You are on page 1of 35

GROSS NATIONAL PRODUCT

Ang anumang bansa sa daigdig ay naghahangad


na marating at matamo ang pag-unlad ng
ekonomya.
Ang kaunlaran ng isang ekonomya ay makikita sa
tinatawag na economic performance ng bansa.
Ito ang batayan kung nagagampanan ng
pamahalaan at ng iba pang sektor ang kani-kanilang
gawain at tungkulin.

Sa pagsukat ng economic performance ng bansa ay


ginagamit ang mga economic indicators.

Ito ang mga instrumento upang ilahad ang anumang


pag-unlad na narating ng isang ekonomya.
Dito nakapaloob ang katuturan ng pagtutuos ng GNP,
Pambansang Kita, Per Capita Income, CPI,
Implasyon, GDP at iba pa.

Ang mga indicator na ito ang naglalarawan ng


kalagayan ng isang bansa.
Economic Indicators

GNP

GDP

NI

CPI

PCI

Pag-unlad ng Ekonomya

Kabuuang Pambansang Produkto


(Gross National Product o GNP
Ang GNP ay itinuturing na pinakamahalagang
bagay na isinasaalang-alang sa usapin na may
kinalaman sa pag-unlad ng bansa.
Sa GNP nalalaman ang pangkalahatang
produksyon ng bansa. Sa pamamagitan nito,
pinagsasama-sama ang lahat ng produkto at
serbisyo na ginawa ng mga mamamayan ng isang
bansa.

Alam natin na napakaraming produkto ang


nililikha sa bansa na may kanya-kanyang panukat
tulad ng kilos, salop, yarda, metro, dosena, galon at
iba pa.
At upang masukat ang pangkalahatang produksyon
ng bansa, hindi na gumagamit ng anumang panukat sa
produkto, bagkus ang presyo o halaga ng mga
nagawang produkto na lamang ang pinagsama-sama.
Ang halagang ito ay iyong tinatawag na market
value.

Ibig sabihin ang anumang produkto at serbisyo na


walang halaga ay hindi naisasama sa pagkuha ng
GNP.
Ang mga produktong handa na para ikonsumo o
iyong tinatawag na final goods ang isinasama sa
pagkukwenta ng GNP.
Ang mga produktong hindi na kailangang iproseso
upang maging yaring produkto.
Isang halimbawa ay ang hilaw na materyal tulad
ng tubo na isang intermediate goods, kailangan pang
ipoproseso upang maging asukal.

Kaya ang halaga ng tubo ay hindi binibilang


kundi ang halaga lamang ng asukal ang kinukwenta
upang iwasan ang double counting sa GNP.
Kapag nagkaroon ng double counting ang GNP ay
masyadong lalaki.
Sa maikling salita, ang GNP ay tumutukoy sa
kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong
nagawa ng isang bansa sa loob ng isang taon.
Kasama sa GNP ng isang bansa ang produksyon
ng kanilang mamamayan sa loob at labas man ng
bansa. Upang madaling tandaan, ang GNP ay gawa
ng Pinoy sa loob at labas ng bansa.

Halimbawa sa ating bansa, ang mga kinikita ng


ating mga OFWs na nasa ibat ibang bansa ay kasama
sa ating GNP at lahat ng ito ay kinukwenta sa loob ng
isang taon.
1. Pagkakaiba ng GNP at GDP (Gross Domestic
Product)
Kung ang GNP ay sumusukat sa kabuuang
produksyon na nagawa ng mga mamamayan ng isang
bansa na nagbubuhat sa loob at labas ng bansa, ang
GDP ay tumutukoy sa mga produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng bansa, maging ito ay produksyon
ng isang dayuhan.

Lahat ng produksyon sa loob ng ating bansa ay


kabilang sa ating GDP. Masusuri natin na may mga
elemento na isinasama sa GDP at hindi sa GNP.
Isang halimbawa ay ang kinikita ng mga Pilipino
na nagtatrabaho sa ibang bansa, ang halaga ng
kanilang kinikita ay kabilang sa ating GNP ngunit
hindi kasama sa GDP dahil ang kita ay di nagmula sa
loob ng bansa. Samakatuwid, GDP ay Gawa Dito sa
Pinas.
Samantalang ang kita na tinatanggap ng mga
dayuhan na nagtatrabaho at namumuhunan sa ating
bansa ay kasama sa GDP at hindi kabilang sa ating
GNP.

Sa kabuuan, ang anumang produkto at serbisyo na


nilikha ng mga Pilipino sa loob ng bansa ay parehong
isinasama sa GNP at GDP.
Sa ating bansa, madalas na mas mataas ang GDP
kaysa sa GNP. Ang ganitong kalagayan ay bunga ng
pagkakaroon ng mas malaking produksyon at kita ng
mga dayuhan na nasa loob ng bansa kaysa sa kinikita
ng mga Pilipino na namumuhunan at nagtatrabaho sa
labas ng bansa.
Kapag ibinawas ang kita ng mga Pilipino na nasa
ibang bansa sa kita ng mga dayuhan na nasa loob ng
ating bansa, makukuha ang tinatawag na net factor
income from abroad (NFIFA)

Ang bawat bansa ay may target na bilang na


produksyon na naaayon sa kanilang kapasidad. Ang
kabuuang produksyon na tinatantya ayon sa kakayahan
ng mga salik na nabanggit ay tinatawag na Potential
GNP ng bansa.
Ito ang hahangarin na matamo sa loob ng isang taon.
At sa bawat pagtatapos ng taon, sinusukat ng isang bansa
ang produksyong nagawa. Ito naman ang tinatawag na
Actual GNP.
Ito ang nagsisilbing barometro upang alamin kung
naging makabuluhan at epektibo ang pamahalaan sa
lubusang paggamit ng mga likas na yaman, makinarya at
manggagawa upang matamo ang Potential GNP.

At kung higit na malaki ang halaga ng kita ng mga


salik na dayuhan kaysa sa mga mamamayang Pilipino
sa labas ng bansa, ang NFIFA ay may negatibong
resulta na siyang dahilan ng pagbaba ng ating GNP,
kumpara sa ating GDP.

2. Potential at Actual GNP


Ang bilang ng manggagawa, ilang oras
nagtatrabaho ang mga ito, mga makinarya at
teknolohya na ginagamit at ang mga likas na yaman
ng bansa ay ginagawang batayan sa pagtantiya ng
kabuuang produksyon ng isang ekonomiya.

Kapag ibinawas ang Actual GNP sa Potential GNP,


nakukuha ang GNP gap.
Positive gap ang makukuha kapag mas malaki
ang Potential GNP kaysa sa Actual GNP na
naglalarawan ng hindi lubos na pinakinabangan
at nalinang ang mga salik ng poduksyon na siyang
dahilan kung bakit walang full produksyon sa isang
ekonomya

3. Nominal at Real GNP


Ang GNP ay sinusukat sa pamamagitan ng market
value o halaga ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan.

Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa


pagsukat ng GNP.
Mapapansin sa talaan na ang GNP ay
ipinahayag sa dalawang paraan; una, ang GNP at
current prices o ang tinatawag na Nominal GNP.
Ito ang kabuuuang produksyon ng bansa na
nababatay sa pangkasalukuyang presyo sa pamilihan .
At ang pangalawa, ay ang GNP at constant prices
na kilala rin sa tawag na Real GNP. Ang halaga ng
produksyon ng bansa ay ibinabatay sa presyo ng mga
nakalipas na taon.
Ito ang tinatawag na base year na itinatakda ng
NEDA na laging nasa 100

Talahanayan Blg. 1
Indicator
GNP at current prices (bilyong piso)
GNP at constant prices (1995)

4th Quarter
2000
1,000.
9
279.6

2001
1,100.
7
289.9

% ng paglago
Nominal GNP

9.97

Real GNP

3.68

Makikita sa talahanayan na higit na mataas ang


Nominal GNP kaysa sa Real GNP sapagkat sa ating
bansa, palaging tumataas ang presyo sa bawat taon.
Kaya kahit sa porsyento ng paglago ay mas mataas
pa rin ang Nominal GNP bunga pa rin ng pagtaas ng
presyo samantalang ang paglalago ng Real GNP ay
dulot ng paglaki ng produksyon kahit ang presyo ay
batay sa nakaraang taon o base year na nasa taong
1985.
Ang pagkuha ng growth rate o paglago ay ayon sa
pormulang:

Growth Rate: GNP ng kasalukuyang taon- GNP nakalipas na taon X 100


GNP nakalipas na taon

Halimbawa: GNP 2001 GNP 2000 x 100


GNP 2000
= 1,007.7 1,000.9 x 100
1,000.9
= 99.8 x 100
1,000.9
= 0.09971026 x 100
GR = 9.97%

BULUNG-BULONGAN SA PALENGKE

Capital Consumption
Allowances (CCA)
Industry Sector
Kita ng Entreprenyur at
ng mga Ari-arian (KEA)
Kita ng Pamahalaan (KP)
Pamahalaang Gastusin
(G)
Personal na Gastusin (C)
Service Sector
Statistical Disrepancy

Panlabas na Gastusin (XM)


Net Factor Income from
Abroad (NFIFA)
Namumuhunang
Gastusin (I)
Kita ng mga Empleyado
(KEM)
Kita ng Kompanya o
Korporasyon (KK)
Indirect Business Taxes
(IBT)

Paraan Batay sa Paggasta

Personal na Gastusin (I)


Namumuhunang Gastusin (I)
Pamahalaang Gastusin (G)
Panlabas na Gastusin (X-M)
Statistical Discripancy (SD)
Net Factor Income from
Abroad (NFIFA)

Paraan Batay sa Kita

Kita ng mga Empleyado


(KEM)
Kita ng Kompanya o
Korporasyon (KK)
Kita ng Entreprenyur at ng
mga Ari-arian (KEA)
Kita ng Pamahalaan (KP)
Capital Consumption
Allowances (CCA)
Indirect Business Taxes (IBT)

Value Added or
Industrial Origin

Agricultural Sector
Service Sector
Industry Sector
NFIFA

Ang kabuuang produksyon ng ekonomya ay


mababatid sa pamamagitan ng pagkwenta o pagsukat
ng GNP. At ito ay maipakita sa ibat ibang paraan.
Mga Paraan ng Pagsukat ng Gross National Product

1. Factor Income Approach


Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap
na kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik.
Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha
ang pambansang kita o national income ng bansa. Ang
pag-alam ng pambansang kita ay mahalagang sangkap sa
pagtukoy ng GNP sa paraang ito.

Ang mga kabilang sa national income (NI) ay ang


mga sumusunod:

a. Kabayaran o kita ng mga Empleado at


Manggagawa (KEM)
Lahat ng benepisyo, komisyon, allowance tulad ng
COLA, PERA, Clothing at Transportation Allowance,
mga nonmonetary benefits at ang mga sahod o bayad
na naaayon sa kontrata ng mga manggagawa at
suweldo ng mga empleado na tinatanggap sa takdang
araw ay kabilang sa kompensasyon ng empleado at
manggagawa.

b. Kita ng Entreprenyur at ng mga Ari-arian


(KEA)
Kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi
matatawag na sahod o sweldo. Ito ang kita ng isang
entreprenyur bilang salik ng produksyon. Dito rin
nabibilang ang mga dibidendo na kabayaran sa ariarian.

c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK)


Anumang kita na tinanggap ng isang korporasyon
at pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo.

d. Kita ng Pamahalaan (KP)


Lahat ng kita na tinatanggap ng pamahalaan tulad
ng buwis, mga kinita ng mga korporasyon na pag-aari
ng gobyerno at mga interes sa pagpapautang ng
pamahalaan. Kapag pinagsama-sama ang lahat ng ito
ay makukuha ang pambansang kita.

NI = KEM + KEA + KK + KP
Hal.: KEM = P110M, KEA = P50M, KK = P15M at KP = P22M

Ang NI ay 110 + 50 + 15 + 22 = P197M at upang


masukat ang GNP, dapat isama ang ibang gastos sa
paglikha ng produkto at serbisyo tulad ng:

(1) Capital Consumption Allowances (CCA)


O iyong tinatawag na depresasyong pondo na
inilalaan para sa pagbili ng bagong makina at gusali
kung ang mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.

(2) Indirect Business Taxes (IBT)


Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto
at serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang
subsidy na ibinibigay ng pamahalaan.
Sa kabuuan, ang GNP ay masusukat sa
pamamagitan ng NI + CCA + IBT = GNP.
Kung ang NI ay P197M, IBT = P5M at CCA =
P12M, ang GNP ay nagkakahalaga ng P214M.

(2) Final Expenditure Approach


Ang mga sektor ng ekonomya tulad ng sambahayan,
pamahalaan, kompanya at panlabas (dayuhan) ay may
kani-kanilang mga pinagkakagastusan na mahalaga sa
pagtantya ng GNP ng bansa.

a. Gastusin ng Pamahalaan (G)


Ang paggastos ng gobyerno para sa pagbabayad ng
mga empleado ng pamahalaan tulad ng manggagamot,
nars, guro, kawani, senador, kongresista, mga hukom at
hanggang sa may pinakamataas na katungkulan sa
gobyerno;
paggastos ng mga imprastraktura tulad ng tulay,
kalsada, gusali at iba pa; ang gastos sa bawat
paglalakbay ng pangulo ng bansa at marami pang iba
ay kabilang sa gastusin ng gobyerno.

b. Gastusin ng Personal na Sektor (P)


Ito ang mga pinagkakagastusan ng sambahayan
mula sa pagkain, damit, tirahan, hanggang sa mga
luho ng katawan tulad ng alahas, appliances at
marami pang iba.

c. Gastusin ng Kompanya (K)


Ang pagkonsumo ngmga negosyante sa mga fixed
capital tulad ng makinarya, gusali at mga kagamitang
pang-opisina, mga stock o changes in stocks, mga
imbentaryo at mga binibiling lupa at bahay bilang
earning assets ay kabilang dito.

d. Gastusin sa Panlabas na Sektor o Export (X)


Dito nakapaloob ang pagluluwas o export ng mga
produkto sa ibang bansa at ang pag-aangkat o import
(M) ng mga produkto m ula sa ibang bansa.

Upang malaman ang gastusin sa panlabas na


sektor, ibinawas ang gastos sa export at gastos sa
import, positibo kapag mas malaki ang export kaysa
sa import at negatibo kung mas malaki ang import
kaysa sa export.

e. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)


Ito ang nagpapakita ng diperensya ng kita ng
Pilipino sa ibang bansa bilang salik ng produksyon at
ng kita ng mga dayuhang salik ng produksyon dito sa
loob ng bansa. Positibo pag mas malaki ang kinita ng
mga Pilipino sa ibang bansa ngunit negatibo pag mas
malaki ang kita ng mga dayuhan.

f. Statistical Discrepancy (SD)


Ito ay ang pagkakaroon ng labis o kulang sa
pagsukat ng GNP. Ang nasabing kaklangan o
kalabisan ay hindi malaman kung saan dapat isama
kaya ito ay nagsisilbing discrepancy sa pagkwenta.
Kapag ang lahat ng nasabing gastos ng bawat
sektor ay pinagsama-sama, makukuha ang GNP. Ang
pormula sa pagkuha ng GNP ay:
GNP = G + P + K + (X M) + NFIFA + SD

Halimbawa:
P = P120M

X = P27M

G = P30M

NFIFA = P-5M

K = P59M

SD = P3M

M = P20M
At sa paggamit ng pormula ng GNP,
makukuha ang halagang P214M.

3. Industrial Origin Approach


Tinatawag din itong Value Added Approach kung
saan kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat
industriya sa ating bansa. Ang anumang kontribusyon sa
pagbuo at paglikha ng mga produkto at serbisyo ng
bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga ng
produkto at kapag pinagsama-samang lahat ang halaga
ng mga produkto, makukuha ang kabuuang produksyon
sa loob ng bansa o GDP.
Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito, kailangan
munang alamin ang GDP at saka idagdag ang net factor
income from abroad. Kapag tinantya ang dagdag na
halaga ng salik na ginamit ng mga sektor ay nakukuha
ang tinatawag na Gross national Product.

Sa pagbuo ng produkto o serbisyo, ito ay dumadaan sa


ibat ibang proseso kung saan nakapaloob ang tatlong
mahalagang sektor o industriya.
Halimbawa, sa palay o bigas, ito ay nagmula sa sektor
ng agrikultura, kailangan itong iproseso o gilingin upang
maipagbili. Ang paggiling ay gagawin ng sektor ng
industriya at bago ito makarating ng pamilihan, kailangan
ang serbisyo ng transportasyon.
Sa bawat sektor na dinaanan nito ay may idinadagdag
na halaga na siyang pinagbabatayan ng halaga o presyo ng
produkto sa pamilihan. Halimbawa, kapag pinagsama ang
lahat ng dagdag na halaga ng agrikultura, industriya, at
serbisyo sa kabuuang produksyon ng bansa sa ganitong
halaga.

Agrikulutra:
Industriya:
Serbisyo:

P81M
P85M
P53M

GNP =

P219M

Kapag idinagdag ang


NFIFA
GNP =

P-5M
P214M

Mapupuna na kahit na anong paraan ang gamitin sa


pagsukat ng GNP, ang kabuuan ay magkakapareho.
Kapansin-pansin din na ang GDP ay nagkakaroon ng
pagkakataon na tumaas kaysa sa GNP.

Limitasyon sa Pagsukat ng GNP


Ang GNP ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad
ng ekonomya ng bansa. Minsan, ang paglalabas ng
ulat ng GNP ay may pandaraya upang mapaniwala
ang ibang bansa na ang ating GNP ay tumataas.
Kahit sabihin ng pamahalaan na lumago nang 5%
ang GNP, hindi naman ito nararamdaman ng
maraming
bilang
ng
pangkaraniwang
mamamayan. Ang GNP ay tumataas ngunit ang
pamumuhay ng maraming mamamayan ay patuloy
na naghihirap.

Sa pagtantya ng GNP, hindi naisamang lahat ang


kabuuang halaga ng produkto at serbiso sa bansa. May
mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi nakikwenta
dahil ang mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis, mga
negosyo na walang rekord sa ating pamahalaan o sa ibang
ahensya nito. Ito ang tinatawag na underground economy,
kung saan milyun-milyong mamamayan sa ating bansa ang
nasa ilalim nito.
Karamihan sa mga ito ay kumikita ng mas malaki kaysa
sa mga ligal na negosyante at manggagawa. Ang ilan sa
mga gawain na kabilang sa underground economy ay ang
sidewalk vendor, maliliit na tindahan at pagawaan, mga
ilegal na gawain ng ilang tao at iba pa. ito ang nagsisilbing
limitasyon sa pagtantya ng GNP.

You might also like