You are on page 1of 9

Anupa’t ang aming

buhay na mag-ama,
Nayapos ng bangis ng
sing-isang dusa;
Kami ay dinatnang
nakakayakap pa
Niyong embahador ng
bayang Krotona.
Nakapanggaling na
sa palasyo real
At ipinagsabi sa hari
ang pakay;
Dala’y isang sulat sa
ama kong hirang,
Titik ng monarkang
kaniyang biyenan.
Humihingi tulong at nasa
pangamba
Ang Krotonang reyno’y
kubkob ng kabaka
Ang puno sa hukbo’y
balita ng sigla
Heneral Osmalik ng
bayaning Persya.
Ayon sa balita’y
pangalawa ito
Ng prinsipe bantog
sa sagmundo
Alading kilabot ng
mga gerero,
Iyong kababayang
hinahangaan ko.
Dito’y napangiti ang Morong kausap
Sa nagsalita’y tumugong banayad
Aniya’y “Bihirang balita’y magtapat,
Kung magtotoo ma’y marami ang dagdag.

“At saka madalas ilala ng tapang


Ay ang guniguning takot ng kalaban;
Ang isang gererong palaring magdiwang
Mababalita na at pangingilagan.

“Kung sa katapanga’y bantog si Aladin,


May buhay rin naming sukat na makitil;
Iyong matatantong kasimpantay mo rin
Sa kasam-ang palad at dalang bilabil.”
Sagot ni Florante, “Huwag
ding maparis
Ang gererong bantog sa palad
kong amis;
At sa kaaway ma’y di ko
ninanais
Ang laki ng dusang aking
napagsapit.
“Matanto ni ama ang gayong
sakuna
Sa Korotonang baya’y may
balang sumira.
Ako’y sinama’t humarap na
bigla
Sa Haring Linceong may gayak
na digma.

Kami ay bago pang nanakyat sa


hagdan
Ng palasyong batbat ng hiyas at
yaman
Ay sumalubong na ang haring
marangal
Niyakap si Ama’t ako’y
kinamayan.
“Ang wika’y O duke! Ang kiyas na ito
Ang siyang kamukha ng bunying gerero
Aking napangarap na sabi sa iyo,
Magiging haligi ng setro ko’y reyno

“Sino ito’t saan nanggaling sa s’yudad?”


“Ang sagot ni Ama:…ay ‘Bugtong kong
anak
Na inihahandog sa mahal mong yapak
Ibilang sa isang basalyo’t alagad.”

“Namangha ang hari at niyakap ako,


‘Mabuting panahon itong pagdating mo;
Ikaw ag heneral ng hukbong dadalo
Sa baying Krotonang kinubkob ng
Moro.”

You might also like