You are on page 1of 3

Pagsusuri ng Himagsik ni Francisco Baltazar Laban sa Maling Pamamalakad ng Pamahalaan

Ni Jesse Lei Castigador

Ang ikalawang himagsik na ito ni Francisco Baltazar ay tumatalakay sa maling


pamamahala ng mga Kastila, ang panahon kung saan naisulat at nailathala ang tanyag niyang
Florante at Laura. Nakaranas ang mga Pilipino ng pagmamaltrato at paghihirap galing sa mga
Espanyol. Hindi rin pantay ang antas at karapatan ng Pilipino at Kastila. Higit sa lahat, ang mga
masasamang tao ang nailuklok sa matataas na pwesto sa pamahalaan.

Sa kwento ni Balagtas, maraming eksena ang nangyari sa Albanya. Ngunit ang Albanya
ay ginamit na alyas para sa Pilipinas. Dito pa lamang ay makikita na ang himagsik ni Balagtas.
Paano? Maraming nangyari sa bayan ng Albanya. Isa sa mga pangyayaring ito ay ang pagsakop
ng Persiya sa Albanya na parang patagong pagsabing sinakop ng Espaniya ang Pilipinas.

Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 na taon. Sa loob ng mga taong iyon,
ang Pilipinas ay unti-unting nawalan ng kapangyarihan upang ipatakbo ang sariling pamahalaan.
Ang mga Kastila ang namuno ng Pilipinas at sila rin ang mga gumagawa ng patakaran o batas.
Ngunit, ang ibang Pilipino na may mataas na antas sa lipunan ay pinapayagang magkaroon ng
pwesto sa pamahalaan na sumisimbolo ng hindi pantay-pantay na pagtrato sa mga Pilipino.
Noong panahon din ng Kastila ay mayroong tinatawag na polo y servicios o sapilitang paggawa
at sakop nito ang mga kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang. Ginagawa nilang alipin
ang ilan sa mga Pilipinong hindi mataas sang antas sa buhay. Ikinulong ang mga Pilipino sa
kamay ng mapang-abusong mga Espanyol at sila ang nagkontrol ng buong Pilipinas gamit ang
pagtakot at pagpapahirap sa mga Pilipino na nagpalakas ng kanilang kapangyarihan.

Matapos malaman ni Florante ang nangyari sa Albanya noong dumating siya ay kaagad
niyang nilabanan at iniligtas si Laura at pati na rin ang kaniyang ama at si Haring Linseo mula sa
kamay ng mga Persiyano. Ang isa pang pangyayari na palihim na nagpahayag ng paghimagsik ni
Balagtas ay ang pagkalat ni Adolfo ng maling balita sa bayan na nagpatalsik sa hari at naging
bagong hari si Adolfo. Sa madaling salita, inagaw ni Adolfo ang korona kay Haring Linseo.
Ipinahahayag nito ang pag-agaw ng Espanya sa kapangyarihang mamuno ng Pilipinas sa sariling
bansa. May isang saknong ring nagpahayag na ang mga masasamang tao na raw ang mga
nakatungtong sa trono. Ito ay isang malinaw na pag-aklas ni Balagtas laban sa pamumuno ng
Kastila sa Pilipinas. Ngunit inilagay rin sa kwento ang paglaban ni Florante para makuha ulit ang
kanilang bayan mula sa kamay ni Adolfo na nagpapahayag ng hangad ni Balagtas na mabawi ng
Pilipinas ang kanilang kalayaan. Ginawa ito lahat ni Balagtas gamit ang kaniyang lapis, papel, at
karunungan.

Noong binitay ang GOMBURZA, ang tatlong paring martir, nagising ang nasyonalismo
ng mga Pilipino at lumabas ang Kilusang Propaganda na nagpaabot ng kanilang layunin gamit
ang lapis, papel at karunungan. Ang ilan sa mga miyembro ng kilusang ito ay sina Graciano
Lopez-Jaena, na sumulat ng Fray Botod at Esperanza La Hija del Fraile na tumutuligsa sa mga
tiwaling prayle, at si Dr. Jose Rizal, na sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na
tumutuligsa sa katiwalian sa panahon ng Espanyol. Sa madaling salita, nauso noon ang paggamit
ng panitikan upang maipahayag nila nag kanilang pagtutol sa mga masasamang ginagawa ng
mga Kastila.

Ginawa ni Baltazar ang Florante at Laura upang mag-aklas at isa dito ay ang paghimagsik
niya laban sa maling pamamalakad ng pamahalaan na itinago niya sa kaniyang magandang
kwento ng pag-ibig at mga matatalinhagang salita. Matindi ang mga naranasan na bangungot ng
mga Pilipino sa malupit na kamay ng mga Espanyol. Ngunit sa kabila ng mga bangungot na ito
ay nagawa pa rin ng mga Pilipino na bumangon at lumaban at isa si Baltazar sa mga tumulong
upang mapukaw ang mga damdamin ng mga Pilipino. Magaling rin at maparaan ang ginawa ni
Baltazar dahil hindi natuklasan ng mga mambabasang Espanyol ang mga nakatagong pag-aaklas
sa akda.
Mga Pinagkunan:

Baisa-Julian, A.G., Dayag, A.M., &Lontoc, N.S. (2013). Lakbay ng Lahing Pilipino 5. Quezon
City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.

http://www.slideshare.net/mobile/lovebordamonte/apat-na-himagsik-ni-francisco-balagtas

https://specialfilipino.files.wordpress.com/2012/03/paano-magsuri-ng-maikling-kuwento.pdf

https://tl.wikipedia.org/wiki/Florante_at_Laura

https://www.slideshare.net/VBienSarEs/florante-atlaurasaknong

You might also like