You are on page 1of 26

PAMAMARAAN AT

KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT
NG PAMBANSANG KITA
Aralin 1: Pamamaraan at
Kahalagahan ng
Pagsukat ng
Pambansang Kita
Ang kabuuang produksyon ng ekonomiya ay malalaman sa
pamamagitan ng pagkwenta o pagsukat ng pambansang kita. Sa inyong
palagay, bakit kailangan nating masukat ang pambansang kita ng isang
bansa? Nakatutulong ba ito sa pag-unlad ng isang bansa? Ano-ano ang
mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang
kita?

Napakagandang isipin na tayo ay may mga paraan kung paano masukat


ang pambansang kita ng ating bansa. Tayo bilang isang mamamayan ng
isang bansa, kailangan nating alamin o malaman kung mayroon bang pag-
angat o pagbagsak ang ating ekonomiya.
Ang Ekonomiks ay nahahati sa dalawang pangunahing sangay: ito ay
ang maykroekonomiks at makroekonomiks.Napakahalagang pag-aralan
ang dalawang sangay na ito dahil bahagi na ito ng buhay ng isang tao
bilang mamamayan ng isang bansa. Katulad ng pangalawang sangay ang
makroekonomiks (macroeconomics) na ang ibig sabihin ay pag-aaral ng
kabuuang ekonomiya. Matututuhan mo dito ang isang konseptong may
kinalaman sa Pambansang Kita. Ang pambansang kita ay kabuuang halaga
ng mga tinatanggap na kita ng mga sektor ng ekonomiya. Dahil sa
kasalukuyang pagsubok na kinakaharap ng ating bansa na isang
pandemyang COVID_19, minsan ba naitanong mo sa iyong sarili kung ano
nga ba ang nangyayari sa Ekonomiya ng ating bansa? Umaangat pa ba ito
o hindi na? Kumusta na kaya ang ating Pambansang Kita?
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Ayon kay Campbell R. McConnel at Stanley Brue sa kanilang Economics


Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita ay ang mga sumusunod:

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng


ideya tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular
na taonat maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang
produksyon ng bansa.

2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon,


masusubaybayan natin ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at
malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang
magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo
ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay
ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic
performance ng bansa.

4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang


kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay
na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat
ang kalusugan ng ekonomiya.

Sa pagsukat sa produksiyon ng isang ekonomiya, hindi maiiwasan na


mailarawan ito gamit ang pambansang kita. Walang malilikom na kita
ang pambansang ekonomiya kung wala itong malilikhang produkto at
serbisyo. Sa pagsukat ng pambansang kita, naisasaalang-alang naman
ang dalawang kahulugan ng pambansang ekonomiya. Ang mga
sumusunod ay ginagamit na panukat ng pambansang kita.
GROSS NATIONAL INCOME/GROSS NATIONAL PRODUCT

Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag na Gross National


Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.

➢ Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na


sangkap sa proseso ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa
pagbibilang. Gayundin ang mga hindi pampamilihang gawain, kung wala
namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito katulad ng pagtatanim
ng gulay sa bakuran.
➢ Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o
underground economy ay hindi rin kabilang sa
pagkuwenta ng Gross National Income dahil ito ay hindi
nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng
datos ng kanilang gawain.

➢ Ang produktong segunda mano ay hindi rin kabilang sa halaga


pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang
halaga noong ito ay bagong gawa pa lamang.
GROSS DOMESTIC PRODUCT
Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo
na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang
bansa.
➢ Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang
produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga
dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.
➢ Kabilang dito ang produksyon ng mga dayuhan na nasa loob ng
pambansang ekonomiya.
Gross National Income at Gross Domestic Product

• Ang tala sa mga sinusukat na pambansang kita ay National


Income Accounting.

• Ang pamamaraan ng pagsukat ng Income pambansang kita,


tinatawag itong National Accounting.

• Parehong sinusukat sa loob ng isang takdang panahon,


maaring quarterly o taunan.
Tatlong Pamamaraan
ng National Income
Accounting
1. Paraan batay sa Paggasta ((Expenditure Approach)
Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang
pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod:

a. Gastusing Personal (C) – nakapaloob dito ang mga gastos mayayaman


tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng
buhok, at at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama
rito.

b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – Kabilang ang mga gastos ng


mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales
para sa produksyon, sahod ng mga manggagawa at iba pa.
c. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Kasama rito ang mga gastusin ng
pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang
gastusin nito.
d. Gastusin ng Panlabas na sektor (X-M) – makukuha ito kung ibabawas ang
niluluwas o export sa inaangkat o import.
e. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa
pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap
sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o
impormasyon.
f. Net Factor Income From Abroad (NFIFA) – Tinatawag ring Net Primary
Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang
nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.
➢ Sa isang pamamaraan ng gastusin, ang pormula ay:

Halimbawa:

➢ Sa paggamit ng pormula ng GNI, kapag pinagsama-sama ang


lahatmakukuha ang halagang 282 M.
2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/ Value Added Approach)
Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating
bansa. Ang ang anumang kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at
serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag
pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga produkto, makukuha ang kabuuang
produksyon sa loob ng bansa o GNI. Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya ay agrikultura
(agriculture), kasama ang pangingisda at paggugubat, industriya (industriya) at
paglilingkod (service).

Halimbawa:

➢ Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang


lahat makukuha ang halagang 203 M piso.
3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na kabayaran na
nagsisilbing kita ng bawat salik. Kapag ang mga ito ay pinagsamasama,
nakukuha ang pambansang kita o national income ng bansa. Ang mga
kabilang sa National Income (NI) ay ang mga sumusunod:
a. Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM) – sahod
na ibinabayad sa sambahayan mula mula sa mga bahay-kalakal at
pamahalaan.

b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA) – Kabayaran natinatanggap


ng mga tao na hindi matatawag na sahod o sweldo. Ito ay kita ng isang
entreprenyur bilang salik ng produksyon. Dito rin nabibilang ang mga
dibidendo na kabayaran sa ari-arian. Ang kita ng entrepreneur sakanyang
negosyo ay tinatawag na proprietor’s income.
c. Kita ng pagpapautang orporasyon (KK) –Ang kita natinangap ng
korporasyon at pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo.
d. Kita ng Pamahalaan ( KP )- ito ay lahat ng kita na tinanggap ng
pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng korporasyon na pag-aari ng
gobyerno at mga interes sa pagpapautang ng pamahalaan.
e. Capital Consumption Allowances ( CCA ) – tinatawag na depresyong
pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makina o gusali kung ang
mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.
f. Indirect Business Tax ( IBT)- Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga
produkto o serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidy
na ibinibigay ng pamahalaan.
➢ Sa isang pamamaraan ng kita, ang pormula ay:

Halimbawa:

➢ Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat makukuha ang halagang 267 M piso.
➢ Ang compensation of employees ay ang sahod ng manggagawa. Ang rent ay
Ang interes ay mula sa capital. Ang buwis na galing sa kita mula sa lupa ng bahay-kalakal ay
ang corporate income tax.
CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES

Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o halaga ng mga produkto at serbisyo
sa pamilihan.Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa pagsukat ng GNI. Ipinapahayag
ang GNI sa dalawang paraan, ito ay ang mga sumusunod:

• Current o Nominal GNI- ito ay Gross National Income sa kasalukuyang presyo.


Kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa
loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
• Real GNI o GNI at constant prices- Kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na
produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang
takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan
ng paggamit ng batayang taon o base year.
Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa
pamamagitan ng Growth Rate. Ano ba ng Growth Rate? Ang Growth rate ay ang
sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon. Gamit ang pormula sa ibaba upang masukat ang growth rate ng
Gross National Income.

Pormula:
Halimbawa:
LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.


Sa pagtantya ng GNI, hindi naisasamang lahat ang kabuuang halaga ng
produkto at serbisyo sa bansa. May mga produkto o serbisyo na nalilikha na
hindi nakukwenta dahil ang mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis , mga
negosyo na walang record sa ating pamahalaan o sa ibang ahensya nito.
Kabilang dito ay ang mga sumusunod:

- Hindi Pampamilihang Gawain (hal: pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng


pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran)
- Impormal na Sektor (hal: transaksyon sa black market, ilegal na droga,
nakaw na sasakyan at kagamitan, ilegal na pasugalan, ata iba pa.)
- Externalities o hindi sinasadyang epekto (hal: gastos ng isang planta ng
koryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon)
- Kalidad ng buhay
Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing hindi
mainam na sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang
pambansang kita. Gayunpaman, kahit may limitasyon ang
pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang
antas ng pagsulong ng ekonomiya.
Prepared by:
Clarise Gomez
Thanks for your listening!

You might also like