You are on page 1of 1

Name: _________________________________Grade & Section: ________ Score: ____________

School: ____________________Teacher: _____________________________Subject: Araling Panlipunan 6


LAS Writer: ETHEL JOY C. NERPIOL Content Editor: KRISTINE MARIE S. OLIVAR__
Lesson Topic: Pagtugon sa mga Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang
1998 Quarter 4 Wk.5 LAS 1
Learning Target: Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa
mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan (AP6TDK-IVe-F-6).
Reference(s): Lorenzo, M., Mercado, M., and Santillan, N., 2019. Isang Bansa Isang Lahi 6. Quezon City,
Philippines, Vibal Publishing Company, pp. 365-374.

PAGTUGON SA MGA SULIRANIN AT KINAKAHARAP NA HAMON NG BANSA


SA PANUNUNGKULANG CORAZON C. AQUINO (1986-1992)
Naging puspusan ang aksiyon ni Pangulong Corazon C. Aquino upang bigyan tugon ang mga suliranin
at hamon ng bansa. Ilan sa mga hakbang na ginawa ng kanyang administrasyon ay ang pagtatag ng Saligang
Batas ng 1987, Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) at Local Government Code of 1991.
Pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 11, 1987, ito ay nagbigay daan sa
panunumbalik ng pagiging demokratiko ng bansa. Muling nakamit ng taumbayan ang mga karapatang at
kalayaang sibil, malayang halalan, malaya at mapanuring media.
Naipasa ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) noong 1988. Layunin nitong
maisakatuparan ang malawakang repormang pansakahan sa bansa.
Ang “Local Government Code of 1991” ay isa sa mahalagang ambag ng administrasyong Aquino
sapagkat nakalahad dito ang mga tungkulin at kapangyarihan ng mga lokal na unit ng pamahalaan, at kung
paanong higit na makatutugon ang mga lokal na opisyal sa pangangailangan ng mga mamamayan at
makapagbibigay ng serbisyong pampubliko.

PAGTUGON SA MGA SULIRANIN AT KINAKAHARAP NA HAMON NG BANSA


SA PANUNUNGKULANG FIDEL V. RAMOS (1992-1998)
Upang matugunan ang suliranin ng Pilipinas, inilunsad ni Pangulong Fidel V. Ramos ang programang
“Philippine 2000”. Nakapaloob dito ang mga pag-ekonomiya at panlipunang programa para sa mga Pilipino.
Narito ang ilan sa mga programa:
1. Nagkaroon ng liberasyon o pagpapaluwag sa mahigpit na patakaran sa kalakalan upang
pagpapagaan sa mga patakarang may kaugnayan sa kalakalan at pamumuhunan ng bansa na
naglalayong makahikayat ng maraming dayuhang mamuhunan sa bansa.
2. Ipinatupad ang deregulasyon o pag-alis ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa kalakalan.
Pinalawak din ang mahalagang pagganap ng pribadong sector sa ekonomiya at isa sa nabigyang
daan ang pagsasapribado ng mga korporasyon ng pamahalaan.
3. Ipinagbawal na iisang may-ari lamang ang negosyo tulad ng telekomunikasyon at transportasyon.
4. Naging kasapi ng World Trade Organization (WTO) ang Pilipinas na nagbigay ng pagkakataon
upang makilala ang mga lokal na produkto ng Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan.

MGA GAWAIN:
a. Ilarawan ang salitang nasa loob ng kahon upang mabuo ang pigura.(10 pts)

b. Ano ang iyong masasabi sa mga programang ipinatupad ni Pangulong Fidel V. Ramos?Ilarawan ito sa
tatlong pangungusap. (5 pts)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like