You are on page 1of 7

BAROBO DISTRICT II

6
Filipino 6
Ikalawang Kwarter -Unang Linggo
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Talaarawan at Anekdota

Division of Surigao del Sur


0
Division of Surigao del Sur
Barobo II District

Filipino 6 – Ikalawang Kwarter, Unang Linggo


Competency:
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang talaarawan at
anekdota F6RC-lld-f-3.1.1
 Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto
 Naibibigay ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman

Layunin: Pagkatapos ng aralin sa linggong ito, ang mga bata ay inaasahang:


o Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang talaarawan
o Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang
teksto
o Naibibigay ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating
karanasan/kaalaman

Schedule Activities Reference/


Resource
Day 1 Gawain 1 See
Panuto: Basahin ng mabuti ang talaarawan na nasa Enclosure 1a Enclosure
sa pahina 4at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa 1a, p4
sagutang papel.

Mga tanong:
1. Anong petsa isinulat ni Karen ang talaarawan?
2. Ano-ano ang ginawa ni Karen bago pumasok sa paaralan?
3. Bakit siya uminom ng gamot?
4. Saan sila nananghalian?
5. Bakit bumalik agad sa silid-aralan si Karen at ang kanyang
mga kaklase?
See
Panuto: Basahin at unawain ang anekdotang “Sa Isang Kisapmata” Enclosure
na nasa Enclosure 1b at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1b,5
6. Kaninong anekdota ang inyong nabasa?
7. Sino si Agar?
8. Sino si Abraham na tinutukoy sa Bibliya?
9. Ka anu-ano ni Abraham si Sara?
10. Ano ang naging reaksiyon ni Agar ng magpasyang
palayasin sila ni Sara?

Day 2 Gawain 2 See


Panuto: Basahin at unawain ang kwentong “Si Billy Pabili” na nasa Enclosure
Enclosure 2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol 2,p6
sa binasang kwento:
1. Ano ang katangian ni Billy? Ang nanay at tatay?
2. Ano-ano ang mga ipinabibili ni Billy?
3. Saan nagpunta ang mag-anak sa kaarawan ni Billy?
4. Bakit hindi nagsasalita si Billy at mukhang ayaw kumain ng
nandoon sila sa Jollibee?
5. Anong pangyayari ang nagpabago kay Billy? Ano ang
1
kanyang ginawa?
6. Tama bang ibigay na lang lahat ng hinihiling ng anak kahit
hindi importante?
7. Kung pagbibigyan ka nang pagkakataon na baguhin ang
wakas ng kwento, paano mo ito pagbibigyan ng wakas?
Day 3 Gawain 3 Tingnan
Panuto: Narito ang ilang sitwasyon. Alin kaya rito ang maaari mong ang
maiugnay sa hindi mo malilimutang karanasan? Pumili ng isa at Enclosure
ipaliwanag. 2

a. Nagpabili ako kay nanay ng laruan.


b. Sa ukay-ukay siya bumubili ng damit.
c. Bumili ng masarap na pagkain si tatay.
d. Noon naisip ko na kami ang No. 1 nila, kaming mga anak.
e. Namasyal kami sa mall.

Panuto: Basahin ang sitwasyon. Isulat ang inyong sagot sa


patlang.

1. Naranasan mo na bang magpabili ng laruang gustong-gusto mo


ngunit hindi binili? Ano ang iyong naramdaman at ginawa?
Isalaysay ito.

2. Naranasan mo na bang nagkasakit ang nanay mo at hindi


makapagtrabaho? Ano ang iyong naramdaman at ginawa?
Isalaysay.

Day 4 Self-check of all activities (guided by parents or learning


facilitators)

Day 5 Performance Task Papel

 Sumulat ng talaarawan ng iyong mga nagawa sa Linggong


ito. Isulat sa isang buong papel.

2
Answer Key

Gawain 1.
1. Isinulat ni Karen ang talaarawan noong ika-5 ng Enero 2020.
2. Bago pumasok sa paaralan si Karen, siya ay nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at
nagsipilyo ng ngipin.
3. Uminom siya ng gamot dahil biglang sumakit ang kanyang ngipin.
4. Nananghalian sila sa kalenderya ni Aling Nena.
5. Bumalik agad sila sa silid-aralan dahil mag-aaral sila para sa kanilng pagsubok o pagsasanay.

6. Anekdota ni Agar
7. Si Agar ay taga Ehiptong kasambahay nina Abraham at Sara.
8. Si Abraham ang tuwirang tinutukoy na kabungguang balikat ng Diyos.
9. Si Sara ay kapila ng buhay ni Abraham.
10. Biglang nagging balat sibuyas si Agar.

Gawain 2.

1. Si Billy ay isang batang lagging nagpapabili sa kanyang nanay at tatay ng kahit anumang
magustuhan nito. Ang katangian naman ng kanyang nanay at tatay ay masipag sa pagtatrabaho at
mapagmahal na magulang.

2. Ang mg ipinabibili ni Billy ay laruang kabayo at sapatos.

3. Nagpunta sa mall ang mag-anak sa kaarawan ni Billy.

4. Hindi nagsalita si Billy at mukhang ayaw kumain ng nandoon sila sa Jollibee dahil hindi nila binili
ang bisikleta.

5. Ang pagyayaring nagpabago kay Billy ay nang magkasakit ang kanyang nanay at hirap naman sa
paghahanap ng pera ang kanyang tatay. Ibinenta ni Billy ang kanyang mga laruan pati ang bisikleta
upang makatulong sa magulang.

6. Hindi tama ana ibigay na lang lahat ng hinihiling ng anak maliban na lang kung ito ay importante.

7. Maaring magkaiba ang sagot ng mag-aaral.

Gawain 3.

- Tanggapin ang maaring sagot ng mag-aaral.

Inihanda nina:

RN R. GENOTIVA HERLYN R. AMERICA


Teacher II Teacher II

References: https://depedstorybooklovers.com/2020/11/04/complete-self-learning-modules-quarter-
2-kinder-to-senior-high/
3
Enclosure 1a: Information Sheet

Ang talaarawan ay isang personal na rekord ng mga kaganapan, karanasan,


pag-iisip, at mga obserbasyon.Ito ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-
bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, na
sumusunod sa porma ng kalendaryo.
Ilan sa pinagkakagamitan ay ang mga sumusunod:

1. Mala journal na listahan.


2. Listahan ng dapat gawin
3. Listahan ng mga nagawa
4. Listahan ng saloobin o nadarama at iniisip.
5. Listahan ng pantasya

Enero 5, 2020
Mahal kong Talaarawan,
Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong
nagpunta sa paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako,
nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng ngipin.
Pagkatapos kong magsipilyo ay inihinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating
ko sa paaralan ay biglang sumakit ang aking ngipin. Kaya uminom agad ako ng
gamot upang mawala ang sakit.
Sa tanghalian ay masaya kaming kumain sa karinderya ni Aling Nena at
pagkatapos dumiretso kami sa silid-aralan. Nag-aral din ako sa paksa namin sa
Filipino dahil magkakaroon kami ng pagsubok. At iyan ang mga ginawa ko sa araw
na ito.
Nagmamahal,
Karen

4
Enclosure 1b: Information Sheet
Ano ang Anekdota?

- Ito ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang o patalambuhay na


pangyayari.

Basahin ang halimbawa ng anekdota sa ibaba.

Sa Isang Kisapmata

Anekdota ni Agar
Isinulat ni: Charence A. Yack

Isang araw ng Linggo, araw ng pagsamba ay nakarinig ako ng isang salita


ng Diyos na nag udyok sa aking gumawa ng anekdota tungkol kay Agar. Hindi
lingid sa kaalamang nakararami na si Agar ay isang taga Ehiptong kasambahay
ni Abraham. Si Abraham ay isang tuwirang tinutukoy sa Bibliya na natatanging
kabungguang balikat ng Diyos. May anak si Agar at si Abraham pero hindi sila
magmamahabang dulang. Si Sara ang tunay na kapilas ng buhay ni Abraham.
Nagkasupling sila na may pahintulot ni Sara dahil akala niya hindi na sila
magkaanak ni Abraham dahil pareho na silang matanda. Pero nang magkaanak si
Sara kay Abraham ay hinimok niya itong palayasin na si Agar dahil kumukulo ang
dugo nito. Biglang naging balat sibuyas si Agar at parang may daga sa kanyang
dibdib. Pinabaunan sila ni Abraham ng tubig at pagkain sa kanilang pag-alis
habang karga karga niya ang anak ay panay lipad ang kanyang isipan. Hindi niya
alam kong ano gagawin sa anak kaya umupo na lang siya ng may halos isang
daang metro ang layo sa kanyang anak dahil ayaw niyang makita ang anak na
mamamatay sa gutom. Narininig ng Diyos ang iyak ng bata kaya sa isang kisap
mata ay may Anghel nasa harap niya na inutusan ng Diyos na sabihin kay Agar na
kargahin ang anak , patahanin at huwag mag alala dahil naririnig ito ng Diyos.
Kaya sa isang kisap mata ay naging panatag ang kalooban ni Agar.

5
Enclosure 2: Information Sheet

Pag-uugnay ng sariling Karanasan sa Nabasang Teksto


Mainam na gabay ang pag-uugnay sa sariling karanasan sa kwentong nabasa o
napakinggan upang mas lalong maintindihan ang teksto. Sa paglalahad ng karansan, nabibigyan
mo ng halaga ang mga pangyayari sa iyong buhay, maganda man ito o hindi.

Basahin ang maikling kwento sa ibaba.


Si Billy Pabili
mula sa maikling kwento ni James Ian R. Ramos

May isang batang lalaki na nagngangalang Billy na laging nagpapabili sa kanyang nanay at tatay ng
kahit anumang magustuhan nito. Kapag si nanay ay pupuntang palengke upang magtinda ng isda agad
siyang nagmamadaling bumangon para sabihin sa kanyang nanay na ibili siya ng laruan kabayo. Kahit walang
pera ang kanyang nanay agad naman itong ibibili para hindi magtampo. At bago umalis ang kanyang tatay
para mamasada ng kanyang sasakyang dyip agad namang iiwanan ni Billy ang kanyang mga laruan para
habulin ang kanyang tatay para sabihing, “Tatay, pagdumaan ka sa pagawaan ng sapatos ibili mo po ako ng
itim na sapatos kasi po luma na ang pampasok kong sapatos.” Kahit mahirap ang buhay at mahina ang
pasada ng kanyang tatay ibibili naman nito si Billy ng kanyang gustong sapatos para hindi ito umiyak ng
umiyak pagbalik nito sa bahay. Tuwang-tuwa naman si Billy sa bago niyang laruang kabayo at bagong biling
sapatos.

Habang kumakain naalala ni Billy na malapit na ang kanyang kaarawan. “Nanay, Tatay malapit na nga
po pala ang kaarawan ko di ba po sabi nyo sa ikapitong taong kaarawan ko ipapasyal niyo po ako sa Mall.”
Nagkatinginan sila nanay at tatay sa sinabi ko. “Sige anak, sa isang buwan pa naman ang iyong kaarawan at
mapag-iipunan pa namin ng iyong nanay.” sabi ni tatay. “Basta anak, pagpumunta tayo sa Mall huwag kang
masyadong magpapabili ha kakain lang tayo sa Jollibee.” sabi ni nanay. “Yehey! Mukhang masaya ang
kaarawan ko.”

Dumating na ang kaarawan ni Billy. Habang sila ay nasa mall manghang- mangha naman si Billy sa
kanyang nakikita, lumapit siya sa laruang robot at ipinabili agad ito. “Basta Billy tama na yang laruan mo na
yan at huwag ka ng magpapabili, alam mo naman na tag-ulan na ngayon at sapat lang ang pera natin para sa
buwan na ito.” sabi ni tatay. “Opo tatay.” sabi ni Billy. Masayang masaya si Billy dahil sa bago niyang laruan at
habang naglalakad patungong Jollibee nadaanan ng mag-anak ang bilihan ng mga bisikleta. Gusto ulit
magpabili ni Billy ngunit mahal ito. Malungkot na umalis sila Billy sa tindahan ng mga bisikleta hanggang sa
makarating sila sa Jollibee. Hindi nagsasalita si Billy at mukhang ayaw kumain. Walang nagawa ang mag-
asawa kundi ibili na lang si Billy ng bisikleta para kumain lang ito at maging masaya. Nang makabili na si Billy
ng bisikleta agad na silang lumabas ng mall pero paglabas nila ay umuulan ng malakas at iisang payong lang
ang dala nila kaya si Billy na ang pinagamit.

Pagdating ng bahay basang basa si nanay at tatay. Mabilis na lumaki ang tubig sa labas ng bahay nila
Billy at paglabas ng tatay niya nakita niyang nabaha ang kanyang sasakyang dyip na pamasada.

Nagkasakit si nanay habang si tatay naman ay hindi makapamasada ng dyip dahil sa nasiraan ito ng
malubog sa baha. Nakita ko si tatay na hirap na hirap na sa paghahanap ng pera para sa pagpapagamot kay
nanay. Naisipan ni Billy na ibenta ang mga laruang pinabili niya, ang mga luma niyang laruan, laruang kabayo,
robot at maging ang kanyang bisikleta ay ibinenta niya para makatulong sa mga gastusin sa bahay at para sa
mga gamot ni nanay.

Masayang masaya si Billy ng makitang gumaling na ang kanyang nanay. Nakita niyang muli ang
matatamis na ngiti ni nanay at ang sigla ni tatay ng makita silang magkasama habang nasa labas ng aming
bakuran. Naunawaan ko na ngayon kung bakit nag-iipon si nanay at tatay. Natutunan ko na rin ngayon na
kailangan ay hindi magpabili ng kung anu-ano lang para sa sarili ko dapat malaman ko rin ang halaga ng
perang aking gagamitin. Natutunan ko rin na bumili lamang tayo ng mga kailangan hindi ang sarili nating
kagustuhan. Masayang makita ang ating pamilyang buo at masigla kaysa sa mga bagay na panandalian lang
ang saya na binibigay sa atin.

You might also like