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi kaumbas ng paglaki
ng kabuuang produksiyon, dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay
tumataas
 cost-push – nagaganap kapag ng pagtaas sa mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas
sa presyo ng mga bilhin, kung ang isang salik ng produksiyon ay magkakaroon gn pagtaas, maaari itong
makaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa, ang karagdagang gastos sa mga ito ay
makapagpapataas sa kabuaang presyo ng mga produkto dahil hindi nanaisin ng prodyuser na pasanin ang
bigat ng pagbabago sa presyo ng produksiyon
Dahilan at Bunga ng Implasyon
1) Pagtaas ng Suplay ng Salapi → Tataas ang demand kaya mahahatak ang presyo paitaas
2) Pagdepende sa Importasyon para sa Hilaw na Sangkap → Kapag tumaas ang presyo ng materyales na
inaangkat, ang mga produktong umaasa sa importasyon para sa mga hilaw na sangkap ay nagiging sanhi
rin ng pagtaas ng presyo
3) Pagtaas ng Palitan ng Piso sa Dolyar → Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang
halaga ng piso, ito ay nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto
4) Kalagayan ng Pagluluwas (Export) → Kapag kulang ang supply sa lokal na pamimilihan dahil ang produkto
ay iniluluwas, magiging dahilan ito upang tumaas ang presyo ng produkto
5) Monopolyo o Kartel → Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito, kapag nakontrol ang presyo at dami
ng produkto, malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo.
Epekto ng Implasyon sa mga Mamamayan
 Mayroong tatlong nakikinabang sa implasyon:
1) Mga umuutang
2) Mga negosyante/may-ari ng kompanya
3) Mga spectulator at mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan
 Mayroong tatlong nalulugi sa implasyon:
1) Mga taong may tiyak na kita
2) Ang mga taong nagpapautang
3) Mga taong nag-iimpok
Paraan ng Paglutas sa Implasyon
 Tuwing may implasyon, ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at polisiya upang masiguro
na mapangasiwaan ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
 Ang mga patakarang pananalapi at piskal ang mga instrumentong ginagamit ng pamahalaan upang matiyak
ang katatagang pang-ekonomiya ng bansa.

Aralin 5: Patakarang Piskal


Konsepto ng Patakarang Piskal
 patakarang piskal – tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng
pamahalaa
 Ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya.
 May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang pisikal upang mapangasiwaan
ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa.
1) Expansionary Fiscal Policy - isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya ng bansa, ipinapakita na ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil
hindi nagagamit ang lahat ng resources, isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga
proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis
2) Contractionary Fiscal Policy - ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang
pangkalahatang presyo sa ekonomiya, nagaganap kapag lubhang masigla ang ekonomiya na
maaaring magdulot ng overheated economy, kung ganito magkakaroon ng implasyon, isinasagawa
ang pagpapababa ng gastusin ng pamahalaan upang mahila pababa ang kabuuang demand
Kahalagahan ng Papel na Ginagampanan ng Pamahalaan kaugnay ng mga Patakarang Pisikal na Ipinapatupad nito
 Ang papel ng pamahalaan ay magtakda ng mga patakaran na maghatid sa isang kondisyon na maunlad at
matiwasay na ekonomiya.
 Ang mataas na paggastos ng pamahalaan ay nakapapapasigla sa matamlay na ekonomiya.
 Ang mababang paggastos ng pamahalaan ay nagpapabagal sa ekonomiya.

Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan


 pambansang badyet - kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon,
nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya
 Kung ang kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito, masasabing may balanced budget.
 Kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo nito, masasabing may budget deficit.
 Kung mas maliit ang paggasta kaysa sa pondo, nagkakaroon ng budget surplus.
Paghahanda ng Pambansang Badyet
1) Nagpapalabas ng budget call ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat ng ahensiya ng
pamahalaang pambansa.
2) Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at iba pang stakeholder sa pagbuo ng
badyet ng mga ahensiya ng pambansang pamahalaan.
3) Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa DBM at pag-aaralan nila ito.
4) Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang executive review board na binubuo ng kalihim ng
DBM at mga nakatatas na opisyal ng pamahalaan.
5) Bubuin ng DBM ang National Expenditure Program bilang panukalang pambansang badyet ayon sa
napagkasunduan ng executive review board.
6) Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang linangin
7) Titipunin ng DBM ang mga dokumentong bubuo sa President’s Budget kabilang na rito ang NEP, at ito ay
isusumite sa Kongreso bilang General Appropriations Bill (GAB) upang aprubahin bilang isang ganap na
batas.
Ang Badyet ng Pamahalaan
 Ang badyet ng bansa ay inihahanda ayon sa mga prayoridad ng pamahalaan.
 Ang pagbabadyet ay maaaring ayon sa:
 badyet ayon sa sektor
 badyet ayon sa expense class
 badyet ayon sa mga rehiyon
 badyet ayonsa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan
Paggasta ng Pamahalaan ayon sa Expenditure Program
 expenditure program - tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusin nararapat upang matugunan ang
mga pananagutan o obligasyon ng pamamahala sa loob ng isang taon, nahahati sa tatlo:
1) Current Operating Expenditures - nakalaang halaga para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo
upang maayos na maisagawa ang mga gawaing pampamahalaan sa loob ng isang taon, napaloob
ang:
 Personal Services – kabayaran para sa sahod ng mga empleyado
 Maintenance and Other Operating Expenses – gastusin kaugnay ng pagpapatakbo ng
mga ahensiya
2) Capital Outlays – panustos para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo kung saan ang
kapanikanibangang makukuha mula rito ay maaaring magamit sa loob ng maraming taon at
maaaring makadagdag sa mga asset ng gobyerno.
3) Net Lending – paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito
Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan
 buwis - pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan. Ito ay tumutukoy sa sapilitang
kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan, isang paraan upang makalikom ng salapi ang
pamahalaan na gagamitin nito sa pagpapalakad ng mga gawing pampamahalaan
Iba’t Ibang Uri ng Buwis
1) Ayon sa Layunin
a) Para kumita (revenue generation) – kinokolekta ito upang makalikom ng pondo para magamit sa
operasyon nito (hal, sales tax, income tax)
b) Para magreguralisa (regulatory) – ipinapataw uoang mabawasan ang kalabisan ng isang gawain o
negosyo (hal. excise tax)
c) Para magsilbing proteksiyon (protection) – ipinapataw upang mapangalagaan ang interes ng
sektor na nangangailangan ng proteksiyon mula sa gobyerno (hal. taripa)
2) Ayon sa Kung Sino ang Apektado
a) Tuwiran (direct) – buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal (hal.
withholding tax)
b) Hindi Tuwiran (indirect) – buwis na ipinapataw sa mga kalakal at paglilingkod kaya hindi tuwirang
ipinapataw sa mga indibidwal (hal. value-added tax)
3) Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw
a) Proporsiyonal (proportional) – pare-pareho ang porsiyentong ipinapataw anuman ang estado sa
buhay
b) Progresibo (progressive) – tumataas ang halaga ng buwis na binabayaran habang tumataas ang
kita ng isang indibidwal, uri ng buwis ng Pilipinas na nakasaad sa 1987 Saligang Batas
c) Regresibo (regressive) – bumababa ang antas ng buwis kasabay ng paglaki ng kita

Aralin 6: Patakarang Pananalapi


Konsepto ng Pera
 salapi – pera na ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo
 pera – instrumento na tanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo (medium of
exchange), tinuturing bilang isang unit of account, mayroong store of value na maaaring gamitin sa ibang
panahon
Ang Konsepto ng Patakarang Pananalapi
 Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) – nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang
ekonomiya at matiyak na patuloy na magkaroon ng kakayahan ang mga mamamayan na makabili at
matugunan ang mga pangangailangan gamit ang kanilang kinita
 patakaran sa pananalapi – isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa
sirkulasyon, kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad ng:
1) expansionary money policy – ipinapatupad kung ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang
mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, dahil dito, ibaba ng
pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan
2) contractionary money policy – ipinapatupad kung ang demand ay mas mabilis tumaas kaysa sa
produksiyon, tataas ang presyo at upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga
mamumuhunan, dahil dito, bumababa ang presyo at nagiging dahil sa pagbagal ng ekonomiya at
pagbaba ng implasyon
Pag-iimpok at Pamumuhunan
 pag-iimpok – kitang lumalabas sa ekonomiya
 pamumuhunan – magbabalik ng lumalabas na kita pabalik sa paikot na daloy ng ekonomiya,
nangangailangan ng sapat na salapi
 paggasta – kinapapalooban ng pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng produksiyon at iba pa
 pag-iimpok – isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya
 Philippine Deposit Insurace Corporation (PDIC) – ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang
pag-iimpok sa Pilipinas
 Kapag maraming mamamayan ay natutong mag-impok, maraming bansa ang mahihikayat na mamuhunan
sa Pilipinas dahil saligan ng isang matatag na bansa ang mataas na antas ng pag-iimpok. (PDIC)
 Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinakikita sa
pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo.
Mga Bumubuo sa Sektor ng Pananalapi
1) Mga Institusyong Bangko – mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa tao, korporasyon, at
pamahalaan bilang deposito
a) Commerical Banks – malalaking bangko, pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saanmang
panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang mga bangko
 letter of credit – isang dokumentong iniisyu ng bangko na nagpapahintuloy sa may-ari na
tanggapin ang salapi na mula sa kanilang bangko sa ibang bansa
b) Thrift Banks – mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na negosyante,
nagpapautang sa mga negosyante, pinapayagan ding magpautang sa ating pamahalaan sa
pamamagitan ng pagbili ng mga ito ng mga government securities
c) Rural Banks – mga bangko na kalimitan ay natatagpuan sa mga lalawigang malayo sa kalakhang
Maynila, tumutulong sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa
kanayunan sa pamamagitan ng pagpapautang
d) Specialized Government Banks – pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga
tiyak na layunin ng pamahalaan
i) Land Bank of the Philippines (LBP) – itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 3844
na sinusugan ng Republic Act No. 7907, layunin nito ang magkaloob ng pondo sa mga
programang pansakahan
ii) Development Bank of the Philippines (DBP) – unang natatagnoong 1946 upang
matugunan ang pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa mapanirang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, layunin nito ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaron lalo
na sa sektor ng agrikultura at industriya, prayoridad ang small and medium scale industry,
nakadeposito ang malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan
iii) Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah) – itinatag sa ilalim ng
Republic Act No. 6848, layunin nito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na
magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan, may walong sangay na
lahat ay nasa Mindanao
 Zamboanga City – head office
 Cagayan de Oro
 Davao
 General Santos
 Marawi
 Iligan
 Cotabato
 Jolo
 Makati – executive office
2) Mga Institusyong Di-Bangko – tumatanggap ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at mulang
ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang mapakinabangan
a) Kooperatiba – kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o
pangkabuhayang layunin, mga miyembro ay nag-aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo,
pananagutan, at iba pang benepisyo
 Cooperative Development Authority (CDA) – ahensiyang pinaparehistrohan ng mga
kooperatibong gusto maging lehitimo
 shares – perang inambag ng mga kasapi
b) Pawnshop o Bahay-Sanglaan – itinatag upang magpautang sa mga taong madalas magailangan
ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko, maaaring makipagpalitan ng
mahahalagang ari-arian (kolateral) kapalit ng salaping katumbas ng isinangla
c) Pension Funds
i) Government Service Insurance System (GSIS) – ahensiyang nagbibigay ng seguro sa
mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga
korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno, at mga guro sa pampublikong paaralan
ii) Social Security System (SSS) – ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga
kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan,
itinakda sa Social Security Law o Republic Act 8282 na lahat ng pribadong kawani ay
kailangang irehistro bilang kasapi ng SSS
iii) Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, at Gobyerno (PAG-IBIG Fund)
– itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang
pangangailangan lalo na sa pabahay, lahat ng empleyado ay kailangang maging kasapi
nito maliban sa mga may negosyo o OFW, na puwede maging boluntaryong kasapi
d) Registered Companies – yaong mga kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at Palitan
(Securities and Exchange Commission o SEC) matapos magsumite ng basic at additional
documentary requirements at magbayadng filing fee
e) Pre-Need Companies – mga kompanya na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na
lisensiya na mangalakal o mag-alokng mgakontrata ng pre-need
 pre-need plans – mga kontrata ng pagkakaloob ng mga karampatang serbisyo sa takdang
panahon o ang pagbibigay ng naaayong halaga ng pera sa takdang panahon ng
pangangailangan
f) Insurance Companies – mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng
Komisyon ng Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas
3) Mga Regulator
a) Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) – itinatag sa pamamagitan ng Republic Act 7653, itinalaga
bilang central monetary authority ng bansa, pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang
katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi, may tanging kapangyarihang maglimbag ng
pera sa bansa, opisyal na bangko ng pamahalaan
b) Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) – nasa ilalim ng Department of Finance (DOF),
naatasang magbigay-proteksiyon sa mga depositor at tumulong na mapanatiling matatag ang
sistemang pinansiyal sa bansa, ang mga layunin ng PDIC ay:
i) Bilang tagaseguro ng deposito (Deposit Insurer)
1) Pagbabayad ng nakasegurong deposito – tagasuri ng mga rekord patungkol sa
mga deposito pati na rin ang mga rekord ukol sa assets ng bangko upang
maihanda ang listahan ng mga isured deposits sa nagsarang bangko
2) Assessment at Collection – halagang binabayaran ng mga bangko upang
maseguro ang kanilang deposit liabilities
3) Risk Management – tagasuri ng mga bangko sa pahintulot ng Monetary Board
ng BSP
 onsite examination – pumupunta ang mga kinitawan nito sa mgabangko
upang doon isagawa ang pagsusuri
 offsite examination – sinusuri ng PDIC ang bangko base sa kanilang
isnumiteng financial reports
ii) Bilang Receiver at Liquidator ng Nagsarang Bangko
1) Namamahala ng Nagsarang Bangko
2) Pagbebenta ng Ari-arian ng Nagsarang Bangko (Liquidation of assets of closed
banks) – isinasagawa upang mabayaran ang mga pinagkakautangan nito ayon
sa pagkakasunod-sunod na isinasaad sa Civil Code
iii) Bilang Imbestigador – dahil sa Republic Act 9302 na sumusog sa Republic Act 3591, ang
PDIC ay may kapangyarihang mag-imbestiga sa mga anomakya sa bangko patungkol sa
unsafe and unsound banking practices
c) Securities and Exchange Commision (SEC) – nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa
bansa, nagbibigay impormasyon ukol sa pagbili ng mgapanagot at bono
d) Insurance Commission (IC) – itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 63 noong
Nobyembre 20, 1972, itinatag bilang ahensiya na mangangasiwa ay mamamatnubay sa negosyo
ng pagseseguro ayon sa itinalaga sa Insurance Code, layunin na pantilihing matatag ang mga
kompanyang nagseseguro
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas
 BSP – itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa, mayroong apat na estratehiya
1) Open Market Operation – ginagamit ng BSP ang securities upang pangasiwaan ang dami ng
salapi sa sirkulasyon
 securities – papel na kumakatawan sa mga asset ng bansa at nagsisilbing garantiya sa
tansaksiyon na ito
2) Pagtatakda ng Kinakailangang Reserba – ginagamit upang makontrol ang dami ng perang lalabas
at maaaring ipautang ng mga bangko
3) Rediscounting Function – nagpapahiram ang BSP sa mga bangko
 discount rate – interes na ipinapataw sa pag-utang ng mga bangko sa BSP
4) Moral Suasion – hinihikayat ng BSP ang mga bangko na gumawa at kumilos ayon sa layunin ng
BSP, ginagawa upang mapatatag ang kalagayang pananalapi ng bansa nang hindi gumagamit ng
anumang patakaran

You might also like