You are on page 1of 3

COVID-19 positivity rate sa NCR,

tumaas
Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
November 29, 2022 | 12:00am
Some shoppers [keep their mask on/remove their mask] at a public market in Marikina City on Wednesday,
Sept. 14, 2022 following President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr's suspension of the mandatory policy on
face masks in outdoor settings on September 12.
The STAR/Walter Bollozos
MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National
Capital Region (NCR) na umakyat na sa 11.1% sa loob ng nakalipas na pitong araw.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, mula sa dating 7.5% lamang
noong Nobyembre 19, tumaas sa 11.1% ang positivity rate sa rehiyon pagsapit nitong
Nobyembre 26.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa
kabuuang bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa COVID test.

Bukod sa NCR, nagsitaas na rin ang positivity rate sa iba pang lalawigan kabilang ang
Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, at
Pangasinan.

Ang Isabela ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa Luzon na nasa


44.4%.

Nasa 12 lugar naman sa Luzon ang nakitaan ng pagbaba ng positivity rates sa


nasabing panahon.

Kabilang dito ang Albay, Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija,
Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

Ayon sa DOH, ang NCR ang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa


nagdaang dalawang linggo na may 3,874 kaso, sumunod ang Calabarzon na may
1,961 at Western Visayas na 1,293 kaso. — Angie dela Cruz
Lolo nabagok habang lumilikas sa
sunog sa Quezon City, patay!
Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
November 29, 2022 | 12:00am

Jesse Bustos
MANILA, Philippines — Isang lolo ang patay nang mabagok ang ulo habang
lumilikas nang masunog ang ilang tahanan sa isang residential area sa
Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Delfin Enerva, 67, ng Barangay Holy Spirit, Quezon
City.

Batay sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City,


dakong alas-4 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa
ikalawang palapag ng tahanan ni Nestor Bactismo sa Saint Vincent St., Brgy.
Holy Spirit.

Nabatid na malaki na ang apoy at hindi na niya naapula kaya’t iniligtas na


lang ang mga anak.

Mabilis namang kumalat ang apoy sa mga katabing bahay kaya’t


nagmamadaling nagsilikas ang mga kapitbahay, kabilang ang biktima.

Gayunman, habang lumilikas ay minalas na madulas ang biktima at mabagok


ang ulo.

Naisugod pa siya sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Tinatayang nasa 20 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok


sa may 10 tahanan.

Alas-5:50 ng madaling araw nang maideklarang under control ang sunog


bago tuluyang naapula dakong alas-6:20 ng umaga.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung


magkano ang halaga ng mga ari-arian na tinupok nito.

You might also like