You are on page 1of 20

Prayer

Ang Estruktura ng
Pamilihan
By: Leo Mar Endriga
Layunin:

• naibibigay ang kaibahan ng Dalawang Estruktura ng Pamilihan

• naitutukoy ang iba’t ibang anyo ng Imperfectly Competitive Market (ICM) ; at

• naibibigay ang halaga ng Estruktura ng Pamilihan sa pamamagitan ng paglalarawan


sa ganap o di ganap na estruktura nito.
Pagganyak
Panuto: Ayusin ang bawat salita sa loob ng kahon upang mabuo ang mga konsepto.

PORDSEUYR PRODYUSER

- Tawag sa taga likha ng mga produkto at serbisyo

SOYRPE PRESYO

- Nagtatakda sa dami ng produktong gagawin at dami ng produktong mabibili

LIPMHAIAN PAMILIHAN

- Lugar na kung saan nagtatagpo ang mamimili at negosyante


SNOKRUMEY
KONSYUMER

- Tawag sa bumibili ng mga produkto o serbisyo


Estruktura
• Ito ay porma o pisikal na balangkas ng isang bagay o
kadalasang tinatawag na kabuuan. Kung i- uugnay ito sa
pamilihan, ang estruktura ay na- oobserbahan o nakikitang
aspeto ng isang ekonomiya.
DALAWANG ESTRUKTURA NG PAMILIHAN

• Imperfectly Competitive Market (ICM)

• Perfectly Competitive Market (PCM)


Imperfectly Competitive Market (ICM)
O pamilihang may di- ganap na kompetisyon.

• Ang estrukturang ito ay salungat sa ideya ng isang modelong pamilihan. Tinagurian


itong di- ganap na kompetisyon dahil may direktang control at may kapangyarihang
manipulahin ng prodyuser ang presyo ng produkto at serbisyong ipinagbili sa
pamilihan.

• May iba’t ibang anyo ang bumubuo sa ganitong istruktura: monopolyo, monopsonyo,
oligopolyo at monopolistic competition.
Monopolyo

• Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto
at nagbibigay- serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili.

• Dahil didto, siya ay may kakayahang impluwensyahan ang pagtatakda ng presyo sa


pamilihan.

• May kakayahang hadalangan ang kalaban: Patent, copyright at trademark.


Patent- ay karapatang kaloob ng pamahalaan sa isang imbentor upang
mahadlangan ang sinumang gustong gumamit o magbenta ng kanyang gawa
nang walang karampatang impormasyong binibigay sa publiko.

Copyright- ay ang karapatan ng pagmamay- ari ng sinuman sa kanyang


gawa na may kaugnayan sa iba’t- ibang larangan tulad ng literatura, sining,
kanta, datos, atb iba pa. Maari din itong i-ugnay sa plagiarism.

Trademark- ito ay pagmamarka sa isang produkto bilang pagkilala sa


gumawa nito.
Monopsonyo
• Maraming tagagawa o prodyuser na maaring nagbibili ng parehong produkto.

• Tanging iisa lang ang taga bili nito. Ang konsyumer mismo ang may kapangyarihang
diktahan ang presyo nito sa pamilihan.

• Halimbawa nito ay ang ating pamahalaan na kung saan ito ang may kakayahang
kunin ang serbisyo ng mga guro, pulis, mga empleyado sa iba’t- ibang kagawaran,
traffic enforcer at iba pa.

• Ang pamahalaan mismo ang nagpapasahod na tuwirang takda na ang halaga.


Oligopolyo
• Kakaunti lang ang prodyuser na maaring nagbibili ng parehong produkto. Maaring
direktang diktahan o baguhin ang presyo ng produkto at serbisyo. Halimawa ng mga
produktong ito ay langis, semento, at mga mineral.

• Madalas nagaganap sa pamilihang ito ang hoarding o pagtago ng produkto ng mga


prodyuser at hihintayin ang pagtaas ng presyo nito bago ipagbili sa merkado.

• Kabilang sa samahan ng mga oligopolista o kartel na nagbibigay sa kanila ng


karapatang makipag- alyansa ay ang pandaigdigang kartel tulad ng OPEC o
Organization of Petrolium of Exporting Countries ng Middle East na siyang
nagkokontrol sa supply, partikular na sa presyo ng petrolyo sa buong daigdig.

• Consumer’s Act of 2011 – upang maprotektahan ang mga Pilipinong konsyumer mula
sa di- makatarungang pagpapataw ng malaking presyo sa bilihin.
Monopolistic Competition
• Ang estrukturang ito ay parehong marami ang konsyumer at prodyuser. Ngunit ang prodyuser
pa rin ang nagtatakda ng presyo ng kanyang ipinagbibili.

• Ang mga produkto at serbisyo ay magkakapareho, subalit, magkakaiba ang packaging at lasa.

• Kaya mas bibigyang pansin ang advertisement bilang isa sa paraan na ipakilala ang produkto
sa publiko.

Halimbawa: toothpaste, sabon, softdrinks, shampoo at iba pa.


Perfectly Competitive Market (PCM)
o pamilihang may ganap na kompetisyon

• Kinikilala ang estruktura ng pamilihang ito bilang modelo o ideal. Sa pamilihang ito,
walang sino man ang
makadikta sa takbo ng pamilihan partikular na ang presyo, maging prodyuser o konsyumer
man.

Kabilang sa mga katangian nito ang mga sumusunod:

• May maraming maliliit na prodyuser at konsyumer (market players);


• Magkakatulad ang produkto (homogeneous);
• May malayang paggalaw ng sangkap ng produksyon;
• May malayang pagpasok at paglabas sa industriya; at
• May malayang impormasyon ukol sa pamilihan.
“ Markets are usually a good way to organise economic activity”

- 6th Principles of Economics by Greg Mankiw


LAKBAY ARALIN

1. Mag bigay ng maganda at di magandang maidudulot ng ICM at


PCM.

2. Ano ang magiging mahalagang papel na gagampanan ng estruktura


ng pamilihan sa panahon ng Pandemya?

3. Ipagpalagay na isa kang ekonomista, ano ang magandang mungkahi


na iyong maibibigay upang mas mapalago pa ang ating pamilihan?
 
PAGLALAPAT ¼ sheet of paper
 

Panuto: Tukuyin kung ganap o di ganap ang estruktura ng pamilihan na inilalarawan ng bawat pahayag.
 
   
PAHAYAG GANAP O DI- GANAP
1. Ito ay isang uri ng estruktura sa pamilihang umiiral ang kontroladong presyo  
ng mga prodyuser ang mga ipinagbibiling mga produkto at serbisyo.
1. Estruktura ng pamilihan na may malayang paggalaw ng mga sangkap ng  
produksyon.
1. Ang presyo ng mga produkto ay hindi kayang baguhin ng prodyuser o  
konsyumer man.
1. Sa estrukturang ito nabibilang ang monopolyo, monopsonyo, oligopolyo at  
monopolistic completion.
1. Maraming maliit na konsyumer at prodyuser ang matatagpuan sa uri ng  
istruktura ng pamilihan na ito.
PAGTATAYA ½ Crosswise
 
Panuto: Basahin at tukuyin ang mga sumusunod na pahayag sa bawat aytem. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa loob ng kahon.
 
A. Monopolyo B. OPEC C. Petrolyo D. Oligopolyo
 
E. Market Players F. Hoarding G. Monopsonyo H. Trademark
 
I. Perfecty Competitive Market (PCM) J. Copyright
 
K. Imperfectly Competitive Market (ICM)

____1. Tumutukoy sa estruktura ng pimilihan na may maliit na bilang o may iilan lamang na prodyuser na parehong nagbibili ng
magkapareho o magka- ugnay na produkto at serbisyo.
 
____2. Karapatang pagmamay-ari ng isang tao, tulad ng tula o komposisyon ng kanta na kabilang sa Intellectual Property Rights.
 
____3. Uri ng pamilihang kinilala bilang ideal o naayon na kung saan Malaya ang prodyuser at konsyumer sa pamilihan.
____4. Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser ng isang produkto o serbisyo na hindi maaring palitan ng
ibang uri ng produkto tulad ng ILPI sa lungsod ng Iligan.
 
____5. Ito ay pagtatago ng produkto na nagdudulot ng pagliit ng supply na hahantong sa pagtaas ng prersyo.
 
____6. Produktong nanggagaling sa Middle East na inaaangkat at ini- import sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
 
____7. Katawagan sa mga prodyuser at konsyumer sa pamilihan.
 
____8. Isang uri ng pamilihan na nag-iisang bumibili ng mga produkto at serbisyo mula sa iba’t- ibang
prodyuser.
 
____9. Pagmamarka sa isang produkto o serbisyo bilang pagkakakilanlan ng prodyuser o tagagawa nito.
 
____10. Ang ganitong estruktora ng pamilihan ay binubuo ng mga mayayaman at makapangyarihang
prodyuser na may kakayahang baguhin ang mga itinakdang presyo sa mga produkto at serbisyong ipinagbibili.
TAKDANG ARALIN (ACTIVITY NOTEBOOK)

• Paghambingin ang dalawang estruktura ng pamilihan. Isulat ang pagkaka- iba at


pagkakapareho nito gamit ang Venn Diagram.
THANK YOU…

You might also like