Professional Documents
Culture Documents
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at
Jacoba Garcia. Nagtapos siya ngabogasya sa U.P. noong 1915.
Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging
Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang
Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang
Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang
magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang
kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya
bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni
Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa
grabeng atake sa puso at istrok.
Maagang buhay[
Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 sa bayan
ng Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng
pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng
Malolos noong 1898. Ang kanyang ina ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si
Jose Laurel ay kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng
kanyang kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya
para sa kanyang sarili at napawalang sala. Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng
Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni
Dekano George A. Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas.
Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung saan siya nagtapos ng
Doktorado ng Batas.
Maagang buhay
Si Elipidio Quirino ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur kina Don
Mariano Quirino ng Caoayan, Ilocos Sur at Doña Gregoria Mendoza
Rivera ng Agoo, La Union. Siya ay nag-aral sa Caoayan sa
elemantarya, sa Vigan High School sa sekundarya at pagkatapos ay
tumungo sa Maynila bilang junior computer technician sa Bureau of
Lands at property clerk sa departamentong kapulisan ng Maynila.
Nagtapos siya sa Manila High School noong 1911 at nakapasa sa
pagsusulit ng serbisyong sibil. Noong 1915, siya ay nagtapos ng
abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa bar
Si Ramón' '"Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang
ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na
nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan.
Siya ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel
Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose
Rizal College (na ngayon ay kilalang Pamantasang Jose Rizal).
Kabataan
Talambuhay
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa
Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang
siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28 Setyembre 1910
kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang
tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura
hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa
Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika.
Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo
at siya ay presidente.
Sariling buhay
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang
buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline
Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang sumunod
na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado,
Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989)
ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25
Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng
mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng
Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong
1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni
Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo
ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang
napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay
muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino.
Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa
kanyang ikalawang termino. Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang
ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at
talamak nakorupsiyon sa pamahalaan.[1] Nagkaroon din ng isang
pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang
populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi
ng mas mataas na kahirapan at karahasan. AngNPA ay nabuo noong 1969 at
ang MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim
Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente
gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at
pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang
kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang
pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa
panahong ito, ang popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng
oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago. Sinisi ni Marcos ang mga
komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal
sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang
pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan
Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial
Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong 23 Setyembre 1972
ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag
ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at
kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng
kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos.
Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón
Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala sa
palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-
unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992).
Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik
ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose Cojuangco
Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang
may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang
pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating PangulongFerdinand E.
Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang
Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa.
Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na
si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng
Agosto.
Talambuhay
Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong 19 Abril 1937 sa Tondo, Maynila kina
Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero at Maria Marcelo. Siya ay pinatalsik sa
kanyang mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de Manila University at
kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of Technology.
Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng
pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na
120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya
ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga
mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na
Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Si Estrada
ay nagpakasal kay Dr Luísa "Loi" Pimentel Estrada at nagkaroon ng 3 anak:
sina Jinggoy Estrada, alkalde ng San Juan (1992–2001) at Senador (2004–),
Jackie Ejercito (na ikinasal kay Beaver Lopez na anak ng Meralco chairman
Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may lima pang ibang mga anak
sa ibang mga babae: sina JV Ejercito, Jojo Ejercito sa dating modelong si Joy
Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si
Estrada ay kapatid ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na si Gary
Estrada.
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg
Macapagal noong 5 Abril 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika
ng Pilipinas (20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010). Siya ang ikalawang babaeng
pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong
1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim
atundersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa
kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador
mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni
Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido.
Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsiyon, nagbitiw siya sa posisyon
niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan
at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo,
na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng
tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang
demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga
kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika,
negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin .
Talambuhay
Isinilang siya bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa amang politikong
si Diosdado Macapagal at sa asawa nitong siEvangelina Macaraeg-
Macapagal. Kapatid siya nina Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr at Cielo
Macapagal-Salgado. Una siyang nanirahan sa Lubao, Pampanga kasama ang
kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang
ama.[2] Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang
nanay sa Lungsod ng Iligan.[3] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang
kanyang panahon sa Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11
gulang.[3] Matatas siyang manalita ng Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang
wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.
Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang
pangulo ng Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacañang.
Isang bayan ang isinunod sa kanyang pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro.
Nag-aral siya saDalubhasaang Asuncion para sa kanyang mababa at mataas
na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964.
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte[6] (ipinangnak Marso 28, 1945), kilala rin
sa kanyang bansag na Digong, ay isang Pilipinong abogado at
politiko na kasalakuyang naninilbihang ika-16 na Pangulo ng
Pilipinas.[7][8][9] Siya ang unang nanging pangulo na mula
sa Mindanao.[10]
Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa
Pilipinas at naging alkalde ng Lungsod ng Davao, isang "highly
urbanized city" sa isla ng Mindanao ng pitong termino, o mahigit 22
taon. Nagsilbi rin siayng bise-alkalde at kongresista ng lungsod.
Pagkapangulo
Noong Mayo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si
Duterte bílang President-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo
sa opisyal na bilangán ng mga boto ng Kongreso ng Pilipinas noong
Mayo 27, 2016, na may 16,601,997 boto, mas mataas nang 6.6
milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar
Roxas.
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong
Pebrero 8 1960) higit na kilalá sa paláyaw na Noynoy Aquinoo sa
tawag na P-Noy ay ang ika-15 Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30
Hunyo 2010 hanggang kasulukuyan).
Talambuhay
Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kaniyang Batsilyer
sa Sining na Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo
de Manila noong 1981, at sumáma sa kaniyang pamilya nang
ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito sa Estados Unidos.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983 pagkatapos ang pagpaslang sa
kaniyang ama at humawak ng ilang mga posisyon sa pribadong
sektor. Noong 1998, nahalal siya bílang Kinatawan ng ika-2 Distrito
ng lalawigan ng Tarlac.
Siya ang ikaapat na henerasyon ng mga politiko sa kanilang
pamilya: ang kaniyang lolo sa tuhod, si Servillano "Mianong" Aquino,
ay naglingkod bílang delegado sa Kapulungan ng Malolos; ang
kaniyang lolo, si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod bílang
Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas mula noong 1943 hanggang 1944; at ang kanyang mga
magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at
Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Kasapi si Aquino ng Partido
Liberal ng Pilipinas.[1]
Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at
wala pang anak. Dáting kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad,
isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dating
senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre 2010, kinumpirma
ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo
si Korina Sanchez,[2][6] Bernadette Sembrano,[2] atLiz Uy.[5][7]
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre
1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng
pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang
kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang
bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2]
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan niAndrés Bonifacio,[note 4], isang lihim na samahan na
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang
Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng
pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan
kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang
huling dulugan.[7] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa
Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng
karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang
mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang
napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang
naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.
Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay
isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Binansagan siyang "Ama ng
Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng
kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula
sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.[1][2] Kinikilala rin siya ng
ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit
hindi siya opisyal na kinikilala
Ayon sa paglalarawan sa kanya ni Arthur MacArthur, Jr., "Si Mabini ay isang lubos na
edukadong binata na, sa kasamaang-palad, ay paralisado. Siya ay may isang klasikal
na edukasyon, isang napaka-kakayahang umangkop, mayroong malikhaing isip, at ng
mga tanawin ng Mabini ay komprehensibo kaysa sa alinman sa mga Pilipino na ako
ang nakakamit. Ang kanyang ideya ay isang panaginip ng isang Maphilindo. Hindi ang
Luzon o ang kapuluan ng Pilipinas, ngunit ang ibig kong sabihin ay dugo ng Lahing
Malay. Siya ay may pangarap, ngunit isang napaka-tatag ng pagkatao at siya aty
napakabuti. Tulad ng nasabi, sa kasamaang-palad, siya ay paralisado. Siya ay isang
binata, at gusto niya na walang pag-aalinlangan na maging mahusay na paggamit sa
hinaharap ng mga isla na parang ito ay hindi para sa kanyang pagdadalamhati."[2]
Si Emilió Aguinaldo y Famy[1] (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay
isang Pilipinong heneral, politiko at pinúnò ng kalayaan, at ang
unang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899–1 Abril 1901). Isa
siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng Pilipinas.
Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban
sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados
Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng
Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng
Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit
nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados
Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang
mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang
pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901.
Nadakip siya sa bandang hulí ng mga Amerikano
noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang
taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot
ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas
ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bílang pangulo noong
1935 ngunit nagapi sa halalan niManuel Quezon. Sa mga hulíng
panahon ng kaniyang búhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng
Pilipinas.[1][2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
Si Melchora Aquino-Ramos na mas kilala sa bansag na Tandang
Sora ay hinahangaan at nagsilbing inspirasyon sa mga
katipunero.Kahitsiya’ymay edad na buong puso pa rin
siyang tumulong nong panahon ng himagsikan na pinamunuan ni
Andres Bonifacio noong taong 1896.
Si Melchora ay isinilang sa Banlat,Caloocansa National Capital
Regionnoong Enero 6,1812.Ang kanyang mga magulang ay sina
Juan Aquino at Valentina de Aquino.
Siya hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral subalit siya
ay biniyayaan ng mabuting kalooban. Siya ay relihiyoso at magaling
makisalamuha sa kapwa . Siya rin ay pinagkalooban ng
kagandahan sa panlabas na kaanyuan. Kaya naman siya ay laging
tinatanghal bilang Reyna Elena ng kanilang lugar.Halos lahat ng
kabinataan ay nabibighanisa kanyang tinataglay na kagandahan.
Si Melchora ay nagkaroon ng napakaraming manliligaw.At isa sa
kanyang masigasig na manliligaw si Fulgencio Ramos na kanyang
naging kabiyak.
Ang kanilang pagsasama ay naging mabunga. Nakaroon sila ng
anim na anak na pinangalanang Juan, Simon, Estefania, Saturnino,
Romualdo, at Juana. Si Fulgencio ay isang cabesa de barangay.
Ngunit ito’y pumanaw rin noong pitong taong gulang pa lamang
ang kanyang bunsong anak. Tinaguyod ni Tandang Sora ang
kanyang anim na anak.Siya ay nakaranas ng kunting hirap sa
pagtataguyod sa kanyang mga anak.
Si Tandang Sora ay tumulong sa himagsikan. Kinukupkop niya ang
mga katipunerong nakatakas sa mga kastila. At nang ito’y
natugunan ng mga kastila siya ay ipinatapon sa pulong Marianas.
Bumalik siya sa Pilipinas nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga
Amerikano. Siya ay nagmistulang pulubi dahil siya ay matandang-
matanda naat wala ng nalalabing ari-arian. Namatay siya sa
karalitaan noong Marso 2, 1919. Siya ay nakahimlay sa kanyang
bakuran sa Balintawak. Inilibing siya sa Musoleo ng mga Belerano ng
Rebolusyong Pilipino sa Cementerio del Norte.
Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban
sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang
sa Bulakan,Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del
Pilar at Felipa Sempio.
Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at
pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si
Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de
Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na
si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan.
Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na
mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos
siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo
subalit sumiklab ang apoy.
Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga
katipunero at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung
saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya
ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral
ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya
sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan)
ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at
itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang
ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa
maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng
mga Amerikano saPasong Tirad noong Disyembre 2, 1899,
nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang
tumatakas si Aguinaldo.
Si Josefa Llanes Escoda (Setyembre 20, 1898 – Enero 6, 1945) ay isang
kilala Pilipinang tagapagtaguyod ng mga karapatang pangkababaihan sa
Pilipinas (kabilang ang panghalalan) at tagapagtatag ng Mga Batang
Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas(Girl Scouts of the Philippines).
Talambuhay