You are on page 1of 9

Araling Panlipunan VI

Ikatlong Markahan
Aralin 9

I. LAYUNIN:
1. Nasusuri ang iba’t-ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa
pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di pantay na kasunduan tungkol
sa malayang kalakalan at parity rights .
2.2. Naiipahayag ang sariling reaksiyon ukol sa malayang kalakalan at Parity
Rights.
2.3 Naiipakita ang ilang reaksyon ukol sa malayang kalakalan at Parity Rights.
9. NILALAMAN:
Reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Bell Trade Relations Act Malayang
Kalakalan, Halaga ng Piso at Dolyar, Parity Rights
10. KAGAMITAN PANTURO:
A. Sanggunian : AP6SHK-IIIc-2
: Project Ease Araling Panlipunan I Module 12

B. Iba pang kagamitan :larawan, activity sheet, laptop, LED TV, graphic
organizers, lapel
11. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu na may kinalaman sa paksa.
2. Balik Aral
Ano ang colonial mentality?
Ano ang naging epekto ng colonial mentality pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?

3. Panimulang Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ilang taon ang malayang pakikipagkalakalan ng Pilipinas at Amerika sa
kasunduang Bell Trade Act? ?
A. limang taon C. pitong taon
B. anim na taon D. walong taon

2. Sino ang nakinabang nang husto sa itinakdang malayang


pakikipagkalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas?
A. ang mga Pilipino
B. mga Amerikano lamang
C. kapwa Pilipino at Amerikano
D.wala sa kanila ang higit na nakinabang

3. Ano ang naging masamang epekto ng malayang kalakalan sa pagitan ng


Amerika at Pilipinas sa ating mga magsasaka?

A. naubusan ng ani ang ating mga magsasaka.


B. nadagdagan ang kita ng ating mga magsasaka.
C. hindi natuto ang ating mga magsasaka ng mga makabagong paraan.
D. lalong naging maliit ang napuntang kita sa ating mga magsasaka sa
ganitong sistema.
4. Isa ang parity rights sa sistemang pangekonomiya na ipinatupad sa
panahon ng mga Amerikano. Ano ang isinasaad dito?
B. Pagkalooban ng 800,000,000 dolyar ang Pilipinas sa pinsalang
dulot ng World War II.
C. Itinakda nito ang limitasyon sa malayang pagpasok ng mga
produktong Pilipino sa US.
D. Binibigyan nito ng pantay na karapatan ang Pilipino at Amerikano
na pakinabangan ang likas na yaman ng Pilipinas.
C. Ang lahat ng produktong Amerikano gaano man ito karami ay
makakapasok sa Pilipinas nang hindi nagbabayad ng buwis.
5. Dalawa ang batas na itinakda ng Amerika ukol sa malayang kalakalan
sa Pilipinas. Isa na rito ang Payne- Aldrich Act. Ano ang isinasaad sa
batas na ito?
A. ipinagpatuloy anbg malayang kalakalan o free trade sa Komonwelt
pero ibinalik ang nakatakdang dami sa produktong Pilipino.
B. Inalis ang nakatakdang dami sa Produktong Pilipino at ibinalik ang
free trade.
C. Nagpasimula ng malayang kalakalan subalit may nakatakdang dami
sa mga Pilipinong produkto.
D. Nagtakda ng pantay na dami ng produkto ng Pilipinas at Amerika.

Sagot: 1. D 2.B 3. D 4.D 5.C

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak


Pagmasdan ang larawan.

Anong mensahe ang sinasabi ng larawan?


Sa inyong pamilya, may pagkakataong bang hindi pantay ang
pagbibigay ng mga bagay sa inyong magkakapatid? Ano ang nararamdaman
ninyo tungkol dito?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin o Paglalahad
Pagmasdang mabuti ang sumusunod na larawan.
https://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+digmaang+pilipino+at+amerikano

- Sino ang kinakatawan ng nasa larawan?


- Ano ang ipinahihiwatig ng larawang ito?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
Sa pagsakop sa atin ng mga Amerikano, iba’t-ibang patakarang
pangkabuhayan ang ipinatupad nila sa Pilipinas. Anoano ang mga ito at ano
ang naging resulta at reaksyon ng mga Pilipino ukol dito?

Gawain 1. Train Organizer


Basahing mabuti ang nakasaad sa teksto tungkol sa malayang
pakikipagkalakalan ng Pilipinas at Amerika. Isulat sa loob ng bahagi ng tren
ang hinihinging impormasyon.

ISINASAAD EPEKTO REAKSIYON NG MGA


PILIPINO
MALAYANG
KALAKALAN
Teksto para sa Gawain 1 (Sanggunian: EASE Module 12 Araling Panlipunan 1)

Malayang Kalakalan (Bell Trade Act)


Ang malayang kalakalan ay isa sa patakarang pangkabuhayang pinairal ng mga
Amerikano. Dalawang batas ang binuo ukol dito: ang Batas – Payne Aldrich at Batas
Underwood Simons Ayon sa Payne-Aldrich Tariff Act ang mga produto ng Pilipinas
ay makapapasok sa Estados Unidos nang libre o walang bayad ngunit may kota.
Samantala ang produkto naman ng Estados Unidos ay makapapasok sa Pilipinas nang
walang buwis at walang kota.
Taong 1913 ay ipinasa ang Batas Underwood Simmons sa Kongreso ng
Amerika. Inalis ng batas na ito ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok
sa dalawang bansa. Dahil dito, naging depende ang Pilipinas sa mga kalakal na galing sa
Estados Unidos. Naging positibo din ito sa pagdami ng mga iniluluwas na produkto ng
Pilipinas sa Estados Unidos. Lumaki ang bilang ng mga iniluluwas na produkto. Batay
sa statistics noong taong 1914 at 1920 ay umabot ang iniluluwas na produkto sa
limampu hanggang pitumpung porsyento. Nang taon 1939 ay walumpu’t limang
porsyento ang ating nailuwas na produkto sa Estados Unidos ngunit animnapu’t limang
porsyento naman ang ating inangkat.
Nakinabang nang husto ang Estados Unidos sa nasabing patakaran dahil kahit
hindi mahahalagang produkto ay naiipasok nila sa pamilihan ng Pilipinas at nagdulot ng
mas malking tubo sa kanila. Naging mas mahilig kasi ang mga Pilipino sa mga
produktong statesides.
Bagamat may pagkakataong sumigla ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng
malayang kalakalan, maraming Pilipino rin ang tumutol dito. Para sa kanila,
nababawasan ang nakokolekta nilang buwis mula sa mga produktong inaangkat at
iniluluwas sa bansa na magagamit sana sa mga proyektong panlipunan at
Gawain 2- Debate
pangkabuhayan ng bansa.

Gawain 2- Debate

Sa pamamagitan ng isang debate ng grupo, ibigay ang sariling reaksiyon o


opinyon tungkol sa patakarang pangkabuhayan na parity rights. Ang puntong
pagtatalunan ay makabubuti ba o hindi ang pantay na karapatan ng Amerikano at
Pilipino na gamitin at pakinabangan ang likas na yaman ng ating bansa. Gawing
batayan ng pagtataya para sa mananalong pangkat ang sumusunod na Rubriks.

KRAYTIRYA NAPAKAHUSA MAHUSAY KATAMTAMA NALILINANG NAGSISIMULA


Y (4) N (3) (2) (1)
(5)
Presentasyon Naipahayag ang Naipahayag ang Naipahayag ang Naipahayag ang Hindi naipahayag
sariling reaksyon sariling sariling reaksyon sariling ang sariling
o opinyon nang reaksyon o o opinyon nang reaksyon o reaksiyon o
napakahusay at opinyon nang may katamtamang opinyon nang di opinyon.
may napakalinaw mahusay husay at linaw ng gaanong
na detalye. kahusay at may mga detalye. mahusay at may
malinaw na ilang detalye
detalye. ang hindi
malinaw.
Rubriks para sa debate

Gawain 3: Dula-dulaan
Sa pamamagitan ng isang maikling dula-dulaan, ipapa kita ng pangkat
ang reaksiyon hinggil sa malayang kalakalan at parity rights. (gamitin
ang rubriks sa dula-dulaan)

Kriterya 5 4 3 2 1

Kahandaan Ipinamalas ang Ipinamalas ang Nawawala ang Hindi handa sa mga Hindi nakapag-sagawa

kahandaan sa mga kahandaan sa mga ibang mga linya ng linya ang mga ang pangkat

linya at alam ang linya, ngunit minsan eksena tauhan


kanilang katauhan ay nawawala sa
sa gawain kanilang katauhan
sa gawain

Kalinawan ng Boses Nasasabi ang mga Nasasabi ang ilan sa Nasasabi ang mga Hindi malinaw ang Hindi nakapag-bigkas

linya ng malinaw at mga linya ng linya ngunit may pagbigkas ng mga ng mga linya ang mga
tauhan
malakas malinaw at malakas kahinaan ang boses linya

Kabuuang Eksena Naipababatid ang Naipaabatid ang Nawawala ang Hindi malinaw na Hindi nakapag-sagawa

tunay na nilalaman nilalaman ng tunay na nilalaman naipabatid ang ang pangkat

ng historya sa historya sa ng historya sa nilalaman ng


pamamagitan ng pamamagitan ng kakulangan ng historya
wastong kilos ng ilang kilos ng wastong kilos ng
mga tauhan tauhaan tauhan

Pagta-tapos sa Masigasig na Masigasig na Nakikilahok ang Kulang ang Walang natapos na

Takdang Oras nakikilahok ang nakikilahok ang buong grupo ngunit nagawang eksena gawain ang grupo

buong grupo at buong grupo at hindi natapos sa ng grupo


natapos ang gawain natapos ang gawain takdang oras ang
ng hindi pa tapos sa takdang oras gawain
ang takdang oras

Kabuuang Iskor

E. Paglinang sa Kabihasnan
a. Pag-uulat ng bawat pangkat
b. Pagtatalakayan
- Ano ang isinasaad sa pagpapatupad ng malayang kalakalan sa
pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.
- Ano ang naging magandang epekto nito sa kabuhayan ng mga
Pilipino at sa ekonomiya ng bansa?
- Anoano naman ang mga hindi kabutihang dulot ng ating malayang
pakikipagkalakalan sa mga Amerikano?
- Bakit sa kabila ng pagsigla ng ekonomiya dahil sa malayang
kalakalan, marami pa ring Pilipino ang tumutol dito?
- Makatwiran ba ang patakarang isinasaad ng parity rights? Bakit?
- Kung kayo ang tatanungin, dapat bang pinayagan ng mga namuno
noon sa ating bansa na maging kahati natin ang mga Amerikano sa
paglinang ng ating mga pinagkukunang yaman?
F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.
Sa inyong palagay, angkop pa ba ang mga kasunduang inilunsad ng
mga Amerikano tulad ng malayang kalakalan at parity rights? Magbigay ng
inyong reaksiyon tungkol dito.

G. Paglalahat ng Aralin
Anu-ano ang naging epekto ng mga kasunduang pangkabuhayan na
ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas tulad ng malayang kalakalan at
parity rights?
Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino ukol dito?
H. Pagtataya ng Aralin
Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin ang titik ng wastong
sagot.

1. Itinakda ng batas na ito ang pagpasok ng mga produktong Amerikano nang


hindi ipagbabayd ng buwis. Aling batas ito?
A. Parity Rights
B. Batas Homestead
C. Batas Payne-Aldrich
D. Batas Underwood- Simmons
2. Anong pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano ang itinakda ng
parity rights?
A. pantay na karapatan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
B. pantay na karapatan sa pagbili ng mga produktong Pilipino at
Amerikano.
C. pantay na karapatan sa paggamit at pag linang ng mga likas na
yaman ng bansa.
D. pantay na karapatan na pangasiwaan ang mga industriyang Pilipino
at Amerikano.

3. Sa ilalim ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos,


may pagkakataon na sumigla ang ekonomiya ng bansa ngunit sa kabila nito,
bakit maraming Pilipino ang tumutol sa patakarang ito?

A. Unti-unting nalugi ang mga negosyo ng mayayamang negosyanteng


Pilipino
B. Nagiging mahal ang mga bilihin sa Pilipinas dahil sa pagdami ng
produkto ng Amerika dito.
C. Parami nang parami ang nagiging trabaho ng mga Pilipino kung kaya
ayaw nilang maraming pumasok na mga produkto dito.
D. Nababawasan ang maaaring kitaing buwis ng pamahalaan mula sa
produktong inaangkat at ipinapasok sa bansa na magagamit sana sa
mga proyektong pangkaunlaran.
4. Bagamat may mga negatibong dulot ang mga patakarang pangkabuhayan
na ipinatupad ng Amerika, may mga mabuting epekto rin ito. Alin sa
sumusunod ang pinakamabuting epekto ng programang pangkabuhayan na
pinairal ng mga Amerikano sa bansa?
A. Umunlad ang kabuhayan sa buong bansa.
B. Umunlad ang kabuhayan ng mga Amerikano.
C. Umunlad ang kabuhayan ng maraming lalawigan.
D. Umunlad ang kabuhayan ng ilang mayayaman at maimpluwensiyang
tao.
5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga hindi magandang naidulot
ng pakikipagkalakalan ng bansa sa Estados Unidos. Maliban sa isa.
Alin ito?
A. pagtangkilik sa ating sariling produkto.
B. pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino.
C. pagtatali ng ating pamilihan sa pamilihan ng mga Amerikano.
D. pagpasok ng di mahahalagang produkto o kailangan ng mga
Pilipino.

Sagot: 1. C 2. C 3. D 4. C 5. A

I. Karagdagan Gawain para takdang aralin at remedyasyon

Magsaliksik tungkol sa Tydings Rehabilitation Act at alamin kung


paano ito nakaapekto sa muling pagbangon ng bansa pagkatapos ng digmaan.

Inihanda ni:

CRISTINA C. MAGSUMBOL

You might also like