You are on page 1of 19

Aralin 11

Interaksyon ng
Demand at Supply
Balik-aral:
• Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng
kalakal na handang bilhin ng mga mamimili
sa isang takdang panahon.
• Ang Supply ay tumutukoy sa dami ng
kalakal na handang ipagbili ng mga
negosyante sa magkakaibang presyo sa
isang takdang panahon.
Ano ang Pamilihan?
• Ito ay isang mekanismo
kung saan ang mamimili at
nagbebenta ay
nagkakaroon ng
transaksiyon upang
magkaroon ng bentahan.
• Ito rin ang nagsasaayos ng
nagtutunggaliang interes ng
mamimili at bahay –kalakal.
Puwersa ng Pamilihan
(Market Forces)
• Tumutukoy sa ugnayan ng supply at demand.
• Ang mamimili ay bumibili nang marami sa
mababang presyo samantalang marami
namang ipinagbibili ang bahay-kalakal sa
mataas na presyo.
• Nag-uugnayan ang mamimili at bahay-kalakal
sa pamamagitan ng pagtatakda ng presyo.
Batas ng Demand at Supply
(Law of Supply and Demand)
• Kung mataas ang
presyo ng kalakal,
tumataas ang supply,
nagiging dahilan ito ng
pagbaba ng presyo,
nasiyang nagpapataas
ng demand.
Law of Supply and Demand

Kakulangan (Shortage) – Hindi sapat


ang supply upang matugunan ang
demand.
Law of Supply and Demand

Kalabisan (Surplus) – Mas malaki ang


supply sa demand.
Law of Supply and Demand

Ekwilibriyo (Equilibrium) – Sapat ang dami


ng supply sa demand.
Ano ang ekwilibriyo?
• Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang
dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng
mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling
produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon
sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ekwilibriyong
presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng
konsyumer at prodyuser at ekwilibriyong dami naman
ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga
produkto o serbisyo.
Ugnayan ng Kurba ng Suplay at
Demand
• Ano ang presyong ekwilibriyo ng graph?
• Ano ang ekwilibriyong dami ng graph?
• Sa anong presyo nagkakaroon ng surplus (kalabisan)?
• Sa anong presyo nagkakaroon ng shortage
(kakapusan)?
Mga Salik na Nagpapabago ng
Puwersa ng Pamilihan
• Pagmahal ng mga salik ng produksyon
• Pagtaas ng kita ng mamimili
• Mahusay na pagsasanay sa mga
manggagawa
• Panic buying ng mga mamimili
BUOD:
• Hinuhubog ng pamilihan ang mga puwersa ng
demand at suplay.
• Ang ekilibriyong presyo ang nagtatakda ng
ekilibriyong dami ng produkto.
• Ang kakulangan at kalabisan ang pangunahing
suliranin ng pamilihan. Nalulutas ito ng sistema ng
pamilihan.
• Nagagamit ang pamilihan upang masinop ang
paggamit ng pinagkukunang-yaman. Ito ay
tinatawag na allocative role ng pamilihan.
TAKDA:

PAGPAPAHALAGA

• Ano ang maitutulong mo upang


magkaroon ng ekilibriyo ang pamilihan?
Ipaliwanag.
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay
nagsasaad ng surplus, shortage o ekwilibriyo.

1. Kailangan ni Chiello ng isang dosenang


rosas para sa kaarawan ng kaniyang ina
ngunit siyam na rosas lamang ang natitira
sa flower shop.
2. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer
sa halagang Php50 at sa dami na 30.
3. May 100 sako ng palay si Isko ngunit 70
sako lamang ang handang bilhin ng
bumibili nito.
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay
nagsasaad ng surplus, shortage o ekwilibriyo.

4. May 36 na panindang payong si Berlin.


Dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan,
naubos lahat ang kaniyang paninda at may
naghahanap pa.
5. Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni
Aling Nery dahil sa suspensiyon ng klase
kaninang umaga.

You might also like