You are on page 1of 18

PAUNANG GAWAIN: ARALIN 30

1. Hulaan kung anong produktong makikita sa pamilihan


ang mga ss.

Kamatis
Sabon
Knife or Kutsilyo
Mop Guard
Ampalaya
Timba
Gawain 1. Ilagay kung saang estruktura ng pamilihan nabibilang ang

ss. na katangian.
MGA URI NG PAMILIHAN

A. Pamilihang May Ganap Na Kompetisyon

• Kinikilala bilang modelo o ideal


• Walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring
makapagdikta sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo
• Ang presyo at dami ng produkto ay batay sa ekwilibriyo sa pamilihan
• Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
• Magkakatulad ang mga produkto
• Malayang paggalaw ng mga sangkap ng produksyon
• Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
• Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
MGA URI NG PAMILIHAN

Halimbawa: Mga negosyong may kaugnayan sa produktong


agrikultural
MGA URI NG PAMILIHAN
B. Pamilihang May Hindi Ganap Na Kompetisyon

1. MONOPOLYO
• Iisa ang nagtitinda – ang presyo ay batay sa profit
max rule
• Produkto na Walang Kapalit
• Kakayahang Hadlangan ang Kaaway
MGA URI NG PAMILIHAN

Halimbawa: Mga Negosyong Namumuhunan sa


koryente katulad ng LUELCO
MGA URI NG PAMILIHAN

2. MONOPSONYO

• Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang


iisang konsyumer ngunit maraming prodyuser
produkto at serbisyo.
Halimbawa: Department of Education at Philippine National Police
MGA URI NG PAMILIHAN

3. OLIGOPOLYO
• May maliit o kakaunti lamang na bilang ng
prodyuser na nagtitinda ng magkakatulad
o magkakaugnay na produkto at serbisyo
• May kakayahan ang mga prodyuser na diktahan
ang presyo na umiiral sa pamilihan
• Sa ganitong sistema maaaring magsabwatan ang mga
negosyante na tinatawag na collusion
MGA URI NG PAMILIHAN

Hal. Mga negosyong may kaugnayan sa


produktong industriyal tulad ng bakal,
semento, ginto at petrolyo.
MGA URI NG PAMILIHAN

4. MONOPOLISTIC COMPETITION
• Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan,
maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng
mga produkto subalit marami rin ang mga konsyumer
• Ang mga prodyuser ay nakapagdidikta ng presyo ng
kanilang mga produkto sa pamamagitan ng product
differentiation.
PATENT – karapatan na ibinibigay sa Mga imbentor upang
protektahan sila sa pangagaya, paggamit, pagbenta, pag-angkat at
pagluwas sa kanilang imbensyon ng ibang tao para sa pansariling
kapakinabangan ng walang pahintulot na mula sa kanila.

COPY RIGHTS – karapatan sa pagmamay-ari ng mga likhang


bagay tulad ng akdang pampanitikan at pansining tulad ng tula, aklat,
nobela, komposisyon, paintings, computer programs, mapa at marami
pang iba.

TRADEMARKS – karapatan sa pagmamayaring simbolo o


marka sa mga produkto o serbisyo.
COLLUSION – tumutukoy sa sabwatan ng mga negosyante upang
makontrol ang presyo ng produkto.

KARTEL – Samahan ng mga oligopolista na may layuning makontrol


ang presyo ng mga produkto sa pamilihan. Hal. OPEC o Organization of
Petroleum Exporting Countries.

HOARDING – tumutukoy sa pagtatago ng mga produkto upang


hintaying ang pagtaas ng presyo nito sa layunging magkamit ng mas
malakit tubo.
PRODUCT DIFFERENTIATION –
pamamaraan o estratehiya upang ipakilala ang isang produkto bilang
unique at nakakaangat sa ibang produkto sa pamamagitan ng labeling at
packaging.

Halimbawa ng mga produktong kaugnay sa Monopolistikong


Kompetisyon:

You might also like