You are on page 1of 10

Pananakop ng Hapones

sa Pilipinas
Magbalitaan tungkol sa kasalukuyang
suliraning panlipunan sa ating bayan o
bansa.
Kapayapaan at Kaayusan ng ating
pamayanan
• Paano kaya nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng
Hapones at Amerikano?
Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o
gawing itong awit na pinapahayag ng ang mga mahahalagang pangyayari sa
pananakop ng mga Hapones.

Pananakop ng mga Hapones


Noong Disyembre 7, 1941, sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, ang
himpilang pandagat at panghimpapawid ng US sa Hawaii. Ilang oras
pagkatapos nito, sinalakay ng mga Hapones ang Davao. Sunod-sunod ang
paglusob ng mga Hapones sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Noong Disyembre
8, winasak ang Clark Field sa Pampanga at Disyembre 9 sinalakay ang
Maynila. Noong Disyembre 10, dumating ang mga Hapones sa Aparri, Cagayan
at Vigan, Ilocos Sur. Sa sumunod na mga linggo, dumating ang mga ito sa
Legazpi, Albay; Lingayen, Pangasinan; at Atimonan at Mauban, Quezon.
Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong tula na
pinapahayag ng ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Hapones.
 
Hindi napigilan ng mga Amerikano ang paglusob ng mga Hapones.
Walang magawa ang hukbong pinamuan ni Heneral Douglas MacArthur
dahil nawasak ang kanilang mga hukbong panghimpapawid.
Noong Disyembre 26, 1941, idineklara ni MacArthur ang Maynila
bilang Open City. Nangangahulugan ito na walang mga militar na
magtatanggol sa lungsod. Ngunit hindi ito pinansin ng mga Hapones.
Patuloy na binomba ang lungsod na nagbunga ng pagkamatay ng marami at
pagkasira ng mga ai-arian.
 
• Pangkat 3
• Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong
Sabayang Pagbigkas na pinapahayag ng ang mga mahahalagang pangyayari sa
pananakop ng mga Hapones.
• Hindi naging hadlang ang digmaan upang muling manumpa sina Manuel L. Quezon
bilang pangulo ng Komonwelt at Sergio Osmeña bilang pangalawang Pangulo. Ito ang
ikalawang ulit na inagurasyong pampanguluhan ng Komonwelt.Naganap ang panunumpa
sa Malinta Tunnel sa Corregidor noong Disyembre,30,1941.Isa sa mga naging saksi rito si
Heneral MacArthur ,pinuno ng United States Army Forces in the Far East (USAFFE). Nang
bumagsak ang Bataan,pinamartsa ng mga Hapones ang mga sundalong Amerikano at
Pilipino mula sa Mariveles,Bataan hanggang San Fernando,Pampanga.Pinalakad sila nang
walang inumin at pagkain.Napilitan ang iba na uminom ng tubig mula sa mga kanal na
kanilang nadaraanan. Marami sa mga sundalo ang nanghina at namatay sa daan.Isinakay
sa tren ang mga sundalong umabot hanggang San Fernando at dinala sa Kampo O’Donnel
sa Capas,Tarlac. Sa kampong ito sila ikinulong. Tinawag ang pangyayaring ito na Death
March.
• Pangkat 4
• Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong
Rap Song na pinapahayag ng ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop
ng mga Hapones.
• Sa pagbagsak ng Bataan, tuluyang na ring bumagsak ang Corregidor
at ang buong bansa sa kamay ng mga Hapones. Si Heneral Jonathan
Wainwright, ang huling heneral na nagtanggol sa Corregidor, ang inatasan
ni Heneral Masaharu Homma na manawagan sa lahat ng mga sundalong
Amerikano at Pilipino na sumuko na. Ngunit marami sa mga ito ang
tumangging sumuko. Marami sa kanila ang tumakas at namundok.
Minabuti nilang maging mga Gerilya upang ipagpatuloy ang kanilang
pakikipaglaban sa mga Hapones.
Mga Tanong
• Ano ang Labanan Bataan? Paano at bakit ito nangyari?
• Paano nakipaglaban ang mga Pilipino at Amerikano sa mga Hapones sa
labanan ito?
• Sumuko ba ang mga Pilipino sa labanan ito?
• Ano ang ginawa ibang mga Pilipino para ipagpatuloy pakikipaglaban para
sa kalayaan?
• Ano ang mahalagang pangyayari sa Labanan sa Bataan?
Mga Tanong:
1. Kailan sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor?
2. Ano ang mahalagang pangyayari noong Disyembre 8, 1941?
3. Kailan sinalakay ng mga Hapones ang Maynila?
4. Anu-ano pang mga lugar sa bansa ang sinalakay ng mga Hapones noong
Disyembre 10,1941?
5. Bakit walang nagawa laban sa mga Hapones ang hukbong pinamumunuan ni Heneral Douglas
MacArthur?
6. Kailan idineklara ni Heneral MacArthur ang Maynila na Open City?
7. Ano ang naging bunga ng patuloy na pagbomba ng hapones sa Maynila kahit pa idineklarang Open
City na ito?
8. Sino ang pangulo at pangalawang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt na nanumpa sa kabila ng
nagaganap na digmaan?
9. Saan ginanap ang panunumpa ni Pangulong Quezon at Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña?
10. Ano ang ginawa ng mga Hapones sa mga nahuling sundalong Amerikano at Pilipino?

You might also like