You are on page 1of 15

MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9

Ikalawang Markahan/ Ikapitong Linggo/ Unang Araw

MELC: Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istruktura ng pamilihan

LAYUNIN: Napaghahambing ang pamilihang may ganap at hindi -ganap na

kompetisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa gamit ang
ekonomiya ng Pilipinas

PANIMULANG IMPORMASYON

Pamilihang May Ganap na Pamilihang May Hindi -Ganap na

Kompetisyon Kompetisyon

• Ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa

• Walang sinumang nagtitinda at ganitong estruktura ay may
mamimili ang maaring magkontrol kapangyarihang maimpluwensiyahan ang
sa presyo ng kalakal. presyo sa pamilihan.
• Ang mga ipinagbibiling produkto ay • Ang mga produkto ay kakaiba dahil wala
walang pagkakaiba. (Homogenous) itong malapit na kapalit o kahawig. Ang
• Madaling pumasok sa pamilihan monopolista ang nagtatakda ng presyo ng
ang mga nais magsimula ng produkto.
negosyo. • Lubhang mahirap para sa mga bagong
• Maraming maliliit na konsyumer at kompetitor ang pumasok sa ganitong uri ng
prodyuser pamilihan
• Malayang paggalaw ng sangkap ng • Kakaunti o mabibilang lamang ang dami ng
produksiyon konsyumer at prodyuser
• Malayang pagpasok at paglabas sa • Ang presyo ng kalakal ay walang
Industriya pagkakaiba.
• Malaya ang Impormasyon ukol sa • May malawakang pag-aanunsyo o
pamilihan advertising sa pagitan mga nagpoprodyus
ng mga produktong may pagkakaiba tulad
ng kotse o sigarilyo
• May agresibong kompetisyon, hindi lamang
sa presyo kundi sa iba pang aspeto gaya
ng kalidad at presentasyon ng produkto
gayundin sa mga lokasyon ng mga
tindahan.

Page 1 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

MGA GAWAIN

GAWAIN # 1: Wheel of Fortune

PANUTO: Isulat sa patlang ang tamang sagot mula sa Info Wheel.

_______1. Mga bagay na ginagawa ng isang prodyuser o isang kompanya upang

mapalawak at mapaunlad ang kanyang negosyo.
_______2. Mga bagay na kailangan mong gampanan at tungkulin na dapat mong
gawin.
_______3. Mga bagay na dapat mayroon ang tao upang mabuhay.
_______4. Mga bagay na hinahangad ng tao na mas mataas sa kanyang batayang
pangangailangan.
_______5. Isang patakaran kung saan ang pamahalaan ay walang kinikilingan o
walang diskriminasyon laban sa mga pag-aangkat ng mga kalakal.

GAWAIN # 2: THINK TOK!

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na mga produkto at punan ang
talahanayan. Lagyan ng tsek ang kahon sa ilalim ng katangiang mayroon
ang produkto.

Produkto Walang kapareho o May iba pang Isa lamang ang May iba pang
malapit na pamalit pamalit na nagbebenta ng nagbebenta ng
sa pamilihan produkto sa ganitong uri ng ganitong uri ng
pamilihan produkto produkto
1. Softdrink
2. Kuryente
3. Bigas
4. Tren
5. Gulay
6. Shampoo
7. Tubig
(Maynilad)
8. Toothpaste
9. Prutas
10. Isda

Page 2 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

GAWAIN # 3: WORD HUNT

PANUTO: Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa
ibaba. Ang salita ay maaring pababa, pahalang o pabaliktad.

1. Homogenous 6. Kompetitor
2. Anunsyo 7. Kalakal
3. Produksiyon 8. Suplayer
4. Monopolista 9. Ganap
5. Kalidad 10. Industriya

GAWAIN # 4: VENN DIAGRAM

PANUTO: Gamit ang Venn Diagram ay ibigay ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Pamilihang may Ganap na Kompetisyon at Pamilihan may
Hindi -Ganap na Kompetisyon.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Ganap na Kompetisyon Hindi- Ganap na Kompetisyon

Pagkakatulad

Page 3 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

GAWAIN # 5: YOU COMPLETE ME!

PANUTO: Sa iyong palagay, ano ang mainam na gamiting istruktura sa mga
sumusunod na indusriya? Ipaliwanang ang inyong sagot.

1.Bigas
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Tubig

3. Gasolina

ATING TANDAAN

Pamilihang May Ganap na Kompetisyon

• Walang sinumang nagtitinda at mamimili ang maaring magkontrol sa
presyo ng kalakal.
• Ang mga ipinagbibiling produkto ay walang pagkakaiba.
(Homogenous)
• Madaling pumasok sa pamilihan ang mga nais magsimula ng
negosyo.
Pamilihang May Hindi -Ganap na Kompetisyon
• Ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay may
kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
• Ang mga produkto ay kakaiba dahil wala itong malapit na kapalit o
kahawig. Ang monopolista ang nagtatakda ng presyo ng produkto.
• Lubhang mahirap para sa mga bagong kompetitor ang pumasok sa
ganitong uri ng pamilihan

Page 4 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PAGTATAYA

PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng kompetisyon ang inilalarawan

sa bawat bilang. Isulat kung ito ay GANAP NA KOMPETISYON o DI-
GANAP NA KOMPETISYON.

____________1. Maraming produkto na magkakatulad kung kaya’t ang

konsyumer ay maraming pagpipilian.
____________2. Dahil sa marami at maliliit ang konsyumer at prodyuser, walang
kakayahan na maimpluwensiyahan ang presyo na papabor sa
interes ng sinuman sa pamilihan.
____________3. Ang monopolista ay may kakayahang impluwensiyahan ang
pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
____________4. Mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser
ng produkto at serbisyo.
____________5. May maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang
nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at
serbisyo.
____________6. Ang pamilihan partikular na ang sistema ng pagnenegosyo ay
bukas sa lahat ng may kapasidad na maibahagi.
____________7. Iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o
nagbibigay serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili ito.
____________8. Layunin ng mga produyuser sa product differentiation ay para
kumita at mas makilala ang kanilang mga produkto.
____________9. Marami ang prodyuser na handang makipagkompetensya sa
kapwa prodyuser.
____________10. Ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng
presyo at dami ay bukas para sa kaalaman ng lahat.

Sanggunian:

1. Balitao et.al. (2015). Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, pahina 180-182.
2. Ang Pamilihan: Konsepto at mga Estraktura Nito.
Ekonomiks-threenderas.simplesite.com/421357539
3. Project EASE
https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-7-pamilihan

INIHANDA NI:

GNG. JEMALYN T. DE LEON

KALAYAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Page 5 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9

Ikalawang Markahan/ Ikapitong Linggo/ Ikalawang Araw

MELC: Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa

regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan

LAYUNIN: Natatalakay ang ugnayan ng pamahalaan at ng pamilihan sa iba’t

ibang istruktura ng pamilihan

PANIMULANG IMPORMASYON

Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may kakayanan na

gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay
may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga
mamamayan ng nasasakupang teritoryo.

Samantalang ang Pamilihan ayon kay Nicholas Gregory Mankiw ay isang

organisasyong sistemang pang-ekonomiya. May pagkakataong nahaharap ito sa
pagkabigo/market failure na kinakailangan ang pakikialam/panghihimasok ng pamahalaan sa
takbo ng pamilihan.

Kaugnay nito, hindi nakakaiwas ang Pilipinas at iba pang bansa na mapasailalim ang
pamilihan sa panghihimasok ng pamahalaan. Maliban sa pagtatakda ng buwis at pagbibigay
ng subsidy, nagtatalaga ang pamahalaan ng presyo ng mga produkto at serbisyo. Upang
mapatatag ang presyo sa pamilihan ipinapatupad ang price stabilization program at
maiwasan ang mataas na inflation.

DALAWANG URI NG PRICE CONTROL

• Price Ceiling - kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang
pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser. Mahigpit na
binabantayan ang mga produkto nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan
gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at maging ang mga instant
noodles na minamarkahan ng pamahalaan ng tinatawag na suggested retail price
(SRP).
• Price Floor - kilala naman bilang price support at minimum price policy na
tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at
serbisyo.

Samantala, sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa,

ang pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng price freeze o pagbabawal sa pagtataas
ng presyo sa pamilihan.

Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng mga

negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto.

Labag sa Anti- Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo. Ito ay
ipinatutupad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI),
bilang pangunahing ahensiya na may tungkulin dito, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan
(barangay, bayan, o lungsod) upang masigurong ang galaw ng presyo ng mga produkto at
serbisyo sa pamilihan.

Page 6 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

MGA GAWAIN

GAWAIN # 1: ONCE UPON A TIME!

PANUTO: Basahin ang sitwasyong nasa loob ng kahon at buuin ang
maaaring kahinatnan nito batay sa iyong sariling pagkaunawa.

Matagal nang magsasaka si Mang Leonilo. Isang araw ay nabalitaan

niyang ang presyo ng kaniyang produktong palay ay binibili lamang sa murang
halaga. Ang presyo ay hindi kayang mabawi kahit puhunan niya sa binhi at
fertilizer. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang Leonilo?

Maaaring_______________________________________________________
____________________________________________________________________

____________________________________________

Dahil sa katatapos pa lamang ng bagyo, nabalitaan ng pamahalaan na

maraming mga negosyante ang nanamantala sa pamamagitan ng pagtataas ng
presyo. Ano kaya ang maaaring gawin ng pamahalaan?

Maaaring_______________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________

GAWAIN # 2: VENN DIAGRAM

PANUTO: Gamit ang Venn Diagram ay ibigay ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Pamilihan at Pamahalaan.

PAMAHALAAN PAMILIHAN

PAGKAKATULAD

PAGKAKAIBA

Page 7 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

GAWAIN # 3: WORD HUNT

PANUTO. Kasama ng iyong kapamilya, hanapin at bilugan ang mga
sumusunod na salita sa kahong nasa ibaba. Ang salita ay maaring pababa,
pahalang o pabaliktad.

1. Produkto 6. Serbisyo
2. Prodyuser 7. Kalabisan
3. Ekonomiya 8. Kagustuhan
4. Konsyumer 9. Kakulangan
5. Institusyon 10. Pangangailangan

GAWAIN # 4: TAMA O MALI

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Tukuyin kung

TAMA o MALI ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.

________1. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan

ang sambayanan.
________2. Nagtatalaga ang pamahalaan ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Page 8 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

________3. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan ipinapatupad ang price

stabilization program.
________4. May partisipasyon ang mga mag-aaral sa pagpapatakbo ng ekonomiya.
________5. Sa panahon na may krisis pang-ekonomiya, maaaring makialam o
manghimasok ang pamahalaan upang maisaayos ang pamilihan at
kabuuang ekonomiya.
________6. Ang pamahalaan ang siyang gumagabay sa mga kumokunsumo
at nagbibigay ng mga polisiya upang mapanatili ang katahimikan at
maprotektahan ang bawat karapatan ng nagtitinda at namimili sa
pamilihan.
________7. Ang price floor ay kilala rin sa tawag na maximum price policy o
pinakamataas na presyong pwedeng ipagbili ng prodyuser ang kaniyang
produkto.
________8. Mahigpit na binabantayan ang mga produktong kasama sa pangunahing
pangangailangan tulad na lamang ng alahas, sasakyan, pabango atbp.
________9. Sa panahon na nakararanas ng kalamidad, ang pamahalaan ay agad na
nagpapatupad nito o pagbabawal ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
________10. Ang pamilihan sa ating bansa ay nasa ilalim at maaaring panghimasukan
ng pamahalaan tulad ng pagtatalaga ng presyo sa mga produkto at
serbisyo.

ATING TANDAAN

Ayon sa aklat ni Nicholas Gregory Mankiw na Principles of Economics ,

“Government can sometimes improve market outcomes”. Sa panahong
nahaharap ang pamilihan sa pagkabigo o market failure, kinakailangan ang
pakikialam ng pamahalaan sa takbo nito. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan,
ipinatutupad ang price stabilization program at maiwasan ang mataas na inflation.
1. Price Control - presyo ng kalakal na itinakda ng pamahalaan upang maiwasan ang
pang-aabuso sa panig ng nagtitinda o ng mamimili

DALAWANG URI NG PRICE CONTROL

• Price Ceiling – ang pinakamataas na presyo na maaring ibenta ang

produkto
• Price Floor – ang pinamababang presyo na maaring ibenta ang produkto

2. Price Freeze - ang pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito

ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na
pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto

Kaugnay nito, hindi nakakaiwas ang Pilipinas at iba pang bansa na mapasailalim ang
pamilihan sa panghihimasok ng pamahalaan. Maliban sa pagtatakda ng buwis at pagbibigay
ng subsidy, nagtatalaga ang pamahalaan ng presyo ng mga produkto at serbisyo o SRP sa
mga pangunahing pangangailangan.
.

Page 9 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PAGTATAYA

PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Piliin ang

tamang sagot sa loob ng kahon.

Price Control Price Stabilization Program Mankiw

Sambayanan Anti-Profiteering Law Subsidiya
SRP Pamahalaan Price Freeze
Inflation Keynes Price Floor

__________1. Ito ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at

magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo.
__________2. Ito ay inisyatibo ng gobyerno upang mapanatili ang presyo ng mga
pangunahing produkto na kinakailangan sa pang araw araw ng tao.
__________3. Ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang
ekonomiya.
__________4. Ito ay tinatawag na mamamayan na kasapi ng politikal na pamayanan,
lugar, komunidad, o sa isang bansa.
__________5. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng
mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng
kanilang mga produkto.
__________6. Ito ay ang tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga maliliit na
negosyante upang matugunan ang ilan sa mga pangangailangan ng
kanilang negosyo.
__________7. Presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang produkto
__________8. Ito ay ipinatutupad upang maisagawa ng pamahalaan ang pagkontrol ng
presyo ng mga bilihin.
__________9. Ang isang batas na ginawa ng pamahalaan para gawaran ng paglabag
ang mga prodyuser na labis na nagpapataw ng mataas na presyo.
__________10. Ang nagsabing, sa pagkakataong nahaharap ang pamilihan ng
pagkabigo ay kinakailangang pakialaman ito ng pamahalaan.

Sanggunian:

1. Balitao et.al. (2015). Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, pahina 196- 199
2. Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
https://www.slideshare.net/elnethsegumalian/ugnayan-ng-pamilihan-at-pamahalaanIba’t Ibang
3. Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-13-pamilihan-at-pamahalaan
4. Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
https://prezi.com/j0uulsm54vuf/ugnayan-ng-pamilihan-at-pamahalaan/

INIHANDA NI:

GNG. JEMALYN T. DE LEON

KALAYAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Page 10 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9

Ikalawang Markahan/ Ikapitong Linggo/ Ikatlong Araw

MELC: Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon ng

mga gawaing pangkabuhayan

LAYUNIN: Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa

regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang istruktura ng pamilihan at
sa kabuuang ekonomiya

PANIMULANG GAWAIN

Ang pagtugon sa pangangailangan ang isa sa mahalagang konsepto na

binibigyang- diin sa pag-aaral ng ekonomiks. Ang bawat isa ay may mga
pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahan na magprodyus upang
matugunan ang mga ito.
Kung kaya’t ang relasyon sa pagitan ng prodyuser at konsyumer ay lubhang mahalaga
para sa kapakinabangan ng lahat. Ang konsepto ng pamilihan ay mahalagang salik sa
pagtugon ng pangangailangan tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.

Ang Pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa na ang pangunahing

tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan (Artikulo II Seksyon 4 - 1897
Konstitusyon ng Pilipinas). Mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pamilihan dahil ito ay may
kapangyarihang manghimasok at makialam sa mga nangyayari sa pamilihan. Ang papel ng
pamahalaan sa pamilihan ay maaaring malaki at aktibo, o di kaya'y maliit at mahina.

Kahalagahan ng Papel ng Pamahalaan sa Pamilihan

• Ang pamahalaan ay may kapangyarihan na magkaroon ng impluwensiya sa pamilihan.
• Maaaring manghimasok ang pamahalaan sa pamilihan upang magtakda ng mga
alituntunin dito. Ang mga alituntuning ito ay may epekto sa takbo ng merkado o
pamilihan.
Halimbawa ng Panghihimasok ng Pamahalaan sa Pamilihan
• Pagtatakda ng buwis sa mga mamimili at mga nagtitinda
• Pagbibigay ng subsidiya sa mga mamimili at mga nagtitinda
• Pagtatakda ng price control (kagaya ng price ceiling at price floor) kung saan
nagtatakda ng presyo ang pamahalaan upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga
mamimili
• Pagpapatupad ng mga batas ukol sa presyuhan, mga produkto na maaaring itinda, mga
produkto na bawal itinda, mga kumpanya na maaaring makapasok sa pamilihan, at iba
pa.

Sa pangkalahatan, hindi maitatangging mahalagang institusyon ang pamahalaan sa

pagsasaayos ng pamilihan at kabuuan ng ekonomiya. Ayon kay John Maynard Keynes, ang
ekonomiya ng isang bansa ay hindi maiiwasang patakbuhin sa ilalim ng mixed economy. May
partisipasyon ang pribadong sektor o ang mga prodyuser sa pagpapatakbo ng ekonomiya.
Subalit sa panahon na may krisis pang-ekonomiya, gaya na lamang ng pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga pangunahing pangangailangan, maaaring makialam o
manghimasok ang pamahalaan upang maisaayos ang pamilihan at kabuuang ekonomiya.

Page 11 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

MGA GAWAIN

GAWAIN # 1: TAMA o MALI

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Tukuyin kung

TAMA o MALI ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.
_______1. Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa
sistemang merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser.
_______2. Ang pamahalaan ang nagtatakda ng buwis sa mga konsyumer at
mga prodyuser.
_______3. Ayon kay Adam Smith, ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi
maiiwasang patakbuhin sa ilalim ng mixed economy.
_______4. Maaaring manghimasok ang pamayanan sa pamilihan upang
magtakda ng mga alituntunin dito.
_______5. Mahalaga ang ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa
pamilihan.

GAWAIN # 2: WORD HUNT

PANUTO: Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa
ibaba. Ang salita ay maaring pababa, pahalang o pabaliktad.

1. Demand 6. Supply
2. Merkado 7. Pagbenta
3. Kaunlaran 8. Gobyerno
4. Ekonomiks 9. Alituntunin
5. Pagkonsumo 10. Pamamahala

Page 12 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

GAWAIN # 3: THINKING OUT LOUD!

PANUTO: Magbigay ng mga epektong dulot ng mga sumusunod na salita sa
KONSYUMER at PRODYUSER.
KONSYUMER PRODYUSER
HOARDING

INFLATION

PRICE CEILING

PRICE FLOOR

PRICE FREEZE

GAWAIN # 4: REPLEKSIYON
PANUTO: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa papel na
ginagampanan ng pamahalaan sa iyong buhay bilang mag- aaral at bilang
kasapi ng pamilya at lipunan.
______________________________________________________________

_____________________________

RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON

Pamantayan Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng

(5 Puntos) ( 3 Puntos) Pagpapabuti
( 1 Punto)
Buod ng aralin, paksa Maliwanag at Maliwanag subalit Hindi maliwanag at
o gawain kompleto ang may kulang sa marami ang kulang
pagbuod ng araling detalye sa paksa o sa mga detalye sa
tinalakay araling tinalakay paksa o araling
tinalakay
Presentasyon ng Lahat ng Dalawa lamang sa Isa lamang sa mga
pagkakasulat pamantayan ay mga pamantayan pamantayan ang
- Maayos ang matatagpuan sa ang matatagpuan sa matatagpuan sa
pagkakasunud- kabuuang kabuuang kabuuang repleksiyon
sunod ng mga repleksiyon repleksiyon
ideya
- Angkop ang
mga salitang
ginamit
- Malinis ang
pagkakasulat

KABUUANG ISKOR
Page 13 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

ATING TANDAAN

Kahalagahan ng Papel ng Pamahalaan sa Pamilihan

• Ang pamahalaan ay may kapangyarihan na magkaroon ng
impluwensiya sa pamilihan.
• Maaaring manghimasok ang pamahalaan sa pamilihan upang
magtakda ng mga alituntunin dito. Ang mga alituntuning ito ay may
epekto sa takbo ng merkado o pamilihan.

Halimbawa ng Panghihimasok ng Pamahalaan sa Pamilihan

▪ Pagtatakda ng buwis sa mga mamimili at mga nagtitinda
▪ Pagbibigay ng subsidiya sa mga mamimili at mga nagtitinda
▪ Pagtatakda ng price control (kagaya ng price ceiling at price floor) kung
saan nagtatakda ng presyo ang pamahalaan upang maiwasan ang
pang-aabuso sa mga mamimili
▪ Pagpapatupad ng mga batas ukol sa presyuhan, mga produkto na
maaaring itinda, mga produkto na bawal itinda, mga kumpanya na
maaaring makapasok sa pamilihan, at iba pa.

Sa pangkalahatan, hindi maitatangging mahalagang institusyon ang

pamahalaan sa pagsasaayos ng pamilihan at kabuuan ng ekonomiya. Ayon kay
John Maynard Keynes, ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi maiiwasang
patakbuhin sa ilalim ng mixed economy. May partisipasyon ang pribadong sektor o
ang mga prodyuser sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Subalit sa panahon na may
krisis pang-ekonomiya, gaya na lamang ng pagtaas ng pangkalahatang presyo ng
mga pangunahing pangangailangan, maaaring makialam o manghimasok ang
pamahalaan upang maisaayos ang pamilihan at kabuuang ekonomiya.

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra
ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang
konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong
handa at kaya niyang ikonsumo.
A. Paaralan C. Pamilihan
B. Pamahalaan D. Pamayanan
_________2. Ito ang nagsisilbing tagapag-ugnay upang maging ganap ang
palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser
A. Presyo C. Kapital
B. Produkto D. Serbisyo
_________3. Ang nagbebenta o gumagawa ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan.
A. Prodyuser C. Produkto
B. Konsyumer D. Serbisyo
_________4. Ang gumagawa ng plano hinggil sa dami at uri ng produkto na
kanyang bibilhin sa inilalarawan ng kanyang demand.
A. Prodyuser C. Produkto
B. Konsyumer D. Serbisyo

Page 14 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q2-W7-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

_________5. Ang pangunahing tungkulin nito ay paglingkuran at pangalagaan

ang sambayanan .
A. Paaralan C. Pamilihan
B. Pamahalaan D. Pamayanan
_________6. Kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang
pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser.
A. Price Floor C. Price Tag
B. Price Ceiling D. Price Freeze
_________7. Pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan.
A. Price Tag C. Price Floor
B. Price Ceiling D. Price Freeze
_________8. Kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy
sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto
at serbisyo .
A. Price Tag C. Price Freeze
B. Price Floor D. Price Ceiling
________9. Ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin sa pagtulong sa ng mga
lokal na pamahalaan (barangay, bayan, o lungsod) upang masigurong
ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
A. DTI C. IATF
B. DOLE D. DOH
________10. Ito ay tumutukoy sa pera o salaping dapat bayaran ng tao sa
Pamahalaan.
A. Sweldo C. Buwis
B. Subsidiya D. Voucher

Sanggunian:

1. Balitao et.al. (2015). Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, pahina 199
2. Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
https://www.slideshare.net/elnethsegumalian/ugnayan-ng-pamilihan-at-pamahalaan
3. Kalagahan ng Pamahalaan sa Pamilihan
https://brainly.ph/question/247207
4. Ang Pamilihan: Konsepto at mga Estraktura Nito.
ekonomiks-threenderas.simplesite.com/421300553

INIHANDA NI:

GNG. JEMALYN T. DE LEON

KALAYAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Page 15 of 15

You might also like