You are on page 1of 7

Aralin Bilang 11

Tungo sa Pagkamit ng Tunay na Demokrasya at Kaunlaran (1972-Kasalukuyan)

Kompetensi:
Nasisiyasat ang mga programa ng pamahalaan sa pagtugon ng mga hamon sa pagkabansa ng
mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan. AP6TDK-Ivc-d-4
Layunin:
4.2 Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat pangulo na nakapagdulot ng kaunlaran sa
lipunan at sa bansa.
4.3 Nakasusulat ng maikling sanaysay tungkol sa mga patakaran ng piling pangulo at ang
ambag nito sa pag-unlad ng lipunan at bansa.

Magandang buhay. Kumusta ka ngayon? Sana’y handa


ka ng muli sa gagawin natin ngayon. Narito ang mga inihanda kong gawain.
Nawa’y lubos mong maunawaan ang ating paksa ngyong araw na ito.
Simulan na natin.

Balita mo, Share mo!

Anong balita o isyu ang narinig o napakinggan mo sa radyo o telebisyon? Kung


mayroon, share mo naman! Huwag kang mag-alala, handa akong makinig sa iyo!

Panuto: Sumulat ng isang napapanahong balita na nangyayari sa kasalukuyang panahon na iyong


napanood o napakinggan. Isulat ng sunud-sunod ang mga detalye at lagyan ito ng ulo ng balita.

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Mag-throwback Tayo!

Sa nakaraang modyul ay pinahalagahan mo ang mga kabayanihan at


pagkakaisa ng mga Pilipino upang muling makamit ang kanilang kalayaan at
karapatan. Matagumpay na napatalsik sa pamamagitan ng mapayapang
rebolusyon si Pangulong Ferdinand Marcos na namahala sa bansa mahigit
dalawampung-taon at naging bagong pangulo ng bansa si Ginang
Corazon C. Aquino.

Panuto: Natatandaan mo pa ba kung sino si Pangulong Corazon Aquino? Isulat ang kanyang mga
katangian sa sa kahon na nasa ibaba:
Mga Katangian ni Pangulong Corazon C. Aquino

Handa ka na ba? Pag-aralan ang mga sumusunod na gawain. Huwag kang


mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na nakahanda para sa iyo.

Panuto: Magtala ng limang naging programa ni Pangulong Aquino sa bansa sa ilalim ng


kanyang panunungkulan bilang pangulo.

1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________________

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Sa iyong palagay, anu-ano ang mga naging programa ng bawat pangulo ng bansa sa ilalim ng
kanilang panunungkulan?
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
2. Sinu-sino ang naging pangulo ng bansa mula nang maganap ang People Power 1?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. May pagkakaugnay ba ang kani-kanilang programa sa bansa at sa mga mamamayan? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, may naitulong ba ang mga naging programa nila? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Basahin at Unawain!
Malaking tagumpay ng People Power 1 ang pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos
matapos ang mahigit 20 taong paniniil at pagpapahirap sa
mga Pilipino.
Hirap, gutom, init, sakit at pangamba ay tiniis ng mga Pilipino sa harap ng mga tangkeng
pandigma at mga sundalo ng Pangulong Marcos. Sa loob ng limang araw ay nagtagumpay ang
Pilipino at napatalsik si Pangulong Marcos.
Ang kanyang paglisan ay nag-iwan ng napakalaking suliranin ng mga sumunod
na maging pangulo ng bansa upang pangasiwaan ang pagbabagong-tatag
ng pamahalaan, pagpapanumbalik ng demokrasya, pangangalaga sa karapatang pantao, pagpapanatili
ng katahimikan at kaayusan, at pagpapasigla ng ekonomiya upang makahabol sa mga karatig-bansang
Asyano.

Sa modyul na ito ay matutunan mo ang ibat’t ibang mga programa ng


mga pangulo matapos ang People Power 1. Halina at maging handa sa mga
gawain?
Suriin ang mga larawan na nasa ibaba. Sino-sino ang mga nasa larawan? Ano-ano ang kanilang mga
programa sa pag-unlad ng bansa matapos ang EDSA People Power 1?

*Pagbabagong-tatag ng Pamahalaan
*Nilikha ang Presidential Commission on Human Rights at
Presidential Commission on Good Government
*Pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1987
*Inilunsad ang Comprehensive Agrarian Reform Program
*Sinimulan ang patakarang National Reconciliation

*Pagpapatibay ng Medium-Term Philippine Development Plan o


Philippies 2000
*Binigyang-tuon ang people empowerment o sentro ang tao sa pag-
unlad
*Itinatag ang Presidential Committee to Fight Poverty (PCFP)
*Pagsuporta ng pamahalaan sa Subic Bay Freeport Zone
*Pagkatatag ng National Unification Commission (NUC)
*Pagbuo ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC)
*Inilunsad ang sistemang multigrade sa mga paaralan
*Batas na nagbigay espesyal na pribelihiyo sa mga senior citizen

 Epektibong pamamalakad ng pamahalaan


 Itinaguyod ang komprehensibong repormang pansakahan at
namahagi ng 100,000 ektaryang lupang sakahan
 Paglunsad ng Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP)at
pagtatag ng mga rolling stores
 Binigyang pansin ang mga hakbang upang matugunan ang
kakulangan sa badyet.
 Ipinagpatuloy ang rolling stores.

Data Retrieval Chart


Panuto: Isulat mo sa “retrieval chart” ang mga mahalagang programa ng mga pangulo na tumutugon
sa mga hinaing ng mga mamamayan bago ang People Power Revolution 1.

Pangulong Corazon Pangulong Pangulong Joseph Pangulong


Aquino Fidel Ramos Estrada Gloria Arroyo

Sadyang kawili-wiling pag-aralan ang mga programa ng mga pangulo sa ating


bansa sa ilalim ng kanilang panunungkulan. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba para mas
mapalalim pa natin at maunawaan ang ating tinalakay na aralin ngayong araw.

Sagutin:
1. Ikaw, may mga iba ka pa bang nalalaman tungkol sa iba’t ibang program ng mga pangulo ng
ating bansa? Isulat ito sa ibaba:?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

2. Sa palagay mo, magkakaugnay ba ang mga programa at patakaran nga mga pangulong
nabanggit? Bakit?
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Isabuhay Mo!

Napakahusay! Ang galing mo talaga! Malapit na tayong matapos sa ating


gawain. Nalaman natin ang mga naging programa ng mga pangulo ng bansa upang
maging maunlad ito. .
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral
ang mga nabuo mong kaalaman. Handa ka na ba?

Panuto: Kung ikaw ay pagpipiliin sa apat na pangulo ng bansa, sino ang pipiliin mo? Bakit siya
ang pinili mo? Sa palagay mo, Ano-ano ang mga katangian ng isangmabuting pangulo? Sumulat ng
isang sanaysay tungkol sa katangiang dapat taglayin ng mga pangulo ng bansa. Buuin ito ng mga
25-30 salita. Isulat ito sa ibaba.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

RUBRICS SA PAGTATAYA NG SANAYSAY


Level ng Pagsasagawa (Performance)
Mga Krayterya
1 2 3 4
Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang
ang organisasyon organisasyon organisasyon pagkakasunod
ng mga ideya at ngunit hindi pagkakabuo ng Sunod ng mga ideya
walang panimula masyadong talata na may sa kabuuan ng talata,
Organisasyon
at konklusyon mabisa ang angkop na mabisa ang panimula
ang panimula simula at at malakas ang
at kongklusyon kongklusyon kongklusyon batay sa
ebidensya
Complete Me!

Mula sa mga paksang tinalakay na may kinalaman sa mga naging


programa ng mga pangulo ng bansa, natutunan ko na
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

Pagtataya
Panuto: Isulat ang pangalan ng mga pangulong nagpatupad ng
sumusunod na mga programa. Gawin ito sa iyong kwadernong
sagutan.

1. Nagpatupad ng libreng pag-aaral sa elementarya at sekundarya.


2. Tumulong sa mga mahihirap na makabili ng murang pagkain at gamot.
3. Sinimulan ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program
4. Tinaguriang Centennial President dahil inihalal siya sa panahong ng ika-100
taong anibersryo ng kalayaan ng bansa.
5. Namigay ng humigit 200,000 ektaryang lupain sa mga magsasaka.
6. Nagpapaigting ng programa laban sa mga kriminal at human trafficking.
7. Nagbigay awtonomiya sa mga taga Cordillera at Moro.
8. Nagpaparami sa mga Rolling Stores sa bansa.
9. Namahagi ng 100,000 ektaryang lupang pansakahan.
10. Nagbigay ng espesyal na prebilihiyo para sa mga senior citizen

Takdang Aralin:

Magsaliksik ng talambuhay ng kasalukuyang pangulo. Isulat ang kaniyang


mahahalagang programa para sa seguridad, ekonomiya, edukasyon, kalusugan at
ugnayang panlabas.

Sa pagtatapos ng gawaing ito, ikaw ay aking lubos na binabati sa iyong ipinakitang


dedikasyon at kasipagan sa paggawa ng nakaatas na gawain. Hinahangad ko na maging
aktibo at responsible ka sa mga susunod na aralin.

You might also like