You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino 6

Quarter 1 Date & Time September 20, 2022


Module No. 5 Module title Pagbasa at Pagsulat, Gabay at Kaakibat
Tungo sa Hinaharap!
Week & Day No. Week 5 Day 2 Lesson/Topic Paggamit ang magagalang na pananalita sa
iba’t ibang sitwasyon: PAGBIBIGAY NG
REAKSIYON
I. Mga Layunin:
A. Natutukoy ang mga magagalang na pananalita sa Pagbibigay nga Reaksiyon
B. Naibibigay ang mga magagalang na pananalita
C. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagbibigay ng reaksiyon.
II. PAKSA :Paggamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon: PAGBIBIGAY NG
REAKSIYON

● Mga Kagamitang Pampaturo - Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6, Filipino 6 MODULE 4

III. Pamamaaraan
A. Balik – Aral/ Basahin ang kwentong “Alamat ng Ampalaya”
Paghahanda/Pagganyak Ipaggawa ang sumusunod:
Ipabasa sa mga bata nang sabay-sabay o basahin ng Guro

Alamat ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng
gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at
malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang
kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si
Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis
na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si
Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang
taglay ay di maipaliwanag.
Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang
kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya
ng masama sa kapwa niyang mga gulay. Nang sumapit ang gabi kinuha ni
Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang
isinuot.
Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin
ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag,
nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at
laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian
na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila
si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng
lupain. Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito
nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga
kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang
kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali
ay nag-iba ang kanyang anyo. Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis
at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang
katawan.
Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi
magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang
kanyang kulay ay naging madilim na luntian. Ngayon, kahit masustansiyang
gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait
na kanyang lasa.

1. Ano-anong mga gulay ang nababanggit sa kwento?

Sagot: Ang mga gulay na nababanggit sa kuwento ay kalabasa,


kamatis, luy-a, labanos, talong, mustasa, singkamas, sibuyas,
patola at ampalaya.

2. Ano ang kasalanan ng ampalaya?


Sagot: Ang kasalanan ni ampalaya ay nagnanakaw ng
magagandang katangian sa kapwa niya gulay.

3. Paano naging mapait ang lasa ng ampalaya?


Sagot: Ang ibat-ibang lasa ng mga gulay ay naghatid ng hindi
magandang panlasa sa kanya kung kaya’t naging mapait ang lasa
ng ampalaya.
● Kung ikaw ay isang gulay at isa ka sa ninakawan ni Ampalaya ng
magandang katangian, ano ang mararamdaman mo?

● Ano ang gagawin mo?

Posibleng Sagot: Magagalit po ako.


Ang gagawin ko po ay kakausapin ko siya na huwag ng ulitin ang
ginawa niya kasi mali ang magnakaw.

- (Ito ay isang halimbawa ng pagbibigay ng reaksiyon gamit ang


magalang na pananalita.)
Anu-anong magagalang na pananalita ang ginagamit sa pagbibigay ng
Reaksiyon?

B. Paglalahad/Pagtatalakay
Ang pagbibigay – reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil
naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinion, o pananaw hinggil sa
mga kaisipang inilahad.
Ang pagbibigay-reaksiyon ay maaring sa pamamagitan ng
pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsalita o kausap. Sikapin
lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng
damdamin ng kapwa.

● Kung ikaw ay isang gulay at isa ka sa ninakawan ni Ampalaya ng


magandang katangian, ano ang mararamdaman mo?

● Ano ang gagawin mo?

Posibleng Sagot: Magagalit po ako.


Ang gagawin ko po ay kakausapin ko siya na huwag ng ulitin ang
ginawa niya kasi mali ang magnakaw.

- (Ito ay isang halimbawa ng pagbibigay ng reaksiyon gamit ang


magalang na pananalita.)

C. Paglalahat Mahalaga ba ang paggamit ng Magagalang na Pananalita sa pagbibigay ng


reaksiyon?

Mahalagang maalala at magamit ang magagandang pananalita


sa pang-araw-araw na buhay. Ang paggamit ng magagandang pananalita
ay maaring simulan sa tahanan, paaralan at sa mga kaibigan.

D. Paglalapat Basahin ang Kwentong “ANG ARAL NG DAMO” at ibigay ang


hinuha/palagay o reaksiyon sa nabasang kwento.

ANG ARAL NG DAMO


May anghel na galing sa langit na nagbisita upang ang lahat ng
nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan. “G. punongkahoy, ikaw ba’y
maligaya?” tanong ng anghel. “Hindi” ang sagot sa tinig na walang sigla,
“sapagkat ako’y walang bulaklak.”
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang masiyasat. “. Bb.
Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa iyong paligid?” ”Hindi ako maligaya
sapagkat wala aki=ong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda
roon. Siya’y umuugoy sa amihan. ang kanyang bango na taboy ng hangin
ay kahali-halina.
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang
damdamin nito. “ako’y hindi nasiyahan. wala akong bunga. Nainggit ako sa
saging!Iyon, siya’y natatanaw ako. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”
Ang anghel a y lumapit sa saging. “G. Saging , Kumusta? Ikaw ba’y
nasisiyahan sa iyong sarili?”
“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay ng katulad ng
sa narra! Pag malakas ang hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! nais ko
sanang matulad sa narra!” Nagpunta ang anghel sa narra at nag tanong,
“Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?”
“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! pakli ng nagsisilbing
proteksiyon!” pakli ng narra. “kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para sa
iyong sarili?
“Masaya ako!” sagot ng damo. “ Ayaw kong mamumulaklak. walang
kwenta an bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako ay
ako… hindi nanaghili kaninuman pagkat maligaya!”

Sagutan ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong hinuha o


reaksiyon gamit ang magagalang na pananalita. (salungguhitan ang mga
magagalang na salitang ginagamit sa inyong sagot)

1. Sa tingin mo, bakit gustong malaman ng anghel ang mga


nararamdaman ng mga halaman/puno?

E. Pagpapayaman Sagutin ang mga katanungan base sa kwentong


“Ang Aral ng Damo” (salungguhitan ang mga magagalang na salitang ginagamit
sa iyong sagot)

1.Bakit hindi masaya ang punongkahoy? bulaklak? gardenia? narra?


2.Anong magandang ugali ang ipinakita ng damo?
3.Kung ikaw ang tatanungin, ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?
Bakit?
4.Masaya ka ba sa mga nakikita mo sa iyong paligid ngayon? Bakit?

IV. Pagtataya Panuto: Basahin ang sumusunod na sanaysay. Sumulat ng isang talata na
may isangdaang salita o higit pa na nagbibigay ng sariling reaksiyon tungkol
( Formative Test Only) sa nabasang sanaysay. Gamitin ang magagalang na pananalita sa
pagbibigay ng reaksiyon.
(Refer Gabay sa Pagkatuto 6 o Learning Acitvity Sheet 6 ) Week 5 Day 2

V. Takdang Aralin
(to be given every Monday)

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80%
Remarks (may include notes of
teacher for not achieving the Out of 12 learners, there are _____ who got 80% in the activity so the
lesson/target if any; comments of lesson was attained.
principal and other instructional
supervisors during their
announced/unannounced visits)
Prepared by:
DESIE P. BAGUE
T-I
Noted:
MILAGROS M. TIANAN
ESP-I

You might also like