You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

Quarter 3 Date & Time Wednesday, February 7, 2024 (2:20-3:00)


Week No. 2 Las/Module Title Module 2: Ugnayang Pilipino-Amerikano sa Isyung Pangmilitar
at Kalakalan
Day No. 3 Lesson/Topic Bell Trade Act at Parity Rights
COMPETENCY & OBJECTIVES Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972

Specific Objectives:
: 1. Naipapaliwanag ang Bell Trade Act at Parity Rights
2. Nakapagbibigay ng sariling reaksyon o pananaw sa nilalaman at epekto ng Bell
Trade Act at Parity Rights sa mga Pilipino
3. Nabibigyang-halaga ang sariling reaksyon o pananaw ng bawat isa

CONTENT : Bell Trade Act at Parity Rights


LEARNING RESOURCES : Laptop, projector, jumbled words, graphic organizer
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)
1. Panalangin
2. Checking ng Attendance
3. Paalala sa mga Tuntunin sa Silid-Aralan
B. Pagganyak: (Motivation)
Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong at sasagutin ito ng mga bata.
1. Nakabuti ba sa ating bansa ang pagtulong ng mga Amerikano pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Bakit?
C. Paglalahad: (Presentation)
Ilalahad ng guro sa mga mag-aaral ang mga layunin sa pagkatuto na makakamit sa
panahon at sa pagtatapos ng talakayan.
Ang mga bata ay magsasa-ayos ng mga pinaghalong mga salita upang makabuo ng
paksa.
TRADE ACT BELL

AT RIGHTS PARITY

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Bell Trade Act at Parity Rights

Bukod sa tulong pinansiyal na $620 milyon, nakapaloob din sa Philippine


Rehabilitation Act ang paglalaan ng halagang $800 milyon bilang bayad-pinsala sa mga ari-
arian ng mga sibilyang naapektuhan ng digmaan kapalit ng pagsang-ayon ng pamahalaan
ng Pilipinas sa kasunduang pangkalakalang inaalok ng mga Amerikano. Dahil sa
pagnanasang makuha ang tulong na ito ay tinanggap ng administrasyong Roxas ang alok na
ito kaya agad na napagtibay ang Philippine Trade Act na higit na kilala bilang Bell Trade Act.
Pinagtibay ng kasunduang ito ang malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas
sa loob ng walong taon mula 1946 hanggang 1954. Subalit hindi patas o makatarungan ang
kasunduang ito sapagkat malayang nadadala ng Estados Unidos ang mga kalakal nito sa
bansa samantalang may kota ang mga pangunahing kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa
Estados Unidos tulad ng bigas, asukal, tabako, niyog, langis at iba pa.

Itinakda rin ng Bell Trade Act ang pagkakaloob ng parity rights sa mga Amerikano na
magkaroon ng pantay na karapatan gaya ng tinatamasa ng mga Pilipino ang mga
Amerikano na magnegosyo sa bansa. Maituturing na labag sa batas ang pagtatakda ng
parity rights sapagkat isinasaad ng Saligang Batas na may natatanging mga negosyo sa
bansa na dapat 60 porsiyento nito ay pag-aari ng mga Pilipino. Kabilang sa mga negosyong
ito ang nagbibigay ng serbisyo publiko tulad ng edukasyon, telekomunikasyon, elektrisidad,
media, at iba pa.
Mga Tanong:
1. Ano ang Bell Trade Act?
2. Ano ang Parity Rights?
3. Bakit sinasabing hindi makatarungan at labag sa batas ang pagpapatupad ng Bell
Trade Act at Parity Rights sa bansa?
E. Paghahasa (Exercises)
A. Panuto: Ipaliwanag ang Bell Trade Act at Parity Rights gamit ang graphic organizer na
nasa ibaba.
Bell Trade Act Parity Rights

F. Paglalahat: (Generalization)
Panuto: Bilang pagbubuod sa araling ito, sagutin ang tanong na nasa ibaba gamit ang
isang pirasong papel.

Nakatulong ba ang pagpapatupad ng Bell Trade Act at Parity Rights upang


makabangon ang bansa mula sa digmaan? Ipaliwanag.

G.Paglalapat (Application)

Ang mga bata ay hahatiin sa apat (4) na pangkat. Bawat pangkat ay magbibigay ng
kanilang sariling reaksyon o pananaw sa nilalaman at epekto ng Bell Trade Act at Parity
Rights sa mga Pilipino.
H. Pagtataya: (Evaluation)

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy
nito. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay ang halagang inilaan bilang bayad-pinsala sa mga ari-arian ng mga sibilyang
naapektuhan ng digmaan.

2. Ito ay ang ibang katawagan ng Bell Trade Act.

3. Ito ay ang kasunduan ng malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas.

4. Ito ay ang bilang ng taon na magkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng


Amerika at Pilipinas.

5. Ito ay ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Amerikano na magnegosyo


sa bansa gaya ng tinatamasa ng mga Pilipino.

B. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit hindi patas o makatarungan ang kasunduang Bell Trade Act?

2. Bakit labag sa batas ang pagtatakda ng Parity Rights?

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)


Panuto: Sagutin ang tanong.

1. Sang-ayon ka ba sa paglagda ng Bell Trade Act at Parity Rights na kaakibat ng


kasunduan? Bakit?

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Mga Puna (may include notes of
teacher for not achieving the Out of 12 learners, there are ______ who got 80% in the activity so the lesson ________ attained.
lesson/target if any; comments of
principal and other instructional
supervisors during their
announced/unannounced visits)

Prepared by: Noted:

MARIA FE P. INTINA MILAGROS M. TIANAN


Teacher I ESP-I

You might also like