You are on page 1of 11

Patakarang

Homestead
Magbigay kaisipan o natutunan tungkol sa

Programang Katarungang
Panlipunan
May alam ka bang programa para mga
mahihirap? tulad libreng pabahay?
Programang para sa mga kabataan o sa
tulad mong mag-aaral?
1924 HOMESTEAD ACT
Inilunsad ang programa na
homestead upang matugunan ang suliranin sa
pabahay at paunlarin ang ilang
bahagi ng mga kaayunan, Ang karaniwang bahay
kubo na makikita sa lalawigan ay napalitan ng
bahay na yari sa tabla, kahoy at bato. Ang iba
namang Pilipino ay nagsimula maging migrante
sa mga malalaking lungsod upang makapagaral
at maghanap buhay.
Pangkat 1 at Pangkat 2
Isang pang mahalagang batas na pinagtibay ang Batas
Komenwelt Bilang 441 na natatag sa national Lang Settlement
Administration ( NLSA). Ito ang sangay na namamahala sa
proyektong relokasyon o pabahay ng pamahalaan. Bago pa rito,
binuksan ng pamahalaan ang may 52,000 ektaryang lupain sa
Cotabato at Davao.
Dalawa ang layunin ng proyektong ito. Una, upang
mabigyan ng sariling lupang masasaka ang mga kuwalipikadong
Pilipino mula Luzon at Visayas. Pangalawa, inaasahan na ang
relokasyon ng malaking bilang ng mga magsasaka ay
magpapahina sa pag-aaklas ng mga magsasaka sa Luzon.
Nagtakda ang NLSA ng mga katangian
ng maaaring makasama sa programang ito. Ito ay
ang sumusunod:
Dapat ay Amerikano o Pilipino, hindi hihigit sa
40 taong gulang, may asawa, at mga anak;
Malusog, walang sakit ang aplikante, gayundin
ang kanyang pamilya at may lakas para mamuhay
sa Mindanao;
May kasanayan sa gawaing bukid; at
May mabuting pagkatao at kilala sa pamayanang
kanyang iiwanan.
Gawain:
Kumpletuhin ang outline tungkol sa NLSA
Batas Komonwelt Bilang 441
_______________________________________

Layunin ng proyekto o NLSA


_______________________________________

Katangian ng maaaring makasama sa programa ng NLSA


_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
Pangkat 3
 
Sa maraming aplikanteng nagnanais pumunta sa Mindanao, 62 ang unang
naaprubahan ng NLSA. Ito ang unang pangkat na nanirahan sa Koronadal. Binubuo ito ng
mga mamamayang nagtapos ng pagsasaka at elementary, mga karpintero, panday, at
drayber ng mga sasakyang de-motor.
 
Kasama si Heneral Paulino Santos, hepe ng Philippine Army at pinuno ng NLSA,
nang umalis unang pangkat at mga pamilya nito noong Pebrero 22, 1939 para sa limang
araw na paglalakbay patungong Mindanao, sakay ng SS Basilan.
Ang sumunod na pangkat na pumunta sa Koronadal ay mula sa Cebu, Iloilo, Tarlac,
Pangasinan, Capiz, Bohol at Leyte. Noong 1940, umabot sa 5,009 na mga na mga
mamamayan ang lumipat sa Koronadal mula Luzon at Visayas. Dahil sa programang ito,
nabuo ang anim na bagong panahanan sa Cagayan at Isabela mula 1939 hanggang 1941.
 
Natatag ang Pamahalaang Komonwelt ng mga tanggapan upang mapangasiwaan
ang ibang pangangailangan ng bansa. Ilan dito ang Bureau of Aeronautics, Bureau of
Mines, General Auditing Office at Department of Health and Public Welfare. Itinatag ang
Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga kawani ng pamahalaan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ilan ang unang pangkat na naaprubahan ng NLSA na
nanirahan sa Koronadal?
2.Kailan umalis ang unang pangkat at sino ang naghati sa
kanila?
3.Ilang mamamayan ang lumipat at manirahan sa Koronadal
mula Luzon at Visayas noong 1940?
4.Saan ang bagong panahanan o lalawigan mula noong
1939-1941?
5.Sa inyong sariling pananaw maganda ba o nakatulong ba
ang programa o proyekto ng NLSA sa mga mamamayang
Pilipino?
Pangkat 4

Gawain: Kumpletuhin ang tsart.


Ikalawang pangkat nanirahan sa
Unang pangkat nanirahan Korondal
sa Korondal

Tanggapan ng Pamahalaan
(Nangangasiwa sa mga
Pangangailangan ng Bansa)
Pangkat 4

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang T kung


ito ay tama tungkol sa aralin at M, kung mali ito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
 
1.Ang Komonwelt ay malasariling pamahalaan ang daan para sa ganap
na kalayaan ng Pilipinas. _______
2.Layunin ng Saligang Batas ng 1935 na mabigyan ng pantay na mga
karapatan ang mga mamamayan. ______
3.Limang taon ang ibinigay ng mga Amerikano upang mahasa ang mga
Pilipino sa mga kasanayan g pampolitika at panlipunan.______
4.Isang pang mahalagang batas na pinagtibay ang Batas Komenwelt
Bilang 041 na natatag sa National Land Settlement Administration
(NLSA) _____
5.Inilunsad ang programa na homestead upang matugunan ang suliranin
sa pabahay at paunlarin ang ilang bahagi ng mga
kaayunan. ____

You might also like