You are on page 1of 3

FILIPINO 2

2:50 - 3:40

I. Layunin:
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang talata at teksto F2PB-Ih-6 F2PB-
IIIg-6 F2PB-IVd-6

II. Nilalaman:
Paksang Aralin: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga
Sanggunian: Filipino 2 Modyul, Ikatlong Markahan pahina 16-19
Kagamitan: Powerpoint presentation
Government Thrust: Health Education
Pagpapahalaga: Pagkain ng masusustansiyang pagkain
Integrasyon: Health. ESP, MTB

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabaybay
Isulat ang mga salitang ididikta ng guro sa papel.

2. Balik-aral
Ano-anong panghalip panao ang ating napag-aralan? Magbigay ng
pangungusap gamit ang panghalip panao.

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pangganyak
Bakit dapat iwasan ng mga bata ang madalas na pagkain ng sitsirya ?
Anong uri ng pagkain ang mabuti para sa inyong kalusugan?

2. Paghawan ng Balakid
maliksi
Si Ana ay maliksi sa pagkilos. Mabilis niyang natatapos ang anumang
gawain.

Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang maliksi?


A. mabagal B. maingay C. mabilis

3. Pagganyak na Tanong
Ano ang mga pangalan ng kambal sa kuwento ?

4. Pagbasa ng Teksto
Basahin at unawain ang maikling kuwento.

Ang Kambal

Sina Ana at Iya ay kambal . Sila ay parehong mahilig magbasa


ng mga aklat. Pareho din silang mahilig kumanta. Ngunit, magkaiba
naman sila ng hilig sa pagkain. Si Ana ay kumakain ng
masusustansiyang pagkain kaya siya ay malakas at maliksi. Si Iya
naman ay panay kain ng hotdog at sitsirya kaya siya ay mahina at
sakitin.

5. Pagsagot sa mga Tanong mula sa Tekstong Nabasa


Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang mga pangalan ng kambal sa kuwento ?
2. Ano ang mga hilig nilang gawin?
3. Saan magka-iba ang kambal?
4. Ano ang sanhi o dahilan kung bakit malakas at maliksi si Ana?
5. Ano ang bunga ng pagkain ng masusustansiya kay Ana?
6. Ano ang sanhi o dahilan bakit payat at sakitin si Iya?
7. Ano ang bunga kay Iya ng madalas na pagkain ng hotdog at sitsirya?
Basahin . Tukuyin ang sanhi at bunga.
Si Ana ay kumakain ng masusustansiya kaya siya malakas at maliksi.
Si Ana ay malakas at maliksi dahil kumakain ng masusustansiya.

Panay hotdog at sitsirya ang hilig kainin ni Iya kaya siya mahina
at sakitin.
Si Iya ay mahina at sakitin dahil panay hotdog at sitsirya ang hilig kainin.

6. Pagtalakay sa Paksang Aralin


Ano ang sanhi at bunga?
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang kilos, kalagayan o
pangyayari.
Samantalang, ang bunga ang kináuwian o kinalabasan ng gawain o pangyayari .
Mga Halimbawa:
Sanhi: Madalas mag-ensayo ng sayaw si Kayla.
Bunga: Lagi na lamang siya ang isinasali ng kaniyang guro sa paligsahan sa
pagsayaw.
Sanhi: Hatinggabi na kung matulog si Elma.
Bunga: Kaya tanghali na siyang nagigising.

7. Pagsasanay
Sabihin ang posibleng bunga ng pangyayari.
Sanhi Posibleng Bunga
1. Araw-araw nag-eehersisyo si Klea. 1. _____________________
2. Tamad magsepilyo si Boyet. 2. _____________________
3. Naiwan ni Tom na bukas ang 3. _____________________
gripo magdamag.

8. Paglalahat
Kompletuhin ang pangungusap.

Nabatid ko na kapag ang salita ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang kilos,


kalagayan o pangyayari, ito ay tinatawag na _____________.

Ang _________________ naman ay ang kináuwian o kinalabasan ng gawain o


pangyayari .

IV. Pagtataya
Pag-ugnayin ang sanhi at bunga ng pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot.

SANHI BUNGA
1. Walang ingat si Mona sa paglalakad. A.
2. Walang dalang payong si Alan. B.

3. Nag-aaral mabuti si Ella. C.

4. Umalis si Troy ng walang paalam. D.

5. Dinidiligan ni Ann ang E.


kanyang pananim.

V. Takdang Aralin
Isaisip lagi ang magiging bunga ng inyong mga ginagawa sa araw-araw.

P.L.
5x
4x
3x
2x
1x
0x
Total
%

You might also like