You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

Quarter 3 Date & Time Wednesday, February 7, 2024 (2:20-3:00)


Week No. 2 Las/Module Title Module 2: Ugnayang Pilipino-Amerikano sa Isyung Pangmilitar
at Kalakalan
Day No. 3 Lesson/Topic Kasunduang Base-Militar

COMPETENCY & OBJECTIVES Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972
Specific Objectives:
:
1. Naipapaliwanag ang Kasunduang Base-Militar
2. Nakapagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa Kasunduang Base-Militar
3. Naipapahayag ang sariling damdamin sa epekto ng Kasunduang Base-Militar
CONTENT : Kasunduang Base-Militar
LEARNING RESOURCES : Laptop, projector, pictures, jumbled words, graphic organizers
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)
1. Panalangin
2. Checking ng Attendance
3. Paalala sa mga Tuntunin sa Silid-Aralan
B. Pagganyak: (Motivation)
Ang guro ay magpapakita ng larawan sa mga bata.

Photo Credit: Wikipedia Photo Credit: Wikipedia

Clark Air Base Subic Naval Base

Photo Credit: The Poor Traveler


Camp John Hay
Mga Tanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa mga larawan?
2. Ano ang ibig ipahiwatig sa mga larawang ito? Ibigay ang inyong sariling
interpretasyon.
C. Paglalahad: (Presentation)
Ilalahad ng guro sa mga mag-aaral ang mga layunin sa pagkatuto na makakamit sa
panahon at sa pagtatapos ng talakayan.
Ang mga bata ay magsasa-ayos ng mga pinaghalong mga salita upang makabuo ng
paksa.
RATILIM-ESAB GNAUDNUSAK
D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Kasunduang Base-Militar
Isa pang hakbang na ginawa ni Pangulong Manuel Roxas na nagbigay ng higit pang
kapangyarihan sa Amerika na ganap na mahawakan ang bansa ay ang paglagda niya sa
Military Bases Agreement (MBA) noong Marso 14, 1947 kasama si Embahador Paul
McNutt. Itinakda ng kasunduang ito ang pagpapahintulot na manatili sa Pilipinas ang 23
base-militar ng Amerika sa iba’t ibang sulok ng bansa. Ang ilan sa mga kilalang base-militar
ng mga Amerikano sa bansa ay ang Clark Air Base sa Pampanga, Subic Naval Base sa
Olongapo, Zambales, at Camp John Hay sa Baguio. Higit pang lumakas ang pananatili ng
kapangyarihang military ng mga Amerikano sa bansa nang lagdaan noong Marso 21, 1947
ang Military Assistance Agreement kung saan binigyan ng Pilipinas ang mga Amerikano ng
karapatang tumulong sa pamamahala at pagpaplano ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
gayundin ang pagtutustos ng mga armas at kagamitang pangmilitar nito.
Mga Tanong:
1. Ano ang Kasunduang Base-Militar?
2. Saang bahagi ng bansa itinayo ang mga Base Militar?
3. Sa inyong palagay, lubos bang nakatulong ang Kasunduang Base-Militar sa
pagsulong at seguridad ng bansa? Ipaliwanag.
E. Paghahasa (Exercises)

Panuto: Ipaliwag ang Kasunduang Base-Militar sa pamamagitan ng paggawa ng isang


graphic organizer katulad ng nasa ibaba.

Kasunduang Base-Militar

F. Paglalahat: (Generalization)
Panuto: Bilang pagbubuod sa araling ito, sagutin ang tanong na nasa ibaba gamit ang
isang pirasong papel.
Nakabubuti ba ang Kasunduang Base-Militar sa bansa? Ipaliwanag?
G.Paglalapat (Application)

Ang mga bata ay hahatiin sa apat (4) na pangkat. Bawat pangkat ay magbibigay ng
kanilang sariling reaksyon tungkol sa pagpapatupad ng Kasunduang Base-Militar sa bansa
gamit ang Fishbone Organizer.

Mga Reaksyon

H. Pagtataya: (Evaluation)
Panuto: Suriin at tukuyin ang kawastuhan ng mga pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto
ang ipinahayag ng pangungusap at MALI naman kung hindi.
1. Ang Military Bases Agreement (MBA) ay nilagdaan noong Marso 24, 1947.
2. Itinakda ng kasunduang base-militar ang pagpapahintulot na manatili sa Pilipinas
ang 23 base-militar ng Amerika sa iba’t ibang sulok ng bansa.
3. Ang ilan sa mga kilalang base-militar ng mga Amerikano sa bansa ay ang Clark Air
Base, Subic Naval Base, at Camp John Hay.
4. Ang Clark Air Base ay matatagpuan sa Olongapo, Zambales.
5. Ang Subic Naval Base ay matatagpuan sa Baguio.
6. Ang Camp John Hay ay matatagpuan sa Pampanga.
7. Higit pang lumakas ang pananatili ng kapangyarihang military ng mga Amerikano sa
bansa nang lagdaan noong Marso 11, 1947 ang Military Assistance Agreement.
8. Ang Military Assistance Agreement ay ang pagbibigay ng Pilipinas sa mga
Amerikano ng karapatang tumulong sa pamamahala at pagpaplano ng Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas.
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Mga Puna (may include notes of
teacher for not achieving the Out of _____ learners, there are ______ who got 80% in the activity so the lesson ________ attained.
lesson/target if any; comments of
principal and other instructional
supervisors during their
announced/unannounced visits)

Prepared by: Noted:

MARIA FE P. INTINA MILAGROS M. TIANAN


Teacher I ESP-I

You might also like