You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF IMUS CITY
Gen. Emilio Aguinaldo National High School – Imus City
Palico IV, City of Imus

ARALING PANLIPUNAN 9
Ikatlong Markahan
Week 1&2- MELC 1

Pangalan: _______________________________ Taon at Baitang: ______________


Guro: ___________________________________ Petsa: _______________________

ARALIN 1: PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya


Unang Modelo. Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng
ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing aktor sa modelong ito. Ang
sambahayan ay ang kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay
ang tagalikha ng produkto. Sa unang modelo, ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang
lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag
kabilang na ito sa sambahayan.

SIMPLENG EKONOMIYA: ANG SAMBAHAYAN AT BAHAY-KALAKAL SA PAGGAMIT NG SALIK NG


PRDUKSIYON (FACTOR MARKETS)
Kokonsumo ng mga Produkto

SAMBAHAYAN
Lilikha ng mga Produkto
Ikalawang Modelo. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang
tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito.
Sila ay binubuo ng iba’t ibang aktor. Sa puntong ito masasabing magkaiba ang sambahayan at
bahay-kalakal. May dalawang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang uri ay ang
pamilihan ng mga salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang dito ang pamilihan para sa
kapital na produkto, lupa, at paggawa. Ang ikalawang uri ay pamilihan ng mga tapos na produkto
o commodity. Kilala ito bilang goods market o commodity markets.

ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT


SALIK SA PRODUKSYON
Ikatlong Modelo. Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor-
ang sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang
kanilang mga desisyon sa panghinaharap. Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para
sa pamimili. Hindi lang pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal. Bukod sa
pamimili at paglikha ng produkto, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagiging mahahalagang
gawaing pang-ekonomiya. Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga pamilihang pinansiyal
(financial market). Ang bahagi ng kita na hindi ginagastos ay tinatawag na impok (savings).

PAMILIHANG PINANSYAL: PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN


(INVESTMENTS)

Ikaapat na Modelo. Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay
lumalahok sa sistema ng pamilihan. Maaaring maliit at mabagal ang gampanin ng pamahalaan
dito. Maaari namang malaki rin at aktibo ang pamahalaan dito. Kung ang unang gampanin ang
pagbabatayan, ang pamahalaan ay kabilang sa politikal na sektor. Labas ang pamahalaan sa usapin
ng pamilihan. Ngunit kung sa ikaapat na modelo ang pagbabatayan, papasok ang pamahalaan
bilang ikatlong sektor. Ang naunang dalawang sektor ay ang sambahayan at ang bahay-kalakal.
Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging karagdagang
gawain sa ekonomiya. Tulad din ng pag-iimpok at pamumuhunan, broken lines ang ginamit sa
pagbabayad ng buwis. Ang pagbabayad ng buwis ay hindi takdang gawain ng sambahayan at
bahay-kalakal sa isang pamilihan. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita
mula sa buwis ay tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha
ng pampublikong paglilingkod. Ang mga pampublikong paglilingkod ay nauuri sa pangangailangan
ng sambahayan at ng bahay-kalakal.

ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHANG PINANSYAL, SALIK NG PRODUKSYON, KALAKAL


AT PAGLILINGKOD
Ikalimang Modelo. Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado.
Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon
lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. Ang perspektiba sa
saradong pambansang ekonomiya ay domestik. Iba pang usapin kapag ang pambansang
ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya. Ang kalakalang panlabas
ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang
ekonomiya. May mga sambahayan at bahay-kalakal ang dayuhang ekonomiya.

ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS

Source: EKONOMIKS, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang tamang letra upang mabuo ang salita. Ang ilang letra ay
ibinigay na bilang gabay. (1 pt. each)

1. Ang tagalikha ng produkto.

B A K
2. Nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa niyang
ikonsumo.
M L

3. Pinagmumulan ng mga salik na produksyon.

B Y

4. Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.


P H A

5. Ang sektor na nakikipag transaksiyon sa ibang bansa.


A B N K

Pamprosesong Tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan na bumubuo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya ? (5 pts)


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ano ang bahaging ginagampanan ng bawat tauhan ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya? (5 pts.)
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Tukuyin at isulat sa loob ng kahon kung anong sektor ang tinutukoy sa dayagram.
(2 pts. each)
Ika-limang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

1.

2. 3.
4.

5.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa paikot na daloy ng ekonomiya? (2 pts)
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Papaanong nagkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya? Ipaliwanag. (3 pts)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Iguhit ang unang modelo ng pambansang ekonomiya sa loob ng kahon at ipaliwanag. (5
points)

Paliwanag: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Nilalaman 5
Pagkamalikhain 5

Kabuuang Puntos 10
101011
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga tauhan at ng pamilihan sa paikot na daloy
ng Ekonomiya gamit ang tsart sa ibaba. Sagutan ang mga pamprosesong tanong.

MGA TAUHAN SA PAIKOT NA BAHAGING GINAGAMPANAN


DALOY NG EKONOMIYA
1. Sambahayan
2. Bahay-Kalakal
3. Pamahalaan
4. Panlabas na Sektor

MGA URI NG PAMILIHAN BAHAGING GINAGAMPANAN

1. Product Market
2. Factor Market
3. Financial Market
4. World Market

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ugnayang namamagitan sa Sambahayan at Bahay-Kalakal? Ipaliwanag.


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano ang mahalagang bahagi na ginagampanan ng Pamahalaan sa ekonomiya?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sector?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Panuto: Kumpletohin ang inpormasyon sa loob ng callou

Matapos kong basahin ang teksto at gawin ang mga Gawain,


naunawaan at nalaman ko na _______________________
______________________________________________
_____________________________________
____________________________________.

Gawain sa Pagkatutuo Bilang 6


Panuto: Tukuyin ang mga hinihingi sa mga sumusunod:
1 – 5 Isa-isahin ang limang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya
6 – 9 Mga tauhan sa paikot na daloy ng ekonomiya.

You might also like