Professional Documents
Culture Documents
Interaksyon ng Supply at
Demand
Balik-aral:
• Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng
kalakal na handang bilhin ng mga mamimili
sa isang takdang panahon.
• Ang Supply ay tumutukoy sa dami ng
kalakal na handang ipagbili ng mga
negosyante sa magkakaibang presyo sa
isang takdang panahon.
Ano ang Pamilihan?
• Ito ay isang mekanismo kung
saan ang mamimili at
nagbebenta ay nagkakaroon
ng transaksiyon upang
magkaroon ng bentahan.
• Ito rin ang nagsasaayos ng
nagtutunggaliang interes ng
mamimili at bahay –kalakal.
Puwersa ng Pamilihan
(Market Forces)
• Tumutukoy sa ugnayan ng supply at demand.
• Ang mamimili ay bumibili nang marami sa
mababang presyo samantalang marami namang
ipinagbibili ang bahay-kalakal sa mataas na
presyo.
• Nag-uugnayan ang mamimili at bahay-kalakal sa
pamamagitan ng pagtatakda ng presyo.
Batas ng Demand at Supply
(Law of Supply and Demand)
• Kung mataas ang presyo ng kalakal, tumataas
ang supply, nagiging dahilan ito ng pagbaba ng
presyo, nasiyang nagpapataas ng demand.
Law of Supply and Demand