You are on page 1of 2

Tatlong Pari

Mariano Gomez
Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos. Ang kanyang pamosong huling mga salita ay, Let us go where the leaves never move without the will of God.

Jacinto Zamora
Ang susunod na binitay ay si Jacinto Zamora, na ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na, Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition. Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.

Jose Burgos
Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan, Ilocos Sur, ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya

at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral. Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, Wala akong ginawang anumang kasalanan! (But I haven't committed any crime!) Ang Gomburza ay hindi lamang naging inspirasyon para kay Rizal ngunit pati na rin kay Bonifacio at sa mga Katipunero. Sinasabi na kung hindi nangyari ang rebelyon sa Cavite at ang pagkabitay sa tatlong paring martir, maaaring iba ang tinahak na direksyon ng buhay ni Rizal. Makikita sa kanyang pag-aalay sa El Filibusterimo, ang epekto ng kamatayan ng Gomburza sa kanyang kamalayan: The Church, in refusing to degrade you, has placed in doubt the crime imputed to you; the Government, in shrouding your cause with mystery and obscurities, creates belief in some error committed in crucial moments, and the whole Philippines, in venerating your memory and calling you martyrs, in no way acknowledges your guilt. As long therefore as your participation in the Cavite uprising is not clearly shown, whether or not you were patriots, whether or not you nourished sentiments of justice and liberty, I have the right to dedicate my work to you, as to victims of the evil that I am trying to fight. And while we wait for Spain to reinstate you and make herself culpable for your death, let these pages serve as belated wreath of dried leaves laid on you unknown graves: and may your blood be upon the hands of those who, without sufficient proof, assail your memory!

You might also like