You are on page 1of 5

Pangalan:

Baitang: Pangkat: Petsa:

Sa-Bu: Hudyat ng Sanhi at Bunga


Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa (F8WG-Ig-h-22)

Alamin Natin!
Isang mapagpalang umaga sa iyo! Kumusta araw mo? May plano ka bang gagawin
ngayon pagkatapos nito? Oops! Mamaya na dahil may bago tayong tatalakayin. Tanong
ko lang, may mga bagay ka bang ginawa na iyong pinagsisisihan? Kung oo, halina’t ating pag-
aralan ang bagong paksa.
Layunin:
a. Natutukoy ang sanhi at bunga sa pangungusap;
b. Nakabubuo ng sariling sanhi at bunga batay sa ibinigay na parirala;
c. Nakadudugtong ng hudyat ng sanhi at bunga upang mabuo ang pangungusap;

Subukin Natin!
Alam mo ba kung paano hanapin ang magkakaugnay na mga larawan? Uy, mahusay
ka, ha! Sige nga, suriin at pagtapatin ang magkakaugnay na mga larawan sa ibaba.

a
1.

b.
2.

3. c.

4.
d.

5.
e.
Aralin Natin!
Mahusay! Ang galing mo sa unang gawain! Ngayon, basahin at unawain mo ang
tekstong nakasulat sa bahaging ito. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Simulan
mo na ang pagbabasa ngayon.

Ibalon
Buod ng Epiko ng Bikol

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking


baboy-ramo. Siya’y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at
doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay
ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang
baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay
matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga
dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na
kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong
magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba
pang mga masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao nang
maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang
pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.

Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng
palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng


kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang
sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang
mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit
sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay
Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.

Nalaman ni Baltog na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang
natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man
si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos
ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang
ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo
ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

Sagutin Natin.
1. Ano ang kinatatakutan ng mga tao sa Ibalon? Bakit?
2. Bakit kaya tinulungan ni Handiong si Baltog sa pagtugis ng baboy-ramo?
3. Ano-ano ang mga nalipol ng mga lalaki sa Ibalon?
4. Paano ipinakita ng mga tao sa Ibalon ang pagkakaisa?
5. Kung ikaw ang tatanungin, nararapat ba na parusahan si Bantong ng Diyos? Ipaliwanag.
Gawin Natin!
O, nakawiwili bang basahin ang Epiko ng Bikol na Ibalon? Talagang nakawiwili
nga, lalo pa’t nagkukwento ito tungkol sa kung ano ang magiging kapalit ng ating
mga ginagawa. Ngayon kung naunawaan mo nang lubos ang teksto, subukin mong bumuo
ng sanhi o bunga ng mga sumusunod na pangyayari ayon sa nabasang epiko.

Sanhi Bunga
1. nakarating si Baltog sa lupain ng Ibalon.
2. Nalipol nila Handiong ang mga
masasamang hayop sa Ibalon
3. pinarusahan ng Diyos ang Ibalon.
4. Maraming nagtangkang pumatay sa
halimaw na kalahating tao at hayop
5. Tinuruan nina Baltog at mga tauhan ni
Handiong ang mga tao ng mga gawain.

Sanayin Natin!
Madali lang ba? Binabati kita kung tama lahat ng sagot mo! Sa bahaging ito,
subukin naman natin ang iyong husay sa pagtukoy sa sanhi at bunga sa
pangungusap. Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga sa mga sumusunod na
pangungusap.

1. Nahulog ang bata sa kanal dahil hindi niya tinitingnan ang kanyang dinaraanan.
2. Pangarap ni Marie na maging guro kaya nag-aral siyang mabuti.
3. Maraming nagkakasakit kasi hindi malinis ang kanilang kapaligiran
4. Bunga ng pagpuputol ng mga punongkahoy, madalas na bumabaha sa ibang lugar.
5. Hindi nakadalo si Angel sa pagtitipon sapagkat nagkaroon siya ng lagnat.
6. Dahil sa kahirapan kaya maraming nagugutom na bata.
7. Nagtutulungan ang pamilya ni Mang Jose kaya nakaraos sila.
8. Pinag-aralang mabuti ni Juan ang leksiyon kagabi kaya nakakuha siya ng mataas na
marka.
9. Nadapa ako dahil nasira ang aking sapatos.
10.Madalas naghuhugas ng kamay ang bata kaya hindi siya dinadapuan ng sakit.

Tandaan Natin!
Magaling! Ang husay mo! Isa lang ang ibig sabihin nito, naunawaan mong mabuti ang
tekstong iyong binasa. Isaisip natin na ang malinaw, mabisa, at lohikal na
pagpapahayag ay naipapakita sa maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at
pangungusap.
Mahalaga rin sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang
higit itong maunawaan. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, may mga
hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan. Ang mga hudyat na
nagpapahayag ng sahi o dahilan ay sapagkat, dahil/dahil sa, paligbasa, at kasi, naging at iba
pa. Ang hudyat naman na nagpapahayag ng bunga o resulta ay kaya, kaya naman, kung kaya,
bunga nito, tulot, at iba pa.

Suriin Natin!
Naliwanagan ka ba kung ano ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari? Mahusay! Ngayon, punan ng angkop na sanhi at bunga ang mga kahon
kaugnay ng sinundang detalye.

SULYAP NG BUHAY SA
PANAHON NG EPIDEMYA
Mga Sanhi Mga Bunga

Makinig ng mga balita sa


telebisyon o radyo

para makaiwas sa sakit.

Sumunod sa mga patakaran

Matutong dumiskarte sa
buhay

kaya nagkagulo sa ayuda ng


gobyerno

Payabungin Natin!
Ang husay mo! Ang galing mong mag-isip ng mga sitwasyon na maaring maging
resulta o sanhi ng isang sitwasyon. Ngayon, basahin ang kalagayan na inilahad.
Ibigay ang sanhi at bunga nito. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Mapayapa ang bansa dahil sa mga programa ng pamahalaan.


Sanhi: _______________________________
Bunga: _______________________________

2. Maraming mga gusali ang gumuho dahil sa malakas na lindol


Sanhi: _______________________________
Bunga: ______________________________

3. Huwarang mag-aaral si CJ kaya pinarangalan siya


Sanhi: _______________________________
Bunga: ______________________________

4. Tumulong sa gawaing bahay kung walang pasok upang mabawasan ang gawain ng mga
magulang.
Sanhi: _______________________________
Bunga : ______________________________

5. Si Maria ay mahilig mag-ipon ng pera kaya nakabili siya ng bagong Cellphone.


Sanhi: _______________________________
Bunga: ______________________________

Pagnilayan Natin!
Kumusta ang pag-aaral mo sa modyul na ito? Siguro, may mga bahagi na medyo nahirapan ka
at may mga bahagi naman na nadalian ka lang at kayang-kaya mo, ano? Minsan madali
lamang at kung minsan, may hirap din naman. Pero ang mahalaga, may natututunan ka.
Tandaan, ang hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari ay nakatutulong upang mas maging
malinaw ang iyong gustong sabihin. Kung atin itong isasabuhay, ang bawat ginagawa natin ay
may kalakip na bunga o resulta, maaring positibo o negatibo man. Ang mahalaga alam mo kung
ano ang iyong ginagawa.

Writer: Jay Mark I. Sausa


Illustrator: Insert Name Here
Template developer: Neil Edward D. Diaz, PDO II – LRMS, Davao del Norte

Answer key to Activities (Separate Sheet)

You might also like