You are on page 1of 4

ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Ayon kay Campbell R. McConnel at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles, Problems, and Policies (1999), ang
kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita ay ang mga sumusunod:

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksyon ng
ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksyon ng bansa.

2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksyon na tinatahak ng
ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.

3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang
bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa
economic performance ng bansa.

4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, hakahaka lamang ang magiging basehan na
walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.

5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.

Sa pagsukat sa produksiyon ng isang ekonomiya, hindi maiiwasan na mailarawan ito gamit ang pambansang kita. Walang
malilikom na kita ang pambansang ekonomiya kung wala itong malilikhang produkto at serbisyo. Sa pagsukat ng
pambansang kita, naisasaalang-alang naman ang dalawang kahulugan ng pambansang ekonomiya. Ang mga sumusunod
ay ginagamit na panukat ng pambansang kita.

GROSS NATIONAL INCOME/GROSS NATIONAL PRODUCT

Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag na Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang
pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.

➢ Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon upang
maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Gayundin ang mga hindi pampamilihang gawain, kung wala namang kinikitang
salapi ang nagsasagawa nito katulad ng pagtatanim ng gulay sa bakuran.

➢ Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground economy ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta
ng Gross National Income dahil ito ay hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang
Gawain.

➢ Ang produktong segunda mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang
halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.

GROSS DOMESTIC PRODUCT

Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.

➢ Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng
mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.

➢ Kabilang dito ang produksyon ng mga dayuhan na nasa loob ng pambansang ekonomiya.

Gross National Income at Gross Domestic Product

• Ang tala sa mga sinusukat na pambansang kita ay National Income Accounts.

• Ang pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita, tinatawag itong National Income Accounting.

• Parehong sinusukat sa loob ng isang takdang panahon, maaring quarterly o taunan.


Tatlong pamamaraan ng National Income Accounting

1. Paraan batay sa Paggasta (Expenditure Approach)

Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na
sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod:

a. Gastusing Personal (C) – nakapaloob dito ang mga gastos ng mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang,
serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito.

b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina,
hilaw na materyales para sa produksyon, sahod ng mga manggagawa at iba pa.

c. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong
panlipunan at iba pang gastusin nito.

d. Gastusin ng Panlabas na sektor (X-M) – makukuha ito kung ibabawas ang niluluwas o export sa inaangkat o import.

e. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan
ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.

f. Net Factor Income From Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang
gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

➢ Sa isang pamamaraan ng gastusin, ang pormula ay :

➢ Sa paggamit ng pormula ng GNI, kapag pinagsama-sama ang lahat makukuha ang halagang 282 M.

2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/ Value Added Approach)

Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa. Ang anumang
kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga ng
produkto at kapag pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga produkto, makukuha ang kabuuang produksyon sa loob
ng bansa o GNI. Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya ay agrikultura (agriculture), kasama ang pangingisda at
paggugubat, industriya (industriya) at paglilingkod (service).

➢ Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat makukuha ang halagang 203 M piso.
3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)

Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik. Kapag ang
mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang pambansang kita o national income ng bansa. Ang mga kabilang sa National
Income (NI) ay ang mga sumusunod:

a. Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM) - sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga
bahay-kalakal at pamahalaan.

b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA) –Kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na
sahod o sweldo. Ito ay kita ng isang entreprenyur bilang salik ng produksyon. Dito rin nabibilang ang mga dibidendo na
kabayaran sa ari-arian. Ang kita ng entrepreneur sa kanyang negosyo ay tinatawag na proprietor’s income.

c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK) - Ang kita na tinanggap ng korporasyon at pondo na inilalaan upang
palawakin ang negosyo.

d. Kita ng Pamahalaan ( KP )- ito ay lahat ng kita na tinanggap ng pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng
korporasyon na pag-aari ng gobyerno at mga interes sa pagpapautang ng pamahalaan.

e. Capital Consumption Allowances ( CCA ) – tinatawag na depresyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng
bagong makina o gusali kung ang mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.

f. Indirect Business Tax ( IBT)- Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto o serbisyo na nilikha matapos
ibawas ang anumang subsidy na ibinibigay ng pamahalaan.

➢ Sa isang pamamaraan ng kita, ang pormula ay:

➢ Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat makukuha ang halagang 267 M piso.

➢ Ang compensation of employees ay ang sahod ng manggagawa. Ang rent ay kita mula sa lupa. Ang interes ay
mula sa capital. Ang buwis na galing sa kita ng bahay-kalakal ay ang corporate income tax.

CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES

Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o halaga ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan.Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa pagsukat ng GNI. Ipinapahayag ang GNI sa dalawang paraan,
ito ay ang mga sumusunod:

• Current o Nominal GNI- ito ay Gross National Income sa kasalukuyang presyo - kumakatawan sa kabuuang
halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang
presyo.

• Real GNI o GNI at constant prices- kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong
ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang
taon o base year.
Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng Growth Rate. Ano ba ng
Growth Rate? Ang Growth rate ay ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon. Gamit ang pormula sa ibaba upang masukat ang growth rate ng Gross National Income.

LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.Sa pagtantya ng GNI, hindi naisasamang
lahat ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo sa bansa. May mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi
nakukwenta dahil ang mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis , mga negosyo na walang record sa ating pamahalaan o
sa ibang ahensya nito. Kabilang dito ay ang mga sumusunod:

- Hindi Pampamilihang Gawain (hal: pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng pinggan, at pagtatanim sa bakanteng
lupa sa loob ng bakuran)

- Impormal na Sektor (hal: transaksyon sa black market, ilegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan, ilegal
na pasugalan, ata iba pa.)

- Externalities o hindi sinasadyang epekto (hal: gastos ng isang planta ng koryente upang mabawasan ang
perwisyo ng polusyon)

- Kalidad ng buhay

Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing hindi mainam na sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang pambansang
kita. Gayunpaman, kahit may limitasyon ang pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng
pagsulong ng ekonomiya.

You might also like